Sa wakas!
Narating din namin ang Isla ng Splash (at di na nauwi sa Valleyng Tago) pagkatapos ng dalawa't kalahating kandirit!
Narating din namin ang Isla ng Splash (at di na nauwi sa Valleyng Tago) pagkatapos ng dalawa't kalahating kandirit!
Naks, kita nyo naman, may nalalaman pa silang Tambol-tambol Band.
At kakaiba. Ang daming tao kahit weekday. Meron pang nag-Company Outing.
Naalala ko tuloy. Bakit pag Company Outing, kailangan laging may PALARO? Di ba pwedeng magswimming na lang o magrelax o maging malaya pansumandali sa mga office eklats?
Bakit hindi na lang sa PLAYGROUND ang outing tutal laro-laro naman pala ang emote sa beach o sa pool?
Tapos pag di ka naman sumali e paniguradong may implication yon sa dagdag-sahod o performance mo. Insubordination. Dahil syempre, kasama rin ang iyong BOSS sa outing at mapanuri pa rin, as usual, ang kanilang mga mata!
Hay.
Pagtapos kong makipagdebate sa sarili ko na parang doble-oke contestant e inikot ko na lang muli ang aking mga mata. Bigla naman akong natigalgal. O hindi.
Isa na namang tragic water accident is about to happen! Naging saksi naman ako sa papalubog na... KAYAK.
Haler! First time? Excited? Hindi po barko yan. O kung barko man yan, bawal po ang overloading! At haler ulit, hanggang tuhod pa lang po ang tubig. Bakit hindi nyo na lang gayahin si Ateng may swimsuit-na-walang-butas-sa-baywang-at-hindi-umeffort-sa-paghahanap-ng-swimsuit-na-susuotin-sa-Splash-Island? Pwede namang maglakad di ba?
Nadako naman ang aking mga mata sa banda pa roon. Aba't may paparating pa!
Baka sakali lang. Baka may interesado sa mga pictures namin. Linagay ko na rin para maumay pa kayo lalo sa pagmumukha namin hahahaha!
* * * * *
Baka sakali lang. Baka may interesado sa mga pictures namin. Linagay ko na rin para maumay pa kayo lalo sa pagmumukha namin hahahaha!
As usual, lubog-litaw lang sa tubig. Andami kasing tao. Saka ang babaw. Nasa kiddie pool kasi kami.
Ayun, ang BIDA lakad ng lakad. Si MRS walang pagsidlan ang kaligayahan. Ako naman, dakilang taga-kodak, taga-dala ng gamit, tagabantay, taga-bili ng pagkain, at talaga ring walang pagsidlan ang kaligayahan. Ultimate Bonding Experience. Precious moment.
Ayun, ang BIDA lakad ng lakad. Si MRS walang pagsidlan ang kaligayahan. Ako naman, dakilang taga-kodak, taga-dala ng gamit, tagabantay, taga-bili ng pagkain, at talaga ring walang pagsidlan ang kaligayahan. Ultimate Bonding Experience. Precious moment.
Maayos na sana ang lahat ng biglang...
... may nakita akong lulutang-lutang na PUPU na kulay yellow at kasing laki ng hinlalaking daliri ko sa paa, iww, iww, iww!!!
Wala rin bang pagsidlan ng kaligayahan ang salarin kaya na-PUPU sya?
O hindi.
Kaya iniahon ko agad ang BIDA, sinabi ang aking nakita kay MRS at umalis agad kami sa scene of the crime.
Noong mga oras na yon e gusto kong manakit. Gusto kong sirain ang pool. Gusto kong maligo ng mainit na tubig at ipa-dialysis ang dugo ko. Dahil ang dumi-dumi ko na!
Gusto kong sumigaw ng: KATARUNGAN! KATARUNGAN para sa mga BIKTIMA ng PUPU!
At KAMI yon huhuhu!
Pag nakikita ko pa ang picture na to, o hindi ulit, labas pa talaga ang dila ng BIDA! Si MRS bukas naman ang bibig!
Ang dumi-dumi namin!
Ang dumi-dumi namin!
