Showing posts with label Petrochem. Show all posts
Showing posts with label Petrochem. Show all posts

Thursday, May 10, 2012

MAMI

MAMI-miss ko...

ang mga buwis-buhay training tulad nito, na kailangan mong mag-chill at kalma lang sa loob ng lumulubog na helicopter-replica at lumangoy afterwards na parang walang nangyari.  




ANSAYA nito pwamis, lalo na nung UMIKOT at NAKATIWARIK ka sa loob!
 
PINATALON din kami sa platform na nasa likod ko, KITA nyo? 




ang magtrabaho sa United Colors of Benetton habang kumakanta ng We are the World, We are the Children and It's a Small World Afterall.  


Kasama ang mga YARD People.


Kasama ang mga PLANT People.

Ito talaga ang UCB:  Algerian, Indonesian, Irish, Nigerian, French, English, Lebanese, FILIPINO at Canadian!

Dunong-dunungan Moment.




ang kumain ng masasarap na sweets na galing sa puwits.






ang mababait na CGmates, mula nung SINGLE to DOUBLE, na walang kahilig-hilig kumain at magtawanan ng walang humpay (habang kumakain pa rin).



Ispeysyal Number with Singles CG.  Si Rogel parang may POOT sa mga mata LOL :)

Kain kina Kumpadreng Kuya Danny (miss na namin kayo), si Marts hindi nag-pray haha :D

Kain sa Beach (nung Surprise Birthday Party ni Mrs)!


Our LAST Big Group (nung Surprise Birthday Dinner ko naman)!




ang i-enjoy ang init ng disyerto lalo pa't kasama mo ang nagse-sexy-han at baba-boom girls, a.k.a. The HEBIGATS.


We LOVE you Hebigats, IPON lang at hakutin ang YAMAN ng UAE!



Pero MAS, SOBRA, LALO, HIGIT, SUPER, OA naming MISS ang aming BIDA, kaya ALAM na.  
  
Di na TAYO maghihiwalay ANAK, PANGAKO yan!


Ang aming BIDA!

Tuesday, December 27, 2011

NGASAB Training

Ang hirap gumawa ng intro kaya sasabihin ko na lang na galing ako ng Safety Training for 3 consecutive days. 

Sobrang nakakaantok yung trainor.  As in.  At---ang---bagal---nyang---mag---salita!  Kulang na lang e hiwain ko yung braso ko, at patakan ng lemon (wala kasing kalamansi sa Mid East), dahil sa mala-ibong-Adarnang arrive nya.  

Oo, yung boses nya, kaya kang gawing bato.  Batong humihilik.  Ganon katindi ang powers.

Pero dahil matindi pa rin naman ang kagustuhan kong matuto, pinilit ko talagang magfocus sa mga sinasabi nya.  Kahit ga-balde na ang linuluha ko sa kakahikab.  May kalso na ng toothpick ang talukap ng mga mata ko sa kakahikab.  At kahit halos mawarak na ang makipot kong labi sa kakahikab pa rin.

Sino ba naman ang hindi hihikabin?  Bukod sa bagal magsalita, lagi pang nakaupo.  Tamad much?


Ayun sya sa harapan, kita nyo ba?
  

Bawi na lang sa pagkain.


Sa 2nd Day naman ay nagulat ako.  May BIBO-Moment pala.  Pinagpartner-partner kami at sinabihang pag-aralan ang manipestong binigay sa amin, tapos ay ipi-present sa harap.  WHAT? 



Ang  mga  BIBO Kids.  Parang United Nations lang.

Syempre alangan namang hindi ko itayo ang bandera ng Pilipinas.  E nag-i-isa lang akong Pinoy don.  Kaya nung time na namin nung partner ko, nagTAGALOG ako. 

Natahimik silang lahat.  Di nila ko maintidihan.  They need an interpreter daw.  Sabi ko, no need. I can be my own interpreter. 

Eksena di ba?  Yun e kung nangyari talaga.  

