Saturday, December 10, 2011

PEBA 2011 - AKO Na!

Masama bang aminin na sobrang saya ko? 

Na napatalon ako ng paulit-ulit (habang lagpas-tenga ang ngiti), nakipagkamay at bumeso sa mga kapatid, at yinakap si misis ng walang kasing higpit (habang tumatalon pa rin). 

Dahil kulang pa ang aking pagmu-multi-task noong mga oras na yon, nagthought bubble naman ako: YES, lumi-level na ako kina  Jim Paredes (2008), Noslen Santiago (2009) at  Danilo Jacob (2010). . .  Richard Macarubbo (2011), naks

AKO na!  it's ME already!

Tapos, either mapapaltan na ang aking cellphone, o kaya'y, meron na kaming bagong flatscreen TV, yey!

Pagtawag ko kay Inay, sabi nya wala daw cellphone o flatscreen TV.  Maling-akala pala.  Mga raffle items lang pala ang mga yon.  Pero ang mahalaga, wagi daw kami, kaya yahoo pa rin! 

AKO pa rin!  It's ME still! 

Sa lahat ng bumubuo ng PEBA, maraming salamat po sa dalawang parangal na iginawad nyo sa akin (1st Place - OFW Blogger Division at 3rd Place - NOKIA Essay/Blog Writing Contest).  Ang totoo, natakot ako.  Baka kasi hindi pa handa ang mga hurado sa paraan ko ng pag-atake sa paksa.  Hindi kasi ako magaling sa mga highfalutin words.  Pati na rin sa mala-baul na tagalog.  Tapos, kung hindi nyo napanood ang ilan lang sa mga na-quote kong pelikula o programa sa TV, paniguradong hindi na kayo makaka-relate sa mensahe ng isinulat ko.

Sa lahat ng mga BLOGGERS na lumahok sa taong ito.  Binasa ko po ang bawat entry nyo, at damang-dama ko po ang PUSO sa bawat salitang binitawan nyo.  Congratulations at sana, ma-meet ko kayong lahat in the future!   

Sa lahat ng aking kapamilya, kapuso, kapatid, kaibigan, kabalitaan, kakampi, kakosa at ka-bagang, maraming salamat po.  Thank you sa inyong pagbabasa, pagcomment, pag-like, pag-share ng link at pagboto.  Isang malaking utang na loob ito na aking tatanawin sa buong buhay ko.  Promise.

Sa aking INAY.  Alam kong sanay ka nang umakyat ng entablado pero hindi ko kinaya ang pagkaway-kaway mo.  Suma-Shamcey Supsup lang?  Kulang na lang, tsunami walk.



1st PLACE - OFW BLOGGER DIVISION
Shamcey  MAMA Tsup-Tsup

3rd PLACE - NOKIA Essay/Blog Writing Contest
Grabbed from Pete Rahon of PEBA



Sa aking irog na si AIMEE.  My PRECIOUS.  You COMPLETE me.  You JUMP, I JUMP, remember?  Salamat sa suporta at pagproof-read ng aking mga entries.  Salamat din sa walang sawang pag-ibig sa akin.  Warts and all.

Sa iyo CALEB.  The LATTER will be greater than the rest!  Receive!

Sa lahat ng mga OFWs.  Especially sa aking dalawang kapatid, na sina Rachel at Rose, at pati na kay Itay.  Sana ibahin na natin ang style.  Given na kasi na mahirap maging OFW.  At nung pumirma ka ng kontrata, automatic na pumirma ka na rin sa lahat ng sakrispisyo, hirap, at kung anu-ano pang mala-MMK na moments na mangyayari sa yo.  

Tandaan mo lang na Ang mundo ay isang malaking Quiapo, maraming snatcher, maaagawan ka, lumaban ka

Kaya focus lang.  Steady lang sa goal.  Never forget what you came there for.  Mag-IPON.  Maging positibo sa lahat ng bagay.  Being positive is not just a state of mind.  It is FAITH.  That as you continue to put your trust in the Lord, He will give you the BEST future that He promised.

At kay BRO, na naging dati ring overseas worker and expat, To YOU Be the Glory and Honor Forever! 



* * * hitting-two-birds-with-one-stone * * *
Ito rin ang napili kong lahok bilang suporta sa PAKONTES ni GILLBOARD.

45 comments:

  1. Kagaling pati ito pang award.IKAW NA TALAGA wala ng iba ang panalo.Mabrouk

    ReplyDelete
  2. Wow! Congratulations ulit, Rich. Ako yong snatcher sa Quiapo kaya mag-ingat ka. Nyay! Hahaha!

    ReplyDelete
  3. praise God! really happy for you mc rich! o ha saan ang handaan?!! makadayo nga ulit sa abu dhabi sa enero! hahaha

    ReplyDelete
  4. congratulations po sa inyo and mabuhay sa iyo bilang OFW and more power sa iyong pagba-blog.

    ReplyDelete
  5. @rommel - sobrang natuwa ako syo brother, meron ka talagang post sa site mo about me, sobrang na-touch lang ba hehe :) thanks ulit!

    @jyppe - aha hehe salamat ulit jyppe, o yan tama na ang spelling ha!

    @iya - wag sa january and feb nasa bakasyon kme nyon :) yeah sobrang praise God talaga!

