Showing posts with label Parenting. Show all posts
Showing posts with label Parenting. Show all posts

Wednesday, February 13, 2013

I LOVE You With ALL My HYPOTHALAMUS

Iyon 'yung sabi ng guro namin dati sa Biology.  Mali raw ang pagsasabi ng I LOVE You With ALL my HEART kasi hindi naman daw HEART ang nagdidikta sa tao patungkol sa emosyon at pag-ibig.  

Kung ganon, HYPOTHALAMUS nga kaya ang nagtulak sa akin para walang-pandidiri kong sapuhin sa aking palad ang mamasa-masang jebak ni Caleb noong minsang hindi nya mapigilang maglabas ng sama ng loob (wala syang diaper dahil nagsi-swimming kami at umahon lang para kumain sa buffet area ng resort)?

E 'yung pagpapamalas ko ng aking talento sa pagbirit at pag-indayog sa pagpapatulog kay Ethan kahit pagal na ang aking katawang-lupa para lang makamit ni Bunso ang Sleep in Heavenly Peace?





 


Ewan ko, hindi ako sigurado. 

Kasi kung HEART naman, hindi rin nya kayang i-esplika kung bakit araw-araw ko pa ring pinagsisilbihan si MRS para uminom ng kanyang Vitamins (kahit nagagalit na ako sa kanya dahil pakiramdam ko ay nate-take for granted na nya ang kanyang sarili).






Hay, ewan ko.  HEART nga ba o HYPOTHALAMUS? 

Kung alin man sa dalawa ay bahala na kayong humusga.  Ang gusto ko lang naman talagang gawin ay batiin ang aking mga Travel Buddies, Eating Buddies at Home Buddies ng Happy Valentine's Day

At gusto ko ring sabihin sa kanilang I LOVE YOU WITH ALL OF ME!

Sama-sama na dyan ang aking HEART, HYPOTHALAMUS, liver, intestines, kidneys, my 2 cute utongs, my ever kissable lips and even my apdo.   

Thank you for making my life complete The MCs!


Monday, August 29, 2011

Bagong DADDY Series - BUNDLE of JOY (Part 2)





Let’s review!

Natatandaan n’yo pa ba how we defined BoJ? 

Kung hindi, magpatsek-up na sa pinakamalapit na health center dahil maaring sintomas na ‘yan ng dispepsia.  Magsoul-searching din.  Tingnan ang alignment ng mga bituin.  Marahil hindi today ang iyong Lucky Day.

Ngunit ‘wag nang humikbi.  Pwede naman nating ulitin.  Kahit na parang sirang-plaka lang. 

Muli:

Ang BUNDLE of JOY ay kalipunan ng kuntil-butil na mga aktibidades o gawi ng isang Bagets na kung gagawin ng isang Thunder ay OA.  Mga simpleng bagay na magpapangiti sa iyo ng walang halong effort o kaplastikan.  Tapos, mapupunta ka na lang sa isang mundong…  Masaya, makulay at kumukuti-kutitap.

4.  NGITING Colgate – Aminin mo na.  Na kahit ano pang kagimbal-gimbal na kaganapan ang ginawa sa ‘yo ni Bagets.  ‘Pag ito’y nasilayan na.  Wala na.  Suko na. 

Iba kasi ang ngiti o tawa ng Bagets.  Mabango.  Amoy baby.  Sobrang pure.  Walang pinipili.  Hindi nagdadamot.  Walang esta-estado ng buhay.  Basta masaya s’ya at gusto n’yang ngumiti, o tumawa.  Wala na.  Suko na. 
   
Samahan pa ng mga pearly whites.  Isa.  Tatlo.  Lima.  Wala na.  Suko na.

Ngayon, i-visualize mo, kung sa Thunder naman ito.  Ngiting with greasy whites.  Na Fill-in-the-Blanks, na One-Seat-Apart o Wishing-Well.  Tapos binuka ang Well.  Nalanghap mo ang amoy.  Wala na. Suko na!


5.  Baby TALK – Kakaibang moment din ito.  Kapag ang bagets ay unti-unti nang dumadaldal.  Naku ang sarap makipag-usap.  Talaga naman.  Lalo na ‘pag tumitingin sa mata mo.  Eye to eye kayo.  Puso sa puso.  Tapos maririnig mo pang parang may tono.  Na parang may gusto talaga s’yang iparating.  Naku naman talaga.  Heaven.

