Showing posts with label Parenthood. Show all posts
Showing posts with label Parenthood. Show all posts

Wednesday, August 22, 2012

BIDA is 2!

Nag-2 si Caleb last August 12. 

Mas pinili naming i-celebrate ang kanyang birthday with only a simple pasabog.  Pakiramdam kasi namin, mai-stress lang si bagets kung magpa-party kami.  Di pa naman talaga nila mai-enjoy yung mga Jollibee or McDO or any kind of theme party sa edad nyang 2. 

Naku maniwala kayo.  Tutulugan lang yan ng celebrant.  O mas matindi pa, cry-me-a-river ang emote ng inyong bagets sa buong party-party.  

It's either matakot sya sa mascot, or matakot sya sa guest!  (Malamang sa alamang e mas magiging rason yung pangalawang nabanggit hihi.)

Sa experience kasi namin, di naman talaga yon ang gusto ng bagets.  Yung mga magulang lang nila ang may gustong magpa-happy-fiesta.  E sino ba talaga ang may birthday?  Yung bagets ba o yung parents? 

Kaya para maiwasan ang mga ganitong eksena, buy na lang kami ng cake, sindi the 2 candles, magpakitang-gilas sa pag-blow ng 2 candles (na aming prinactice way before), picture-picture ng slight (para may remembrance ang BIDA), gawin ang mandatory yearly height measurement at onteng salo-salo na lang sa bahay.





Sina Lola Monica at  Lolo Renato
     
Mandatory YEARLY Height Measurement

From MANGO  to  CHILI yey!


Tapos dinala namin sya sa Manila Ocean Park dahil mahilig nga sya sa tubig pati na sa mga lamang-tubig.

Anong nangyari?  E di, HAPPINESS! 

Obvious naman sa pagtakbo nya, pagtalon, pag-split at pagtambling nung nakita na nya ang sari-saring kamag-anak ni Aryana.











Share ko na rin na mahirap palang maging driver, tour guide, photographer, yayo ng bagets at caregiver ng buntis, all at the same time.

Ito pa yung iba kong kuha na pumu-photographer ang peg.  Yung iba, kuha ni MRS Buntis when I needed to be a Yayo naman.



Dog Fish

Shark sacs

Stone Fish

Sharks

Ray & Shark


Ang pagbalik ko dito also brought back happy memories nung linibre namin ni Ate sina Ma & Leng nung newly-opened pa lang ang Manila Ocean Park.  Alam mo naman kami, aktibo.

RIP na rin yata ang sosyal na de-aircong Japanese Crab (na malamang ay linahok na sa sinangag) at ang lone Tiger Shark (na malamang ay ginawa nang siomai).  Di ko na kasi sila nakita ulit.



MA, Ate & Leng

Japanese Crab

Tiger Shark


Nostalgic talaga just looking at these photos of THEN...  And how wonderful to have experienced it again, NOW.


Oh  YUPPY Day

Oh  DADDY  Day


* * * * *

Nga pala, in the coming days, malungkot man isipin, e magre-reformat na raw ang MULTIPLY.  E dito kaya namukadkad ang aking blogging career.  Sayang naman kung idi-delete ang aking mga obra :)  Kaya ngayon pa lang e pipilitin kong ilipat ang sandamukmok kong photos at mga blogs ko. 

Please bear with me at wag kayong magulat kung luma ang mabasa nyong mga posts ha.  I-import ko nga kasi ang mga old blogs ko from Multiply. 

At good luck saken kung kakayanin pa ba ng aking hectic schedule!   

Friday, July 20, 2012

Di MASAMA ang Magbenta ng LAMAN

Tandang-tanda ko pa Ate Charo.  Masakit man sa akin.  Mabigat man sa puso ko.  Kahit may bumabagabag sa isipan ko.  Nagpakatatag pa rin ako.  Kailangan kong gawin ito.  Para sa pamilya ko.  At para sa akin.

Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang ko?  Ng mga kaibigan?  Kabalitaan?  At kakampi?

Ano na lang ang sasabihin ng SM at ni Don Tomas Mapua?  Isa pa naman ako sa mga uliran nilang iskolar noon (hehe mai-plug lang).     

Bakit kinailangan kong humantong sa ganito?

Pikit-mata.  Tiim-bibig.  At kinodakan ko na lang muna sina MRS at ang BIDA, bago ako umalis.  Babaunin ko. 

Di ko man kayang iwan sila, pero kinaya ko.





Pagdating ko sa aking destinasyon, nagulantang na lang ako kay Ate.  Walang habas na nagla-like sya sa FB.  Kesehodang andon ako't abot-tanaw sya, ayaw talagang papigil.  

At para kumpleto ang ligaya, ayun at nagpalaman pa sa tinapay ng derikrim habang nagko-comment pa rin sa FB.  At di man lang nang-alok ha.  Makodakan nga.




