Showing posts with label Laguna. Show all posts
Showing posts with label Laguna. Show all posts

Monday, September 24, 2012

ISA na lang, LALAYAG Na!




Isang nakatutuwang tagpo ng isang pamilyang sabay-sabay sumakay (at may nais pang sumakay) sa kayakKapansin-pansin din ang wari mo'y pila ng tao sa bandang kanan ng litrato.  Parang nais ding sumakay at makigulo.  

Sumasalamin sa katangian ng Pamilyang Pilipino, na walang iwanan sa panahon ng mga pagsubok o trahedya, at mas nanaising ngumiti o tumawa (at ituloy lang ang buhay),  kaysa magpaapekto ng sobra sa problema. 


* * * * *


Ito ang aking opisyal na lahok sa Kategoryang Larawan - Postcard ng 4th SARANGGOLA BLOG AWARDS.






Wednesday, June 27, 2012

It's MORE FUN in the PHILS... TALAGA!

Sa wakas! 

Narating din namin ang Isla ng Splash (at di na nauwi sa Valleyng Tago) pagkatapos ng dalawa't kalahating kandirit!

Naks, kita nyo naman, may nalalaman pa silang Tambol-tambol Band. 

      

   


At kakaiba.  Ang daming tao kahit weekday.  Meron pang nag-Company Outing.




Naalala ko tuloy.  Bakit pag Company Outing, kailangan laging may PALARO?  Di ba pwedeng magswimming na lang o magrelax o maging malaya pansumandali sa mga office eklats? 

Bakit hindi na lang sa PLAYGROUND ang outing tutal laro-laro naman pala ang emote sa beach o sa pool?

Tapos pag di ka naman sumali e paniguradong may implication yon sa dagdag-sahod o performance mo.  Insubordination.  Dahil syempre, kasama rin ang iyong BOSS sa outing at mapanuri pa rin, as usual, ang kanilang mga mata!

Hay.

Pagtapos kong makipagdebate sa sarili ko na parang doble-oke contestant e inikot ko na lang muli ang aking mga mata.  Bigla naman akong natigalgal.  O hindi. 

Isa na namang tragic water accident is about to happen!  Naging saksi naman ako sa papalubog na...  KAYAK. 






Haler!  First time?  Excited?  Hindi po barko yan.  O kung barko man yan, bawal po ang overloading!  At haler ulit, hanggang tuhod pa lang po ang tubig.  Bakit hindi nyo na lang gayahin si Ateng may swimsuit-na-walang-butas-sa-baywang-at-hindi-umeffort-sa-paghahanap-ng-swimsuit-na-susuotin-sa-Splash-Island?  Pwede namang maglakad di ba? 

Nadako naman ang aking mga mata sa banda pa roon.  Aba't may paparating pa!



* * * * *


Baka sakali lang.   Baka may interesado sa mga pictures namin.  Linagay ko na rin para maumay pa kayo lalo sa pagmumukha namin hahahaha!





As usual, lubog-litaw lang sa tubig.  Andami kasing tao.  Saka ang babaw.  Nasa kiddie pool kasi kami.

Ayun, ang BIDA lakad ng lakad.  Si MRS walang pagsidlan ang kaligayahan.  Ako naman, dakilang taga-kodak, taga-dala ng gamit, tagabantay, taga-bili ng pagkain, at talaga ring walang pagsidlan ang kaligayahan.  Ultimate Bonding Experience.  Precious moment.


Maayos na sana ang lahat ng biglang...







...  may nakita akong lulutang-lutang na PUPU na kulay yellow at kasing laki ng hinlalaking daliri ko sa paa, iww, iww, iww!!!

Wala rin bang pagsidlan ng kaligayahan ang salarin kaya na-PUPU sya?

O hindi.  

Kaya iniahon ko agad ang BIDA, sinabi ang aking nakita kay MRS at umalis agad kami sa scene of the crime. 

Noong mga oras na yon e gusto kong manakit. Gusto kong sirain ang pool.  Gusto kong maligo ng mainit na tubig at ipa-dialysis ang dugo ko.  Dahil ang dumi-dumi ko na!

Gusto kong sumigaw ng:  KATARUNGAN!  KATARUNGAN para sa mga BIKTIMA ng PUPU!

At KAMI yon huhuhu!






Pag nakikita ko pa ang picture na to, o hindi ulit, labas pa talaga ang dila ng BIDA!  Si MRS bukas naman ang bibig! 

Ang dumi-dumi namin!







Para namang narinig ng langit ang aming hinaing.  Di nya napigilan, na minsan pang lumuha, para linisin ang tigang na lupang at pool na...  may PUPU, iww!

