Let’s review!
Natatandaan n’yo pa ba how we defined BoJ?
Kung hindi, magpatsek-up na sa pinakamalapit na health center dahil maaring sintomas na ‘yan ng dispepsia. Magsoul-searching din. Tingnan ang alignment ng mga bituin. Marahil hindi today ang iyong Lucky Day.
Ngunit ‘wag nang humikbi. Pwede naman nating ulitin. Kahit na parang sirang-plaka lang.
Muli:
Ang BUNDLE of JOY ay kalipunan ng kuntil-butil na mga aktibidades o gawi ng isang Bagets na kung gagawin ng isang Thunder ay OA. Mga simpleng bagay na magpapangiti sa iyo ng walang halong effort o kaplastikan. Tapos, mapupunta ka na lang sa isang mundong… Masaya, makulay at kumukuti-kutitap.
4. NGITING Colgate – Aminin mo na. Na kahit ano pang kagimbal-gimbal na kaganapan ang ginawa sa ‘yo ni Bagets. ‘Pag ito’y nasilayan na. Wala na. Suko na.
Iba kasi ang ngiti o tawa ng Bagets. Mabango. Amoy baby. Sobrang pure. Walang pinipili. Hindi nagdadamot. Walang esta-estado ng buhay. Basta masaya s’ya at gusto n’yang ngumiti, o tumawa. Wala na. Suko na.
Samahan pa ng mga pearly whites. Isa. Tatlo. Lima . Wala na. Suko na.
Ngayon, i-visualize mo, kung sa Thunder naman ito. Ngiting with greasy whites. Na Fill-in-the-Blanks, na One-Seat-Apart o Wishing-Well. Tapos binuka ang Well. Nalanghap mo ang amoy. Wala na. Suko na!
5. Baby TALK – Kakaibang moment din ito. Kapag ang bagets ay unti-unti nang dumadaldal. Naku ang sarap makipag-usap. Talaga naman. Lalo na ‘pag tumitingin sa mata mo. Eye to eye kayo. Puso sa puso. Tapos maririnig mo pang parang may tono. Na parang may gusto talaga s’yang iparating. Naku naman talaga. Heaven.
Heto na nga. Isang Skype session namin. Bigla na lang s’yang nagsalita. Tuloy-tuloy. Ang haba. May tono. May accent. May twang. Umi-intonation. Tumataas. Bumababa. Kaya tumitig ako lalo sa LCD ni HaPi (our Wonder Lappy). Binanaag ang mukha ng aming Baby. Ano kaya ang nais n’yang ipahiwatig sa amin? Ano kaya ang kanyang mensahe?
Bigla na lang. Eureka !
“The SUN is the center of the Solar System. Moving around it are the planets. Our SUN is a medium-sized star. And when it reached its full potential, it becomes a SUPERNOVA.”
Kitam. Pa’no ko nalaman? Syempre. Puso sa puso.
At saka. Ang gatas n’ya.
PROMIL.
*** Photo from Universetoday.com ***
No comments:
Post a Comment
Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?