Eksena sa bahay nung ika-18th birthday ko.
ME: Ma may sasabihin ako sa yo. (Lub-dub, Lub-dub.)
MA: Ano yon?
ME: Alam mo Ma si Alfred nagyoyosi na. Si Jason nagyoyosi na rin. (Sila yung mga close friends ko na kilala sa bahay.)
MA: E ikaw?
ME: Nagyoyosi na rin! (Medyo alert mode baka mabigwasan.)
MA: Well, choice mo yan. Just be responsible.
ME: (Buntong-hininga with matching malaking YES!) I will Ma!
Kaya yon, ligal akong magyosi sa bahay simula pa nung 18 yrs old ako. Mas minabuti kong magpaalam ng maayos kasi ayoko ng patago-tago. Dyahe kasi yung nagyoyosi ka na nga tapos magsisinungaling ka pa. Doble kasalanan hehe.
Ngayon, habang ginagawa ko tong blog ko, kinom-pute ko kung gano na ba karaming yosi ang nahithit ko sa buong buhay ko:
Age: 19 25 33 years old
Total No. of Yosi Years Since Legalization: 33-18 = 15 years
Total No. of Days in a Year: 365.25 days
Average No. of Yosi per Day: 4 sticks
Total No. of Yosi Consumption Since Birth: 21, 915 sticks, wapak!
Imagine, 21915 piraso ng yosi na pala ang nahithit-buga ko sa bunganga ko. E estimate lang yan. Syempre may mga times na mas adik ka sa yosi lalo na pag malamig o kaya pagkatapos ng masarap na kain o kaya dyumijerbaks o kaya umiinom o kaya e bored ka lang.
Kaya sobrang happy ko lang na nasa ika-7 na araw na kong YOSI-FREE, woot!
At dahil usapang pang-HEALTH na rin naman ang topic, at puro old gala photos pa lang ang napo-post ko dito, share ko lang ang mga photos sa gala/trabaho ko kahapon (fresh na fresh yey).
Sobrang natutuwa lang ako na tuloy-tuloy pa rin ang YOSI-FREE Project ko. Feeling ko lang, sobrang bango ko lang lately, hihi, at nadagdagan ng million years ang pwede ko pang i-stay sa mundo.
Para to sa mga mahal ko: McAIM & McCALE (& McNAO).
At para din sa yo to McRICH!
Average No. of Yosi per Day: 4 sticks
Total No. of Yosi Consumption Since Birth: 21, 915 sticks, wapak!
Imagine, 21915 piraso ng yosi na pala ang nahithit-buga ko sa bunganga ko. E estimate lang yan. Syempre may mga times na mas adik ka sa yosi lalo na pag malamig o kaya pagkatapos ng masarap na kain o kaya dyumijerbaks o kaya umiinom o kaya e bored ka lang.
Kaya sobrang happy ko lang na nasa ika-7 na araw na kong YOSI-FREE, woot!
At dahil usapang pang-HEALTH na rin naman ang topic, at puro old gala photos pa lang ang napo-post ko dito, share ko lang ang mga photos sa gala/trabaho ko kahapon (fresh na fresh yey).
Health & Safety Seminar sponsored by TOTAL. |
Breakfast. |
The other Pinoy in the seminar, Eduard. |
Lunch. |
Sweets! |
With Indonesian Operations Mngr., Nokke. |
Sobrang natutuwa lang ako na tuloy-tuloy pa rin ang YOSI-FREE Project ko. Feeling ko lang, sobrang bango ko lang lately, hihi, at nadagdagan ng million years ang pwede ko pang i-stay sa mundo.
Para to sa mga mahal ko: McAIM & McCALE (& McNAO).
At para din sa yo to McRICH!
wow keep it up! you can do it!
ReplyDeletehayt ko talaga ever since, dyan kami madalas mag away ng mama ko at daddy ko, di ko sila kinakausap pagnagyoyosi silang dalawa. wala din akong naging bf na nagyoyosi kasi natuturn off ako..hehehe
ReplyDeletewell, sana matuloy tuloy mo na yan, it's for your own health naman din, remember our body is the temple of God! :D
Tama yan sir, iwasan na ang yosi na yan at sakit lang ang ibibigay sayo. Ang father ko din eh mahilig mag-yosi dati, ayon pag-edad ng mahigit 50 eh nagka-tb, natakot mawala kagad sa mundo kaya nagpakabait, ang 6 mos na gamutan naging 3 lang, at sobrang ok na sya ngayon, simula nun nde na sya nag-yosi. Kaya mo yan sir, sabihin mo na lang lagi sa sarili mo: YOSI KADIRI!! :)
ReplyDeletediko kaya ng walang Yosi kahit isang stick lang sa isang araw.. parang nakakabaliw pg hindi maka pg yosi eh.