Pasalamat sya.  Medyo malayo ako.  Kung hindi, gagawin ko talaga itong viral photo e.  Hanggang sa makarating kay PNoy para maturuan sya ng leksyon. 


* * * * *

Hihi.  OA yung reaksyon ko.  Kala mo kung sinong malinis na hindi nag-i-FB sa trabaho.  E sa totoo lang, nagba-blog pa nga ako sa work dati.  Hihi.  Arte ko lang yon.  Artista kasi ako dati.  Haha.  Asa.

At arte ko rin lang ang pasakalye ko sa itaas.  Maiba lang ba.  Ang totoo nyan.  Nagtraining ako sa Technology & Resource Center nito lang July 2 & 3 sa Basic Meat Processing.   






Interestingly (makapag-ingles lang), puro ex-OFWs ang mga kasama ko sa training.  At pareho ko, gusto nilang maging worthwhile ang kanilang pang-araw-araw sa loob ng bahay.  

At pareho ko, pare-pareho kaming walang trabaho hahahahaha. 

   



Ayus naman ang training.  Madali lang gawin at paniguradong may kita kung susundin mo lang si Mam (na rumaraket pa sa edad na 70+ at ayaw sabihin kung sino ang supplier ng mga ingredients yun pala e bebentahan nya kami hay) sa binigay nyang formulation at kung may target market ka na.

Eto nga't nagawa ko na sa bahay, on my own, at nakagawa na ko, at nakapagbenta, ng total 20kg ng tocino at longanisa.   

Yey mayaman na kami!!! 



Canton Longanisa

Lukban Longanisa

Tocino


Finished Product


Sa ngayon kasi, sobrang labo na talagang mangamuhan kami.  At least, kahit nasa bahay lang ako, at nag-aalaga kina MRS at sa aming BIDA, e may added income kami pansamantala.  Pagkapanganak na lang ni MRS kami magdadagdag ng iba pang raket.  

At malayong-malayo man sa kinikita namin dati, sobrang hindi naman matatawaran lalo na't maaalala ko ang mga scenes na ito:







Sulit naman di ba?

Kaya sa iyo na nagbabasa ng blog na ito, gusto kong ulitin ito:  DI MASAMA ANG MAGBENTA NG LAMAN.  Lalo na kung mga LAMAN ko ang bibilhin nyo hihi :)

Bili na po Sir/Mam!

Wednesday, June 27, 2012

It's MORE FUN in the PHILS... TALAGA!

Sa wakas! 

Narating din namin ang Isla ng Splash (at di na nauwi sa Valleyng Tago) pagkatapos ng dalawa't kalahating kandirit!

Naks, kita nyo naman, may nalalaman pa silang Tambol-tambol Band. 

      

   


At kakaiba.  Ang daming tao kahit weekday.  Meron pang nag-Company Outing.




Naalala ko tuloy.  Bakit pag Company Outing, kailangan laging may PALARO?  Di ba pwedeng magswimming na lang o magrelax o maging malaya pansumandali sa mga office eklats? 

Bakit hindi na lang sa PLAYGROUND ang outing tutal laro-laro naman pala ang emote sa beach o sa pool?

Tapos pag di ka naman sumali e paniguradong may implication yon sa dagdag-sahod o performance mo.  Insubordination.  Dahil syempre, kasama rin ang iyong BOSS sa outing at mapanuri pa rin, as usual, ang kanilang mga mata!

Hay.

Pagtapos kong makipagdebate sa sarili ko na parang doble-oke contestant e inikot ko na lang muli ang aking mga mata.  Bigla naman akong natigalgal.  O hindi. 

Isa na namang tragic water accident is about to happen!  Naging saksi naman ako sa papalubog na...  KAYAK. 






Haler!  First time?  Excited?  Hindi po barko yan.  O kung barko man yan, bawal po ang overloading!  At haler ulit, hanggang tuhod pa lang po ang tubig.  Bakit hindi nyo na lang gayahin si Ateng may swimsuit-na-walang-butas-sa-baywang-at-hindi-umeffort-sa-paghahanap-ng-swimsuit-na-susuotin-sa-Splash-Island?  Pwede namang maglakad di ba? 

Nadako naman ang aking mga mata sa banda pa roon.  Aba't may paparating pa!



* * * * *


Baka sakali lang.   Baka may interesado sa mga pictures namin.  Linagay ko na rin para maumay pa kayo lalo sa pagmumukha namin hahahaha!





As usual, lubog-litaw lang sa tubig.  Andami kasing tao.  Saka ang babaw.  Nasa kiddie pool kasi kami.

Ayun, ang BIDA lakad ng lakad.  Si MRS walang pagsidlan ang kaligayahan.  Ako naman, dakilang taga-kodak, taga-dala ng gamit, tagabantay, taga-bili ng pagkain, at talaga ring walang pagsidlan ang kaligayahan.  Ultimate Bonding Experience.  Precious moment.


