Ang buhay-OFW, tulad ng status sa FB, ay complicated.
Hindi ito isang teleserye na happily-ever-after na ang ending kapag nakita na ang diary.
Hindi rin ito parang isang pelikulang pang-horror, o action, o thriller, na kapag halos malapit ka nang kainin ng monster ay biglang dadating si Super Inday at dala ang kanyang Golden Bibe.
Pero hindi ko maintindihan. Ewan ko ba. Kung bakit marami pa rin ang sumusubok. Nagbabaka-sakali. Sumusugal.
***
Galing ng Pinas, nagtrabaho sa Qatar . Umuwi ng Pinas tapos naglamyerda sa Hongkong. Umuwi ulit ng Pinas tapos naglamyerda sa Singapore . Umuwi ulit (ulit) ng Pinas tapos bumalik sa Singapore .
Sa wakas andito na SIYA. Sa UAE!
Tawag namin sa kanya ay ATE. Befitting dahil sya ay isang responsible, malambing at bibang sibling-next-to-me.
She is an epitome of kindness and silent calm. Dahil mahilig syang matulog.
She exudes generosity. Bilhan ba naman ako ng 13K worth na maleta!
She is very loving. Yun na yon.
Kasama ang isa pa naming kapatid, si Giliw, mahilig kaming umatak. Sa paggala, pagkain, footspa, pagkain, masahe, pagkain, shopping, pagkain, sine, pagkain, pagtravel, pagkain, dvd marathon, pagkain, pagkain at pagkain. Kaya si Giliw, si ate --- SEXY!
Paborito naming lokohin si Ate.
Na parang sya yung modela sa patalastas ng stresstab. Lagi kasi syang pagod-lupaypay-antok, pagdating ng bahay. Tuloy, lagi syang huli sa mga latest tv shows.
Minsan magugulat na lang kami na hahagalpak sya ng tawa. Weird. E ang luma na kaya nung commercial.
Minsan naman magdyo-joke. Hindi naman namin ma-gets. Siguro it’s us. Mababa lang siguro ang IQ namin. Siguro Promil ang pinainom sa kanya nung baby pa sya. Kami, am.
Pero that what makes Ate very funny. Not easily swayed. Basta tatawa sya kung gusto nya. Wala syang paki.
Lagi pa syang may pasok sa work. Kahit holiday, basta hindi scheduled holiday o biglaang holiday lang, may pasok sya. Kahit lahat na ng tao sa Metro Manila e naka-off na, sya, asahan mo, may pasok pa.
Ganon daw talaga sa kanila. Service-oriented. Open 24/7. ‘Coz we got it all for you.
***
Minsan iniisip ko, bakit marami pa rin ang sumusubok? Nagbabaka-sakali? Sumusugal?
Dahil ba sa nananalig tayo na mayroong magandang plano si Bro kahit saanman tayo naroroon?
Dahil ba umaasa tayo na may padating na mas magandang bukas para sa atin?
Dahil ba sa tayo’y umiibig kaya hindi alintana ang kahit anumang sakripisyo?
Kaya I honor you Ate.
Alam ko hindi madali para syo ang pagpunta dito. Panibagong adjustment na naman. Bagong lugar. New set of people. Lahat bago.
Wala ka na ulit sa comfort ng ating malambot ng unan. Wala ka na ulit sa comfort ng ating malupit na kumot. Sa masarap na luto ni Mama. Sa mga pagmamaneho ni Papa.
Pero wag kang malulumbay. Masasanay ka rin. Ganon lang talaga. Isa ka kasing newbie.
Saka andito naman kami. Susuporta. Tutulong. Magdarasal. Karamay mo. Sa good times. And better times.
At saka. Mahal ka kaya namin. May problema pa ba?
Sa ngayon, karirin mo lang ang pagsi-CV: Sa katirikan ng araw at paglubog nito. Mula sa pinakatuktok na palapag hanggang sa pinakababa. (Mag-thank-you ka nga pala kay Elisha Otis. Di ba ganda ng invention nya?) Sa internet, sa dyaryo, sa mga kakilala.
Wag kang mag-alala. Onteng-onte na lang. Kaya mo yan. Dahil malapit na. Basta promise mo ha. Libre mo kami sa Ponderosa.
No comments:
Post a Comment
Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?