Ipagpaumanhin nyo po kung lately e parang pormalin ako masyado. Parang na-emo akong bigla. Hindi naman bagay. Sa edad kong to, umi-emo? Drama-drama ang mga posts? This is not me. Kaya kung ipapahintulot nyo po, gusto ko po sanang bumalik sa regular programming.
Nag-aaral pa lang kasi ako, mahilig na ko mangarir. No-no ako sa Second-Rate-Trying-Hard-Copycat. Baka kasi matapunan rin ako ng isang basong tubig sa mukha. Okay lang kung Evian ang tubig, e pano kung tubig na mataas ang coliform count o may E. coli? Mahirap na.
Ayoko rin ng mediocre lang. Pangit mabuhay out of mediocrity. Yung tipong gigising, maliligo, kakain, magta-trabaho, uuwi, kakain, matutulog. Tapos kinabukasan, ganon na naman. Nasan ang BUHAY don? Parang nag-e-EXIST ka lang. Hindi ka talaga nabu-BUHAY. Sayang di ba?
Kaya naisipang kong i-share ang ilan sa mga bagay-bagay na kinarir ko sa buong buhay ko. Sa palagay ko kasi, ang mga ito ang magiging kasagutan sa problema ng global warming, uprising sa Mid East countries at ng bumababang palitan ng US Dollar kontra Philippine Peso. Magbasa pong mabuti at wag bibitiw. Dahil siguradong kapupulutan ng aral ang aking post sa araw na ito. Eto na po.
BILYAR – nag-umpisa lang to sa pagsama-sama ko sa barkada kong kasabay ko umuwi. Tumatawa-tawa lang ako noong una. Tawa-tawa lang sa tuwing titira sya tapos hindi tatamaan yung bolang dapat i-shoot sa butas. Sa isip ko nga, ang eng-eng naman nitong barkada ko. Madali lang kaya yan. Pinaghalong Physics at Trigo lang yan. Kung gusto mo pa, samahan mo na rin ng Geometry. Tsk, tsk, loser.
Eto na, sa kakaantay ko sa barkada ko, dumating ang panahong nagtry na rin akong magshoot. Aba, hindi pala madali. Challenging pala to! E ano pa nga ba ang gagawin ko? E di, karirin.
Bago pumasok sa klase, pagkatapos ng klase, bago umuwi. Sa Coronado Lanes, Makati Cinema Square, Superbowl, megamol.
Nakita pa nga namin minsan si Vic Sotto, nagbibilyar din kasama ang mga dabarkads nya. Gusto ko ngang lapitan at sabihing, “Bossing alas-tres na, mag-i-Eat Bulaga ka pa mamaya, uwi na.” Hehe.
Natuto kaming magtipid dahil sa bilyar; dahil sa kaadikan sa bilyar. Biruin mo yon, okay na sa amin ang palutong 10 pisong Lucky Me Instant Canton sa bilyaran. Tapos kung hindi pa ganon kaganda ang pulso namin sa araw na yon, ang ending namin e sa Lugawan sa PRC. 7-9 pesos na lugaw with egg o kaya, goto. Bibili pa kami ng 1 liter na Royal pangtulak. Solb.
All in the name of BILYAR!
No comments:
Post a Comment
Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?