Showing posts with label Bagets. Show all posts
Showing posts with label Bagets. Show all posts

Wednesday, September 21, 2011

Ang SAGOT sa Kahirapan - Part ONE

Ipagpaumanhin nyo po kung lately e parang pormalin ako masyado.  Parang na-emo akong bigla.  Hindi naman bagay.  Sa edad kong to, umi-emo?  Drama-drama ang mga posts?  This is not me.  Kaya kung ipapahintulot nyo po, gusto ko po sanang bumalik sa regular programming.        

Nag-aaral pa lang kasi ako, mahilig na ko mangarir.  No-no ako sa Second-Rate-Trying-Hard-Copycat.  Baka kasi matapunan rin ako ng isang basong tubig sa mukha.  Okay lang kung Evian ang tubig, e pano kung tubig na mataas ang coliform count o may E. coli?  Mahirap na.

Ayoko rin ng mediocre lang.  Pangit mabuhay out of mediocrity.  Yung tipong gigising, maliligo, kakain, magta-trabaho, uuwi, kakain, matutulog.  Tapos kinabukasan, ganon na naman.  Nasan ang BUHAY don?  Parang nag-e-EXIST ka lang.  Hindi ka talaga nabu-BUHAY.  Sayang di ba?

Kaya naisipang kong i-share ang ilan sa mga bagay-bagay na kinarir ko sa buong buhay ko.  Sa palagay ko kasi, ang mga ito ang magiging kasagutan sa problema ng global warming, uprising sa Mid East countries at ng bumababang palitan ng US Dollar kontra Philippine Peso.  Magbasa pong mabuti at wag bibitiw.  Dahil siguradong kapupulutan ng aral ang aking post sa araw na ito.  Eto na po.






BILYAR – nag-umpisa lang to sa pagsama-sama ko sa barkada kong kasabay ko umuwi.  Tumatawa-tawa lang ako noong una.  Tawa-tawa lang sa tuwing titira sya tapos hindi tatamaan yung bolang dapat i-shoot sa butas.  Sa isip ko nga, ang eng-eng naman nitong barkada ko.  Madali lang kaya yan.  Pinaghalong Physics at Trigo lang yan.  Kung gusto mo pa, samahan mo na rin ng Geometry.  Tsk, tsk, loser. 

Eto na, sa kakaantay ko sa barkada ko, dumating ang panahong nagtry na rin akong magshoot.  Aba, hindi pala madali.  Challenging pala to!  E ano pa nga ba ang gagawin ko?  E di, karirin.

Bago pumasok sa klase, pagkatapos ng klase, bago umuwi.  Sa Coronado Lanes, Makati Cinema Square, Superbowl, megamol. 

Nakita pa nga namin minsan si Vic Sotto, nagbibilyar din kasama ang mga dabarkads nya.  Gusto ko ngang lapitan at sabihing, “Bossing alas-tres na, mag-i-Eat Bulaga ka pa mamaya, uwi na.”  Hehe. 

Natuto kaming magtipid dahil sa bilyar; dahil sa kaadikan sa bilyar.  Biruin mo yon, okay na sa amin ang palutong 10 pisong Lucky Me Instant Canton sa bilyaran.  Tapos kung hindi pa ganon kaganda ang pulso namin sa araw na yon, ang ending namin e sa Lugawan sa PRC.  7-9 pesos na lugaw with egg o kaya, goto.  Bibili pa kami ng 1 liter na Royal pangtulak.  Solb. 

All in the name of BILYAR!




Saturday, September 10, 2011

Faith-Hope-LOVE




Ang buhay-OFW, tulad ng status sa FB, ay complicated. 

Hindi ito isang teleserye na happily-ever-after na ang ending kapag nakita na ang diary.
 
Hindi rin ito parang isang pelikulang pang-horror, o action, o thriller, na kapag halos malapit ka nang kainin ng monster ay biglang dadating si Super Inday at dala ang kanyang Golden Bibe.

