Monday, October 29, 2012

JAPAN

MALUNGKOT ANG NOON

Homesick pero Trabaho pa rin!


ISANG NAPAKALAKING KALBARYO PARA SA ISANG OVERSEAS FILIPINO WORKER (OFW) ANG MA-HOMESICK.

‘Yung wala kang ganang kumain, laging nakatingin sa kawalan, hindi maipinta ang mukha sa kalungkutan, madaling magalit na parang menopausal, at impit na lumuluha bago matulog sa gabi. 

'Yung pinipilit mong maging buo, kahit alam mo sarili mo na kahit anong gawin mo, mayroon at mayroon pa ring kulang.


IDAGDAG PA ANG 'DI MAPABILIS NA SNAIL MAIL.

'Yung homesick ka na nga pero antagal pang dumating ng sulat na ipinangako ng iyong minamahal.  Na pagdating naman ng sulat ay kupi-kupi ang litratong kalakip nito dahil hindi maayos ang pagbibitbit ni Mamang Kartero.  

'Yung umuusal ka ng munting panalangin na sana, kasya ka sa sobre.  


ANDAMI MONG KWENTO PERO ANG MAHAL NG OVERSEAS CALL.

Pwede namang magtiyaga sa snail mail, at lalong pwede mag-voice tape, para sulit ang kwentuhan.  Pero iba pa rin talaga 'pag narinig mo ang mga boses ng iyong mga minamahal.  Parang may ibang klaseng enerhiyang nagtutulak sa 'yo na magpatuloy sa hamon ng pangingibang bansa. 

Dahil alam mong kailangan mong magpakatatag.  Para sa iyo.  At lalong higit, para sa kanila. 


ANO ANG GAGAWIN MO GAYONG SA SIMULA PA LANG
AY ALAM MO NANG KASAMA ANG MGA ITO
SA KONTRATANG PINIRMAHAN MO? 



MASAYA ANG NGAYON

RACHEL in QATAR

One day habang busyng-busy ako kaka-MULTIPLY, bigla na lang bumalandra ang bagong photo post ng aking kapatid na si Rachel.  Syempre pagkakita ko, aligaga kong binuksan ang album.  Then BOOM.  Ayun sya.  Nagpaparamdam kasama ang isang boylet.  Parang mwinemuestra nyang: ang haba ng hair ko, ang ganda-ganda ko, pak na pak! 
Gumana naman ang pagka-panganay ko.  Kung anu-anong eksena ang tumakbo sa isip ko. 
Gayahin ko kaya ‘yung napanood ko sa telenovela?  Ay ‘wag.  Mahal masyado ang special effects. Pasabog.  Bakit anong meron?  New Year? 
Kung saktan ko kaya 'yung boylet?  Ay 'wag din, hindi naman ako action star.  Saka sayang naman ang face value ko kapag nagkasakitan kami.  Isang kutsarita na nga lang mababawasan pa.  Hindi rin pwede ‘to. 
Habang patuloy akong nagba-browse, napagtanto kong magpasalamat na lang kay Lord.  Andami kayang naglalakad ng paluhod sa Baclaran para lang magkaroon ng dyowa.  Andami kayang girlet na nag-i-invest sa pasa-load, hoping that someday, ang kanyang ''load scholar" ang maging future boylet nya for life.
E ‘eto, ang isang boylet na nasa picture, mukhang disente naman.  Mukha namang mabait.  Saka sweet-sweetan pa lang naman.  Mamadali?  Besides, andon sila sa Qatar.  Ano bang pinagsisintimyento ko e choice nila ‘yon. 

Kaya respect lang.  Support lang.  Let’s hope and pray na sila na nga ang nakatadhana.  At kung sya na nga ang natatanging boylet para sa ating girlet, e ‘di go forth and MULTIPLY!         