    @hoshi - wow thanks sa pagdalaw at pagbati, sana mapadalas ang dalaw mo :)

    ReplyDelete
  6. Grabe, may speech hihihi natutuwa ako yey!
    Congrats kuya
    Mabuhay kaung mga OFW :D

    ReplyDelete
  7. Yaaay!! Wala nakong masabi kundi.. CONGRATULATIONS!!!

    ReplyDelete
  8. Congrats ulit... anu nga pala award ng 3rd placer sa Nokia essay mo?
    Ikaw na! nakadalawang award ka...dapat kitang i-clap clap! kaya dapat ikaw LANG ang sagot sa kainian natin sa susunod na EB...

    ReplyDelete
  9. @zyra - congrats din syo!! next goal ko ang TABA naman hehe :)

    @leah - salamat po :)

    @moks - di ko alam, wala kasi kong load pantawag sa pinas haha :) kaya dapat talaga tayong maghati hihi!

    @kiko - a very humbling experience po talaga ito, thanks ng marami!!

    ReplyDelete
  10. ikaw na talaga! naks parang nasa stage lang kong mag deliver speech.. CONGRATS!!!!!

    ReplyDelete
  11. binabati kita sir mcrich!

    ikaw na tlaga:)

    ReplyDelete
  12. nakita ko cinocongratulate ka nila sa mga blogs nila! :D CONGRATS!!! PROUD OF U!

    ReplyDelete
  13. Congratz Bro. You are Blessed! Ikaw na nga : ). Keep up the good work. - aRBee & Emz

    ReplyDelete
  14. naks Mc Rich, eto ba un isinulat mo sa 2-ply joy bathroom tissue? hahaha...congrats ulit, ikaw na talaga! :)

    ReplyDelete
  15. @mommy - naku kung sa stage baka thank you lang nasabi ko haha, salamat po :)

    @jay - salamat & congrats din syo!

    @traveliztera - naks napadalaw na ang magaling na blogger, singer at fashionista, salamat ng marami, naku sana malaman ko kung sino mga bumati para makapagpasalamat sana :)

    @Rb & M - naku salamat, esp sa comments & votes nyo during the contest, congrats din sa 11-11-11, 12-12-12 naman!

    @talinggaw - actually kulang pa, baka kasi wala nang magbasa pag hinabaan ko hehe salamat sa support, parang kelan lang, dalawa lang tayong nagko-commentan no hihi :)

    ReplyDelete
  16. McRich ikaw na ikaw na ang No 1, congrats ng maraming marami, tayo ba kamo maglilibre, sure cge ba pero pwede ba sa akin pagbalik ko na uwi ako ng Pinas sa Thursday eh! jan pa balik ko!

    Congrats ulit!

    ReplyDelete
  17. huwalang ano man po.. you deserved it... congrats ulit... kakainggit po... eheheheh

    ReplyDelete
  18. @yellow bells - sige sa pagbalik mo na lang para mas masaya, enjoy sa bakasyon, congrats ulit sa yo & maraming salamat!

    @gillboard - salamat sa isa sa mga iniidolo ko sa blogosperya!

    @musingan - salamat po ulit sir pati na sa pagdalaw :)

    ReplyDelete
  19. salamat pam, sana makasama ka sa eb natin ha, mukhang next year na yon magaganap :)

    ReplyDelete
  20. pers taym dito. kongrats sa award kaibigan. palowd at na ad na kita sa blagles ko. :D

    ReplyDelete
  21. @vintot - salamat sa dalaw at pagbati!

    @buhay ofw - congrats din syo brother!

    ReplyDelete
  22. Congratulations and congratulations!!!

    ReplyDelete
  23. Congrats po!~ ^.^ Award si mother ganda lang walk sya sa stage, proud na proud!~

    ReplyDelete
  24. Hi salamat sa pagdalaw sa blog ko. Nakaka-flatter na isang award winning blogger ay nag gugol ng oras bisitahin ako...

    Congratulations sayo.

    ReplyDelete
  25. @pinaywriter - salamat po, mukhang nagpractice si inay at naimpluwensyahan ni shamcey :)

    @mayen - natawa naman ako, syempre masarap magblog hop esp sa mga good sites like what you have :) salamat!

    ReplyDelete
  26. Galeng galeng...glory to God bro!

    ReplyDelete
  27. Galeng galeng...Glory to God bro! May isang award-winning writer pala in our midst :) Za

    ReplyDelete
  28. za kaw ba yan? salamat & see you around!

    ReplyDelete
  29. congratulations. and merry christmas again

    ReplyDelete
  30. Ang galing galing naman! :D Congratulations :) and thank you for visiting my blog :) God bless and Happy New Year :D

    ReplyDelete
  31. hi biboy, isang karangalan na madalaw ng isang award-winning na blogger :) salamat!

    ReplyDelete
  32. my precious din! your happy im happy too hindi lang jump.

    ito ang katuparan ng mga pangarap natin, ang sagot sa lahat ng ating katanungan at ang gantimpala ng pagtitiis at pagpupursige.

    ito ang speech ng isang PEBA awardee :)

    love you be! this is Mcaim :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. yes be onteng tiis na lang :) pasasaan ba't makakauwi rin tayo!

      Delete
  33. kamusta po? nahiya naman ako ngayon ko lang nabisita yung blog mo, PEBA awardee pala ito, ikaw na :) sa susunod pahiram ako ng award ah, babalik ko rin promise lol more power God bless :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hala natuwa naman ako sir sa pagbisita mo :) maraming salamat po, sige ba, anytime kelan mo po kailangan hahaha :)

      Delete

Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?