Thursday, September 22, 2011

Si JASON...




… ang isa sa pinakaBIBO kid na nakilala ko sa buong buhay ko! 

Oo totoo yon!

Ikaw ba naman ang maging HONOR STUDENT mula kinder.  Ikaw ba naman ang maging SCHOLAR ng Makati City Bigay-Pagmamahal nung hayskul.  Ikaw ba naman ang maging SCHOLAR ng SM Foundation, Inc. nung kolehiyo.  Ikaw ba naman ang maging Licensed Electronics and Communications Engineer.  Ikaw ba naman ang pumasang migrante sa AUSTRALIA. 

Oo, IKAW na!  IKAW na ang MAGALING!  IKAW na ang nasa RUROK ng TAGUMPAY!  IKAW na ang SUCCESS STORY!

E naaalala mo ba nung isang beses na nag-adik ka sa bilyar at umuwing madaling –araw na?  Di ba kinotongan ka ng tatay mo, nang tuloy-tuloy at walang puknat, hanggang sa makauwi ka sa inyo?  At dahil nahihiya ka sa mga brgy. tanod, na kilala mo rin, e nakayuko ka lang during the whole ordeal. 

Iniisip ko nga kung pano ka nakatawid sa kalsada, without looking to the left, to the left and to the right, to the right?  Pano yung mga nagdadaanang sasakyan?  Siguro sila ang nag-iwasan.  Ang galing mo talaga. 

E yung mga lakwatsa mong overnight na ang paalam mo e AKO ang kasama mo at sa amin ka matutulog, naaalala mo pa ba yon? 

Syempre pinapayagan ka naman dahil alam nilang kasama mo AKO.  AKO, na may busilak na kalooban, kapita-pitagang pag-uugali at mabuting impluwensya sa ‘yo. 

Hindi lang nila alam, kinukuntsaba mo ako.  At kahit hindi ako payag sa MAITIM mong balak, wala akong magawa.  Nangibabaw pa rin ang pagkakaibigan natin. 

Dahil syempre, kung san ka masaya, sopurtahan taka.

Pasensya ka na nga pala kung hindi ka naging lider sa Science Class natin nung 1st Year.  Alam mo naman ako, bibo rin. 

Ang mahalaga, ikaw naman ang naging Best Actor dahil sa role mong sintu-sinto sa Math & Science Week.  Nakatanggap ka pa nga ng NIPS di ba?  Ang saya-saya mo pa non.

Napaka-natural kasi ng acting mo non.  Sobrang makatotohanan.  Ang galing ng pagkakaganap mo.  Bagay na bagay.  Parang IKAW.  IKAW na IKAW.

Pasensya ka na rin kung nasigawan kita nung 4th Year sa THESIS. 

Nagulat kasi ako nung ang Natural Dye from Tuba (Jatropha curcas) Leaves ay nag-yield ng iba’t ibang kulay.  Sabi mo, depende sa pagkakaluto ng leaves ang kulay na mapo-produce.  Naniwala naman ako.  Yun pala, dinaya nyo.  Sobrang tingkad ng lumabas na result when applied to cloth.  Yun pala, linagyan nyo ng tunay na dyobos.

Pero tingnan nyo naman.  Nagbunga ang pagsigaw ko sa inyo.  Dahil nadagdagan kayo ng isang medalyang pakalat-kalat sa bahay nyo.  Best in Thesis ba naman, naks. 

Kaya sori na ha.  Wag nang mag-umarte.  Antagal na nyon.  Move on na tayo.   

Sa ngayon, musta ka na ba?  Wala na kasi akong balita sa ‘yo.  Lam ko, busy ka.  Hindi ko nga alam kung nasa OZ ka na o sa nasa Pinas o nasa tabi-tabi lang.  Hindi rin tayo nakakapagchat.  Kahit e-mail or FB or text.  Syempre busy din ako.

Pero kahit anong ka-busy-han ko, gusto kong malaman mo, na I wish you well.  Wish ko, lagi kang masaya.  Wish ko, lagi kang may pera.

At... 

In ABUNDANCE of EVERYTHING. 

Always SAFE. 

Always in PERFECT HEALTH. 

Always on TOP. 

                                   HAPPY BIRTHDAY!

No comments:

Post a Comment

Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?