Ang hirap gumawa ng intro kaya sasabihin ko na lang na galing ako ng Safety Training for 3 consecutive days.
Sobrang nakakaantok yung trainor. As in. At---ang---bagal---nyang---mag---salita! Kulang na lang e hiwain ko yung braso ko, at patakan ng lemon (wala kasing kalamansi sa Mid East), dahil sa mala-ibong-Adarnang arrive nya.
Oo, yung boses nya, kaya kang gawing bato. Batong humihilik. Ganon katindi ang powers.
Oo, yung boses nya, kaya kang gawing bato. Batong humihilik. Ganon katindi ang powers.
Pero dahil matindi pa rin naman ang kagustuhan kong matuto, pinilit ko talagang magfocus sa mga sinasabi nya. Kahit ga-balde na ang linuluha ko sa kakahikab. May kalso na ng toothpick ang talukap ng mga mata ko sa kakahikab. At kahit halos mawarak na ang makipot kong labi sa kakahikab pa rin.
Sino ba naman ang hindi hihikabin? Bukod sa bagal magsalita, lagi pang nakaupo. Tamad much?
![]() |
Bawi na lang sa pagkain. |
Sa 2nd Day naman ay nagulat ako. May BIBO-Moment pala. Pinagpartner-partner kami at sinabihang pag-aralan ang manipestong binigay sa amin, tapos ay ipi-present sa harap. WHAT?
Syempre alangan namang hindi ko itayo ang bandera ng Pilipinas. E nag-i-isa lang akong Pinoy don. Kaya nung time na namin nung partner ko, nagTAGALOG ako.
Natahimik silang lahat. Di nila ko maintidihan. They need an interpreter daw. Sabi ko, no need. I can be my own interpreter.
Eksena di ba? Yun e kung nangyari talaga.
Eksena di ba? Yun e kung nangyari talaga.
Syempre hindi ko ginawa yon. Basta I explained everything sa pinaka-simpleng paraang alam ko. Swak naman kasi there was a moment na natahimik silang lahat. No kidding. As in. Nadama kong tumigil silang lahat, nanahimik at nakinig sa akin.
Yun lang, wala akong proof. Pero I hope that you'd believe me, that I made our Country proud.
Yun lang, wala akong proof. Pero I hope that you'd believe me, that I made our Country proud.
Yung 3rd Day naman e kasama ko na ang Mrs ko. First time ko syang nakasamang magtraining sa labas. Syempre no dull moment. At dahil medyo forte talaga ng trabaho ko ang Safety, I let them claim all the glory. Basta sinuportahan ko ang mga ka-groupies sa ano mang tanong ng trainor at mga activities. Wagi naman kami ng mga pamigay na chocolates.
So ano ba ang Moral Lesson ng Blog ko today?
Na wag na wag na wag nyo kaming iimbitahan sa mga kainan.
Dahil kaya naming lumafang kahit walang inuman.
Salamat sa NGASAB Training.