Nung minsang tumawag ang isang kumare at nagtanong kung anong pinagkakaabalahan ko, na sinagot ko namang nag-a-adjust pa, e pareho kaming natawa.
Arte. Kala mo galing US or Europe. Kala mo antagal nawala sa Pinas. Nag-a-adjust talaga? May jetlag?
E ang init kaya.
Kahit naman galing kaming disyerto, di naman tumagaktak ng ganito ang pawis sa katawan ko doon. Antagal ko ring hindi naramdaman ang feeling of wetness. In fact, pwede na nga akong magsimula ng palayan showcase e. Kasi may unlimited supply na ko ng patubig kahit magka-el ninyo pa.
See? Kaya yaan nyo na lang akong mag-inarte ng onte. Antagal ko rin namang nawala. Halos 4 years.
Saka mahirap kayang mag-alaga ng MRS na nagdadalang-binhi saka ng napaka-aktibong BIDA. Mahirap na masarap na fulfilling.
Kaya pagpasensyahan nyo na kung inagiw ng slight ang blogsite ko. Ulirang asawa/ama lang muna ang peg.
At dahil ulirang asawa ako, pinagmaneho ako ni MRS nung minsang lumabas kami para maghanap ng OB-Gyne nya. Hehe.
Syempre hindi. Miss nya na raw magmaneho kaya kahit bundat sya with my binhi, hinayaan ko lang sya. Syempre love mo. Kahit minsan ayaw mo, magpaparaya ka na lang.
Love mo nga kasi e.
Love mo nga kasi e.
Tapos nagpunta kaming barbero para magpatabas dahil mainit nga.
Ang mahal ng gupit ha, 200 na, tapos yung tip pa, haay.
Naku nagquote na si Dra ng 100K for CS at 25K for normal delivery. Si MRS parang natulala.
Baka may kilala kayong maayos pero medyo murang doctor sa Munti?
Baka may kilala kayong maayos pero medyo murang doctor sa Munti?
* * * * *
Dahil nagtitipid nga kami, pati sa krudo ng oto, at halos ayaw nang umalis ng bahay para less gastos, at merong pagbabanta ang mga tsekwa sa scarborough eklat na yan, at natalo si Pacman kay Bradley, tinutuon na lang namin ang aming panahon sa pagti-train kay Caleb.
Inumpisahan namin ang training sa mga DRILLs.
Salamat Nay & Tay for the Play Tunnel! |
Salamat PINEROs sa kanyang REUSABLE SALUMPUWIT. At Nay & Tay for the TRAMPOLINE. |
Updates on latest technologies. INTRODUCING: MacaROBOT!
Salamat Nay & Tay for MacaROBOT. |
Wilderness survival.
Thanks Ninong YAJ for the TENT. |
Magpa-andar ng iba't-ibang sasakyang pandigma.
Higit sa lahat, tamang pahinga, masusustansyang pagkain tulad ng milkshake at walang humpay na funtime with Daddy!
We can't get enough of our BIDA. Obvious naman no. Kaya pasensya na kung naumay kayo sa pamilya ko at nasayang na naman ang oras nyo. Sori naman. Kayo na ang precious ang oras. Kaya salamat sa dalaw.
E pano pag lumabas na ang isa pang BIDA?
Salamat Nay & Tay for the CRIB! |
Si Mommy may POOT sa mga mata? |
We can't get enough of our BIDA. Obvious naman no. Kaya pasensya na kung naumay kayo sa pamilya ko at nasayang na naman ang oras nyo. Sori naman. Kayo na ang precious ang oras. Kaya salamat sa dalaw.
E pano pag lumabas na ang isa pang BIDA?
wow, namiss ko ang blog na ito, kaya pala, busy-busyhan ka jan!!
ReplyDeletecongrats!! magiging 2 na ang baby mo! happy for you!
happy din kasi mukhang happing-happy ka with your kiddo! more play time!
ang saya no?? ang mahal lang nun gupit mo, haha!
Si Mrs ang nagpagupit jowen :)
Deletenext taym may kapatid na yung bebi nio.
ReplyDeleteat tama, mainit dito sa pinas, unli-heat, pawis to the max.
Tamah!
Deletenaks! family bonding talaga :D
ReplyDeleteang init talaga sa pinas. sa canada malamig hahahha :D
Opo fb to the max!
DeleteO my gali! Ganyan na kamahal ang CS?? Di namn siguro ma c- CS si misis. Pero sana makahanap pa kayo ng mas mura. Mahal na din pala ang normal delivery. Enjoyable namn talaga ang mga acivities ng little aktibong bida nyo!
ReplyDeletenakahanap na po kami yey!