Syempre hindi ko ginawa yon.  Basta I explained everything sa pinaka-simpleng paraang alam ko.  Swak naman kasi there was a moment na natahimik silang lahat.  No kidding.  As in.  Nadama kong tumigil silang lahat, nanahimik at nakinig sa akin.

Yun lang, wala akong proof.  Pero I hope that you'd believe me, that I made our Country proud.     




   
 
Yung 3rd Day naman e kasama ko na ang Mrs ko.  First time ko syang nakasamang magtraining sa labas.  Syempre no dull moment.  At dahil medyo forte talaga ng trabaho ko ang Safety, I let them claim all the glory.  Basta sinuportahan ko ang mga ka-groupies sa ano mang tanong ng trainor at mga activities.  Wagi naman kami ng mga pamigay na chocolates. 





So ano ba ang Moral Lesson ng Blog ko today? 


Na wag na wag na wag nyo kaming iimbitahan sa mga kainan. 
Dahil kaya naming lumafang kahit walang inuman.


Salamat sa NGASAB Training.

Wednesday, December 14, 2011

BATIBOT

Ako ay kapitbahay, kapitbahay nyo.
Laging handang, tumulong sa inyo.
Kilala nyo ako, kilala nyo ako;
Ako'y isa sa kapitbahay, kapitbahay ninyo.

Ako ay kapitbahay, laging handa;
Laging handang, tumulong sa inyo.
Kilala nyo ako, kilala nyo ako
Ako'y isa sa kapitbahay, kapitbahay ninyo. 


Kung habang binabasa mo ang nasa itaas, at bigla ka na lang napabirit ng kanta, napangiti at naalala sina Pong Pagong, Kiko Matsing, Ate Shienna at Kuya Bodjie, aba'y walang pag-aalinlangan, isa ka rin sa napakaraming nag-BATIBOT nung kabataan mo.

Kung sa kabilang banda nama'y oblivious ka sa mga pinagsasabi ko, marahil isa ka sa mga fetus pa lang nung panahong yon.  O di kaya'y nagti-Teach-Me-How-To-Dougie pa lang ang mga magulang mo sa Obando, upang mabiyayaan na sila ng cutey-cuteyng anak sa katauhan mo. 

Kung hindi mo pa rin ako maintindihan (Oo, IKAW na ang BAGETS!), for your sake, at sa kapakanan ng ibang ka-batch ko (memory gap?), ang kanta sa itaas ay gamit sa isa sa mga segments sa programang BATIBOT.  Ito ang segment kung saan kailangang mahulaan ng mga manoood ang hanapbuhay o trabaho na isinasalarawan sa episode na yon. 

Meron din bang premyong 1 TB Western Portable Hard Drive + 1 Singapore Shirt sa portion na ito ng Batibot?  WALA. 

Kaya dadako na tayo sa tunay na dahilan kung bakit may pakanta-kanta pa ko sa umpisa:  Alam nyo ba kung ano ang hanapbuhay ko?

Ako ay nagta-trabaho sa isang kumpanyang sumusuporta sa pagdi-drill ng petrolyo o langis.  Kami ang nagpo-provide ng mga drilling fluid chemicals, engineering equipment at service manpower sa ilan sa mga pangunahing oil drillers sa Gitnang Silangan at ilang bahagi ng Africa. 

At sa araw-araw na ginawa ni BRO, ito ang mga ginagawa ko sa laboratoryo:

1. Magtimbang ng mga rekado with accurate precision.  Bawal magkamali.  Dapat tandaang mga kemikal ang tinitimbang.  At onteng pagkakamali lang ay maaaring magresulta ng fireworks display sa lugar-trabahuhan.

