Showing posts with label Travel Factor. Show all posts
Showing posts with label Travel Factor. Show all posts

Monday, April 23, 2012

WAVE Lesson

Ang buhay, sa opinyon ko, ay parang isang WAVE Lesson. 

Sa gitna ng kawalan, makikiramdam.  Magmamasid.  Magpapatianod.  Pilit tatayo sa bawat parating na alon.  Babalanse.  Tutungo sa dalampasigan kahit ano mang mangyari. 

Kung sakali mang bumagsak, tatayo at tatayong muli. 

Hindi susuko.


* * * * *


Tatlong beses lang akong nakapag-surfing sa tanang-buhay ko kaya pagpasensyahan na po ang aking porma

Ansarap lang ma-stoke.  Ibang level ang bliss.  Pumi-freedom. 


1.  LA UNION - sumama ko dito sa Travel Factor as a solo traveler.  2nd time kong magtravel with total strangers.  Una ko nung sa El Nido.


Tutorial

Grabbed from Master Jolan





2.  ZAMBALES - solo traveler pa din with Travel Factor.  Side trip to ng Anawangin/Capones trip.  Malapit kaya dito yung Scarborough Shoal?







3.  RIZAL - dahil hindi pwede lumayo, tr-in-y naman sa artificial wave pool.  Ansakit sa paa dahil antigas ng semento at yung pintura ng pool nasa talampakan mo na pagkatapos!   







Hindi ko alam ang magiging pang-apat pero sana, makapag-wave lesson ulit sa lalong madaling panahon at habang kaya pa ng buto-buto ko.

Bagasbas, Siargao, Baler o Bali --- antay lang ha!

Friday, January 20, 2012

BOURNE L-nido-cy

Excited ako nung nalaman kong ang 4th installment ng Bourne Series ay isu-shoot sa Pinas. 

Iba ang pride dahil lumi-level na tayo sa US, Italy, France, Spain, India, Germany, Russia, Netherlands at Morocco; which were all previous locations of the trilogy.  Ngayon, pagkakataon naman natin para magkaroon ng exposure ang ating Lupang Hinirang sa international scene, yeba!

Medyo bagsak balikat lang.  Parang Slumdog Millionaire ata ang magiging dating ng bansa natin.  Kasi ang mga locations e sa San Andres Market, Navotas Fish Port, Marikina Market, Pasay Rotonda at Jones Bridge.  Medyo may scene rin daw sa MRT Ayala. 

Yung sa Ayala, okay yun.  Atlis makikita nilang we are not-so-provincial-and-barriotic after all.  Yun kasi perception nila sa Pinas.  Kala nila sobrang hirap natin.  Kala nila sobrang left behind.  Di nila alam sobrang ahead nga natin.  Been there.  Done that.  Kaya lang, nag-stagnate.

Tapos nung nalaman kong mag-e-EL NIDO rin sila, napa-yeba ulit ako!  Anganda kaya sa EL NIDO!  Tapos makikita sa BUONG mundo?  PANALO!       


El Nido


Sa palagay ko ang El Nido ang PINAKA sa lahat ng mga beach destinations sa Pinas.  Under rated lang.  Saka mahirap lang marating dahil 5-6 hours ang land travel from Puerto Princesa.  At medyo baku-bako ang daan.  Pero wag ka.  Once andon ka na, sulit naman talaga.     

Babala:  CAM WHORE Ahead.




Topmost LEFT photo (clockwise):  MeTikoy, Louie, Jen & Nonie.  Chinese dude is Joe. 


Ang ganda di ba?

Kaya sa mga bagets na hindi alam kung ano ba ang dapat nilang gawin sa youthness nila, I suggest e libutin na lang ang Pinas.  Medyo magastos lang pero much better kesa mag-umimow o magpakalulong sa kaka-gimik.

And actually ginamit ko lang talaga ang Bourne Legacy para ma-post ang mga old Multiply photos ko hehe.  Pasensya naman. 

At kung nag-skip-read ka, gusto ko rin sanang magpromote ng PAKULO ko.  Click nyo lang at sali na!

Tuesday, November 8, 2011

EKSENA sa IMMIGRATION

Papunta ako ng Abu Dhabi nang maranasan kong mainterogate ng bonggang-bongga.  Pakiramdam ko, ultimo kaliit-liitang himaymay ng cells sa katawan ko e nabutingting. 

