Showing posts with label Nokia. Show all posts
Showing posts with label Nokia. Show all posts

Wednesday, August 29, 2012

TUTUTUT-TUTUT-TUTUTUT

May nagTEXT! 

Sumali daw ako sa Nokia Essay/Blog Writing Contest sa PEBA. 
Nagreply naman ako:
K.    

* * * * *

Aba, WHY not?  Gusto ko rin yatang maibahagi ang Kwentong Telepono ‘ko: 
‘Yung panahong naglaway, humikbi, pinimpols, naging madasalin, sumulat kay Santa Claus, sumali sa mga radio/tv/tabloid contests, tumaya sa lotto at nag-ipon sa piggy bank para lang magkaroon ng inaasam-asam na cellphone. 
‘Yung bang makabili ng teleponong 160 characters ang texting capacity at 4-liner ang text registry.  Para pwedeng makatanggap ng mga CUTE messages at mga composed graphics.  Tapos ise-save, pang-forward kung gusto ring magpa-CUTE. 
Magpindot-pindot-the-cell-phone.  Para, wala lang, makapagpa-CUTE ulit.
Ma-experience ang Snake.  Todong volume para ma-feel ang bawat ngasab ni Snake sa mga blocks na madadaanan n’ya; at magpakadalubhasa para lumaban sa mga friends na umii-Snake rin at lumelevel 9.
Makapag-miss-call.  Para maipahatid na nakaalala ka.  Pero sa totoo lang e wala ka talagang load.  Nagbabakasakaling magreturn call ang minis-call para magamit lang ang cellphone. 
At tama ka, para makapagpa-CUTE sa kahuli-hulihang pagkakataon.  
Oo aminado ako.  Sobrang pinangarap ko talaga ang moment na ‘to.  Ang problema lang, wala akong pambili hehe. 
                                                
* * * * *

Hindi naging madali sa akin ang lahat.  Unang work ‘ko.  Unang pasok sa corporate jungle.  Ginagamay pa ang Bahay ni Kuya.  Learning the craft.  Honing my skills.  Actual application of everything I learned in school.  It was really a learning experience.  At ang ultimate experience na napakahirap palang gastusin ang perang pinagpaguran ko.  Na mas malaki pa yata ang allowance na bigay ni Inay noong nag-aaral pa ako. 
So paano ako makakabili ng pangTEXT at pangCALL na telepono sa kakarampot kong sweldo?  Paano na ang Great NOKIA Dream ko?  
Kaya naman noong binigyan ako ni Itay ng cellphone, sobrang saya ko.  Sa sobrang saya, napaindak talaga ako.  Yumakap.  Humalik sa pisngi.  Nagpasalamat. 
                                                 
* * * * *

Actually, si Rachel talaga ang salarin.  Ang aking nakababatang kapatid. 
Kaarawan kasi n’ya.  At dahil kaarawan n’ya, bibilhan s’ya ni Itay ng bago at magarang telepono.  Ako naman syempre naawa sa sarili.  Nagwish na sana birthday ko na rin.  Pero kung birthday ko naman, syempre hindi naman ako bibigyan ng telepono.  May trabaho na ‘ko ‘di ba? 
Dito ko naramdamang nabasa ang aking pisngi.  Tumulo pala ang isang patak ng luha mula sa aking kaliwang mata.  MMK moment na sana, kung hindi lang bukas ang electric fan.  Dahil bago pa man bumagsak sa lupa ang aking luha, nag-evaporate na. Kaya bumaling na lang ako sa bintana.  Tumingin sa malayo.  At bumirit ng May Bukas Pa. 
Anyway, hindi ko na talaga maitatago pa ang aking nararamdaman.  Hindi na pwedeng balewalain ang silakbo ng damdaming nagmumula sa kalalimlaliman, kaibutu-ibuturan at kasukdul-sukdulang parte ng aking puso.  Naghuhumiyaw.  Ayokong maging dukha!  Ayokong maging mahirap! At gusto ko rin ng CELLPHONE! 
Fast Forward.  Kasama si Rachel sa Glorietta 4.  Nagbayad na sa Nokia dealer.  Nagbayad ng isa, teka wait lang, ng DALAWAng telepono. Hahaha. Tagumpay!  Salamat Rachel!
                                                 
* * * * *

5110, hay, so sosyal.  I’m IN.  Pakiramdam ko, tumaas ng slight ang estado ko sa lipunan.
Ito kasi ang panahong kaunti pa lang ang may teleponong pangTEXT and CALL.  O kaya, ang telepono nila ay hindi 4-liner na tulad ng 5110 ko.  This is THE life.  Kaya naman, I see to it, na tuwing masisilayan ng buong mundo ang aking 5110, they won’t be disappointed sa mga eksenang masasaksihan nila.
TUTUTUT-TUTUT-TUTUTUT (2x).  Ascending.  Volume: MAX. 
Uy, may nagtext.  Pero syempre patay-malisya muna.  Kunwari hindi narinig.  Tapos, slow-motiong huhugutin mula sa aking bulsa.  (Hindi lang basta bulsa ha.  Nakalagay s’ya sa bulsa sa bandang tuhod.  6-pockets.  Uso rin.)  Ia-unlock ang keypad.  Biglang mag-i-smile o tatawa.  Depende kung simpleng message lang o forwarded joke.  Tapos kunwari magre-reply.  Magpipipindot.  Syempre naka-keypad SOUND ON pa.  Para lalong agaw-eksena.  Pero sa totoo lang, Tipid Meals lang ang load haha.
                                                
