Friday, July 29, 2011

Bagong DADDY Series - BUNDLE of JOY (Part 1)




Eto lang katapusan ng June, nabiyayaan kami ng short vacation to Pinas.  Pero ang na-approve lang, sampung araw.  Hindi 11, hindi 12 o 23.  Sampung araw lang.

Kaya umisip kami ng paraan.  Baka sakaling mapahaba. 

Binuo namin ang plano:

Magkisaykisayan sa harap ni Boss habang bumubula ang bibig; pasakan ng kutsara ang bibig para hindi maputol ang dila; lumuha ng hindi bababa sa dalawang balde for added effects; at para 100% ang audience impact, biglang hihimatayin, at habang bumabagsak, kailangang ipihit ang katawan sa puwesto kung saan sumisikat ang araw. 

Ang resulta:

Wala.  Kasi hindi naman namin ginawa yon.  Hindi rin naman kami miyembro ng Cirque du Soleil.  At hindi kami si Jose Rizal.  Basta kinausap lang namin si Boss.  Hindi pumayag.  E di okay fine.  Salamat Boss.

Paglapag ng eroplano.  Pagtapos tangkain ng isang airport employee na huthutan kami dahil sa dala naming flat-screen TV (na pinakidala ng isang butihing katrabaho).  Dali-dali naming binuksan ang oto para isakay ang aming mga bagahe.  Nagulat kami.  Kala namin wala sya.  Pero ayun ang Bida… ang aming Bundle of Joy!

Dati hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganon ang tawag.  Bakit hindi na lang Load of Surprises?  O kaya, Source of Happiness?  Bundle of Joy.  Parang nanalo lang ng isang bugkos ng panlinis ng plato.  Tapos si Michael V ang mag-aabot sa’yo.    

Then it dawned on me (Teka.  Bawal nga pala umingles.  Baka mabasa ng mga katrabaho kong ibang lahi.  Naks sikat.  Asa.  Haha).

Kaya pala Bundle of Joy. 

Kalipunan pala ito ng kuntil-butil na mga aktibidades ng isang bagets na kung gagawin ng isang matanda ay OA.  Mga simpleng bagay na magpapangiti sa’yo ng walang halong effort o kaplastikan.  Tapos, mapupunta ka na lang sa isang mundo na kayong dalawa lang ang nagkakaintindihan.  Mundong masaya.  Makulay.  At kumukutikutitap.

  1. PagCHURVA – Di ba kung matanda ang gagawa nito at ikaw mismo ang makakasaksi, ewan ko na lang kung ano ang gagawin mo.  Pero sa isang bagets, mabuting tignan ang bawat churvang mangagaling sa kanya.  Bakit?  Para malaman mo kung natunaw nya bang mabuti ang kinain nya. 
E ano namang masaya don?  Syempre masaya kang malaman na maganda ang panunaw ng anak mo. 
E bakit makulay?  Dahil makikita mo ang carrots, spinach, kamote, etc. after full digestion.  Di ba, colorful?
Kumukutikutitap?  Depende yan sa churva ni baby.  Kung mamasa-masa o matigas.  Kung buo o durog.  Depende rin yan sa tangent of X and the angle of reflection of light multiplied by pi (3.1416), all over the variable, Y raised to the 3rd power.  Haha.  Wala lang,  Paki mo ba.  Blog ko to!  
  
      
  1. PagWEEWEE – Sa isa sa aming mga lakwatsa, and it was Mommy Aimee’s turn to drive.  Ako ang naatasan kay Caleb.  Hindi kasi namin pinapamihasang magdiaper si Caleb kaya as much as possible e nakalampin lang sya. 
Weewee No. 1.  Dahil nga sa kababanggit na dahilan at dahil mahirap magpalit ng lampin sa oto, hinayaan na lang naming nakabuyangyang ang My Precious ni Caleb.  Para mahanginan din, at hindi makulob, ang mga itlog pati ang tuka nya. 

Tapos, Weewee No.2.  Weewee No.3.  Weewee No. 4.  Walang katapusang Weewee.  Okay, exag.  Ano yon, amniotic fluid?  Ang totoo hanggang Weewee No.5 lang sya.  Pero imagine basang-basa ako sa loob ng 2 and ½ hours?  Noon ko na naalala si Rosanna Roces sa pelikulang Basa sa Dagat!  Napakanta rin ako ng Aegis.  Di pala maganda ang feeling ng basa.  Kahit sa dagat o sa ulan man. 

O bakit na naman masaya?  Dahil masayang malaman na nagpa-function ng mabuti ang excretory system ng anak mo. 

E bakit kumukutikutitap?  Pwede sauluhin na lang ang formula don sa No.1?  Paulit-ulit.         


  1. Pag-UTOT – Alam nyo bang isa sa mga dahilan ng sudden death ng mga sanggol e dahil sa kabag?  Kaya importanteng umuutot ng maayos si baby.  In fact, pag umuutot si Caleb namin, sinasabihan pa namin sya ng VERY GOOD with matching palakpak.  Naisip nga namin na kung next time at mas magiging mabaho o malakas ang utot nya, dapat na sigurong bigyan sya ng EXCELLENT o OUTSTANDING marks.
E pano naman kung matanda ang umutot?  Di ba tataas na lang ang presyon natin at pilit tutuklasin kung kanino ba nanggaling ang impit but deadly utot?  Tapos pag nahuli na, at may proof of purchase pa (dahil hindi lang ito basta utot, kundi isang UST case --- Utot Sabay Tsurva), deny to death pa rin ang suspect.  Dahil magkamatayan na, siguradong walang aamin.  Hindi sya, hindi ako.  Dahil isang malaking eiwww ang mahuling umutot! 


No comments:

Post a Comment

Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?