Heto na nga.  Isang Skype session namin.  Bigla na lang s’yang nagsalita.  Tuloy-tuloy.  Ang haba.  May tono.  May accent.  May twang.  Umi-intonation.  Tumataas.  Bumababa. Kaya tumitig ako lalo sa LCD ni HaPi (our Wonder Lappy).   Binanaag ang mukha ng aming Baby.  Ano kaya ang nais n’yang ipahiwatig sa amin?  Ano kaya ang kanyang mensahe?

Bigla na lang.  Eureka!

“The SUN is the center of the Solar System.  Moving around it are the planets.  Our SUN is a medium-sized star.  And when it reached its full potential, it becomes a SUPERNOVA.”

Kitam.  Pa’no ko nalaman?  Syempre.  Puso sa puso. 

At saka.  Ang gatas n’ya. 

PROMIL   



*** Photo from Universetoday.com ***                              

Saturday, August 13, 2011

Bagong DADDY Series - GOLDILOCKS Moment

Ambilis ng panahon.  Isang taon na pala ang nakalipas.   Parang panaginip lang.  Gusto ko tuloy magbalik-tanaw.  Magreminisce.  Mag-emo.
Cue MMK theme song. 
Isang gabi, napansin na lang naming may kakatwang kaganapan sa belly ni Aimee.  Parang ‘di na yata maganda sa paningin.  Parang parak lang sa kantang Laklak.  Naisip ko tuloy, pumupuslit kaya si Aimee gabi-gabi para mag-1 bottle?  Hindi naman siguro.
Health buff naman kami noon.  Nagwo-walking.  Nagdya-jogging.  Kumakandirit.  Nagka-cart-wheel.  Pero parang wa epek yata lately.  Sabagay, minsan kasi, more kanin-more fun ang trip namin.  Mabe-burn din naman.   ‘Yon ang akala namin.
Dahil sa hinihingi ng panahon, inenrol ko si Aimee sa gym.  Pinakarir ang cardio.  Pinababad sa treadmill.  Pinag-crunches.  Pinag-sit-up.  Pinag-push-up.  Dagdagan pa natin ng stationary bike para mas effective.  At habang nagpapahinga, mag-jumping jack muna!  Pero wa epek pa rin. 
‘Yun pala, nandito na ang aming BIDA!


Naku Caleb, andaya mo.  Wala ako nung pinanganak ka.  Ngayon naman, wala kami sa una mong kaarawan.  Puro na lang kami happy thoughts; para makabalik sa Never Neverland.  Lagi na lang kaming nagwi-withdraw sa ating Memory Bank; buti na lang nakapagdeposit kami last July. 
Gustong-gusto sana naming makikanta ng Happy Birthday; one octave higher.  Tignan ka habang bino-blow mo ang iyong 1st ever candle.  Makitikim sa iyong 1st ever birthday cake.  Magbukas ng regalo galing sa sa mga nagmamahal sa’yo.  Tingnan lang ang reaksyon mo. 
Anak pasensya ka na, I can no longer prolong the agony.  At ayoko na magsenti.  Kaya naman tatapusin ko na agad ito. 

Basta tandaan mo, CALEB RICH:
MASAYA ang aming MUNDO, ngayong IKAW ay NARITO.
We WISH you a HAPPY BIRTHDAY!

Thanks Nina.  Thanks Goldilocks.   

Thursday, January 20, 2011

Bagong DADDY Series - PUBLIC or PRIVATE (Part 4)

