Friday, September 30, 2011

Ang SAGOT sa Kahirapan - Part TWO





BOWLING – dumating naman sa buhay ko na grumaduate na ko ng college.  (OA naman kung hindi ko pa tatapusin ang 1+6+4+5=16 years kong pagbubulakbol pagsusunog ng kilay.) 

Syempre atat magkatrabaho para may sarili na ring datung.  Na-adik lang tuparin ang mantrang: 

Sariling anda = independence.  Sariling money = endless possibilities.  Sariling pera = less parent’s intervention.

Kaya nung nagka-trabaho ako, GO lang ako ng GO. 

Meron na kasing MAS malaking budget.  Tapos syempre singleness ako.  Yummy.  Yuppie.  Busilak.  Sariwa.  Adventurous! 

At sa ka-GO-GO ko, nahilig naman ako sa pagbo-bowling.

Katulad ng dati, kinarir ko ito. 

Eto na. 

In one of my career-defining-moments sa bowling, kakampi ang isa kong college friend, ina-ply muli namin ang Talo-Bayad-Frame-Rule. 


Sinunod ko ang aking pamatay na moves:

Tumayo pagkatapos tumira ng kalaban.  Pahanginan ang daliri ng kamay sa vent (e wala palang hangin.  Pwes just pretend na meron.  Isa kaya to sa mga critical steps!)  Igalaw-galaw ang mga daliri na ultimo’y nag-i-incy-wincy-spider-went-up-the-water-spout.

Then, kumuha ng bolang kayang-kayang iwasiwas hanggang sa dulo ng lane.  Ipasok ang mga daliri sa makikipot na butas. 

Humarap sa lane.  Magfocus.  Titigan ang kingpin.  Tingnan kung sino ang unang kukurap.  Kung ang kingpin ba o ikaw.  Try mong gulatin, baka sakali lang, haha.   

Kumanta ng My Humps, (yes, your lovely lady/manly hump) at magpump-pump-the-pwet ng 3 times habang derecho ang iyong spinal column, on bended knees at kiput-kiputan o magkatabi ang binti at paa, habang nakatitig pa rin sa kingpin. 

Ipadausdos ang kanang paa ng marahan.  Isunod ang kaliwang paa ng mas mabilis.  Isunod muli ang kabilang paa sa paghakbang, na parang aligaga o natataranta lang. 

Sa huli ay ihagis ang bola na parang na-fed up ka na sa mga ka-eng-engang ginawa mo sa paglalaro ng bowling. 

At this stage dapat ma-maintain mo ang iyong winning form: naka-take-a-bow habang nakikipagtagu-taguan ang kanang paa sa kaliwang paa; nakamwestra ang kaliwang kamay na parang nakikipag-patintero; nagsi-sway pa rin ang kanang kamay dahil sa aftershock ng pagkataranta sa paghagis sa bola; at masama pa rin ang titig sa kingpin!

ENDING:  nagbayad kami ng kakampi ko ng tig-Php1000+.

Galit na galit sya.  Di ko alam kung bakit.   

No comments:

Post a Comment

Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?