Tamang-tama. Last blog ko pa pala nung March. At tamang-tama ulit, Father's Day. Why not, bumblog ako para i-honor ang lahat ng mga Erpats, Tatays, Papas at Daddys sa buong mundo. Eto ang araw natin. Kaya para sa ating lahat, eto ang aking mga rants, opinyon, haka-haka, guni-guni at mga saloobin para sa natatanging araw na ito.
BEWARE: Tabi-tabi po sa mga kumakain. Maaaring makawala ng gana!
Nagpunta kami kahapon sa Surprise Baby Shower para kina Mr. & Mrs. Raymart Gaac. Despedida na rin para kay Cryx na uuwi ng Pinas para don manganak. Nag-enjoy ang lahat sa kanya-kanyang breakfast, bonding, team games, kulitan at halakhakan. Kinarir ng 'Team Cryxy' ang charades matapos nilang matalo sa 'Team Martin' sa text twist games. Pagtapos ng lahat ng fanfare at pagpapaulan ng shower, dumako kami sa payong-pang-beauty-contest-portion.
Nung kami na ni Mrs. Mc, nagdalawang-isip ako. At dahil hindi ko masyadong kilala ang ibang crowd, pinili kong sumali din sa BeauCon spree. (Baka kasi ma-weirduhan sila sa akin. Baka hindi maging humorous ang spiel ko. O baka magulantang na lang ako, naligwak na pala ako sa FB. O ang matindi pa, baka masira ko ang happy atmosphere.)
Pero sa totoo lang, eto talaga ang gusto kong sabihin:
1.) Handa na ba kayong maging zombie --- for life? 2.) Kaya nyo na bang sikmurain ang churva ng bagets --- na hindi mo malaman kung bakit ganon ang amoy at kung bakit sobrang dami? 3.) Follow-up question: Kaya nyo bang hugasan ang puwet ng bagets pagtapos nyang chumurva at damhin ang mamasa-masa o mamuo-muong churva depende sa ti-nake nya?
OO o HINDI?
Kahit OO man o HINDI ang isagot nila. Sa palagay ko, ang talagang tamang sagot dito e, 'wala na kaming choice'. Dahil sa paglabas pa lang ng bagets, pagkarinig pa lang ng uha, ayan na. Wala ng balikan 'to. This is it.
Akala nyo lang magagawa nyo pa ang dati nyong nakagawian, pero hindi. Akala nyo nasa scheduling lang yan, pero ang totoo, hindi. Akala nyo madali lang magpalaki ng bata, pero sa totoo lang, isang malaking eks.
Ang pagkakaroon pala ng bagets e isang lifetime commitment. Isip ko nga minsan, paano kaya nagawa ng parents ko na palakihin kaming tatlong magkakapatid? Kami nga, isa pa lang, tapos isang buwan ko lang sya nakasama, pero ngaragan to the max na. Parang na jet lag ako ng isang buwan. Feeling ko pa nung panahong yon, wala na kaming social life. Feeling ko wala na kaming glamour (kung meron man). 'Me' time, goodbye.
Pano na lang yung mga walang kasambahay? Pano na lang yung mga walang in-laws na tumutulong o suma-sub para makapag-taympers naman kayong mag-asawa? Pano na lang kung kinakailangan nyo pang magwork pareho --- pano na ang bagets? Gagawa pa ba kami ng isa pa?
Sa akin ring eksperiensya, ang mga Mommys naman, pag andyan na ang bagets, tutok na talaga sa bagets. Natural lang yon. Maternal instinct. Wala namang masama. Pero sa palagay ko, ang mga Daddys naman, bukod sa pagtulong sa pag-aalaga sa bagets, lagi na lang umiikot ang isip sa mga bagay-bagay:
Bahay para sa sarili mong pamilya. Oto para hindi mainitan sina Mommy at Baby pag lumalabas. Negosyo para mas may free time sa pamilya. Security. Safety. Happiness. World Peace.
Sana pwede na lang talagang mag-Enervon (more energy, mas happy). O kaya mag-Rexona, ('coz it won't let us down). Mag-JAPAN (Just Always Pray At Night, hmm, pwede)? Why not pumunta na lang sa New Zealand (kung saan ang mga baka ay umiinom ng sariwang tubig at kumakain ng sariwang damo)? Siguro ang kasagutan talaga ay mag-Yakult (with Lactobacilli Shirota Strain)!
Hay, ano nga ba ang formula? Meron ba talagang makakapagsabi ng concrete, tangible, quick-approach o winning formula ng pagiging isang ulirang haligi ng tahanan? Hindi ko rin alam.
Kaya nga saludo ako sa ating lahat --- mga Erpats, Tatays, Papas at Daddys! Kahit na minsan wala tayo sa hulog dahil sa dami ng mga iniisip. Kahit minsan, palpak ang mga desisyon. Minsan naman, nagpi-feeling-strong kahit feel-like-giving-up na. Easy lang. Isa-isa lang. May bukas pa.
HAPPY FATHER'S DAY!
No comments:
Post a Comment
Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?