IYA ng When She Cries... She Writes.
Sa totoo lang, akala ko, emo girl si Iya. Yung tipong makikipag-EB nga pero lagi namang nakatunganga/nakatingin sa kawalan o kaya e gugustuhin na lang kitilin ang kanyang buhay dahil sa ka-emo-han nya.
Sa totoo ulit, binalak kong magbaon ng tissue, kasi ang akala ko, tipong MMK UAE Edition ang magiging usapan namin sa araw na yon. Nagdalawang-isip nga ko kung pupunta ba talaga ko o hindi. Ano ba naman ang ii-expect ko kay Iya, gayong pati pakontes nya ay tungkol sa patak ng luha, hagulhol, pighati at kung anu-ano pang kalungkutan sa mundo.
Pero mali pala ko.
Pati tuloy KAMI, nahawa. |
ROMMEL ng One Acre of Diamond
Isa pa sa mga sikat na blogger na nakilala ko nung araw na yon ay si Rommel. Sabi pa ni Iya, Project Manager si Rommel sa isang construction company. Pagkasabi ni Iya nito, bigla akong nagkaroon ng lighbulb moment. Ayus, meron nang manlilibre!
Kung ang maraming taong kilala ko e may BUSILAK na puso, ang kay Rommel naman, DIAMANTE. Hindi dahil sa ubod ng tigas ng puso nya, bagkus ay dahil sa dami nyang datung haha. True to his name, inilibre nya kami sa Sbarro (pati na rin sa taxi papuntang Al Wadha Mall) at sya pa ang aming official photographer, gamit ang kanyang pamatay na Nikon DLSR.
He is a man of few words pero dama mo ang kanyang kabaitan. Hihirit ng onte pero most of the times ay nakikinig lang. Sabagay, bakit naman sya mag-aaksaya ng panahon, gayong nasa harapan nya ang isang pretty at dalawang gwapong 'subjects'.
Kaya ayun, kinodakan nya na lang kami ng kinodakan. Kami naman, pose lang ng pose (kahit ayaw namin at napilitan lang).
Si Rommel na ang inspired!
SHERWIN of Mokong
Ika nga nya sa EB blog nya, sya ang VIP. Oo, dahil sya ang pinakahuling dumating sa aming apat. Pagbigyan na. Tutal, balita ko, sya naman ang taya sa susunod naming labas, nyaha.
Si Mokong ang pinakamakisig sa amin. Ikaw ba naman ang sumakay sa libreng ride na ito:
Pakaway-kaway pa sya dito. |
Dito TISOY na sya. |
Hahaha.
Sa maikling panahong nagkasama kami, pakiramdam ko, matagal na kaming magkakakilala. Instant yung closeness. Wala ng arte-arte. Hindi na kailangang magpa-cute. What you see is what you get.
DUGUAN moment kaya siguro seryoso sila. |
Kaya kung sa susunod at mamarapatin muling makasama ko ang tatlong to, aba walang dalawang-isip at makiki-EB ulit ako. Lalo na kung LIBRE ulit!
DiamondR, Mokong, Iya_Khin at McRICH |
At kami ang bumubuo ng...
UAE U-Bloggers!
At Promoted PM na ako ngayon dahil lang sa libreng pananghalian ubod ng katipiran. nahiya naman ako sa mga alaga kung pusa nito.Blissfully rich lang ng tulad mo dahil anak ni papa God.
ReplyDeleteNice meeting you.Ikaw na ang promotor ng UAE u-blog.
astig!!! may eb sa UAE, uwi ka ng pinas, eb tayo hehehe
ReplyDeleteHahaha! Kitilin tlaga ang word!!! Cge next time sagot ko....ang tubig! Hahaha nice to meet you Rich!
ReplyDeleteHahaha kitilin talaga ang word??! Nice to meet u Rich saya natin! God bless
ReplyDeletenong kabataan ko, yuck! kabataan ah, bata pa naman ako ah.. anyway, nong kabataan ko ideal man ko eh ung tipo ni Diamond R, hnd ung dahil madatong ah, gusto ko sa lalaki ung 'a man of few words' hehe! ung malalim ang iniisip, ung hnd masalita.. basta un.. hahahaha
ReplyDeleteAstig! Sana makapunta rin ako jan :)
ReplyDeleteYay!! Kelan kaya ako makakajoin sa AUE UBloggers? LOL.. Joke. Asa lang.