ROSE in SAUDI ARABIA

Salamat talaga kay Lord dahil I am strong and healthy at wala akong sakit sa puso.  Kasi naman, hindi nagpatalo ang bunso naming si Rose.  Mayroon ding naglalanding bubuyog na lilipad-lipad sa bubot nyang talulot. 
Anong ginawa ko?  Syempre kalma lang.  Alam ko na ang gagawin ko this time.  Tutal nasa tamang edad na naman sya.  She can very well decide for herself already.   The best thing na magagawa ko ay magbigay ng payo at paalala.  Kahit sa YAHOO MESSENGER (YM) lang.
Kada YM namin, mahihiya si Ate Charo sa sandamakmak na unsolicited advice na binibigay ko.  I should know better dahil nag-Saudi Arabia rin kaya ako.  
Mag-ipon.  ‘Wag bili ng bili ng gamit especially ng mga gadgets.  Mabilis magdepreciate ang value nyan.  ‘Wag magpapatuyo ng pawis.  Maging magalang.  Gamitin ang po at opo tulad ni Ate Guy.  Don't talk to strangers at 'wag tatanggapin kung may binibigay s'yang candy sa iyo.  Ihiwalay ang puti sa de-color tuwing maglalaba.  At laging mag-JAPAN (Just Always Pray At Night).    
Kung sinunod man nya o hindi ang mga paalala ko, e nasa kanya na 'yon.  Ang imporante, hindi ako nagkulang sa pagsubaybay sa kanya kahit malayo kami sa isa’t isa.  Ang mahalaga, hindi ako nagkulang mag-YM.



ITAY in RUSSIA

Si Itay naman, fetus pa lang yata kami ay naglalayag na.  Kaya kung kukwentahin mo, siguro ay umabot na sa hundred trillion dollars and twenty three cents ang nagastos nya kaka-oveseas call.  So I think it was a big relief for Itay when Mark Zuckerberg started FACEBOOK (FB). 
Ang cute lang ni Itay, marunong nang mag-LIKE.  Nagko-comment na rin sa mga photos.  At pa-PM-PM na.
Wala nang problema sa communication (lalo na kapag rumarampa sila sa mga alon at palipat-lipat ng bansa).  No need na sa pagbili ng sim card sa bawat port na dinadaungan.  Maidaragdag pa sa buwanang remittance ang perang nasinop sa pag-i-FB. 
Kaya sa ngayon, sobrang pasalamat kami dahil we feel so connected than ever.  Bonus pa na nakikita namin agad, sa isang iglap, ang mga bansang pinupuntahan nya.  Pakiramdam tuloy namin, parang andon rin lang kami.  Kasama siya. 


MARAMING SALAMAT SOCIAL MEDIA! 
DAHIL NAPASAYA MO ANG AMING PAMILYA;
KAHIT SAAN-SAAN MAN KAMI NAPUNTA.



PINAGPALA ANG BUKAS

CALEB's Daily ABC via YOUTUBE



PAGKATAPOS KONG BALIKAN ANG MGA MASASAYANG EKSENA NINA RACHEL, ROSE AT ITAY, NAPATANONG AKO SA AKING SARILI: MAHO-HOMESICK RIN KAYA SINA CALEB AT ETHAN NAMIN?  MAG-O-OFW DIN KAYA SILA?  ANO KAYANG MGA PANIBAGONG ANEKDOTA ANG MADARAGDAG SA KABAN NG AMING MGA ALAALA?  

Bakit hindi?  Kakaibang karakter kaya ang naiaambag ng pagiging isang OFW sa pagkatao ng ibig mangibang-bayan.  Na kahit ano pa ang mangyari sa hinaharap, kakayanin mo na ang lahat.  Dahil tataglayin mo ang natatanging BERTUD ng isang Bayani ng Bayan (LUHA, PAWIS at PANANALIG SA POONG MAYKAPAL) na susupil sa pinakamabagsik na kalaban sa ating kasaysayan --- ang KAHIRAPAN.

Saka sa Pilipinas, parang past time na rin lang ang pagiging OFW.  Parang tagline ng Department of Tourism.  OFW-ing:  IT'S MORE FUN IN THE PHILIPPINES! 



ANO KAYA ANG MANGYAYARI SA YOUTUBE, FACEBOOK, TWITTER, SKYPE at iba pang SOCIAL MEDIA sites? 

Sa palagay ko, SOCIAL MEDIA will be MORE SOSYAL in the future. 

Tulad ng Friendster, Multiply at Yahoo Messenger, malalaos din ang Facebook at Twitter.  Mapapalitan ito ng mga Social Media sites na mag-o-offer ng holographic effects sa chatting para mas personal ang experience. 

