Friday, December 23, 2011

PAMASKO sa mga OFWs

from  PEBA Website


Tawag ng marami sa amin ay mga Bagong BayaniDahil daw mas pinili naming umalis sa sariling bayan para makipagsapalaran sa ibang bansa. 

Na may mabigat na dibdib.  Malayo sa aming pamilya.  Sumusugal.  Nagba-baka-sakali.  Nagpipikit-mata.  Walang kasiguraduhan.  

Kung TOTOO kaming bayani, bakit kailangan nyong gawin sa amin ITO?  Mula premium na binabayaran sa Philhealth na Php900, gustong gawin Php2400?

Sana man lang, malinaw sa amin ang rason.  Sana man lang, kami talaga ang makikinabang.  Sana, ang pera sa bansang aming pinagta-trabahuhan ay parang kalat na maaaring pulutin lang.  At sana, sa mga pagkakataong ganito, pwede kaming humingi ng dagdag na sahod, mula sa aming mga amo, para mapaltan ang perang gustong kuhanin sa amin ng gobyerno. 

Pero ano ang sasabihin namin sa kanila?

AKO:  Pwede po bang humingi ng umento sa sahod? 
AMO:  For what? 
AKO:  Kasi po, gusto ng aming gobyernong bigyan kami ng mas magandang benepisyong pangkalusugan. 
AMO:  But why are they getting it from you?  Besides, is your Philhealth valid here?  And is it any better than the Health Insurance we are providing you?
AKO:  Hindi po. 

Ang totoo nga po, dagdag na pahirap lamang ito: mula sa pagbabayad ng premium, mahabang pila sa pagbabayad sa mga embahada o sa POEA, masusungit na kawani ng gobyerno, at hanggang sa pagkuha ng karampatang benepisyo sa panahong kailangan na ito (na aabutin ng ilang buwan bago maaprubahan).  Hindi nga rin po namin maintindihan, kung bakit gusto na nilang ipatupad ang bagong Memorandum na ito, nang hindi man lang kami kinukonsulta. 

Bukas naman po kami para makinig.  Siguro para sa amin talaga ito.  Siguro maganda talaga ang motibo ng ating gobyerno.  

But is it ever too much, and just a waste of time, to take some time explaining this to us?



This is in support to the call of Mr. PETE RAHON,
Chairman of Pinoy Expats/OFW Blog Awards (PEBA),
regarding the Philhealth Issue besetting all OFWs. 

21 comments:

  1. salamat po sa pag-post sa isyu na ito, sana pakinggan ng pamahalaan ang boses ng ating pagtutol sa pagtataas ng premium sa ating PHilheath contribution...

    ReplyDelete
  2. bravo. at yong pagkuha ng OEC di ka nila bibigyan kong di ka muna kukuha at magbabayad ng pagibig fund. Sapilitan ba bakit may mga ganon sa pinoy.UUwi ka na lang may mga pahirap.nagnapapahayag lang ng nararamdaman.

    ReplyDelete
  3. Kaya nga tayo binansagan bagong bayani dahil sa laki ng pinabayaran natin...:) ganun talaga ang bayani, ang pinaghihirapan o paghihirap niya ay iba ang nakikinabang/makikinabang. Tulad ng mga nasawing bayani natin o lahat ng bayani, hindi sila ang nakinabang sa pinaghirapan nila.

    MABUHAY ANG MGA OFW!!

    ReplyDelete
  4. @pete - wala pong problema. bilang ofw, buo po ang aking suporta sa issueng ito.

    @diamondr - di ba sobrang nakakabanas? pauwi ka na andami pang eklat hahaha :)

    @akoni - may tama ka, thanks, ngayon ko lang na-realize ang point na yan, iba talaga pag galing sa mga alamat sa blogging!!

    ReplyDelete
  5. ang anumang pagbabago lalo at higit kung may kaugnayan sa mga bayarin sa gobyerno ay nararapat lamang na ikunsulta at ipaliwanag ng sangkot na sangay ng gobyerno sa mga mamamayan (OFW o local na residente man) upang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan. sana ay dinggin ng gobyerno ang inyong panig sa usapin na inyong ipinaglalaban.

    grabe...ang seryoso ng comment ko...hehe. Merry Christmas McRich! :)

    ReplyDelete
  6. Sa dinami-dami ng bayarin ng isang OFW bago umalis ng bansang Pinas, di na po ako magtataka na magtaas ang lahat ng babayaran natin...Hangad ko lang na sana'y sa mabuti mapunta ang lahat...

