Saturday, December 3, 2011

PEBA Award's Night



Hala, December na, PEBA Award's Night na.  Ang halos isang taong anticipation, sa Dec. 9, mabibigyan na ng TULDOK.  Hay, scaredy. 

Sana pumasok man lang sa Top TEN ang OFW Blog Entry ko.  Kakahiya kasi kay Inay na dadayo pa from Batangas para umatend.  Pati na rin sa kung sino man ang mahahatak nya.  Sana may consolation prizes man lang sa Nokia Essay/Blogging ContestMatindi kasi pangangailangan ko sa bagong cellphone na touch screen.  O kahit sa Any Blogger, Anywhere, kahit sana paano, makatyamba.  Para maka-akyat man lang ng stage si Inay.  Sayang naman ang effot at dyaporms nya. 

Hay ulit.  At isa pang hay.

Pero if given the chance, sobrang gustong-gusto ko sana talagang maka-aatend sa Gabi ng Parangal.  Alam nyo kung bakit?  Eto:

1. Masama bang mangarap, na kahit sa isang gabi sa buong buhay ko, e mag-astang ta-artits ako?  Gusto kong maranasan kung ano bang feeling lumakad sa red carpet, kodakan ng mga photographers at ma-interview para sa TV/radyo/podcast/slum book.

2. Gusto kong mag-suit o kaya mag-barong at maging at my BESTEST.  Tapos ini-name drop ko rin kung sino ang gumawa ng suot ko.  Is that Patis Tesoro?  No, it just smells like patis but it's actually from Ikaw-Na-ang-Dyaporms Tailoring from our nearby kanto.  Is your wallet LV?  No, it's Seiko, ang wallet na maswerte.  And it's the reason I won tonight.  Di ba so astig, so ta-artits.

3. Kung sakaling manalo --- mag-aktong hindi ini-expect pero may Acceptance Speech na isinulat sa Joy 2-ply Bathroom Tissue.  Baka kasi may makaligtaan. Baka may magalit pag hindi napasalamatan.  Alam mo naman sa showbiz.         

Pero sa totoo lang, eto talaga ang mga major reasons ko:

1. Gusto kong ma-meet ang lahat ng mga bloggers na sumali especially ang mga OFWs.  Damang-dama kasi sa mga entries nila, ang kanilang mga pinagdadaanan.  Sobrang gagaling nila at gusto ko silang saluduhan with matching mwah-mwah-tsup-tsup.  Saka kasi baka makakuha ng pasalubong haha.   

2. Ialay ang oras na yon sa aking pamilya (MCs, REPs & DANAs), mga kaibigan (ka-FB, ka-Multiply, ka-EN, ka-JCHGM, ka-work) at sa lahat ng sumuporta (nagcomment, nag-like at bumoto, at sa mga hindi bumoto, kilala ko kayo!).

3. Magpasalamat kay Bro na sa maliit na kakayanan ko, ginamit nya akong maging boses ng magandang plano nya sa bawat OFW.  Na kung magsisikap lang talaga tayo, magpo-focus sa ating goals, hindi magpapaapekto sa lahat ng negativities, mas lalong mapapabilis ang ating pag-asenso. 

Kaya sa lahat ng bumubuo ng PEBA, maraming-maraming salamat po!  At sana next year, may FREE 2-way ticket na haha.

11 comments:

  1. I wish you luck. =)

    http://rencelee.blogspot.com

    ReplyDelete
  2. salamat rence, ilang tulog na lang waaah!

    ReplyDelete
  3. o ayan sir ha, ibinoto na kita, sama mo na ko sa listahan na nakasulat sa 2-ply na joy bathroom tissue...heheh...jowk lang po. good luck! :)

    ReplyDelete
  4. Agree sa 2way plane tickets! :D God bless sa PEBA!

    ReplyDelete
  5. @talinggaw - makakaasa ka, kaso hindi ako makaka-attend e. salamat sa boto :)

    @iya - di ba? dapat meron talagang tiket para mas happy ang mga nominees hehe kaso maghihirap naman ang PEBA pagtapos!

    ReplyDelete
  6. sa dec. 9, lalatagan ka namin ng red carpet tapos kukunan ka nmin ng sabay sabay nila ate, leng at ataleng. pwede ka din magspeech sa ibabaw ng mesa parang platform lang hehehe. e love na love ka namin daddy Mc! pwede nmin gawin yon kung gusto mo :D

    i-support PEBA! thank you for bringing out the best in people!

    I-support blissfully Rich! ikaw ang bida sa buhay namin ni McCale!

    ReplyDelete
  7. talaga be? o sige, magpi-prepare na ko ng speech ha! salamat be for inspiring me and supporting me sa mga eklat ko :) love ko rin kayo syempre :D

    ReplyDelete
  8. ngayon ko lang ito nabasa after na manalo ka ganyan talaga ang biglang sumisikat hinahanap at inaalam. congrats. It's you already ikaw na.

    ReplyDelete
  9. rommel haha sikat na ba? matutupad na rin ang pangarap kong maging presidente ng pinas dahil sa pagkapanalo ko sa PEBA nyaha :) salamat brother!

    ReplyDelete

Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?