Showing posts with label Caleb. Show all posts
Showing posts with label Caleb. Show all posts

Wednesday, February 13, 2013

I LOVE You With ALL My HYPOTHALAMUS

Iyon 'yung sabi ng guro namin dati sa Biology.  Mali raw ang pagsasabi ng I LOVE You With ALL my HEART kasi hindi naman daw HEART ang nagdidikta sa tao patungkol sa emosyon at pag-ibig.  

Kung ganon, HYPOTHALAMUS nga kaya ang nagtulak sa akin para walang-pandidiri kong sapuhin sa aking palad ang mamasa-masang jebak ni Caleb noong minsang hindi nya mapigilang maglabas ng sama ng loob (wala syang diaper dahil nagsi-swimming kami at umahon lang para kumain sa buffet area ng resort)?

E 'yung pagpapamalas ko ng aking talento sa pagbirit at pag-indayog sa pagpapatulog kay Ethan kahit pagal na ang aking katawang-lupa para lang makamit ni Bunso ang Sleep in Heavenly Peace?





 


Ewan ko, hindi ako sigurado. 

Kasi kung HEART naman, hindi rin nya kayang i-esplika kung bakit araw-araw ko pa ring pinagsisilbihan si MRS para uminom ng kanyang Vitamins (kahit nagagalit na ako sa kanya dahil pakiramdam ko ay nate-take for granted na nya ang kanyang sarili).






Hay, ewan ko.  HEART nga ba o HYPOTHALAMUS? 

Kung alin man sa dalawa ay bahala na kayong humusga.  Ang gusto ko lang naman talagang gawin ay batiin ang aking mga Travel Buddies, Eating Buddies at Home Buddies ng Happy Valentine's Day

At gusto ko ring sabihin sa kanilang I LOVE YOU WITH ALL OF ME!

Sama-sama na dyan ang aking HEART, HYPOTHALAMUS, liver, intestines, kidneys, my 2 cute utongs, my ever kissable lips and even my apdo.   

Thank you for making my life complete The MCs!


Tuesday, November 13, 2012

Better LATE and Pregnant

Sensya na po, sobrang inaagiw na 'tong mga photos namin.  Gusto ko lang i-share baka sakaling interesado kasi kayo. 

Gusto ko rin sanang magbigay ng BABALA na nakakaumay ang pagmumukha namin.  Try nyo munang magBonamine bago magproceed further. 


1. Nakipagkita kay EMPI sa SM Bicutan para sa donasyon naming old toys ni Caleb para sa proyektong Isang Minutong Smile ni Lord CM.  Nag-very-quick-bite na rin sa Jollibee para makipag-very-quick-kwentuhan na rin kay Empi.










2.  Tuloy pa rin po ang pagbebenta ko ng laman pero nagko-concentrate na po ako sa paggawa ng Burger Patties.  Kung pamilyar kayo sa Angel's Burger (Buy 1 Take 1 Burger), balak naming gumawa ng ganong klaseng negosyo at pangalanan naman itong --- Anghel's Burger






3.  Natutuwa kaming naka-attend na ng Sunday School si Caleb.  Gusto kasi namin na at least once a week ay may makasalamuha syang mga bagets of his age. 







4.  At long last ay nadala na rin namin si Caleb sa Barber's Shop.  Lakas-loob lang 'to kasi madali syang katihin at ayaw nya ng tunog ng razor.  Salamat sa lollipop.   







5. Nagpa-Happy Birthday Caleb sina MA at PA sa Batangas.  So nice na makita ulit ang mga kamag-anak lalo na't game na game sila sa mga palaro.  Musta naman, nung August pa 'to LOL. 








6.  Nagpa-swimming naman kami nung Birthday ni Ate sa Balai San Juan.  Huling swimming din before manganak si Aimee.  Musta ulit, nung September pa 'to.









7.  Syempre hindi mawawala ang  mga photos ng isa pa naming bida na si ETHAN RICH at ng aming SuperAimee .  Salamat BE for being strong all throughout  the 9 months and on the day of the delivery.  And until now. 

We LOVE You MOMMY! 









Maraming SALAMAT din pala sa lahat ng mga bumibisita sa munti kong blog.
1 YEAR na po tayo dito sa Blogspot yey!

Wednesday, August 22, 2012

BIDA is 2!

Nag-2 si Caleb last August 12. 

Mas pinili naming i-celebrate ang kanyang birthday with only a simple pasabog.  Pakiramdam kasi namin, mai-stress lang si bagets kung magpa-party kami.  Di pa naman talaga nila mai-enjoy yung mga Jollibee or McDO or any kind of theme party sa edad nyang 2. 

Naku maniwala kayo.  Tutulugan lang yan ng celebrant.  O mas matindi pa, cry-me-a-river ang emote ng inyong bagets sa buong party-party.  

It's either matakot sya sa mascot, or matakot sya sa guest!  (Malamang sa alamang e mas magiging rason yung pangalawang nabanggit hihi.)

Sa experience kasi namin, di naman talaga yon ang gusto ng bagets.  Yung mga magulang lang nila ang may gustong magpa-happy-fiesta.  E sino ba talaga ang may birthday?  Yung bagets ba o yung parents? 

Kaya para maiwasan ang mga ganitong eksena, buy na lang kami ng cake, sindi the 2 candles, magpakitang-gilas sa pag-blow ng 2 candles (na aming prinactice way before), picture-picture ng slight (para may remembrance ang BIDA), gawin ang mandatory yearly height measurement at onteng salo-salo na lang sa bahay.





Sina Lola Monica at  Lolo Renato
     
Mandatory YEARLY Height Measurement

From MANGO  to  CHILI yey!