Yinurakan ang pagkatao, tinapak-tapakan ang self-esteem, inalipusta, nalait, nasigawan, hay sobrang sakit talaga:

Immigration Officer:  San ka pupunta?
McRICH:  Sa Abu Dhabi po.
Immigration Officer:  Anong gagawin mo don?
McRICH:  Magta-travel po.
Immigration Officer:  Bakit marami ka bang pera?
McRICH:  Tama lang po.
Immigration Officer:  Bakit saan-saan ka na ba nakapunta?

Inisa-isa ko sa Immigration Officer ang lahat ng mga napuntahan kong lugar sa buong buhay ko at kinarir pa further ang question and answer portion. 

Later, naisip ko na baka naman suspek ako sa isang krimen kaya nya ako gina-ganito.

Immigration Officer:  Gaano kahaba ang Palawan Subterranean Underground River?

Huwaaat? 

Kahit naman siguro isang libo at isang tuwa akong pumunta sa Palawan Subterranean Underground River, at nasa matino akong pag-iisip, e hindi ko pag-aaksayahang alamin ang kabuuang haba nito.

Buti kung nag-aaral pa ko at ito ang paksa sa Social Studies baka pa.

Besides, ito ba ang kasagutan sa kahirapan?  Bababa ba ang crime rate ng Pilipinas kung iri-recite, with feelings, ng bawat mamamayang Pilipino ang kabuuang haba ng Palawan Subterranean Underground River?  Masu-solusyonan na ba ang kumakalat na dengue sa bansa with this travel fact?    

Ewan ko sa yo Sir.

Basta pagtapos ng eksenang ito with the Immigration Officer, naging gatuldok ang tingin ko sa sarili ko. 

Pero pumasok ako sa boarding area ng may NGITI sa LABI, tagumpay hehe!


 * * * * *

This tour will consume, almost, your whole day. 

Sa dalawang beses ko kasing pumunta don, hindi pa rin ayos ang daan.  May mga areas na bako-bako at maputik (depende sa season syempre) kaya ihanda mo na ang katawang-lupa mo.


Stop-over bago mag-Sabang Port.
Kailangan mag-register dito.

Old Sabang port.


Ito ang lumang Sabang port.  Nung bumalik kasi ako nung 2009, maayos na ito.  Wala na yung mga bato-bato sa paligid.  Parang naging mala-breakwater sa CCP.





Ito ang pathway papunta sa bunganga ng kweba. Parang nature-trail na rin where you can find free-roaming animals like monkeys and monitor lizards.





Ang mga ka-batch naming mga inglesero't inglesera, kung saan literal na sumakit ang ulo ni Rose sa haba ng byahe at pakikipag-usap sa mga englishers hehe.



Nose bleed.


Boat ride to the cave.

Bukana ng kweba.

Manger Scene - Joseph & Mary?

Upos ng kandila?

View from inside.


Marami pang makikitang other rock formations, stalactites and stalagmites sa loob na animo'y onion, garlic, mais, pati na lahat ng gulay sa kantang Bahay Kubo. 

Madami ring paniki.  Lumalabas sila ng kweba sa gabi para manginain.


Hindi kami ang mga paniki ha.
Pero mahilig din kaming manginain hehe.


Tip lang sa pupunta ng kweba, pakiaagahan nyo po, kasi ang alon pag bandang hapon na e talagang pamatay at wari ba'y ayaw ka nang pabalikin sa sibilisasyon.





At tulad ng nasabi ko, bumalik ulit ako sa lugar na to nung pumunta akong El Nido.  Kasama kasi sa package ng Travel Factor.

Inaayos na ang port.  Sana hindi na lang inayos.
Parang mas okay kasi yung dati.  Mas natural ang dating.

Kasama ang ngasab package kahit nung una kong punta. 
Nalimot kong sabihin.

Take Two sa Underground River.

With  Louie, Joe, Tix, Jen, & Nonie.


Sya nga pala, hanggang 11.11.2011 na lang ang botohan sa New 7 Wonders of Nature, at kung hindi mo pa alam (san ka ba nanggaling ha?), nominated ang Puerto Princesa Underground River sa patimpalak na ito.

Boto na!  

