Showing posts with label UAE. Show all posts
Showing posts with label UAE. Show all posts

Monday, September 10, 2012

Ako'y MAGBABALIK, HATID Ko ay PAGBABAGO


UNANG SABAK




Bagets pa ako noong unang mag-abroad.  Year 2001 pa ‘yon.  23 years old lang ako.  Ang destinasyon:  Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia. 
The Oil Capital of the World.  Ang numero unong destinasyon ng mga kababayan nating Overseas Filipino Workers (OFWs).  At kung alahera ka, ang Land of Saudi Gold (na may mas mataas na turing kaysa karaniwang ginto)!
Tandang-tanda ko pa noon, hindi ako natakot.  Ang lakas ng loob ko.  Kinaya kong talikuran ang lahat.  Nagpakatatag.  Ganon yata talaga.  Kasi ako'y in-love! 
Magkaroon lang ba ng panghanda sa kasal --- na pinag-ipunan ko.  Pang-down-payment man lang sa bahay --- na pinag-ipunan ko.  Pansimula naming magsing-irog --- na pinag-ipunan ko. 
Handa kong tiisin ang lahat ng lungkot, pagod, luha at pawis (dahil talaga namang tagaktakan tuwing summertime) para lang sa kanya. 
Yun lang.  Hindi na pala kami pareho ng goal.  Iba na pala ang agenda n’ya.  Dahil pagkatapos lang ng 6 na buwan, meron na pala siyang iba. 
At sorry na lang ako.  Iyon ang napala ko!  Kung dati, ang tiniis ko lang ay lungkot, pagod, luha at pawis;  nasamahan pa ‘yon ng uhog, eyebags at utang sa load!
Hanggang sa matapos ang dalawang taong kontrata ko...  Hanggang sa pag-uwi ko ng Pinas...  Umasa pa rin ako...  Na sana...  Magkabalikan pa kami. 
Na sana ako si John Lloyd, s’ya si Bea.  Na sana ako si Popoy, s’ya si Basha. 
Gusto kong sabihin na: Mahal na Mahal ko s’ya; kahit ang sakit-sakit na.  Na sana AKO pa rin.  Na sana AKO na lang.  Na sana AKO na lang ulit. 
Pero hindi pala kami ang main characters ng One More Chance.  Ang LOVE STORY pala namin, wala nang LOVE.  Ang natira na lang, STORY. 
At ang STORY naming minsa'y nag-DREAM at nag-BELIEVE, e hindi nag-SURVIVE. 
Bigo man sa pag-ibig, bumalik naman akong IBANG-IBA sa dating ako. 
Kaya ko palang mabuhay mag-isa, kahit malayo sa sariling pamilya at mga kaibigan; na madali lang pala magluto, maglaba, maglinis ng flat, ng room space, ng banyo at ng kusina; mamalantsa, mamalengke, alagaan ang sarili sa panahong may sakit (dahil wala akong aasahan kundi ako); at magtrabahong maraming gumugulo sa isip at mabigat ang dinadala sa dibdib. 
Madali lang palang magtiis. 


SUBOK ULIT





Sabi ulit sa One More Chance, kaya raw tayo iniiwan ng taong mahal natin ay dahil mayroong darating na mas magmamahal sa atin.  Yung hindi tayo sasaktan at paaasahin.  Siya yung taong magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin. 

Totoo pala 'yon.

2009.  Natuto ulit akong mangarap.  Pero sa pagkakataong ito, may katuwang na ako!
Dalawa na kami. 
Nagbubuo ng pamilya.  Kumakayod.  Nag-iipon.  Nagsasakripisyo.  Nagtitiis sa bawat segundo, minuto, oras, araw at buwang hindi kapiling ang aming anak.  Mahaba pa naman ang pagsasamahan namin.  We still have a lifetime to explore. 
Sa future na lang kami gagawa ng marami pang memories.  Kaya konting tiis pa.  Malapit na naman kaming umuwi.  Uwing not just for GOOD, but for the BETTER.         
Sa ngayon, ngiti-ngiti na lang muna.  Nagto-thought bubbles: ng bahay na pinundar, ng sariling oto, ng kaunting ipon, maliit na negosyo. 
Pwede na.  Ang sarap. 
‘Yung thought na kayo ‘yung nagpursige.  Dalawa kayong nagtulong.  ‘Yung hindi bigay lang ang inyong pangKabuhayan-Showcase.  Na kayo ang nagbuo ng inyong House-and-Lot-Showcase. 
Ang sarap.
Kaya kung tatanungin n’yo kami kung bakit kami umalis sa Pilipinas?  Dahil sa lahat ng ito. 
Dahil lahat kami, nangangarap.  Dahil lahat kami, umiibig.  We have a big heart.  Hindi lang dalawa ang puso namin.  Ang puso namin extends to the whole family.  Mga magulang na kailangan ng sustento buwan-buwan.  Mga kapatid na kailangan ng tulong.  Mga pamangkin na pinag-aaral. 
Minsan nga, kahit hindi namin ka-ano-ano, tinutulungan pa rin namin. 
‘Yun kasi talaga KAMI.  Lahat kaming OFWs.  Ang PUSO namin --- PINOY. 