Deleteayun, may coming soon na pala… sinabi mo pa, sa 3 years ko dito sa Qatar, mainit nga pero hindi ka pagpapawisan ng wagas, kita kits na lang sa bakasyon ko…
ReplyDeletewow exciting kelan po ang bakasyon sir?
Deletekamukhang kamukha ng dada ung anak nya...
ReplyDeletewelcome sa padating na baby :)
mainit talaga dito sa atin :)
hihi sensya na at umaarte lang :)
Deletewaaa :( tried to comment nawala!
ReplyDeleteuleet ule!
namiss ko naman kayong bigla, at may credits pa ang mga Pineros ha, aihihihi! astig naman talaga si marekoi nagdrive pa talaga :) at kaw naman bro isa kang dakila ikaw na talaga! nag-inarte ka pa sa init dyan, ito kami nasa RAK ngayon nag HOT SPRING sa kabila ng 43 na temperature hahaha (walang basagan ng trip) at 200 steps pa bago ka makarating pababa kaloka! di namin nagamit ang pool kahit na mineral water sya para ka namang nagpa-init sa takure ng 8 na oras :)...kiss nyo nalang ako sa poging inaanak ko, proud ninang :) bro keep in touch ha lalo na kay marekoi...love from all of us here in AUH, GOD bless :) Anne
wow kumadre salamat naman at nag-umeffort talagang magcomment :) musta naman ang swimming sa hot spring sa summer sa disyerto haha pero hay na-miss ko kaya bigla at ang mga lokohan natin :(
Deletewill never forget you syempre and thanks for eveything pineros!
Hay salamat nag update din. 100K for cesarean? May SSS ba kayo? How about PhilHealth? Letse na yan. E baka hindi ako makaire sa presyong yan. Maraming exercise para hindi na ma CS. Healthy healthy eating lang.
ReplyDeleteNakakashock naman talaga kse ang price na yun? May freebies ba pag CS? hahahah!
Oi update ka lagi. Ingats!
ayan sa wakas naka-reply din :) philhealth lang naayos namin, yung sss, saken lang ang updated. pero sabi nila di naman pwede magclaim ang mga pudir.
Deleteayun nga dinadiet si Mrs pero mukhang di na kme magrisk kasi CS sya nung first baby namin.
Awesome family, have a great day!
ReplyDeleteang kyut ng inyong BIDA! bibong bibo! at may 2nd bida pala on the way, congrats! wala akong kilalang nagpapa-anak sa munti, kasi wala naman nanganganak dun! sa correctional may nanganganak! haha :)
ReplyDeletepost ka lang ng post ng ganito, ang saya saya kaya basahin! :))
salamat oo meron nang 2nd, di pa lang alam kung ano gender. we are hoping girl na this time para quota na kami!
Deleteganon pala ang mga gastusin pag nanganganak.Noong unang panahon doon po sa amin bibigyan mo lang yata ang magpapaanak ng pang nganga ayos na.
ReplyDeleteang ganda ng house.Napansin ko lang at ang laki na ng bida mo.
ha ha ha tawa ako ng tawa dito! sensya na nakisingit dito sa comment mo wagas lang talaga tawa ko sa "pang-nganga" ha ha ha
Deletesalamat sa komedya! pero totoo yung sinabi mo
hahaha natawa din ako, nganga talaga, naalala ko tuloy ang lola kong nagnganga dati. dinikdik ko pa dati yon. tapos ang baho ng apog hehe :)
Deleteeh, ang cute naman ng istoryang ito! Bilib ko sa tinatawag mong love ha.. kaya pala si mrs ang nagdrive. but anihow, cute ng baby niyo pati playhouse niya, happy family, indeed! Oh, tigilan na ang inarte at magipon na ulit sa panganganak at baka nga 100k ang abutin. hehe
ReplyDeletehaha humirit lang sya dahil na-miss nya, meron na kaming nakitang mas mura teh!
DeleteHahahaha. Mainit talaga sa atin. Salamat sa aircon. 5 pesos/hour for the .5 hp. Yey!!!
ReplyDeleteAng cute cute cute naman ni Caleb. :)
oo nga salamat sa meralco, kung pwede nga lang na all-day & night noh, haha kaso wala kaming trabaho sa ngayon kaya walang pambayad!
Deletewow God bless sa next bida ng inyong family :) hangsaya lang :)
ReplyDeletesalamat sir!
Deleteang saya naman magkakaroon na ng kalaro ang Bida.
ReplyDeleteGod bless. sana maging maayos ang panganganak ni MRS mo.
magiging maayos yan sir, in JC's name!