* * * * *

Masayang magTEXT and CALL noon.  Malaya pa.  Wala pang mga snatchers ng telepono.  Hindi pa siguro nila naaaral ang economic value ng telepono kumpara sa Seiko wallet o sa Cebuana Lhuillier jewelries.  At kung alin ba ang mas madaling snatch-in.  E ang mga snatchers may mga angkin ding talino.  Mga street smart.  Kaya noong napagtanto nila na mas madaling mangharbat ng telepono at halos lahat ng tao ay mayroon nito, ayun na, kinarir.

* * * * *

Mabilis lumipas ang panahon.  Nag-iba na rin ang ihip ng hangin.  Marami na kasing naglabasang iba't ibang modelo.  Lahat na lang ng tao, nagti-text.  Lahat na lang pangisi-ngisi habang gamit ang kanilang cellphone.  Marami na rin ang sumasali sa Snake Olympics.  Samantalang ako, heto pa rin, matibay at hindi matinag sa aking...  5110! 
Bigay kaya sa akin ‘to.  May sentimental value.  Saka nagagamit pa rin naman a.
Oo useful talaga.  Very useful bilang tampulan ng mga jokes:
Bago lumabas at pagkapasok ng bahay.  Kukunin ng mga kaibigan ko ang 5110 ko at biglang magsasabing:  MANO PO Ingkong. 
Habang nagpa-park.  Hihiramin ang 5110 ko.  Pare pahiram.  Naka-hanging kasi tayo.”  Huwaat?  Gawin bang pangkalang ng oto ang 5110 ko?

* * * * *

Tuloy pa rin ang buhay-telepono.  At naiba muli ang trend: 
MAS maliit, more fun.  MAS maliit, MAS happy.  MAS maliit, MAS IN.  Kaya bumili ako ng 8210. 
Tapos may lumabas na MAS bago.  MAS maliliit pa sa 8210.  E ano pa ba ang gagawin ko?  Nagpalit pa rin ako ng telepono.  8310.  Ang galing!  Teleponong sobrang liit na pwedeng itago kahit sa kamay mo.  ‘Yun nga lang.  Hinliliit na yata ang ginagamit ko para pumindot sa keypad.  Pero ayos pa rin.  Basta lang japorms. 
Tapos ulit, owmaygas, nauso naman ang colored LCD na may camera at video pa.  Bili naman ako ng 6600.  Aba naman, sikat na naman.  Naalala ko nga, pumunta pa ang Plant Manager sa laboratoryo para lang magpa-pictorial. 
Tapos pa, nagkaroon ako ng trabahong may service phone na libre.  Naka-line pa.  Pangtawag sa mga suppliers sa Europe, North America and Australia.  3410.  Ok na rin, libre naman.  At least, hindi na ko magiging magastos sa load.  At mas japorms ako ngayon ha.  Dala-dalawang cellphone!   

* * * * *

Isang araw, tinuruan ako ng amo kong gumamit ng phone DICTIONARY.  Para mas madaling magtext in English.  Para tama rin daw ang spelling. 
Do not assume raw.  ‘Wag ko raw i-assume na naintidihan ng tinext kong foreigner ang aking message. 
Aba bakit?  Clear naman ang message ko ha:

“Sowrie pow.  Ws nat eybowl 2 enser ur kowl.  Pls kowl me bak pow.  Weyt q pow ang kowl u J 

Maayos naman a.  Slang pa nga yung enser ‘di ba?  Linagyan ko pa ng smiley.  Magalang pa ko. 
Hay, ang mga boss talaga.

* * * * *

Ngayong 2011, kung curious kayo kung ano na ba ang telepono ko dito sa UAE, heto tingnan n’yo:


Hindi ako nagdown-grade.  Hindi rin ako nagtitipid.  Alam ko na kasi ngayon, kung ano ang kailangan ko.  ‘Di ko na rin kailangan magpa-CUTE.  Meron na kasing na-CUTE-an sa akin haha.  Jumaporms?  Hindi na rin.  Hindi naman sa modelo ng telepono nasusukat ang iyong pagkatao.    
Ngayon mas matalino na kasi ako.  Alam ko na, na kaya naimbento ang NOKIA, e for CONNECTING PEOPLE. 
Hindi ito ginawa para takamin ang iyong mata, pahirapan ang damdamin sa tuwing masisilayan ang pangarap mong telepono, alipinin ka para bumili ng iba’t ibang modelo o ubusin ang kaban ng yaman mo.  Marami lang silang linalabas na modelo para sa iba’t ibang uri ng tao.  Para sa iba’t ibang pangangailangan mo: 
MAS magandang audio.  MAS vivid na camera at video.  MAS maraming applications.  MAS wi-fi ready.  MAS magara sa paningin.  MAS may dating. 
Kaya kung tatanungin n’yo ako kung nanghihinayang ba ako sa mga nagastos ko sa telepono?  Ito lang isasagot ko:
I’m glad I had my NOKIAs.  For NOKIA made me grow.