GOING HOME

Ang AIRPORT: pinakamasayang lugar sa bansang pinagta-trabahuhan ng kahit sinong OFWs. 
And if you will look around, lahat ng Pinoys, animated.  May kanya-kanyang eksena.  Lahat nakangiti.  Lahat, ang saya-saya.
Pinoy na nagmamadali. Dala ang tatlong balikbayan boxes, isang backpack, isang shoulder bag at isang malaking stuffed toy.  Kumapit ka!  Kasi ang baggage allowance = 20-kg + 7-kg hand-carry. 
Makakapasok kaya ang mga bagahe? 
Aba syempre!  Maaabilidad yata ang mga Pinoy.  Lahat ng reject sa check-in baggage, pasok sa hand-carry.  ‘Di lang magpapahalata.  Dahil ang hand-carry, naging eksenang Ate Shawie (Pasan Ko ang Daigdig).      
 Mayroon namang nakaupo.  Biglang tatagilid.  Aanggulo.  Isa-side ng kaunti ang pisngi.  Hawak ang cellphone, itataas ang kamay.  Sabay, FLASH!  Instant photo. Pwede nang pang-FB. 
Tapos magsa-shoutout:  Now in the airport.  Waiting to board.  I am so excited.  I just can’t hide it! 
Obvious naman.  Ikaw ba naman ang magpictorial sa airport ng walang humpay.  Akala tuloy ng katabi n’ya, nag-seizure s’ya. 
Pero walang problema.  We understand.  Moment mo ‘yan.  Walang pakialaman.
 Eto pa, mayroon yatang nag-aaway.  Sumisigaw.  Nagtatatalak.  A, si Kabayan pala.  May kausap sa cell phone.  Pakisabi raw sa kanyang kapamilya, kapuso, kaibigan, ka-balitaan, kakampi, ka-eskwela, katambay at ka-bagang, na pauwi na s’ya. 
And that they will paint the town, red.  Very, very deep red! 
Natakot ako.  Manananggal 'ata si Ate.  Dadanak daw ng dugo! 
A, okay.  Ibig sabihin lang pala, magkakaroon sila ng bonggang-bonggang party sa pag-uwi n'ya.
Pagtapos kong masaksihan ang iba't ibang eksena.  Napagtanto ko, pare-pareho lang talaga kaming lahat, na sobrang miss na ang Pinas.  At sana sa susunod, THIS IS REALLY IS IT na.


PAGBABAGO:  The OFW Style 


PAGBABAGO?  Parang napakaseryosong topic.  Parang komplikado.  
Ang sagot: itodo na ang pagko-quote ng mga eksenang pang-TV at pang-pelikula.  Tutal ang mga OFWs naman, lahat panatiko.  Para madali ring ma-gets.  Para lahat maka-relate.  Let's make it simple na lang.   
 Ang Pagbabago, para lang 'yang eksena ni Nora Aunor sa pelikulang HIMALA:  Walang himala.  Ang himala ay nasa puso ng tao.  Ang himala ay nasa puso nating lahat.
Katulad ng Himala, ang PAGBABAGO, dapat, nasa PUSO!
Para rin yang confrontation scene ni Bea at Maricris sa PBB Season 2Ang respect hindi ini-impose, ini-earn yan. 
Katulad ng Respect, ang PAGBABAGO ay HINDI INI-IMPOSE.  Hindi pwedeng ipilit.  INI-EARN.  Dapat pinagtutulong-tulungan.  Ini-effort.  The natural way.  Para walang pressure.  Walang tensyon.
 Kaya simple rin lang ang aming pangako sa bayan.  Na pag-uwi namin, hindi kami magiging pasaway! 
Hindi kami magiging pasaway dahil ang lahat ng OFWs ay masisipag.  Matatalino. 
Kaya nga kami gustong-gusto ng mga banyagang-amo.  Resourceful daw.  Magaling mag-multi-task.  At laging may ngiti sa labi every minute, every hour.
At sayang naman kung hindi namin ia-apply ang mga natutunan namin sa mga laro ng buhay:  Office Politics, Rat Race, Survival of the Fittest --- Naku, MINASTER at DINOCTORATE na namin ang mga 'yan!
Lastly, natutunan na rin kasi naming maging isang KAWAYAN: 
That SWAYS gracefully with the wind.  Able to ENDURE the changing weather.  And NEVER, ever gets tired, to AIM for the endless sky.  