Para namang narinig ng langit ang aming hinaing. Di nya napigilan, na minsan pang lumuha, para linisin ang tigang na lupang
It's MORE FUN in the PHILS... TALAGA!
oh di ba wala sa disyerto yan ser! walang PUPU sa diyerto! :)
ReplyDeleteoo sunog kasi agad ang pupu sa disyerto hehe :)
Deletehahaha basag trip yung pupu :)
ReplyDeletekakawindang!
DeleteOk na sana, umeksena at umepal nmn yung p*** hehe
ReplyDeleteiww talaga teh!
DeleteBiktima din kami dati ng pupu sa pool ! Di nga nila pinalitan yung tubig e maliit lang namn yung pool. Gumamit lang sila ng vacuum kasi nakalubog ang pupu. yuk! Dami tao sa splash island ngayon maski weekdays kasi 50% off sila at marami talaga nag avail ng deal.
ReplyDeletea kaya pala, kami naman nag-avail ng ofw discount pero nung pagpunta namin wala naman pala hehe :)
Deleteok lang sanang kahit anong "taga" no? wag lang taga-witness ng pupu eew! kainis ka nagmi-midnight snack ako ng mabasa ko to waaah...
ReplyDeletehaha sori naman!
Deletewahahaha...nang dahil sa pupu, may hindi talaga nakapagpigil..:))
ReplyDeletekainis sobra teh!
DeleteAng saya ng post mo, ramdam ko yun happiness mo na makasama sina wifey and bida! Yamot lang yung pupu, panira ng moment.. :)
ReplyDeletekaya nagdadalawang isip na kami sa pagpu-pool, kasi given na talagang may free wiwi na, tapos pati free pupu pala e posible, eye-opener to samen teh!
Deletekadiri naman. panira ng bonding nyo. tsss
ReplyDeleteoo sobra!
Delete... and this is the story of popo in the pool
ReplyDeletehaha korek koya!
Deletehaha nalurkey ako sa pupu! bakit walang picture? hehe
ReplyDeleteang saya naman! ang cute ng outfits nyo..san mo nabili kasi gusto ko din nyan? :)
btw, kailangan may games sa company outing kasi walang gagawin ang gaming committee haha
buti nga walang picture kasi baka nahagis ko ang cam sa sobrang kainisan!!
Deleteyung saken sa rip curl yung ke Mrs sa billabong koya, for sure bagay sayo yon zai kaya bili na!
Ang saya na sana ng bonding eh, bakit naman kase may pupu, ewww!! At todo describe ka pa talaga, ewww ulit, hehe. Ngayon lang ako nakabasa ng ganyan kwento sa pool, grabe naman gumawa nun, grrr...pang-asar, panira ng moment.
ReplyDeleteisang bagets ang may gawa non, sabagay di naman natin masisi ang bagets na yon, baka sobrang enjoy lang sa pool na ayaw nang umahon. nangyayari naman talaga ang mga ganon kaya napatawad ko na kung sino man sya nyaha :)
DeleteTalagang more fun moments sa Pilipinas. Thanks!
ReplyDeleteyeser!
DeleteDaming sakay ng Kayak. Alam ko pwede yun for 2, hahaha. Sabay pati si ate na hindi nag-effort na humanap ng swimsuit napagtripan mo pa. pero ang higit sa lahat ang ang nakita mong lumulutang. Kumakain pa naman ako ng cheese ball, ayoko na nito. Huhuhu. Pa-dialysis ka na bilis.
ReplyDeleteP.S. ang cute ni Caleb.
oo kawawa talaga yung kayak haha sori naman anganda kasi ng swimsuit ni ate :) anmahal pala ng dialysis kaya wag na lang teh! mana ke daddy!!
Deleteang pupu ko sa ilog? sa pool
ReplyDeletelulutang lutang...
boss pa reply naman ng rough figure ng nabawas sa inyong yaman,
baka sakaling mapunta din dyan, pag nagbakasyon..
:)
naku murang-mura lang don, di mababawasan ang kaban ng yaman mo!!
Deletebuti ka nga nakapunta na dyan :))
ReplyDeletee punta ka na rin sir!