    ReplyDelete
  7. ang pangit talaga ng sistema natin sa totoo lang, imbis na paangatin tayu pilit tayu hinihila pababa, every 6 months ang uwe ng asawa ko pero laging buu yung dapat na bayaran sa philhealth na yan, we pay doubled for one only tapos itataas pa.

    ReplyDelete
  8. nga pala pinindot ko ang plus 1 para umangat ang pahina mo at baka sakaling makita ng kinauukulan

    ReplyDelete
  9. love the sentiments in this post,,,, kudos and more power:)

    ReplyDelete
  10. Sa totoo lang ,tayong mga OFW lang ang nagpapataas ng ekonomiya ng bansa at sa atin din sila maraming nakukurakot at alam nila na mga OFW walang angal sa mga babayaran makaalis lang ng bansa.Unang una na nga yung mahal na placement fee,kahit gaano kamahal at karaming miscellaneous ay kinakagat kaya lahat na lang pwedeng masingil ay ginagawa ni like pag ibig at ito na ngang Phil health naman.

    ReplyDelete
  11. ay...andami talagang nababadtrip sa mga placement fees at kung ano anong fees pa meron diyan...dami ko pala poproblemahin pag ofw na me. sana naman magbago ng ung gobyerno at mga officials nila..

    ReplyDelete
  12. I sympathize with your predicament, kailangan talaga baguhin ang mga sistema ng gobyerno natin.

    ReplyDelete
  13. yung mama ko namatay siya last august 2010. Mayroon naman kaming nakuha sa philhealth. Pero nung tingnan ko lahat ng payslip niya pero deductions from gov't, halos wala ng natitira. Nakakalungkot isipin na hindi niya napakinabangan ng husto ang perang kinita niya nung nabubuhay pa siya. Sabihin na nating maganda ang intensyon nila, ngunit para sa akin huwag naman sanang abusuhin ang bawat isa at itago sa likod ng magandang programa ang sariling interes.

    ReplyDelete
  14. @tal - oo natawa ko, at tagalog na tagalog ha :)

    @2ngaw - sana nga mas mapabuti.

    @chrisair - & yet u dont know where it is really going right?

    @morion - sori po, na-emo :)

    @tatess - alam kasi nilang kaya nating magbayad kaya pinipwersa tayo lagi :(

    @sendo - kaya maghanda ka na :)

    @jun - thank you sir!

    @jhengpot - that's exactly it, antagal hinulugan pero wala ring kinapuntahan. im sorry about your mom :(

    ReplyDelete
  15. Grabe talaga nung nabasa ko to gusto kong magblog magpost pero wala kasi akong alam sa philheath eh. So I need to read up about it pa. Sarili kong philhealth di ko naiintindi.

    Honestly, nahihiya ako sa philhealth natin napakawalang...*sighs* alam ko sa ibang bansa stressed ang mga tao sa taas ng tax nila pero sila at least nararamdaman nila. Pero tayo wit na. Lalo na po kayo. Grabe talaga.

    Kaiyamot talaga ang mga naunang mga gobyerno, pinaabot sa ganito ang kabulukan. Tayo tuloy nababalikan. Tsk.

    ReplyDelete
  16. di ba, lahat tayo walang alam sa mga anik-anik ng philhealth at kung ano ba talaga ang importance nito. tapos magugulantang na lang kami sa ganitong balita **tumaas ulit ang presyon, pagkakataon na ata para magamit ang philhealth haha**

    happy new year pinay!

    ReplyDelete
  17. o magbabayad pa tayo ng SSS ricardo!

    hahahaha

    pinoy government nga naman!

    from Mcaim :D

    ReplyDelete
  18. I've read a few just right stuff here. Definitely value bookmarking for revisiting. I wonder how much attempt you set to create any such fantastic informative website.
    Also see my webpage - read review

    ReplyDelete
  19. Excellent article. I'm going through many of these issues as well..
    My page - online investment brokers

    ReplyDelete
  20. I must thank you for the efforts you've put in writing this site. I'm hoping to see the same high-grade
    blog posts by you in the future as well. In fact, your creative writing abilities has motivated me to get my very own website now
    ;)

    Here is my page :: additional hints

    ReplyDelete
  21. I think this is one of the most significant info for me.

    And i'm glad reading your article. But should remark on few general things, The web site style is wonderful, the articles is really great : D. Good job, cheers

    My homepage ... the original source

    ReplyDelete

Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?