Sobrang magiging advance ang teknolohiya na kahit anong kagamitang gumagamit ng kuryente ay pwede nang i-konek sa internet.  Ito ay dahil pa rin sa masidhing pangangailangang kumonek at makipagsosyalan kahit saan, kahit anong oras at sa kahit na anong kaparaanan.      

At kahit na matindi ang advancements na magaganap sa Social Media, ito'y magiging mas accessible at mas affordable dahil dadami ang Free WI-FI stations.  Ito rin ay magiging staple amenity ng ating mga jeepney, tricycle at pedicab .  In short, ang buong Pilipinas ay magkakaroon ng Free WI-FI yey.



    



Kung mangyari man o hindi ang mga prediksyon ko, isa lang naman ang nais kong ipahatid.  That we must USE SOCIAL MEDIA FOR SOCIAL GOOD.  Dahil kahit ano pa man ang mangyaring kakaiba sa Social Media, ito pa rin ang embodiment ng kasabihang No Man is an Island.  Ito ay ginawa pa rin para magkaroon ng World Peace

Kaya kung dumating ang panahong mangati ang daliri mo para magpalaganap ng nega vibes sa cyberspace.  O wala ka nang maisulat kundi mga hinagpis mo sa buhay.  Pwede bang tumigil ka muna?  Mag-inhale-exhale.  Bumili ng banana que at samalamig sa kanto. Baka hindi na kasi Social Media ang kailangan mo?  Try mo kayang magka-Social Life?


Maikli lang kasi ang buhay.  Oo, Life is Short. 
But LIFE IS NEVER TOO SHORT TO MAKE A DIFFERENCE. 
Kahit sa SOCIAL MEDIA man lang.



*** This is my OFFICIAL ENTRY as OFW SUPPORTER

 

46 comments:

  1. uy good luck sa entry mo
    it make a lot of sense

    ReplyDelete
  2. Dahil sa internet nawawala ang pagka home sick ko.... ^^ Goodluck sa entry mo ^___^

    ReplyDelete
  3. Natuwa naman ako sayo KUYA hehehe, ang suwerte ng mga kapatid mong babae hehe.
    Ako noon kapag may manligaw lng naku giyera sa bahay namin alburuto ang mga kuya's.

    ReplyDelete
  4. ay si kuya, protective sa mga sisterets nya..hehe!
    at seaman pala si fader mo...
    halos lahat pala kayo ay naghakot ng dolyar sa ibayong dagat.
    ok ang prediction mo, wifi everywhere, gusto ko yan! ;)
    at akala ko eh ordinaryong post ito, entry pala ito sa PEBA...
    GOOD LUCK McRich!! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. uy, may related posts na sya, successful! :)

      Delete
    2. Tal salamat sa laging suporta pati yung related posts widget successful din salamat ulit syo :)

      Delete
    3. Tal salamat sa related posts widget :) sana makabawi rin ako syo!

      Delete
  5. Totoo lahat ito, salamat at nasa makabagong panahon tayo gamit ang teknolohiya kaya't mabilis at madali na lamang ang pakikipag-ugnayan sa ating mga mahal sa buhay. Maganda ang iyong pagkakasulat at may tuwa at tawang hatid, good luck mabuhay ka idol!

    ReplyDelete
  6. Wow, halos buong pamilya nyo sir nasa iba't ibang bansa ah :)

    Goodluck with your entry!

    ReplyDelete
  7. naks damang-dama ko kuya yung haplos ng social media sa inyong buhay sa post na ito.

    kami rin e, nag-start sa snail mail, tape recorder, then ngayon na nga through social media. talon na sila lahat sa FB walang nakapansin ng multiply at friendster.

    sana lang ay talagang gamitin ng lahat sa tama ang social media. mabuhay sa iyong entry!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kakapraning na tuloy mag upload ng photos sa mga social networking sites kasi anhirap mag import aww!

      Delete
  8. true.. life is never too short to make a difference.. good luck on your entry!!

    btw, cool blog.. new reader! :D

    Cheers~!

    - Justin -
    The World According To Me

    ReplyDelete
  9. Halos lahat pala kayo sa family nyo e nangibang bansa. Buti nga at may mga social media sites na e dati ang hirap hirap kumonek sa mga mahal sa buhay na nasa ibang bansa. Sana magwagi ang entry mo!