O 'di ba?  Kaya SIMPLE lang talaga ang solusyon:

      Na ang PAGBABAGO, DAPAT MAGSIMULA sa AKIN!
      Na ang PAGBABAGO, DAPAT  MAGSIMULA sa IYO!  
        At TULUNGAN natin ang ating GOBYERNO!




Wednesday, August 29, 2012

TUTUTUT-TUTUT-TUTUTUT

May nagTEXT! 

Sumali daw ako sa Nokia Essay/Blog Writing Contest sa PEBA. 
Nagreply naman ako:
K.    

* * * * *

Aba, WHY not?  Gusto ko rin yatang maibahagi ang Kwentong Telepono ‘ko: 
‘Yung panahong naglaway, humikbi, pinimpols, naging madasalin, sumulat kay Santa Claus, sumali sa mga radio/tv/tabloid contests, tumaya sa lotto at nag-ipon sa piggy bank para lang magkaroon ng inaasam-asam na cellphone. 
‘Yung bang makabili ng teleponong 160 characters ang texting capacity at 4-liner ang text registry.  Para pwedeng makatanggap ng mga CUTE messages at mga composed graphics.  Tapos ise-save, pang-forward kung gusto ring magpa-CUTE. 
Magpindot-pindot-the-cell-phone.  Para, wala lang, makapagpa-CUTE ulit.
Ma-experience ang Snake.  Todong volume para ma-feel ang bawat ngasab ni Snake sa mga blocks na madadaanan n’ya; at magpakadalubhasa para lumaban sa mga friends na umii-Snake rin at lumelevel 9.
Makapag-miss-call.  Para maipahatid na nakaalala ka.  Pero sa totoo lang e wala ka talagang load.  Nagbabakasakaling magreturn call ang minis-call para magamit lang ang cellphone. 
At tama ka, para makapagpa-CUTE sa kahuli-hulihang pagkakataon.  
Oo aminado ako.  Sobrang pinangarap ko talaga ang moment na ‘to.  Ang problema lang, wala akong pambili hehe. 
                                                
* * * * *

Hindi naging madali sa akin ang lahat.  Unang work ‘ko.  Unang pasok sa corporate jungle.  Ginagamay pa ang Bahay ni Kuya.  Learning the craft.  Honing my skills.  Actual application of everything I learned in school.  It was really a learning experience.  At ang ultimate experience na napakahirap palang gastusin ang perang pinagpaguran ko.  Na mas malaki pa yata ang allowance na bigay ni Inay noong nag-aaral pa ako. 
So paano ako makakabili ng pangTEXT at pangCALL na telepono sa kakarampot kong sweldo?  Paano na ang Great NOKIA Dream ko?  
Kaya naman noong binigyan ako ni Itay ng cellphone, sobrang saya ko.  Sa sobrang saya, napaindak talaga ako.  Yumakap.  Humalik sa pisngi.  Nagpasalamat. 
                                                 
* * * * *

Actually, si Rachel talaga ang salarin.  Ang aking nakababatang kapatid. 
Kaarawan kasi n’ya.  At dahil kaarawan n’ya, bibilhan s’ya ni Itay ng bago at magarang telepono.  Ako naman syempre naawa sa sarili.  Nagwish na sana birthday ko na rin.  Pero kung birthday ko naman, syempre hindi naman ako bibigyan ng telepono.  May trabaho na ‘ko ‘di ba? 
Dito ko naramdamang nabasa ang aking pisngi.  Tumulo pala ang isang patak ng luha mula sa aking kaliwang mata.  MMK moment na sana, kung hindi lang bukas ang electric fan.  Dahil bago pa man bumagsak sa lupa ang aking luha, nag-evaporate na. Kaya bumaling na lang ako sa bintana.  Tumingin sa malayo.  At bumirit ng May Bukas Pa. 
Anyway, hindi ko na talaga maitatago pa ang aking nararamdaman.  Hindi na pwedeng balewalain ang silakbo ng damdaming nagmumula sa kalalimlaliman, kaibutu-ibuturan at kasukdul-sukdulang parte ng aking puso.  Naghuhumiyaw.  Ayokong maging dukha!  Ayokong maging mahirap! At gusto ko rin ng CELLPHONE! 
Fast Forward.  Kasama si Rachel sa Glorietta 4.  Nagbayad na sa Nokia dealer.  Nagbayad ng isa, teka wait lang, ng DALAWAng telepono. Hahaha. Tagumpay!  Salamat Rachel!
                                                 