ReplyDeleteNatawa ako sa kay ser moks. Naging tisoy na sya after sumakay sa ride? wahihihi!! Bigtime tlga si Kuya Rommel oh.. Naku, paguwi nya ng Manila, kelangn kaming magkita.. As in! haha!
@rommel - naku tipid pa ba yon? sige bawi ka ulit sa susunod ha! thanks ulit diamondr!
ReplyDelete@bino - oo ba, magkapitbahay lang naman tayo kaya madali na yon pag uwi. hanap na lang tayo ng manlilibre. sama natin si diamondr haha :)
@iya - nanlibre ka rin naman a, di ba sagot mo yung 2dhs na kulang sa pamasahe papuntang al wadha mall? haha nangengwenta talaga ko. nice to meet you too iya!
@mommy - baka meron po kayong gustong ireto sa aming most eligible bachelor? (di lang ko sure kung not taken pa si rommel) di po kayo mapapahiya!
@lord - sige punta ka na dito sir!
@leah - pero bilib ako kay mokong talaga, given na kasing matutuliro ka pag sumakay ka don pero gumow pa rin sya! sama ko sa eb nyo pag nasa pinas din ako ha :)
Naks! Umi-EB din kayo ah! :))
ReplyDeletehi gasdud, salamat sa pagdalaw, sasali ko sa kontes mo ha, antayin ko lang matapos ang peba :)
ReplyDeletesobrang ikli lang ng eb namin, at sana sa susunod madami na kme!
At talagang may caption na ngiting-tisoy? hahaha sana maulit ang EB hindi yung hilo-ride ko! -
ReplyDeleteWow! May mga kapanalig pala dito, pwede pa ba po makisali kahit di gaanong active (busy sa work, charot!) Nice to know na may U-Blog friends dito sa UAE, sa Abu Dhabi lang po ba lahat kayo naka-base? Walang Dubai? :D Hope to see you all, too! ^^
ReplyDelete-Reena
uy eb, saya naman!! kainggit..hehe!!
ReplyDeletesaya talaga makipag EB sa kapwa mo bloggero
ReplyDelete@moks - oo pre kitakits tayo ulit pagbalik ni iya from vacation!
ReplyDelete@reena - oo naman, eb kayo muna ni iya, sya ang taga-dubai saten, tapos pag ok lahat sked natin, eb tayo ulit yey.
@talinggaw - oo nga umi-eb na ko no haha, kasali knb sa u-blog sa fb?
@my nomadic habits - parang instant closeness talaga, siguro kse halos kilala nyo na ang isa't isa thru the blogs, thanks for visiting sir :)
@McRich: nde po, ano ba u-blog at ma-search nga sa fb. :)
ReplyDeletepara makapagnetwork ka rin, pm mo saken fb account mo para pa-add kita kay iya!
ReplyDeleteheheh nice to see iya, pareng rommel at pareng moks dyan...
ReplyDeletemagbubuo kami ng kulto dito kaya kami nagvolt-in!
ReplyDelete@McRich: sir, send ko na po sayo fb acct ko, thanks... :)
ReplyDeletesige maya ko approve kse nasa work pa ko, blocked fb dito. kya rin ko lumipat ng site kse pati multiply blocked (haha nag-explain talaga).
ReplyDeleteWow! Nagkaroon pala ng EB ang mga bloggers sa UAE. Astig! Pati ang mga pictures astig din.
ReplyDeleteHopefully mas marami sa susunod na Eb nyo at makasama naman kaming mga narito rin sa UAE. Salamat nga pala sa pagdaan sa aking pahina.
oo next time magset tayo ng mas malaking eb, nasa blog roll na naman kita kaya siguradong madali na ang kitaan next time, see you around!
ReplyDeletewow....my EB na din pala dito sa UAE, next time sama ako..hahahaha....
ReplyDeletesalamat sa pag daan sa aking tahanan....
ingats...
maligayang pasko!
hi kris merry christmas din, o next eb sama ka na ha!
ReplyDeletehehehe parang bioman lang.
ReplyDeletekakatuwa, wala akong ginagawa kaya ngayon lng nkkpagbasa basa ng blogs mo be.
lavet!
from Mcaim :D