Analytical Balance


2.   Paghalu-haluin ang mga rekado na parang gumagawa lang ng shakes.  Wag iinumin.  Paalala, kemikal ang hinahalo.   

Multimixer


 3.  Pagtapos haluin, kailangang alamin kung tama ba ang lapot ng ginawang formula.  Di pwedeng sobrang lapot, o sobrang labnaw, dahil maaari itong maging sanhi ng pagka-stuck ng drill sa butas.  Paalala muli, hindi ito shakes.


Rheometer


4.  Sunod ay kailangan namang malaman ang mud weight ng formula.  (Opo, ang larawan sa ibaba ay hindi po seesaw.)  Nakakaapekto rin ito sa drilling dahil anumang bagay na ipinapasok natin sa drilling hole ay dapat muling lumabas.  Kung mabigat masyado ang formula, hindi na nito kakayaning ilabas ang mga cuttings (mga rock formations at drilling fluids) na mula sa ilalim ng lupa.

Kung inyo pong matatandaan, according sa ating Science Class, ang petrolyo ay produkto ng natabunang flora at fauna milyon-milyong taon na ang nakakaraan.  Kaya isipin nyo na lang kung gaano katigas ang lupang kailangang i-drill.  At kung gaano kapanganib dahil sa mga gases na produkto naman ng mga nabulok na flora at fauna milyon-milyong taon na ang nakakaraan. 

Idagdag mo pa na may mga pagkakataon na ang drilling ay nagaganap sa gitna ng karagatan (offshore).  Syempre, mapanganib na nga magdrill tapos ang tatalunan mo pa e dagat.  E paano kung may emergency?  Good luck na lang kung biglang mag-hello si Jaws sa yo.    

So ano ang point ko?  Na muli, ang larawan sa ibaba ay hindi seesaw.  Yun lang yon actually, medyo napahaba lang ang paliwanag ko hehe.

Mud Balance


5.  Test naman tungkol sa filtration control ang susunod.  Dapat malaman ang kakayanan ng formula na makapag-imbak ng fluids.  Tandaan na ano mang fluids na maiiwan sa butas ay maaaring magdulot ng permanenteng damage sa hole at sa kalikasang nakapalibot.  Kaya dapat very minimal lamang ang fluids na maiiwan. 

API Filter Press


6.  Last but not the least, kuhanin ang pH.  Dapat ang formulang ginawa ay hindi acidic.  Kung acidic ang timpla, maaari itong maging sanhi ng pangangalawang ng pang-drill.  E sobrang mahal nito.   (Opportunity na rin para bumati sa celebrant haha.)




Ang boring no, hay? 

Actually, isa pa lang ito sa napakaraming proseso sa pagdi-drill ng langis.  Hindi pa kasama dyan ang pagri-refine ng petrolyo, para maging kerosene, gasolina, lubricants, asphalt, etc., sa prosesong ang tawag naman ay fractional distillation.     

Ocia, tama na ang paliwanagan dahil ako'y pagod na. 

At ngayon, kaya nyo na bang hulahan kung Ano ang Trabaho ng Kapitbahay Nyo?



* * * Ito ang aking lahok sa MADUGONG Patimpalak ni GASOLINE DUDE. * * *

Thursday, December 1, 2011

YOSI Break

Eksena sa bahay nung ika-18th birthday ko.

ME:  Ma may sasabihin ako sa yo.  (Lub-dub, Lub-dub.)
MA:  Ano yon?
ME:  Alam mo Ma si Alfred nagyoyosi na.  Si Jason nagyoyosi na rin.  (Sila yung mga close friends ko na kilala sa bahay.)
MA:  E ikaw?
ME:  Nagyoyosi na rin! (Medyo alert mode baka mabigwasan.)
MA:  Well, choice mo yan.  Just be responsible.
ME:  (Buntong-hininga with matching malaking YES!)  I will Ma!


Kaya yon, ligal akong magyosi sa bahay simula pa nung 18 yrs old ako.  Mas minabuti kong magpaalam ng maayos kasi ayoko ng patago-tago.  Dyahe kasi yung nagyoyosi ka na nga tapos magsisinungaling ka pa.  Doble kasalanan hehe.