It's MORE FUN in the PHILS...  TALAGA! 

Tuesday, May 1, 2012

UWIAN Na!

Oo, kaya halika na, sama na sa amin!  Ito na kasi ang uwi naming NOT JUST FOR GOOD, BUT FOR THE BETTER!


* * * * *

Sana hindi naman kayo napa-HUWWWAT ng bongga tulad ng iba naming kakilala.  At sana wag nyo rin kaming tanungin kung BAKKKIT; dahil sasagutin naman namin kayo ng...  BAKKKIT HINDI?

Wala naman sigurong magiging eksena sa pag-uwi namin na andon kami sa ulan, basang-basa, nakaluhod, may mga putik sa kamay, umiiyak, at sisigaw ng, "Ayokong maging DUKHAAAA!" 

OA di ba?   

Kung maka-WHAAAT kasi at BAKKKIT ang ibang mga kakilala e parang maghihirap kami ng walang kasing-wagas dahil napagpasyahan lang naming umuwi for the better.  At parang ito ang pinakamaling desisyon na ginawa namin sa aming entire married life.

Hindi naman siguro Sir, Mam.  

Wala naman sigurong mali na makasama ang aming bagets for life.  At finally e magka-sama-sama na kami as one-happy-and-loving-family-that-prays-together-and-will-stay-together-and-will-live-happily-ever-after.

Yun lang po.

We choose US.   



Nung BAGETS pa kami.


At ngayo'y MAY Bagets na!



Sabi ng iba, suntok sa buwan daw ang pag-uwi namin dahil walang kasiguraduhan kung anong kapalaran ang naghihintay sa amin sa Pinas. 

But we say, KAPIT kay BRO

Alam naming pagyayamanin Niya pa lalo kung ano man ang aming nasinop sa panahon ng tag-init, dito sa disyerto; at paniguradong magagamit namin ito sa panahon ng tag-ulan sa aming buhay. 

Bibigyan Niya kami ng kapahingahan at katalinuhang matagpuan kung ano ba ang magandang plano Niya sa amin.  Na laging The BEST at hindi mediocre.       

At higit sa lahat, kaya Niya kaming i-BLESS ng MAS sa Pinas, at hindi lang dito sa UAE.

Kaya BRO, BRING IT ON!


* * * * *


Bukod sa HAPPY WELGA LABOR DAY sa lahat ng manggagawa, gusto kong batiin TODAY si MRS ng MALIGAYANG, HAPPY BIRTHDAY





Basta alam mo na yon ha, na MAHAL na MAHAL KITA, IKAW ang katuparan ng mga pangarap ko, ang TANGING taong nanaisin kong makasama habang buhay.

At handa akong harapin ang BUKAS dahil kasama KITA.  

Isang matamis na mwah mwah mwah tsup tsup tsup sa IYO, sa ating BIDA at sa bagong aktibong BINHI sa iyong sinapupunan!   

Saturday, March 10, 2012

It's HIDDEN

Meron akong kaututang-dilang PUTI na lagi na lang linalait ang Pinas. 

Hindi naman siguro lait.  Siguro e nagsasabi lang ng totoo.  Prangka.

Nitong nakaraang buwan lang ay dumalaw sya ng Pinas para magrecruit ng mga tao para sa planta. 

More or less, eto ang usapan namin at tatagalugin ko na lang para hindi na ko duguin sa pangalawang pagkakataon:

PUTI:  Hindi kita nakita sa Manila a.
KAYUMANGGI:  Narinig ko nga.  Galing ka raw ng Pinas.  Kung alam ko lang, sana pinasyal kita.
PUTI:  Hindi ko nagustuhan ang Manila.
KAYUMANGGI:  San ka nag-base?
PUTI:  Sa Quezon City.
KAYUMANGGI:  A, kasi yung Manila at Quezon City, mga lumang lungsod na kasi.  Sana sa Makati ka nagpunta.  Mas moderno.
PUTI:  Galing na rin ako dati sa Makati.  Merong mangilan-ngilang building, pero, yun na yon.  Di ko rin nagustuhan.

Sa puntong yon, WALA na kong nasabi at pinilit na lang na ibahin ang usapan.

Oo nga, kung ikukumpara ang Makati sa ibang mga lungsod sa Pilipinas, masasabi ngang mas maganda ito at mas commercialized nang di hamak.  Pero kung ikukumpara mo ang Makati sa mga major cities sa buong mundo, tulad ng Dubai, medyo malayo na nga tayo sa pamantayan ng kagandahan at modernisasyon.

Yun siguro ang pamatayan ni PUTI. 

Superficial.  Unnatural.  Temporary.