Tapos dinala namin sya sa Manila Ocean Park dahil mahilig nga sya sa tubig pati na sa mga lamang-tubig.

Anong nangyari?  E di, HAPPINESS! 

Obvious naman sa pagtakbo nya, pagtalon, pag-split at pagtambling nung nakita na nya ang sari-saring kamag-anak ni Aryana.











Share ko na rin na mahirap palang maging driver, tour guide, photographer, yayo ng bagets at caregiver ng buntis, all at the same time.

Ito pa yung iba kong kuha na pumu-photographer ang peg.  Yung iba, kuha ni MRS Buntis when I needed to be a Yayo naman.



Dog Fish

Shark sacs

Stone Fish

Sharks

Ray & Shark


Ang pagbalik ko dito also brought back happy memories nung linibre namin ni Ate sina Ma & Leng nung newly-opened pa lang ang Manila Ocean Park.  Alam mo naman kami, aktibo.

RIP na rin yata ang sosyal na de-aircong Japanese Crab (na malamang ay linahok na sa sinangag) at ang lone Tiger Shark (na malamang ay ginawa nang siomai).  Di ko na kasi sila nakita ulit.



MA, Ate & Leng

Japanese Crab

Tiger Shark


Nostalgic talaga just looking at these photos of THEN...  And how wonderful to have experienced it again, NOW.


Oh  YUPPY Day

Oh  DADDY  Day


* * * * *

Nga pala, in the coming days, malungkot man isipin, e magre-reformat na raw ang MULTIPLY.  E dito kaya namukadkad ang aking blogging career.  Sayang naman kung idi-delete ang aking mga obra :)  Kaya ngayon pa lang e pipilitin kong ilipat ang sandamukmok kong photos at mga blogs ko. 

Please bear with me at wag kayong magulat kung luma ang mabasa nyong mga posts ha.  I-import ko nga kasi ang mga old blogs ko from Multiply. 

At good luck saken kung kakayanin pa ba ng aking hectic schedule!   

Wednesday, June 27, 2012

It's MORE FUN in the PHILS... TALAGA!

Sa wakas! 

Narating din namin ang Isla ng Splash (at di na nauwi sa Valleyng Tago) pagkatapos ng dalawa't kalahating kandirit!

Naks, kita nyo naman, may nalalaman pa silang Tambol-tambol Band. 

      

   


At kakaiba.  Ang daming tao kahit weekday.  Meron pang nag-Company Outing.




Naalala ko tuloy.  Bakit pag Company Outing, kailangan laging may PALARO?  Di ba pwedeng magswimming na lang o magrelax o maging malaya pansumandali sa mga office eklats? 

Bakit hindi na lang sa PLAYGROUND ang outing tutal laro-laro naman pala ang emote sa beach o sa pool?

Tapos pag di ka naman sumali e paniguradong may implication yon sa dagdag-sahod o performance mo.  Insubordination.  Dahil syempre, kasama rin ang iyong BOSS sa outing at mapanuri pa rin, as usual, ang kanilang mga mata!

Hay.

Pagtapos kong makipagdebate sa sarili ko na parang doble-oke contestant e inikot ko na lang muli ang aking mga mata.  Bigla naman akong natigalgal.  O hindi. 

Isa na namang tragic water accident is about to happen!  Naging saksi naman ako sa papalubog na...  KAYAK. 






Haler!  First time?  Excited?  Hindi po barko yan.  O kung barko man yan, bawal po ang overloading!  At haler ulit, hanggang tuhod pa lang po ang tubig.  Bakit hindi nyo na lang gayahin si Ateng may swimsuit-na-walang-butas-sa-baywang-at-hindi-umeffort-sa-paghahanap-ng-swimsuit-na-susuotin-sa-Splash-Island?  Pwede namang maglakad di ba? 

Nadako naman ang aking mga mata sa banda pa roon.  Aba't may paparating pa!



* * * * *


Baka sakali lang.   Baka may interesado sa mga pictures namin.  Linagay ko na rin para maumay pa kayo lalo sa pagmumukha namin hahahaha!





As usual, lubog-litaw lang sa tubig.  Andami kasing tao.  Saka ang babaw.  Nasa kiddie pool kasi kami.

Ayun, ang BIDA lakad ng lakad.  Si MRS walang pagsidlan ang kaligayahan.  Ako naman, dakilang taga-kodak, taga-dala ng gamit, tagabantay, taga-bili ng pagkain, at talaga ring walang pagsidlan ang kaligayahan.  Ultimate Bonding Experience.  Precious moment.


Maayos na sana ang lahat ng biglang...







...  may nakita akong lulutang-lutang na PUPU na kulay yellow at kasing laki ng hinlalaking daliri ko sa paa, iww, iww, iww!!!

Wala rin bang pagsidlan ng kaligayahan ang salarin kaya na-PUPU sya?

O hindi.  

Kaya iniahon ko agad ang BIDA, sinabi ang aking nakita kay MRS at umalis agad kami sa scene of the crime. 

Noong mga oras na yon e gusto kong manakit. Gusto kong sirain ang pool.  Gusto kong maligo ng mainit na tubig at ipa-dialysis ang dugo ko.  Dahil ang dumi-dumi ko na!

Gusto kong sumigaw ng:  KATARUNGAN!  KATARUNGAN para sa mga BIKTIMA ng PUPU!

At KAMI yon huhuhu!






Pag nakikita ko pa ang picture na to, o hindi ulit, labas pa talaga ang dila ng BIDA!  Si MRS bukas naman ang bibig! 

Ang dumi-dumi namin!







Para namang narinig ng langit ang aming hinaing.  Di nya napigilan, na minsan pang lumuha, para linisin ang tigang na lupang at pool na...  may PUPU, iww!

It's MORE FUN in the PHILS...  TALAGA!