MESSAGE SENT!

Saturday, December 10, 2011

PEBA 2011 - AKO Na!

Masama bang aminin na sobrang saya ko? 

Na napatalon ako ng paulit-ulit (habang lagpas-tenga ang ngiti), nakipagkamay at bumeso sa mga kapatid, at yinakap si misis ng walang kasing higpit (habang tumatalon pa rin). 

Dahil kulang pa ang aking pagmu-multi-task noong mga oras na yon, nagthought bubble naman ako: YES, lumi-level na ako kina  Jim Paredes (2008), Noslen Santiago (2009) at  Danilo Jacob (2010). . .  Richard Macarubbo (2011), naks

AKO na!  it's ME already!

Tapos, either mapapaltan na ang aking cellphone, o kaya'y, meron na kaming bagong flatscreen TV, yey!

Pagtawag ko kay Inay, sabi nya wala daw cellphone o flatscreen TV.  Maling-akala pala.  Mga raffle items lang pala ang mga yon.  Pero ang mahalaga, wagi daw kami, kaya yahoo pa rin! 

AKO pa rin!  It's ME still! 

Sa lahat ng bumubuo ng PEBA, maraming salamat po sa dalawang parangal na iginawad nyo sa akin (1st Place - OFW Blogger Division at 3rd Place - NOKIA Essay/Blog Writing Contest).  Ang totoo, natakot ako.  Baka kasi hindi pa handa ang mga hurado sa paraan ko ng pag-atake sa paksa.  Hindi kasi ako magaling sa mga highfalutin words.  Pati na rin sa mala-baul na tagalog.  Tapos, kung hindi nyo napanood ang ilan lang sa mga na-quote kong pelikula o programa sa TV, paniguradong hindi na kayo makaka-relate sa mensahe ng isinulat ko.

Sa lahat ng mga BLOGGERS na lumahok sa taong ito.  Binasa ko po ang bawat entry nyo, at damang-dama ko po ang PUSO sa bawat salitang binitawan nyo.  Congratulations at sana, ma-meet ko kayong lahat in the future!   

Sa lahat ng aking kapamilya, kapuso, kapatid, kaibigan, kabalitaan, kakampi, kakosa at ka-bagang, maraming salamat po.  Thank you sa inyong pagbabasa, pagcomment, pag-like, pag-share ng link at pagboto.  Isang malaking utang na loob ito na aking tatanawin sa buong buhay ko.  Promise.

Sa aking INAY.  Alam kong sanay ka nang umakyat ng entablado pero hindi ko kinaya ang pagkaway-kaway mo.  Suma-Shamcey Supsup lang?  Kulang na lang, tsunami walk.



1st PLACE - OFW BLOGGER DIVISION
Shamcey  MAMA Tsup-Tsup

3rd PLACE - NOKIA Essay/Blog Writing Contest
Grabbed from Pete Rahon of PEBA



Sa aking irog na si AIMEE.  My PRECIOUS.  You COMPLETE me.  You JUMP, I JUMP, remember?  Salamat sa suporta at pagproof-read ng aking mga entries.  Salamat din sa walang sawang pag-ibig sa akin.  Warts and all.

Sa iyo CALEB.  The LATTER will be greater than the rest!  Receive!

Sa lahat ng mga OFWs.  Especially sa aking dalawang kapatid, na sina Rachel at Rose, at pati na kay Itay.  Sana ibahin na natin ang style.  Given na kasi na mahirap maging OFW.  At nung pumirma ka ng kontrata, automatic na pumirma ka na rin sa lahat ng sakrispisyo, hirap, at kung anu-ano pang mala-MMK na moments na mangyayari sa yo.  

Tandaan mo lang na Ang mundo ay isang malaking Quiapo, maraming snatcher, maaagawan ka, lumaban ka

Kaya focus lang.  Steady lang sa goal.  Never forget what you came there for.  Mag-IPON.  Maging positibo sa lahat ng bagay.  Being positive is not just a state of mind.  It is FAITH.  That as you continue to put your trust in the Lord, He will give you the BEST future that He promised.

At kay BRO, na naging dati ring overseas worker and expat, To YOU Be the Glory and Honor Forever! 



* * * hitting-two-birds-with-one-stone * * *
Ito rin ang napili kong lahok bilang suporta sa PAKONTES ni GILLBOARD.