Deleteboy o girl ba ang isa pang bida? sarap naman sa pinas! ui sis mrs nagdrive pa kahit buntis?
ReplyDeleteonce lang teh, di pa sure pero boy daw sabi ng former ob nya :)
Deletekakatuwa naman ang training ni Caleb. Lika na sama ka sa camping namin, hehehe sama mo na rin si Macarobot para may tagapagtanggol tayo laban sa mga kaaway.
ReplyDeletehahaha san ang camping na yan?? sama!!
Deleteawww. hindi nakakasawang magbasa pag tungkol sa pamilya lalo at ang kyut ng bida. :)
ReplyDeletehindi ko mairekomenda ang doktora na nagpaanak sa akin dito sa muntinlupa sa asian hospital dahil PF pa lang, yung fee na ni MRS kung abutin siya ng CS. hay. pano kasi may complications ang pagbubuntis ko kaya daw ganun. pero yung ni-quote na fee sa inyo, medyo ganyan na nga ang going rate pag CS. pero pag nakita mo naman ang ikalawang bida, palagay ko malilimutan mo nang gumastos ka ng mala-diyamante ang presyo. worth it naman sigurado! :) anong gusto nyo, girl or boy? girl sana para quota na. hehe
nakahanap na kami mam sa osmun kami :) sing-galing pero di sing-mahal. sabi nung dati naming ob, boy daw pero hopefully girl na nga para quota na :)
Deletetay kayo na! alam na alam na inlove ka tlga ki inay! chos nakikinanay at tatay ba nmn. lol ang cute ni panganay! sana girl ang next na baby <3
ReplyDeleteoo ewan ko ba kung bakit inlababo ako sobra sa love of my life ko :)
DeleteGrabe, mahal na talaga lahat ng bagay. Sana maging normal delivery ni wifey para medyo tipid. :)
ReplyDeleteOk sa bat/ty, ala lolit solis hehe.
para di magsawang magbigay haha umi-style lang!
DeleteHappy Father's Day po!
ReplyDeleteNakaka-windang ang CS :( pero ang mahalaga safe si Mrs at ang coming bida para mas masaya ang current bida :)
... and no driving for buntis please :)
opo last nya na yon pwamis!
Deleteulirang ama at ulirang mang gagawa mabuhay ka ser! :)
ReplyDeletethanks hihi natuwa naman ako sir sa uliran :)
Deletehappy fathers day po :)
ReplyDeletethanks kix!
Deletebelated happy fathers day sayo..
ReplyDeleteang mahal pla talgang maging tatay. :)
kelan na b lalabas ang isa pang bida ? hehe
excited me? lolz
sa oct na!!
DeleteKaukha mo si Caleb. HAHA! May tawa talaga? Ang totoo natuwa akong kaukha mo siya. Di ko kasi kamukha si Red. Naiingit ako ng slight.
ReplyDeleteansama tumawa talaga haha so mabuti ba na naging kamukha ko ang BIDA namin sir? sana naman!
DeleteType ko yung tent ng bida, ang colorful eh hehehe
ReplyDeleteCongrats sa paparating na new addition to your family.
bigay po ng colorful na ninong!
DeleteUlirang ama! Mukhang masaya ka naman sa pagiging Daddy lalo na after 4 years of unlimited buhangin LOL. Paglabas ng isa pang bida may kasama na sya sa trampoline
ReplyDeletenaks uliran awardee ulit salamat naman glenn! oo kakasawa na ang buhangin aww!
Deletenice one. lovely family. wish to have one.
ReplyDeletea patience lang, padating na sya dont worry!
DeleteWow your little one looks active and loving his wonderful toys =)
ReplyDeleteCongrats, magiging daddy ka na pala ulit for the second time. Ang tagal kong di nakadalaw dito at nakapagblog, glad to hear everything is well with you and your beautiful family =)
oo very active talaga sya, giba lahat pag andyan na sya hihi :) pero sobrang happy talaga!
Deletewhat a happy family... cheers!!! :)
ReplyDeletekampay!
Deleteokay lang yun. hindi naman ako nauumay kuya. minsan lang din naman ako makadalaw e. hahaha
ReplyDeletemore power, kami sa init nagkakape na lang, hahaha. walang initan, timpla na lang basta. hohoho
oo nga pero andami mong comments hoshi salamat!
DeleteAng taas taas ng level ng sense of humor sa blog na ito hehehe.
ReplyDeleteNice family pictures, aliw na aliw ako sa panonood ang sarap panoorin ang mga ngiti. ( stalker lng ang drama? ) hehehe.
naku salamat nagustuhan mo teh, dalaw ka ulit ha!
Delete