Thursday, September 4, 2014

#MalakingBagay


Akala mo lang #MaliitNaBagay.  Akala mo lang walang masyadong impact.  Pero hindi. 
 
Hindi na kasi madaling mabuo ang grupo.  ‘Yung ilan, ayaw nang bumaba from the upper echelon of the society.  Nasa abroad.  Nag-aantay ng visa.  


CME 2011


‘Yung iba hindi naman makasama.  Kasi below minimum pa rin ang sahod at nakikibaka pa rin para sa 125 pesos across the board na salary increase.  O kaya, hindi lang trip.  ‘Di na tayo ang trip. 

Kaya Rey salamat ha.  #MalakingBagay na napagsama-sama mo tayo.
 


Laluz 2014



Masarap palang magkaalaman ulit ng mga automatic moves. Magbeach bumming, photo whoring at over-eating. Maghalakhakan, magkwentuhan at mag-okrayan. Vumertigo, um-eM&M (who Leche-d my life with their Flan) at SUmaN-Life.


Laluz 2014


Laluz 2014

At ngayong pabalik  ka na ulit sa bansang amoy-dinikdik-na-bulok-na-bawang-na-binabad-sa-poso-negro-with-a-dash-of-alimuom ang mga kili-kili, aba'y sana'y makamit mo ang lahat ng pinapangarap mo sa buhay. 
 
Habilin lang nami'y mag-iingat ka don.  'Wag papatuyo ng pawis.  'Wag papagutom.  Wala kasi ang pamilya mo don. 


Laffline 2014

SMM 2014

Wala KAMI don.    

4 comments:

  1. ayyyy. :)) naalala ko tuloy mga college barkadas ko and our bondings before. they start to disperse na rin because of work. ang hirap na naming mabuo, yong kumpleto talaga as in! kaya get togethers like this are precious po to the highest level! :D

    ReplyDelete
  2. sabi nga nila iba pa rin ang samahan ng isang tunay na magkabarkadahan...

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete

Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?