Ngayon, habang ginagawa ko tong blog ko, kinom-pute ko kung gano na ba karaming yosi ang nahithit ko sa buong buhay ko:

Age: 19  25  33 years old
Total No. of Yosi Years Since Legalization:  33-18 = 15 years
Total No. of Days in a Year:  365.25 days   
Average No. of Yosi per Day:  4 sticks
Total No. of Yosi Consumption Since Birth:  21, 915 sticks, wapak!

Imagine, 21915 piraso ng yosi na pala ang nahithit-buga ko sa bunganga ko.  E estimate lang yan.  Syempre may mga times na mas adik ka sa yosi lalo na pag malamig o kaya pagkatapos ng masarap na kain o kaya dyumijerbaks o kaya umiinom o kaya e bored ka lang. 

Kaya sobrang happy ko lang na nasa ika-7 na araw na kong YOSI-FREE, woot!

At dahil usapang pang-HEALTH na rin naman ang topic, at puro old gala photos pa lang ang napo-post ko dito, share ko lang ang mga photos sa gala/trabaho ko kahapon (fresh na fresh yey).   


Health & Safety Seminar sponsored by TOTAL.


Breakfast.

The other Pinoy in the seminar, Eduard.

Lunch.


Sweets!

With Indonesian Operations Mngr., Nokke.

 
Sobrang natutuwa lang ako na tuloy-tuloy pa rin ang YOSI-FREE Project ko.  Feeling ko lang, sobrang bango ko lang lately, hihi, at nadagdagan ng million years ang pwede ko pang i-stay sa mundo. 

Para to sa mga mahal ko: McAIM & McCALE (& McNAO).

At para din sa yo to McRICH!

Saturday, May 2, 2009

A Fruitful DAY





Ang dami kong nagawa today.  Sa sobrang dami napa-blog tuloy ako :D

1.  Nagcomment, nang-view, nag-invite, nagblog, tumingin ng ibang pics, nagpost ng album na hindi pa tapos..  sa Friendster at Multiply.  Di ako masyado aktibo sa Facebook pero kung nangyari yon baka pati Facebook napatos ko.

2.  Nakipagkwentuhan sa katrabaho.  Nagkwentuhan about sa buhay may asawa.  Ang hirap nang may kasamang ibang lahi sa flat sabi nya.  Nagkwentuhan about sa lunch.  Nanghingi ng baon ng kasama ko.  Konti lang.  Sawa na rin kasi ko sa chicken --- fried, roasted, broasted.  Haaay, chicken!  Tapos harap ulit sa computer.  Browse, browse ulit.

3.  Pero nakausap ko naman ang dalawang sub-contractors na ka-meeting ko today.  Diniscuss ang mga kailangang ayusin sa mga offices.  Bulol-bulol sa ingles para lang maintindihan ng mga PANA.  Nanghingi ng business card.  Tapos binilin sa kanila na magpadala agad ng proposal para sa project.

4.  Dalawa pa ang inaantay ko today kahit na 1 hour na lang at uwian na.  Ewan ko ba, 'yung mga tao dito e hindi punctual!  Sabagay, ano pa bang ekspekin mo,  e di ba mga PANA nga sila?  So ibig sabihin, mga INDIANERO talaga sila, hahaha :D

5.   Since malapit na ulit ang uwian, isip ulit kung anong lulutuin mamaya.  May mga activities later pero mukhang sa kwarto lang ako.  Masyado kasi akong napagod today :D

6.  Bukas nasa planta naman ako.  Sana naman may magawa na ako.  O may iutos ang amo ko sa akin.  Sana magkaroon na rin sya ng pakialam sa akin.  Pero nga pala, after meeting with the GM e nag-iba ang ihip ng hangin.  Ang mga concerns ko e inaasikaso na nya.  Siguro dahil na-hotseat nga sila nung isang manager.  Natawa nga ako kanina dahil tumawag sa akin ala-English-accent.  Syempre 'di ko nabosesan.  Sabi ko bakit nanloloko sya.  Sabi nya --- "Just to get rid of some pressure off me."  Hmmmn, pressure from pinuno siguro??