Maayos na sana ang lahat ng biglang...







...  may nakita akong lulutang-lutang na PUPU na kulay yellow at kasing laki ng hinlalaking daliri ko sa paa, iww, iww, iww!!!

Wala rin bang pagsidlan ng kaligayahan ang salarin kaya na-PUPU sya?

O hindi.  

Kaya iniahon ko agad ang BIDA, sinabi ang aking nakita kay MRS at umalis agad kami sa scene of the crime. 

Noong mga oras na yon e gusto kong manakit. Gusto kong sirain ang pool.  Gusto kong maligo ng mainit na tubig at ipa-dialysis ang dugo ko.  Dahil ang dumi-dumi ko na!

Gusto kong sumigaw ng:  KATARUNGAN!  KATARUNGAN para sa mga BIKTIMA ng PUPU!

At KAMI yon huhuhu!






Pag nakikita ko pa ang picture na to, o hindi ulit, labas pa talaga ang dila ng BIDA!  Si MRS bukas naman ang bibig! 

Ang dumi-dumi namin!







Para namang narinig ng langit ang aming hinaing.  Di nya napigilan, na minsan pang lumuha, para linisin ang tigang na lupang at pool na...  may PUPU, iww!

It's MORE FUN in the PHILS...  TALAGA! 

Sunday, June 10, 2012

Si MRS at ang BIDA

Nung minsang tumawag ang isang kumare at nagtanong kung anong pinagkakaabalahan ko, na sinagot ko namang nag-a-adjust pa, e pareho kaming natawa. 

Arte.  Kala mo galing US or Europe.  Kala mo antagal nawala sa Pinas.  Nag-a-adjust talaga?  May jetlag? 

E ang init kaya. 

Kahit naman galing kaming disyerto, di naman tumagaktak ng ganito ang pawis sa katawan ko doon.  Antagal ko ring hindi naramdaman ang feeling of wetness.  In fact, pwede na nga akong magsimula ng palayan showcase e.  Kasi may unlimited supply na ko ng patubig kahit magka-el ninyo pa.

See?  Kaya yaan nyo na lang akong mag-inarte ng onte.  Antagal ko rin namang nawala.  Halos 4 years. 

Saka mahirap kayang mag-alaga ng MRS na nagdadalang-binhi saka ng napaka-aktibong BIDA.  Mahirap na masarap na fulfilling.

Kaya pagpasensyahan nyo na kung inagiw ng slight ang blogsite ko.  Ulirang asawa/ama lang muna ang peg. 




At dahil ulirang asawa ako, pinagmaneho ako ni MRS nung minsang lumabas kami para maghanap ng OB-Gyne nya.  Hehe. 

Syempre hindi.  Miss nya na raw magmaneho kaya kahit bundat sya with my binhi, hinayaan ko lang sya.  Syempre love mo.  Kahit minsan ayaw mo, magpaparaya ka na lang. 

Love mo nga kasi e.

Tapos nagpunta kaming barbero para magpatabas dahil mainit nga.




Ang mahal ng gupit ha, 200 na, tapos yung tip pa, haay.




Naku nagquote na si Dra ng 100K for CS at 25K for normal delivery.  Si MRS parang natulala. 

Baka may kilala kayong maayos pero medyo murang doctor sa Munti?


* * * * *

Dahil nagtitipid nga kami, pati sa krudo ng oto, at halos ayaw nang umalis ng bahay para less gastos, at merong pagbabanta ang mga tsekwa sa scarborough eklat na yan, at natalo si Pacman kay Bradley, tinutuon na lang namin ang aming panahon sa pagti-train kay Caleb. 

Inumpisahan namin ang training sa mga DRILLs.



Salamat Nay & Tay for the Play Tunnel!


Salamat PINEROs sa kanyang REUSABLE
SALUMPUWIT.  At Nay & Tay for
the TRAMPOLINE.


Updates on latest technologies.  INTRODUCING:  MacaROBOT!


Salamat Nay & Tay for MacaROBOT.



Wilderness survival.


Thanks Ninong YAJ for the TENT.


Magpa-andar ng iba't-ibang sasakyang pandigma.





Higit sa lahat, tamang pahinga, masusustansyang pagkain tulad ng milkshake at walang humpay na funtime with Daddy!


Salamat Nay & Tay for the CRIB!


Si Mommy may POOT sa mga mata?





We can't get enough of our BIDA.  Obvious naman no.  Kaya pasensya na kung naumay kayo sa pamilya ko at nasayang na naman ang oras nyo.  Sori naman.  Kayo na ang precious ang oras.  Kaya salamat sa dalaw.  

E pano pag lumabas na ang isa pang BIDA?