Di lang kasi nya alam.  Na ang kagandahan ay di laging nasa panlabas lang.  Sa maraming pagkakataon, kailangan lang hanapin. 

Dahil natatago. 

Because It's HIDDEN!







Minsan naman, di lang napag-uukulan ng tamang atensyon at pagpapahalaga. 

Na kung bubuksan lang talaga natin ang ating mga mata, siguradong, tayo'y magugulat, sa kagandahang kanyang hatag ating makikita.  












Ano ngayon ang pipiliin mo?







*** Isang lamyerdang pang-Splash Island
(na sarado pala nung araw na yon),
na naging joyride, at nauwi sa overnight sa
HIDDEN VALLEY ***

Saturday, November 19, 2011

Si DONG

ang isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan sa whole-wide-world.  

Magaling syang kumanta:  Miyembro ng church choir.  Magaling magvideoke.  Minsan na ring na-invite sa isang wedding para bumirit ng mga pa-sweet songs.  Kung meron ngang kantahan sa lamay, sa palagay ko, papatok din sya don.

Magaling syang sumayaw at umarte:  Mga prerequisites sa aming Drama Club (kung saan sya ang main actor).  Alam ko nga, hanggang ngayon, bida-bida sya sa mga MTVs na ginagawa nila, as their special presentation, sa work nya.  Syempre idea nya rin yon.

Magaling sa arts:  sa pagpipinta, pagdo-drowing, pagle-lettering, letter-cutouts at ultimo electrical wire e hindi pinalagpas para isabuhay ang malikot nyang pag-iisip. 

Kaya DONG, Oo IKAW Na, IKAW NA ang ARTIST!

* * * * *

Nung high school, sa isa sa aming mga goodtimes, napagtripan lang naming magbugbugan.  E biglang dumating yung Values teacher namin.  Ang ginawa ni Mr. Values, binalandra sya sa blackboard.  Pagkaplakda nya sa blackboard, nakita ko na lang syang bumagsak ng padausdos.  Parang Pinoy Action Movie lang hehe.

Ending, naghumagulhol kaming dalawa sa Principal's office haha.   

Fickle-minded si Dong.  Ganon raw talaga ang mga maarte artists.  Paiba-iba ang isip.  Pag gusto nya ang isang bagay, todo-bigay sya.  Pero pag nawalan na ng interes, wala na, ba-bye na.  Pero kahit na hindi mo mawari ang takbo ng pag-iisip ni Dong, isa syang SUCCESS Story:

Pabalik-balik sa Tate, palibot-libot sa Europe, may bahay at lupa na sa Pinas, may Dollar-Peso-Euro accounts, at mabait na anak-kapatid-kaibigan.  Pinatunayan nyang ang success ay bunga ng sipag-tyaga-talento at hindi kung ano pa man ang natapos mong kurso.

Kaya Dong, kung san ka man andon ngayon, hope, lagi kang masaya. 

Kasi, miss ko na ang sangkaterbang tawanan natin.  Miss ko na ang bilyar-bowling-bar natin.  Miss ko na ang pagtambay natin sa bahay nyo, sa bahay nina Jason, sa bahay nina Lai, o kaya sa bahay namin.  Miss ko na ang pagkain natin ng lugaw at tokwa sa PRC.

Hay miss na kita!

* * * * *

Ito ang huling gala ko with Dong nung single pa ako.  Kasama rin namin ang mga kapatid ko at ilang kaibigan.  Nagcamping kami sa Taytay Falls sa Quezon Province.



Patayan lang sa pagtalon-talon/lakad sa mga bato.


Andaming nagka-camping nung panahong yon dahil holiday yata.  Di ko na matandaan kasi nung 2008 pa to.  At sa kakahanap namin ng pe-pwestuhan, napunta kme malayo sa falls.  Mas okay pa rin namin dahil solong solo namin yung lugar at okay na rin namang liguan.



Best Camping Food:  Lumpiang Shanghai, KAW Na Ate!



Pwede na rin namang wag na pumunta sa falls pero syempre yun nga ang pinunta namin don.  Kaya talon-lakad kami ulit na parang tipaklong.







Kung pamatay ang pagpunta, mas pamatay ang pauwi.  Ligpit-ayos-dala ng mga basura.  Walang dapat iwan kundi mga bakas ng paa at dalhin pauwi ang mga magagandang alaala.

Balik ulit sa tipaklong mode.







Kaya pagdating sa tuktok, di namin napigilang mag-Pancit Habhab!


This is How to Eat Pancit Habhab.

Si DONG.


Dong sabi pala ni Caleb, Merry Chritmas daw Ninong, haha!  Hanggang sa muli nating pagkikita, ingat ha!