ReplyDeleteGood luck po sa pagquit ninyo ako natagalan ko mga one year dati then balik ulit!
ReplyDeleteGaling ah.. Keep it up! Good luck sa new Perspective..
ReplyDeleteHaha kinompute talaga ang sticks.
ReplyDeleteMy tatay's worse than that.
We are so PROUD of you BE! Keep it up!
ReplyDeleteSo nasa P100,000.00 na pala yon... hmp! :D
Sarap ng food sa Radisson kesa sa Cristal :(
sana tuluy tuloy na yan. di me nagyoyosi :D
ReplyDelete@unnamed psalmist - sobrang salamat po!
ReplyDelete@iya - i agree, kaya linilinis ko na ang temple ko hehe :)
@ads - wow idol, iba talga nagagawa ng pamilya!
@talinggaw - oo nga, yosi kadiri, yuck!
@simurgh - i understand you, but please do try, kung kinaya ng marami, kaya rin natin, cmon :)
@pinaywriter - oo, actually 2nd attempt ko na to, before i lasted for 6mos tapos na-heartbroken kaya balik ulit. i think this time tuloy-tuloy na talaga to :)
ReplyDelete@jr - salamat po!
@charles - haha nagulat lang ako na ganon na pala kadami kaya sinama ko sa blog!
@McAIM - syempre kayo ang aking inspiration :) thanks be!
oo nga this is it bino & good for u! kaka-eb lang namin nina mokong, iya and diamondr,first time ko!
ReplyDeleteWow!! Congratulations! Kahit na konting panahon palang yan, achievement na yan! Woot woot! Sana tuloy-tuloy na.. Healthy and clean living. :D
ReplyDeleteGoodluck! :)
ako di pa ko ligal patago din ako sa magulang ko...alam mo na hanggang ngayon nagyoyosi din ako...congrats at nahinto mo na, sana tuloy tuloy na...
ReplyDeleteHello!!! congrats, sana matigil na ang yosi
ReplyDeleteI wish you well on your path to wellness, choose nestle... este, wellness, period.
ReplyDeleteContinue blogging! Idagdag mo ako sa mga mambabasa mo...
@leah - at ngayon 8 days na yey!
ReplyDelete@pareng mokong - pana-panahon lang yan, dadating din ang panahon mo, suportahan ka namin ng mga UAE bloggers pwamis naks :)
@mommy-razz - wala na pong atrasan to!
@coolwaterworks - haha parang commercial, thanks, thanks!
I'll support you on this and of course, the rest of the bloggers.. Good luck bro. Oo dapat healthy living na tayo.
ReplyDeleteNung college, I've tried din mag-yosi. 5 sticks a night. Hahaha. Ako na ang adik. Pero ayun, napagalitan ako ng mga kuya kong bloggers. Tinigil ko. Hehe.
@hoobert - naku adikting naman talaga so am glad you were able to kick the habit while you still can. thanks for the support and see u around :)
ReplyDeletenice move =) ituloy mo lang!
ReplyDeletenaks si bon napadalaw, salamat ng marami sir, wala na tong urungan!
ReplyDeletegood thing you stopped. nakabawas ka din ng usok sa mundo! keep it up!
ReplyDeleteoo nga sir sa palagay ko rin na ang pagki-quit sa pagyoyosi ang sagot sa global warming! salamat po at nagka-time kayong dumalaw sa aking site :)
ReplyDeleteWow.. saludo po ako sa inyong "Yosi-Free" project niyo.. :)
ReplyDeletenaku maraming salamat, pati na rin sa pagdalaw zen :)
ReplyDeletePano ko di makakalimutan ang yosi 6 yearsold pa lang ako pinaubos na sa akin ni papa ang isang kahang sigarilyo dahil nakipagaway dahil sa yosi.
ReplyDeleteInam. Kaya hate ko yan ngayon. Good for you and for me kong maalis sa systema yan kasi wlang magandang maidudulot maliban sa pogi points.
siguro lahat talaga ng tao dumadaan sa ganitong yugto, kung di ka nagdaan swerte mo, basta siguro ang mahalaga e naget-over na natin ang yugtong ito, at tama ka, hate na natin ang yosi!
ReplyDeletebye bye na talaga sayo Marl Lights!
ReplyDeletehehehe
Good job be!
from Mcaim :D