From Google


Isang taon sa kindergarten.  Anim na taon sa high school.  Limang taon sa college.  Sumatutal na nag-aral pala ako ng labing-anim na taon.  Kumusta naman?  Asan na ba ko ngayon?  Eto buma-blog.  Nagmumuni-muni.  Nag-iisip tungkol sa papalapit na bakasyon.  Sana Feb na.
Masarap naman talagang mag-aral.  Maging scholar ka man ng magulang mo o kaya scholar ng bayan.  Libre baon.  Libre uniform (laba, plantsa minsan kinukula pa with matching almirol para matikas ang kwelyo).  Paggising sa umaga may breakfast na.  Pag-uwi, may hapunan naman.  Problema mo lang: homeworks, projects or exams.  At simple lang ang buhay.      
Kaya nga sa totoo lang, kung papipiliin ulit ako, gusto ko ulit mag-aral. 
Pero ayoko ng OA na aral.  Ayoko ng Masteral or PhD.  Gusto ko ‘yung aral na madali lang.  Saka yung mag-eenjoy ako.
Dati nga nag-aral ako ng Basic Decorative Candlemaking sa TLRC Pasig.  Totoo yon.  Meron pa nga akong certificate.  Eto yung panahong hindi pa masyadong sikat ang scented, floating at decorative candles.  Naaalala ko pa nga, gabi bago ako pa-Saudi, gumagawa pa ko ng orders.  Mag-a-Araw kasi ng Patay nyon.  Malakas ang benta.  ‘Yung ibang orders naman, gagamiting give-aways sa Pasko.  Kitam.  Nag-enjoy na ko, kumita pa ko.
Nag-aral din ako ng Basic French I & II sa UP Diliman.  Effort ang aral na ‘yon kasi anlayo.  Pagtapos ng trabaho sa Makati, lipad na agad ako sa QC.  2 semesters din yon.  E nagamit ko ba naman?  Syempre HINDI.  Sino naman ang kakausapin ko in French?  Basta ang alam ko, tinupad ko lang ang isa sa mga goals ko before turning 30.  Iyon ay to learn a new language.  Atlis ngayon marunong na kong mag-ABC in French, bumilang in French at kung anu-ano pang basics ng French.  At higit sa lahat nag-enjoy ako!
Sa bakasyon ngang ‘to, nagpa-reserve na ‘ko.  Meron ulit akong aaralin.  Exciting.  Problema ko lang pa’no ko magbabayad ng fees.  Kailangan kasing magbayad agad.  Kaya in-email ko na si Sir.  Sana ma-approve naman ang request ko.  Sana.
So saan nga ba namin balak pag-aralin si Caleb? 
Kung ako ang tatanungin, sa PUBLIC.  Marami namang magagandang public schools.  Maganda rin naman ang turo.  Tinututukan pa nga sila.  At habang bina-blog ko ang Part 1, Part 2, Part 3 and Part 4 na topic na ‘to, nakapagresearch na rin ako.
Sa kindergarten hanggang elementary, sa Muntinlupa Elementary School.  Sa high school naman, medyo nag-iisip pa kung sa Masay, Pisay o sa Musay.  Pero pinakamalamang sa Musay. Sa Tunasan lang, malapit sa amin.   Sa college depende sa course nya.  Pero sana sa UP Diliman.
Hindi naman namin balak magtipid.  Hindi lang namin ma-gets kung bakit kailangan magbayad ng sobra-sobra sa TF.  Wala naman sa school yan, nasa estudyante mismo.  Nasa suporta ng pamilya.  Nasa guidance ng magulang.  Pangako lang namin na ituturo namin ang lahat ng kaya namin sa kanya.  Hindi naman lahat natututunan sa school.  Sa palagay ko nga, mas marami kang matutunan pagka-graduate mo.
Ayaw din namin ng 1-time millionaire.  ‘Yung sa umpisa bonggang-bongga tapos sa huli dukha na.  Kawawa naman ang bagets.  Marami akong naging kaklase noon na galing sa private school tapos nauwi sa public.  Bakit?  Hindi ko alam.  
At hindi rin naman sa iyon ang mangyayari sa amin, pero ang gusto namin, yung moderation lang.  Yung tipong naka-public nga sya, pero pwede namin syang i-tour sa mga historical spots tulad ng Ilocos.  Nasa public nga sya pero pwede kaming pumunta ng MOA para sa Nido World of Discoveries.  Tapos pwede pa kami kumain sa Mann Yann bilang sidetrip. 
O kaya magManila Oceanarium para sa Biology class nya.  Ituturo ko pa sa kanya ang Kingdom, Phylum, Class, Order, Family, Genus at Species ng bawat laman-dagat na makikita namin.
Mahalaga ang edukasyon.  Pero hindi sa pagbibigay-edukasyon lang natatapos ang pagiging magulang --- hindi lang nung nakipag-date ang egg cell ni Mommy sa sperm cell ni Daddy, hindi lang sa paggabay hanggang lumaki, hindi lang sa pagbibigay ng masisilungan tuwing tag-ulan at kanlungan sa tag-araw, hindi sa pagpo-provide ng damit o sa paglalagay ng pagkain sa hapag-kainan.  At lalong hindi lang sa pagpapapasok ng bagets sa private or public school.  
Kaya para sa Caleb namin,  PUBLIC --- dahil gusto ko rin syang makitikim ng NUTRIBUN!