Deletesaktong sakto ang pagbasa ko sa post mo pre, nakain ako. HAHAHA!
ReplyDeletekanin pa nga!
sarap sa kanin to pre haha!
DeleteGrabe naman yun kung sino man ang salarin! Buti di ko pa na-experience iyon pero kung mangyari man yun sa'kin, iiyak talaga ako at mandidiri ng bonggang bongga. -____-"
ReplyDeleteFollowed your blog po, nakakatuwa kasi. :)
http://spoonfulofstories.blogspot.com/
sana di mo ma-experience pero kalma lang, reality ng buhay ito :) salamat sa pagfollow!
Deleteang salarin ng pupu ay nabiktima din sana ng krimeng ginawa nya! katarungan!
ReplyDeletehaha katarungan!
Deletehahah yukkk kadiri naman ang pupu! naka relate ako ng bonggang bongga sa company outing na may palaro pa. actually we just had it last week, as usual may palaro, call me KJ pero hello outing nga yun, meaning, relax relax hindi yung papagurin ang sarili hahaha...ayun, hindi ako sumama hahaha
ReplyDeleteai pareho tayo teh, effort masyado ang mga outing na ganyan, pero ako sumasama pa rin, sayang kasi, libre haha :)
DeleteMc rich nawawala ang website ko kaya puntahan mo muna ako dito siuton.blogspot.com and follow me para ma set up ko ulit ang mga blog na sinusundan ko. Ok.hintayin kita doon
ReplyDeleteopo koya, teka anong nangyari?
DeleteHehe, di kumplete paliligo sa pool pag walang ganun! kaderder ah! Dami mo napansin pero hindi kayo umahon? still the show must go on. Okay saken mga palaro, dahil lagi akong karir! masaya eh. Saglit lang naman ang bonding na yun, after pede kana ulit magsolo at magmuni2.
ReplyDeletesyempre umahon na kami madam at lumipat ng pool, haha karir woman talaga si ate :)
Deletewow last year di ako nakaligo sa kahit anong pool.. sayang... pero ive been to so many places hehehe...
ReplyDeleteai maganda yan, travel-travel, ipagpatuloy!
Deletehahah isa kang ulirang ama .. :D
ReplyDeletethat pupu moment..
swabe kung mejo tumatama pa yung tubig ng pool sa lips mo .lol
iww grabe ka sirrrr ayaw ko nang sariwain iwww!
Deletehad a good read. malapit lang tong splash e, pero di ko pa napupuntahan. nice post, as usual.
ReplyDeleteokay naman actually lalo na kung tropa mo ang kasama mo, dami kasing adventures na pwedeng gawin don!
DeleteHindi pa ako naka punta dito..dapat ma try ko ri ng bonggels!
ReplyDeletetry mo teh, sana di ka lang matapat sa pupu ng bonggels!
DeleteHIndi pa ako nakapunta dun pero base sa experience mo na may palutang-lutang parang ayoko na hehehe siguro kahit company outing hindi ako sasama kasi maiisip ko yung lumulutang na tsismis...
ReplyDeletehaha try mo maganda pa rin naman, nagkataon lang talaga ang pupu moment na to :D
DeleteA new and simpler link badge is now available at BLOGS NG PINOY! You may use it to link BNP to your website.
ReplyDelete(NOTE: Linking BNP was a requirement when you registered; failure to link BNP may result to your blog being removed from the site listings).
copy!
Deleteyung first and last time namin sa splash island e di kagandahan. di ko gusto kasi marumi yung place, pangit ang service, at maraming mga attractions na sarado dahil inamin nila na shortstaffed daw sila. at pati ang pagkain maiinis ka. bawal magdala ngpagkain kaya kelangang bumili dun. di naman nila ma-match yung dami ng tao kaya bago maiserve ang pagkain mo, nalipasan ka na ng gutom. :(
ReplyDeleteanyway, ang mahalaga e nagenjoy kayo :) (malas lang talaga ang pupu)
actually dumayo nga kami ng refilling station para don kumain. di rin kasi namin gusto yung food hehe :)
Delete