Ambilis ng panahon. Isang taon na pala ang nakalipas. Parang panaginip lang. Gusto ko tuloy magbalik-tanaw. Magreminisce. Mag-emo.
Cue MMK theme song.
Isang gabi, napansin na lang naming may kakatwang kaganapan sa belly ni Aimee. Parang ‘di na yata maganda sa paningin. Parang parak lang sa kantang Laklak. Naisip ko tuloy, pumupuslit kaya si Aimee gabi-gabi para mag-1 bottle? Hindi naman siguro.
Health buff naman kami noon. Nagwo-walking. Nagdya-jogging. Kumakandirit. Nagka-cart-wheel. Pero parang wa epek yata lately. Sabagay, minsan kasi, more kanin-more fun ang trip namin. Mabe-burn din naman. ‘Yon ang akala namin.
Dahil sa hinihingi ng panahon, inenrol ko si Aimee sa gym. Pinakarir ang cardio. Pinababad sa treadmill. Pinag-crunches. Pinag-sit-up. Pinag-push-up. Dagdagan pa natin ng stationary bike para mas effective. At habang nagpapahinga, mag-jumping jack muna! Pero wa epek pa rin.
‘Yun pala, nandito na ang aming BIDA!
Naku Caleb, andaya mo. Wala ako nung pinanganak ka. Ngayon naman, wala kami sa una mong kaarawan. Puro na lang kami happy thoughts; para makabalik sa Never Neverland. Lagi na lang kaming nagwi-withdraw sa ating Memory Bank; buti na lang nakapagdeposit kami last July.
Gustong-gusto sana naming makikanta ng Happy Birthday; one octave higher. Tignan ka habang bino-blow mo ang iyong 1st ever candle. Makitikim sa iyong 1st ever birthday cake. Magbukas ng regalo galing sa sa mga nagmamahal sa’yo. Tingnan lang ang reaksyon mo.
Anak pasensya ka na, I can no longer prolong the agony. At ayoko na magsenti. Kaya naman tatapusin ko na agad ito.
Basta tandaan mo, CALEB RICH:
MASAYA ang aming MUNDO, ngayong IKAW ay NARITO.
We WISH you a HAPPY BIRTHDAY!
Thanks Nina. Thanks Goldilocks.
No comments:
Post a Comment
Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?