Pero hindi ko maintindihan.  Ewan ko ba.  Kung bakit marami pa rin ang sumusubok.  Nagbabaka-sakali.  Sumusugal. 

***

Galing ng Pinas, nagtrabaho sa Qatar.  Umuwi ng Pinas tapos naglamyerda sa Hongkong.  Umuwi ulit ng Pinas tapos naglamyerda sa Singapore.  Umuwi ulit (ulit) ng Pinas tapos bumalik sa Singapore. 

Sa wakas andito na SIYA.  Sa UAE!   

Tawag namin sa kanya ay ATE.  Befitting dahil sya ay isang responsible, malambing at bibang sibling-next-to-me. 

She is an epitome of kindness and silent calm.  Dahil mahilig syang matulog.

She exudes generosity.  Bilhan ba naman ako ng 13K worth na maleta! 

She is very loving.  Yun na yon. 

Kasama ang isa pa naming kapatid, si Giliw, mahilig kaming umatak.  Sa paggala, pagkain, footspa, pagkain, masahe, pagkain, shopping, pagkain, sine, pagkain, pagtravel, pagkain, dvd marathon, pagkain, pagkain at pagkain.  Kaya si Giliw, si ate --- SEXY! 

Paborito naming lokohin si Ate. 

Na parang sya yung modela sa patalastas ng stresstab.  Lagi kasi syang pagod-lupaypay-antok, pagdating ng bahay.  Tuloy, lagi syang huli sa mga latest tv shows.

Minsan magugulat na lang kami na hahagalpak sya ng tawa.  Weird.  E ang luma na kaya nung commercial.

Minsan naman magdyo-joke.  Hindi naman namin ma-gets.  Siguro it’s us.  Mababa lang siguro ang IQ namin.  Siguro Promil ang pinainom sa kanya nung baby pa sya.  Kami, am.      

Pero that what makes Ate very funny.  Not easily swayed.  Basta tatawa sya kung gusto nya.  Wala syang paki.
 
Lagi pa syang may pasok sa work.  Kahit holiday, basta hindi scheduled holiday o biglaang holiday lang, may pasok sya.  Kahit lahat na ng tao sa Metro Manila e naka-off na, sya, asahan mo, may pasok pa.

Ganon daw talaga sa kanila.  Service-oriented.  Open 24/7.  ‘Coz we got it all for you. 
***

Minsan iniisip ko, bakit marami pa rin ang sumusubok?  Nagbabaka-sakali?  Sumusugal? 

Dahil ba sa nananalig tayo na mayroong magandang plano si Bro kahit saanman tayo naroroon? 

Dahil ba umaasa tayo na may padating na mas magandang bukas para sa atin? 

Dahil ba sa tayo’y umiibig kaya hindi alintana ang kahit anumang sakripisyo? 

Kaya I honor you Ate. 

Alam ko hindi madali para syo ang pagpunta dito.  Panibagong adjustment na naman.  Bagong lugar.  New set of people.  Lahat bago. 

Wala ka na ulit sa comfort ng ating malambot ng unan.  Wala ka na ulit sa comfort ng ating malupit na kumot.  Sa masarap na luto ni Mama.  Sa mga pagmamaneho ni Papa.   

Pero wag kang malulumbay.  Masasanay ka rin.  Ganon lang talaga.  Isa ka kasing newbie. 

Saka andito naman kami.  Susuporta.  Tutulong.  Magdarasal.  Karamay mo.  Sa good times.  And better times. 

At saka.  Mahal ka kaya namin.  May problema pa ba?      

Sa ngayon, karirin mo lang ang pagsi-CV:  Sa katirikan ng araw at paglubog nito.  Mula sa pinakatuktok na palapag hanggang sa pinakababa.  (Mag-thank-you ka nga pala kay Elisha Otis.  Di ba ganda ng invention nya?)  Sa internet, sa dyaryo, sa mga kakilala. 

Wag kang mag-alala.  Onteng-onte na lang.  Kaya mo yan.  Dahil malapit na.  Basta promise mo ha.  Libre mo kami sa Ponderosa.