Saturday, April 18, 2009

Day 15 - A LOVE Letter




AIMEE,

Nakita ko iyong mga litrato mo, ang saya-saya mo.  Ngayon lang kita nakitang ganyan kasaya!  Parang mas masaya ka pa nga dyan kaysa noong kasama mo ko dito, hehe :D 

Kunsabagay, iba naman kasi talaga kapag kasama ang pamilya.  Walang pagsidlan ang kaligayahan.  Nag-iiwan ito ng pitak sa ating alaala at habambuhay nang nakatimo sa ating puso at isipan.  (Parang ang korni ano, pagbigyan mo na lang ha at lulubusin ko pa.)  Ito rin ang nakakapagpaalala kung gaano tayo kamahal ng Diyos --- dahil biniyayaan Niya tayo ng pamilyang mapag-aruga at pamilyang laging nakasuporta sa ano mang desisyon natin sa buhay.  Hindi ba't sobra-sobrang biyaya na ito?

Ang ganda ng mga kuha nyo sa Sagada.  Kitang kita ko na talagang nag-enjoy kayo.  Na kahit pagod na sa kakalakad ay walang kapaguran pa rin sa pag-Jumpshot.  Kaka-adik tumalon ano?  Kasi kapag tumalon kayo, parang iyon na 'yong kabuuan ng iyong nadarama.  Maligaya, masaya, pagod, 'di mapakali.  Basta, hindi maipaliwanag.  Kaya nga't daanin na lang sa pagtalon.

Binabati ko nga pala kayo sa pagtapos nyo ng Cave Connection.  Alam ko namang kaya nyo 'yon.  Walang pagdududa.  Kaso nga lang, bakit parang wala kayong masyadong litrato sa loob.  Sayang naman kung ganoon, kasi maganda ang mga rock formations sa loob.  Maganda sanang alaala.  Na minsan, kinalimutan nyo ang lahat ng inhibisyon at kaartehan sa buhay, para lamang makalabas sa kabilang bunganga ng kuweba!

Nakita ko rin 'yung litrato mo sa bahay kubo natin sa Batangas.  Ang saya ninyo doon.  Parang bayanihan ang dating.  At ang sipag mo ha.  Kunsabagay, paborito mo talaga ang maglinis.  Sana ganoon rin tayo kapag tayong dalawa naman ang magtatayo ng sarili nating bahay.  Kaso paano iyon?  Hindi ba't condo ang gusto natin?  A, ako lang pala ang may gusto.  Basta, pag-usapan na lang natin ulit pagbalik mo. 

Nakipaglaro ka rin pala kay Chloei.  Mabait siya ano?  Kaso isa lang talaga ang alam niyang laro --- ngatngatan :D  Pero may mga bago syang tricks na alam hindi ba?  Hay, ang laki na niya.  Sana kilala niya pa rin ako pagbalik ko.

Sina Nanay at Tatay, kumusta pala?  Siguradong tuwang-tuwa sila na bumalik muli ang kanilang pinakamamahal na anak.  Sigurado ring babawi ka sa mga luto ni Tatay.  Kahit ako rin naaalala ko rin mga luto ni Tatay.  Masarap kasi talaga, na parang may ibang linamanam.  Sigurado ring andaming kwento ni Nanay sa iyo.  Atlis ngayon, pwede nya nang antayin ang sagot mo :D

Si Ataleng?  Ang galing! Tapos na kayong lahat.  Ang sarap nga pakiramdam ano.  Ganyan din ang nadama ko noong nakatapos si Giliw.  Ika nga, "Proud na Proud."  O, sabihin mo sa kanya na hinay-hinay lang ha.  Huwag magmadali.  Dahil mayroon talaga Siyang magandang plano para sa kanya.

Naku malapit ka na ulit bumalik dito.  Eksaktong isang linggo na lang.  Dapat ay baunin mo lahat ng magagandang alala ng iyong bakasyon dyan.  Halos isang taon ka muling lilisan para tuparin ang mga pangarap mo sa buhay.  Maghanda ka na ha.  Kasi pagbalik mo dito ay sasabak ka na naman sa walang humpay na trabaho.  Stress.  Mga ka-Pana-an.  Bawal magsick-leave.  Kailangan magstay-back.  Laba.  Luto.  Grocery.  Paulit-ulit.  Parang sirang plaka.

Pero huwag ka mag-alala, nandito naman ako.  Katulong mo ako sa kahit anong bagay na bumabagabag sa iyo.  Sabihin mo lang sa akin.  Basta't kaya ko ay gagawin ko.  Kung hindi ko naman kaya ay kakayanin pa rin.  Para sa iyo.  Para sa atin.