* * * * *

5110, hay, so sosyal.  I’m IN.  Pakiramdam ko, tumaas ng slight ang estado ko sa lipunan.
Ito kasi ang panahong kaunti pa lang ang may teleponong pangTEXT and CALL.  O kaya, ang telepono nila ay hindi 4-liner na tulad ng 5110 ko.  This is THE life.  Kaya naman, I see to it, na tuwing masisilayan ng buong mundo ang aking 5110, they won’t be disappointed sa mga eksenang masasaksihan nila.
TUTUTUT-TUTUT-TUTUTUT (2x).  Ascending.  Volume: MAX. 
Uy, may nagtext.  Pero syempre patay-malisya muna.  Kunwari hindi narinig.  Tapos, slow-motiong huhugutin mula sa aking bulsa.  (Hindi lang basta bulsa ha.  Nakalagay s’ya sa bulsa sa bandang tuhod.  6-pockets.  Uso rin.)  Ia-unlock ang keypad.  Biglang mag-i-smile o tatawa.  Depende kung simpleng message lang o forwarded joke.  Tapos kunwari magre-reply.  Magpipipindot.  Syempre naka-keypad SOUND ON pa.  Para lalong agaw-eksena.  Pero sa totoo lang, Tipid Meals lang ang load haha.
                                                
* * * * *

Masayang magTEXT and CALL noon.  Malaya pa.  Wala pang mga snatchers ng telepono.  Hindi pa siguro nila naaaral ang economic value ng telepono kumpara sa Seiko wallet o sa Cebuana Lhuillier jewelries.  At kung alin ba ang mas madaling snatch-in.  E ang mga snatchers may mga angkin ding talino.  Mga street smart.  Kaya noong napagtanto nila na mas madaling mangharbat ng telepono at halos lahat ng tao ay mayroon nito, ayun na, kinarir.

* * * * *

Mabilis lumipas ang panahon.  Nag-iba na rin ang ihip ng hangin.  Marami na kasing naglabasang iba't ibang modelo.  Lahat na lang ng tao, nagti-text.  Lahat na lang pangisi-ngisi habang gamit ang kanilang cellphone.  Marami na rin ang sumasali sa Snake Olympics.  Samantalang ako, heto pa rin, matibay at hindi matinag sa aking...  5110! 
Bigay kaya sa akin ‘to.  May sentimental value.  Saka nagagamit pa rin naman a.
Oo useful talaga.  Very useful bilang tampulan ng mga jokes:
Bago lumabas at pagkapasok ng bahay.  Kukunin ng mga kaibigan ko ang 5110 ko at biglang magsasabing:  MANO PO Ingkong. 
Habang nagpa-park.  Hihiramin ang 5110 ko.  Pare pahiram.  Naka-hanging kasi tayo.”  Huwaat?  Gawin bang pangkalang ng oto ang 5110 ko?

* * * * *

Tuloy pa rin ang buhay-telepono.  At naiba muli ang trend: 
MAS maliit, more fun.  MAS maliit, MAS happy.  MAS maliit, MAS IN.  Kaya bumili ako ng 8210. 
Tapos may lumabas na MAS bago.  MAS maliliit pa sa 8210.  E ano pa ba ang gagawin ko?  Nagpalit pa rin ako ng telepono.  8310.  Ang galing!  Teleponong sobrang liit na pwedeng itago kahit sa kamay mo.  ‘Yun nga lang.  Hinliliit na yata ang ginagamit ko para pumindot sa keypad.  Pero ayos pa rin.  Basta lang japorms. 
Tapos ulit, owmaygas, nauso naman ang colored LCD na may camera at video pa.  Bili naman ako ng 6600.  Aba naman, sikat na naman.  Naalala ko nga, pumunta pa ang Plant Manager sa laboratoryo para lang magpa-pictorial. 
Tapos pa, nagkaroon ako ng trabahong may service phone na libre.  Naka-line pa.  Pangtawag sa mga suppliers sa Europe, North America and Australia.  3410.  Ok na rin, libre naman.  At least, hindi na ko magiging magastos sa load.  At mas japorms ako ngayon ha.  Dala-dalawang cellphone!   