    ReplyDelete
  10. hobby nyo palang mag work sa ibang bansa McRich! Sana bawas homesick ang advancements sa technology at mas accessible means ng pakikipag communicate sa pamilya :)

    ang liit naman ng tv nyo, pag sawa na si Caleb, akin na lang ha? :)


    Good luck sa entry!!! :)

    ReplyDelete
  11. Mcrich talking about the benefits of social media with heart.

    Goodluck sa entry mong ito. malaman po :)

    P.S. napangiti ako dun sa invest invest pasaload thing... hahaha ang kulit lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kailangan ko ng panggatas bagotilyo hihi :) good luck sakin!

      Delete
  12. Naks! Ganda..

    Naka-relate ako sa intro ng post.. Si Papa ko kasi nag-OFW sa Saudi nun bata pa ko, puro snail mail lang kami.. pag tatawag siya, parang hello at i love you lang masasabi namin kasi mahal nga! Pero meron din dati nun mag-record ng boses sa casette tape, haha! Cool kaya yun..

    Malaking tulong talaga internet at social media in terms of communication.. Can't wait for the hologram effect, parang ansaya nun!

    Good luck sa entry.. Let me know kung kailangan mo ng online vote :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Botohan na teh :) pero oks lang kahit wala, lam ko very busy ka!

      Delete
  13. mula snailmail hanggang sa bukas,naiugnay mo ang social media. gamit na gamit talaga nating mga pilipino ang social media,mas lalo na nga ang ting mga ofw. napakagandang solusyon ito para sa kanila. Pahalagahan talga lng sana at gamitin sa tama!

    natuwa ako sa mga pgakekeyr mo sa mga kapatid mo.Astig non! Huwarang kuya ka din Kua mcrich :)

    Goodluck sa entry sir mcrich!

    ReplyDelete
  14. OFW-ing family! mga bayani kayo :)
    Goodluck McRich! just let me know if you need social media support ;)

    ReplyDelete
  15. Goodluck sa entry mo McRich. Nakarelate ako sayo. panganay din ako. at ganyan na ganyan ako magpayo sa mga kapatid ko. hehe. OFW din ako dito sa NC. Go OFW Bloggers!

    ReplyDelete
  16. Malaki talaga ang naitutulong ng technology tanong mo pa sa mga magjowang nagsesexy time sa skype hahaha

    ReplyDelete
  17. sa unang paglapag mo talaga sa bansang dayuhan mararamdaman mo ang tila ba nag-iisa ka na para bang gusto mo nang umuwi o di kaya'y maiisip mong languyin na lang ang dagat kung maari lang...ganda po ng mensahe ng entry nyo..Gud luck po sa PEBA ",)

    ReplyDelete
  18. wow katotohanan sa isang ofw, hindi ko pa naman naranasan maging ofw pero ramdam ko anong hirap ang pinagdadaanan nila, if only there's a way to live better here in our country, siguro dito nalang. buti nalang ngayon may skype na, parang nasa kapitbahay nalang ang mga mahal mo sa buhay. hehehehe good luck po ate. =)

    ReplyDelete
  19. Suki ka na ng PEBA! Great writing as always. Goodluck!

    P.S. Kala ko girl ang bago mong bida, boy din pala?

    ReplyDelete
  20. hindi lang fad ang social media na agad mawawala, sumasang-ayon ako na magde-develop pa ito dahil magiging normal na tool ito sa ating buhay. nice post :)

    ReplyDelete
  21. Basta ang alam ko napasaya at napatawa ako sa mga pinagsusulat mo. ibang klase kang kuya! naisip ko rin na kung meron nang social media noong mga panahong bata pa ako at kasalukuyang OFW ang tatay ko, malamang mas masaya talaga kasi di na mashadong mahirap mangulila at di ka na maghahagilap ng blank tapes para makapag voice tape. madali na ang video calls at di na tulad noon na pupunta pa kami sa isang overseas call center para makausap ang tatay ko kasi pahirapan ang magkaron ng telepono.

    at palagay ko, kung anuman ang mangyari sa dalawang bida nyo sa hinaharap, alam kong makukuha nila ang sense of humor mo. :)))

    ReplyDelete

Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?