Salamat po.  Pakiramdam ko, mas lalo akong naging mabuting tao dahil sa iyo.  Wala nang iwanan ha.  At kahit pa sa susunod na bakasyon, kailangan, magkasama na tayo!

Lubos na nanabik sa iyo at hanap-hanap ka, McRICH

P.S. (Pahabol Sinta) ... pagkakataon ko nang bumawi, haha, huwag kalimutan ang aking mga padala pagbalik mo dito.  I-email ko na sina Ma para sa mga kailangan ko, hehe :D
  

Friday, April 10, 2009

Day 7 - The MERGER



My loving MA & caring PA with my pretty Aimee :D




My ever ENERGETIC Nanay with Chloei & Pipoy :D



Jumpshot of Leng, Aimee and Arlene in Sagada



Chloei and Pipoy playing :D


Thank you Lord for our FAMILIES!

Sunday, April 5, 2009

Day 2 - Corned Beef Sarap


Wala namang masyadong ginawa sa office.  Tinapos ko lang mga pending reports.  Nag-email-email.  Nag-follow-up ng mga pending concerns sa different departments.  Umikot sa planta.  Nakipagkwentuhan sa ibang mga pinoy (na minsan ay wala na talagang mapag-kwentuhan).  Nagpakitang-gilas sa pagpu-push up (Trivia:  Kahit pala malalaking tao ang mga Pakistani e hindi nila kayang magpush up!) dahil kala nila e di ako marunong magpush up tulad ng mga Pakistani.  Ayaw paawat ng isang Nepali at nagpakita pa ng ibang kahindik-hindik na moves.  Sabi ko nga sa kanya e baka nagtrabaho sya dati sa Circus.  Tawa naman sya.

Ikot ulit sa planta.  Biglang may isang Supervisor na nagsumbong na may isang sub-contractor na hindi sumusunod sa mga patakaran sa Health and Safety.  Syempre punta agad ako para mag-imbestiga.  Pinilit kong pigilan ang operasyon ngunit na-overrule naman ng Manager ko.  So pinabayaan ko na lang sya.  Dahil mukhang okay lang naman sa kanya ang mga pangyayari.  Anyway e malapit ng mag-uwian at andon naman sya kaya umalis na lang ako para magprepare sa pag-uwi.

Pagdating sa accommodation e pahinga lang sandali.  True to my calling ng pagiging Kuracho, e naligo ulit ako pagkatapos magpahinga para sa Prayer gathering namin by 8pm.  Kumain na lang ulit ako ng biscuit para pantawid gutom.

Bandang 9:30 e nakauwi na ulit.  Nagmadaling magluto ng aking pamatay na corned beef :D dahil hindi pa nga ako nagdi-dinner.  Linagyan ko lang ng patatas, aside from the usual panggisa ingredients, at ayos na!  Mabuti na itong dinner at pambaon the next day.

Time Check ngayon e 11:26pm.  Handa na akong matulog.  Ano na kayang ginagawa nina Aimee, Ataleng at Leng papuntang Sagada?  Malamang natutulog.  Mahaba kasi talaga ang biyahe papunta don bukod sa nakakapagod talaga.  Pero ang alam ko, kakayanin naman nila ang Cave Connection Adventure!

Hmmmm, antok na ko. Zzzzzzzzz....

Friday, March 13, 2009

MISS




Miss ko na yung luto ni Ma sa umaga.  Yung tipong paggising ko, handa na lahat at kulang na lang e subuan ako para lang kumain.  E dahil sa layo ng trabaho ko mula Pque at kailangang makaalis na ako agad dahil sa traffic, ang ending e baon na lang at sa office na lang mgbfast.

Miss ko na ang itlog at tocino.  Ang mainit na pandesal with meyoneys.  Ang sinangag.  Ang Enervon HP ko!