* * * * *

Isang araw, tinuruan ako ng amo kong gumamit ng phone DICTIONARY.  Para mas madaling magtext in English.  Para tama rin daw ang spelling. 
Do not assume raw.  ‘Wag ko raw i-assume na naintidihan ng tinext kong foreigner ang aking message. 
Aba bakit?  Clear naman ang message ko ha:

“Sowrie pow.  Ws nat eybowl 2 enser ur kowl.  Pls kowl me bak pow.  Weyt q pow ang kowl u J 

Maayos naman a.  Slang pa nga yung enser ‘di ba?  Linagyan ko pa ng smiley.  Magalang pa ko. 
Hay, ang mga boss talaga.

* * * * *

Ngayong 2011, kung curious kayo kung ano na ba ang telepono ko dito sa UAE, heto tingnan n’yo:


Hindi ako nagdown-grade.  Hindi rin ako nagtitipid.  Alam ko na kasi ngayon, kung ano ang kailangan ko.  ‘Di ko na rin kailangan magpa-CUTE.  Meron na kasing na-CUTE-an sa akin haha.  Jumaporms?  Hindi na rin.  Hindi naman sa modelo ng telepono nasusukat ang iyong pagkatao.    
Ngayon mas matalino na kasi ako.  Alam ko na, na kaya naimbento ang NOKIA, e for CONNECTING PEOPLE. 
Hindi ito ginawa para takamin ang iyong mata, pahirapan ang damdamin sa tuwing masisilayan ang pangarap mong telepono, alipinin ka para bumili ng iba’t ibang modelo o ubusin ang kaban ng yaman mo.  Marami lang silang linalabas na modelo para sa iba’t ibang uri ng tao.  Para sa iba’t ibang pangangailangan mo: 
MAS magandang audio.  MAS vivid na camera at video.  MAS maraming applications.  MAS wi-fi ready.  MAS magara sa paningin.  MAS may dating. 
Kaya kung tatanungin n’yo ako kung nanghihinayang ba ako sa mga nagastos ko sa telepono?  Ito lang isasagot ko:
I’m glad I had my NOKIAs.  For NOKIA made me grow.

MESSAGE SENT!

Wednesday, August 8, 2012

Mga DAPAT Gawin sa Tag-ULAN

1.  MAGPAGAWA NG BAGONG CRIB - dahil mas mura ang mga materyales kapag tag-ulan! 

Di na talaga matawaran ang pag-iibigan nina Ma at Pa na kahit dinidelubyo na, ng bagyong Gener at andyan din ang umaatikabong si hanging Habagat, e tuloy pa rin ang crib-building sa aming hacienda sa Batangas.  Humahacienda?  Nyaha. 








2.  MAG-OUTING SA BEACH - para paniguradong KAYO-KAYO lang ang mga guests sa resort!

Napadpad kami sa Balai San Juan after bisitahin sina Ma at Pa sa Batangas.  Dito kami napunta dahil tinatamad na kong magmaneho at hindi naman masamang mag-try ng ibang resort for a change.  Kaya kahit mahal na mahal namin ang La Luz, pikit-mata na lang kaming naglunoy sa tubig ng Balai.  Arte.  Pikit-mata talaga.

Ang verdict, BABALIK kami dito, malimit!!!













3. Makipag-REUNION with old Friends - dahil hindi kayo sure kung kelan na ulit kayo magkikita-kita!

Sobrang na-miss pala namin ang isa't isa.  Sa Abu Dhabi kasi, isang tambling lang, kitakits na kami agad.  E dito, sa traffic pa lang, tatamarin ka na. 

Pero dahil ito ay para kina Kumpadreng Kuya Je at Kumadreng Ate Grace, kahit harangan pa kami ng nagliliyab na sibat o kumain ng dinikdik na bubog, hindi namin talaga palalagpasin ang pagkakataong makita sila muli. 

Ganon namin sila ka-love!   

Kumpadreng Kuya Je at Kumadreng Ate Grace, lagi kayong mag-iingat ha.  Alagaan nyo ang sarili nyo lalo ngayong andyan na kayo sa tugatog ng tagumpay.  'Wag kayong magpapapawis.  Especially na sobrang lamig don.  At siguraduhin nyong kumain ng go-grow-&-glow- foods.  Kasi.  Wala kami don.  Tandaan nyo yan ha.  You will be missed.



Waiting.  Thanks Kaye & Ian for the photos! 

Kumadreng Ate Grace - Beauty-in-Violet

Kumpadreng Kuya Je - Handsome-in-Red



Syanga pala, kaya ako sinipag magpost e para hikayatin na rin ang tatlo (3) kong mambabasa, na mag-usal ng munting panalangin at tumulong, in their own little way, sa mga biktima ng baha.

Wag tayong mawalan ng pag-asa dahil There's a RAINBOW, always , AFTER the RAIN!