7.  Gusto ko magbuhat ulit kaso kakabuhat ko lang kahapon.  Siguro mag-upload na lang ako ng ibang pics mamaya habang nagluluto.

8.  Painit na ng painit.  Yung tipong nakatayo ka lang pero tatagaktak ang pawis mo.  Sarap sana magswimming kaso sa dagat din e hindi naman ako nakatagal kahapon.  Parang sandaling langoy lang, nagsawa na agad ako.  Ang init kasi talaga.  Parang nagka-sunburn nga ako agad sa maikling sandaling nababad ako sa dagat.

9.  Kailangan ko nang tapusin 'to.  Kasi mag-uwian na.  Kailangan ko pang tawagan ang driver namin para sunduin ako dito.  Time Check:  1625H

10.  Pero Lord, salamat po at may trabaho ako.  Though alam ko hindi ako naging fruitful today, babawi na lang po ako sa mga future utos ng amo ko.  alam ko may purpose ako kaya ako nandito at alam kong may itinuturo Ka sa akin sa bawat araw ko sa mundo.  Salamat po dahil kahit nabo-bore ako lagi, I still know that You are always in control.  I trust You.

Thursday, April 30, 2009

Rise of the TIGER

First Meeting of all Managers and Supervisors with the GM.  The PANAs --- on with their usual "pasiklaban" acts.  The NOYPIs --- listening intently, not mindful of them. 

Then came a comment from the GM in front of all the listening crowd.  "He is like a TIGER.  Doing his job, making follow-ups and he had just recenly made an excellent observation about our website.  My hat's off to you!" 

Countless remarks suddenly poured in --- very good observation, that was very good, congratulations! 

He even received an e-mail with this photo:


   "Well done Mr. Tiger.  Keep it up!" --- from the Production Manager


The gentleman that he is, he replied:  " Apparently, the Tiger has a very good trainer --- my boss."

He doesn't want to keep all the glory to himself.  Kahit na alam nyang walang pakialam ang boss nya sa kanya.  Ang mahalaga, alam na nang GM ang kapasidad nya at kung ano ang kaya nyang gawin!


Mabuhay ang mga NOYPIs sa UAE!


**** thank YOU for letting my light shine in my workplace :D   to YOU be the Glory!!!  ***

Sunday, April 19, 2009

Day 16 - WEIRD Officemates



Just recently, a lot has been happening in our company due to the sudden death of our Managing Director. 

The new General Manager is implementing different instructions that is unappealing to "the oldies" and is a constant laughingstock nowadays.

But what I could not understand is that they seem to ridicule even his instruction of keeping Saturday, the other is Friday, as another non-working day --- another OFF-day.  What??  I really can't dig it.  Why can't they just be happy and obey him?  I am happy!  So happy that as early as now, I am already planning on how I could use that extra day for recreation or maybe for rest.  I'd like to obey..  But my boss told me that I am not yet entitled to it because I am still on probation for the next 3-months.  What a pity!  Oh well, at least there is another thing, aside from regularization increase,  to look forward to after my probation :D

You know what, I think they are sick!  If only they could open their eyes some more and see that there is more to life than work!  If only I could share to them the happiness there is to life than confining one's self inside the office for countless hours and days!  Hey officemates, we were created not only to work but also to live! 

Hindi naman ako galit ha, nagpapaliwanag lang :D

Lastly, I could still recall a story about our deceased Managing Director.  While inside the ICU, he suddenly got up, removed all the tubes inserted in or poked on his body and while wailing he said, "I like to see my daughters!"

Remember that in your deathbed, your work will not cry for you.  (It will not even shed a tear for you.  In fact, it could easily find someone to replace you.)  But your FAMILY surely will.