Miss ko na ang traffic.  Ang daang Fort going C5.  N-rerelax ako pag doon ako dumadaan.  Lalo na yung circle sa American Cemetery.  Parang napaka-peaceful, haha :D 

Miss ko na yung nagmamadali lalo na pag coding.  Tapos magtatago ako sa mga big cars para hindi ako mahuli ng MMDA.  Alala ko tuloy nung birthday ko last year na natapat sa coding day ko.  Bago pa man, naghanda na ako ng litanya kung sakali mang matyambahan ni Manong MMDA.  Sabihin ko na bday ko at kailangan lang talagang pumasok.  Ayun, nagkatotoo ang hinala ko at hindi ako pinalampas ni Manong.  Alang bday-bday!  So inisip ko na lang, treat ko na lang yung nakotong nya sa akin hahahaha :D

Miss ko na ang mga pamatay na kainan sa UP.  Ang isawan.  Ang beach house.  Choco Kiss.  Pati na rin si Mamang Sorbetero.

Miss ko na ang Pirated at Videocity DVD Marathon.  Tapos yung mga junk foods na binibili ko.  Taquitos, Mr. Chips, Nova, V-Cut, Chippy.  Tapos meyoneys ulit.  Tapos magkulong na ko sa kwarto hanggang sa sumakit ang ulo ko kakanood.  At alam na ang kasunod na bawal akong istorbohin.

Miss ko na ang kulitan naming magkakapatid at pamilya.  Si Pa na puro ngiti lang sabay labas ng bahay.  Si Ma at Ate na korni ang mga jokes.  Si Leng na kabatuhan ko naman.  Tapos tawanang walang humpay!

Miss ko na ang ever energetic kong Ate na pagdating sa bahay e matutulog na agad.  Ang linya nyang We Got it All for You kapag inaasar namin sya tuwing may pasok siya kahit na buong bansa ay idineklara nang wala ng pasok.  Ang libre nya sa amin dahil truly blessed ang kapatid kong ito.  Ang sama-sama naming gala para magpa-foot spa, gupit, kain o shopping lang.  Tapos yung kwento nyang super-huli at aasarin namin syang ulit na luma na yung binabanat nya.  Tapos tawanan na nman kami lahat.

Miss ko na kaagaw si Leng sa lappy.  O kaya yung midnight snacks namin.  Yung favorite naming White Cheese ng Brooklyn o kaya Manhattan Meatlovers ng Yellow Cab.  O kaya yung magluto si Leng ng tortang itlog tapos ipalaman namin sa tinapay.  Isa sa akin, 2 sa kanya :D

Miss ko na dumaan sa canteen nina Nanay.  Tapos papakainin nya ko ng sangkatutak.  Syempre ako naman as a future son in law e uubusin ang lahat ng inihain sa akin.  Ending, bundat.  Tapos magkwentuhan kami ng kung anu-ano.  Si Tay magkwento rin sya sa akin.  Sabi nila tahimik lang daw si Tay.  Pero ewan ko ba't di ko maramdaman.  Magandang senyales ba ito? hehe (",) 

Miss ko na manood ng sine mag-isa o kaya maghanap ng sale items sa SM Bicutan.  Mga favorite shops kong Solo at Artwork.  Di talaga ako bumibili kung hindi 50% off o kaya e sobrang gusto ko talaga.  Tapos pag napagod e kain naman sa Mcdo, French Baker, Kiosks sa Hypermart, Ted's La Paz Batchoy.  Yung Pearl cooler na Chinese --- limot ko ang name.  Basta favorite ko yung Super Taro nila!  

Miss ko na yung buwanang foot spa sa Reyes Haircutters  (ang mura, P200 lang), magpa-massage sa Humanessence sa West Triangle, magpa-Let's Face It at pagupit o pakulay sa Fix.  Tapos gala-gala minsan para magpalipas ng traffic sa EDSA.

Miss ko na ang comfort food ng Better Living.  Tal's, Eton's, Sinangag Express, Bastille's, Jollibee, Brooklyn, Bibingkinitan, Segie's, Coupe, Chowking, Pan de Manila.

Miss ko na ang murang gym malapit sa amin.  P40 lang + 5 para sa tubig.  Yung manual na paglalagay ng mga bakal.  Pero the best talaga tong gym na to dahil malapit lang talaga sa amin at okay naman ang mga nagbubuhat dahil halos kilala ko naman lahat.  Yung manonood kami ng Animal Planet habang nagpapahinga after every routine.  Yung mga casual talks para makapagpahinga pa rin.  At yung halos di ka na makagalaw pag marami ang nagbubuhat.

Miss ko na yung church namin at mga preachings nina Pastor at Pastora.  Pati yung mga kanta ng P&W.  Galing pala talaga nila at talented.  Yung cellgroup ko with Docs Bong and Celli, Memer at Greg.  Yung kwentuhan namin, sharing at prayers.  Pati na yung minsanan naming labas.

Miss ko na ang mga automatic friends, cream of the crop friends, college friends, Culdesac friends, VK friends, TMMC friends, MIT friends, RFM friends, PG friends.  Dami ko palang kaibigan.

Miss ko na ang TF.  Ang galing kasi.  Yung pagtalon-talon, yung kainan, yung languyan, piktyuran, serfingan, trekingan, walang artehan, PAITIMAN. Eto ang tunay na sagot sa kahirapan!

Miss ko na si Chloei.  Yung paggising nya sa akin pag iihi or pupupu especially sa umaga.  Kakagatin nya yung paa ko tapos papalabasin ko sa kwarto.  Si Ma naman papapasukin ulit dahil umiiyak daw.  ang sarap kasi makipaglaro kay Chloei.  Kahit na puro kagatan lang ang gusto nyang laro.  Yung bi-weekly check up kay Doc kahit madugo ang bayaran pagtapos.  Okay lang Chloei basta healthy ka.

Miss ko na ang Pilipinas. 

Pero sana MISS nya rin ako. 

Tuesday, February 10, 2009

The BIRD that Flew DHABI

Envelope courtesy of Tikoy.  (Hihi, ito po ay isang Metrobank envelope pa, thank u Tikoy!)  Paper courtesy of Tikoy?  or was it from Nonie?  Hmmm, sign of the times :)  Basta ang naaalala ko, I was so eager to write Aimee a letter to tell her how much fun I was having and I was so thinking of her in every islands, in every waters that we were exploring..  That I was so hoping that she was beside me that time.. 

Anyway,  while everybody went out exploring the pasalubong stores, I opted to stay to finish my writings.  And as an extra treat, I included the coconut leaf BIRD that Manong Banker gave us. 





On our way back to Manila, I asked around for the post office.  I realized later that it was a Sunday so no chance at all of mailing it from Puerto Princesa.  A bit disappointed that my plan did not materialize, I just carried it back to Manila and mailed it from there.

After almost 2 months in transit,  Aimee finally received it --- with the Bird now all dried up :)







Seeing it again now brought back fond memories --- a piece of home, bundled with My LOVE. 

Wednesday, January 21, 2009

For TRAVEL FACTOR --- I WILL!


I am not really a blogger...  because I am not good with words.  I would rather read someone else's blog, then share a piece of my thoughts, than create and re-read my own.

I am more of a poser (though the result may not be always satisfactory)...  sometimes a jester (if one single joke clicks then you're up for more)...  a motivator (i love seeing others triumph over their fears)...  a go-getter (hence, my battlecry: I refuse to just exist---i live)...  but it never occured to me that this day would come where I'd finally squeeze my balls, and spark some brain activities, to come up with something interesting and worth reading. 

But I realized that I am not doing this to impress.  I am starting to blog to GIVE BACK.  This is going to be my simple gesture of thanking Him, thanking new found friends and acquaintances, appreciating my family more, and showing my gratitude to Life for all the experiences I gained. 

Folks I may not be a blogger, but for Travel Factor --- I will!

I could still remember the time while I was watching Sports Unlimited (that was when I'm like 2 or 3 shades lighter and some few bucks richer; but awfully bored), I got enticed by two young ladies delivering a monologue about Travel Factor and travel and stuff about travel and all about PASSION ( Haha, Tix!)... 

Though this is an extremely overused line, I'd like to abuse it some more --- and the rest they say is History!

Thank you Travel Factor for the merriment of experiencing some of the 7,107 ways of enjoying life! 

...  for accommodating me in El Nido though there is only a day left!






...  for letting me partyyyyy (where people are more interested to pose than to dance, haha)! 






...  for getting me STOKED and craving to be stoked again!







...  for letting me do what I dread most, like to Trek, and be happy that I did such.






...  for preparing me on my next trip through Pinatubo, in finding the very elusive lighthouse of Ca-pagod Island and later on be mesmerized by the Very PINE Beach and even later, to satisfy my yearning for STOKE!







...  and lastly, for letting me take care of others, more than my Life, to the point of bloodloss :D


Chinese


English

Filipino


Pakistani




Beautiful places.  Amazing people.  Inextinguishable spirit. 
And that was, my TF experience!