Friday, May 25, 2012

Sa LOOB ng MUNTI

Habang binabasa mo to e paniguradong andon na kami.  Don kasi namin napagpasyahang manirahan for-the-better.  

And we are taking this time para mag-relax muna ng onte, more bonding with our bagets and magpa-fresh ng utak.  At para malaman namin kung ano ba ang the-next-BEST-diskarte.  

In the meantime, tutal andito ka na rin lang, sama ka na muna saken, tour kita sa LOOB ng MUNTI.



Alabang Town Center


Chill lang dito.  Parang di maarte ang mga tao.  Oo paniguradong maraming mayayaman, at celebrities (as in kada punta mo meron), pero parang di yamang-taga-Makati na kontodo postura.  Chill nga lang.  Parang nagpunta lang ng clubhouse.  Ganong level.





Kita mo ba, anmura no?  Pero okay yung service.  Pwede nang ikumpara don sa dati naming pinupuntahan nung college sa QC Triangle.  Tapos may VENTUSA dito.  Yung lalagyan ng baso yung likod mo tapos hihigupin yung lamig.  Heaven ang pakiramdam pagtapos!  Kaya nga nagpa-lifetime member na kami.



  


Ang porkchop na hindi greasy pero malambot at tamang-tama ang lasa!  Pati yung sinangag nila hindi rin.  Nakaka-2 orders talaga ko pag dito kami kumakain kahit di ako mahilig sa rice.  Parang Php78.50 ata per order.  Sinangag-itlog-porchop na yon.  Bili ka na lang ng panulak at siguradong solb ka na.






Dito naman ang pinaka-da-best na pichi-pichi that will literally melt-in-your-mouth, not-in-your-hands!  Masarap din yung barbeque dito, pati pancit malabon.  Yun lang medyo more antay ka nga lang sa dami nang mga parokyano.  Sabagay, baka natataon din lang.  

Makati Supermart

Gusto namin dito kasi walang parking fee.  Kailangan lang bumili ka ng kahit ano tapos libre na ang parking.  Ang maganda pa sa area na to e andito yung Luk Yuen (para sa chicken feet na sobrang adik kami)!  Okay din sa South Supermarket, libre rin ang parking, pero mas malayo sa lugar namin. 

So far yan pa lang mga na-try ko sa MUNTI na medyo angat sa iba at binabalik-balikan namin.   

Pero higit sa lahat, I take GREAT PRIDE na PLASTIC-FREE ang MUNTI!  Kaya yung mga back-biters, tupperware at mga orocan, mag-ingat kayo :)


* Ang lahat po ng mga PHOTOS ay mula kay GOOGLE at hindi ko po pag-aari. *

54 comments:

  1. Yun mom ko ay taga-munti pero super tagal na nun last na punta ko dyan.. Lumipat kami dito sa taytay after nun accident nun baby pa ko.. sana makapunta ako ulet..

    ReplyDelete
    Replies
    1. antagal na palang hindi kayo nagagawi dito, pag nagawi kayo, eb agad ha hehe :)

      Delete
  2. Ako rin eh may mall na gustong-gusto ko talaga, which is Robinsons Galleria, napakatahimik kase eh hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo maganda rin sa rob, tagal ko nang di nagagawi don a.

      Delete
  3. Uy ang mura ng massage!! Speaking of plastic free, I was in lucban quezon nung pahiyas festival almost 2 weeks ago. Bawal din ang plastic. Puro supot na papel ang ginagamit nila pag nag shopping ka.

    ReplyDelete
  4. Naeexcite ako kasi home na home ang feeling ko, taga-munti din ako. Tambay ako ng ATC tapos yung Banahaw part owner yung ate ng officemate ko, kaya pag di okay ang service sabihan mo ko, magreklamo tayo (joke). LOL.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hala eb na tayo dali, talaga, pwede bang makausap minsan yung part owner?

      Delete
    2. oo pwede, minsan nandun siya. siguro ngayon Saturday and Sunday siya dun kasi may pasok na, teacher kasi yun. hehehe. tara EB na.

      Delete
    3. anong name nya sey? medyo interesado kasi kami :) para itanong namin don!

      Delete
  5. matagal talaga ang order sa amber's kahit ano'ng okasyon o regular na araw.

    yung spa naman, tatry ko yan ngayong weekend kasi masakit ang likod ko puro lamig hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha ganon ba? kala ko nung time lang na yon. o na-try mo na ba bino?

      Delete
  6. aakalain ko talagang endorser ka...hehehe

    ReplyDelete
  7. teritoryo ng hubby ko yan lalo na sa may hillsborough :) welcome home

    ReplyDelete
  8. marunong din ako mag Ventusa .salamat sa TESDA.hehe

    ayos at plastik free na din pla jan :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. a okay pala sa tesda ha, ano pa kayang pwedeng aralin don?

      Delete
  9. wow, mukang mas masaya dyan sa munti, kesa dito sa QC. makadalaw nga dyan.. nakakagutom. :)

    ReplyDelete
  10. Ang layo ng munti pero yan amber ang paborito order-an sa office namin kapag meron may birthday, sarap Kase ng spag/pancit/bbq/pichi-pichi nila. :)

    ReplyDelete
  11. dami palang mapapakinabangan sa loob ng munti hahaha akala ko puro barumbado at kriminal ang nakapalibot dito (diba yung prisuhan sa munti? hehe). anyway, trip ko yang spa at pichi-pichi.. sarap din sana umuwi lalo kung may sariling bahay sa Pinas.

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha oo pag sinabing munti, preso agad ang nagre-register sa utak :) bili ka na dito sa pinas ng bahay madam :)

      Delete
  12. Yeah, that would be something that u can really be proud of. Bawal ang plastik jan na super damaging sa human health pati sa Earth. hehe... mukang mganda yan at swak for ur family. Bigla ko nag crave sa pichi2 ng Ambers. Yung niyog version! hihi. Hope we cud exchange link... thanks.

    ReplyDelete
  13. super love ko ang iyong Munting post. i really like this area very much tama ka mayayaman pero mga cool lang ang porma, parang nagpunta nga lang sa clubhouse. super sarap ng spaghetti sa amber, 100percent love ko yun. Tudings ay sikat din dito sa Laguna, dito yata nag originate yan(am not sure lang hehhe) basta, love ko si ATC. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. agree ako :) oo sabi ni mrs sa laguna nga nag-originate ang tuding's!

      Delete
  14. ang sarap tuloy magpamasahe...ung tudings pporkchop meron nyan dito sa malapit sa bahay...masarap talaga ang timpla nga at ung sinangag...

    masarap magliwaliw talaga sa munti :)

    ReplyDelete
  15. Well done for finding a place where your family could settle.
    ATC! I used to live in Paranaque and this is where we used to go. The photo actually brought back a lot of memories, hehe. Enjoy your new home =)

    ReplyDelete
    Replies
    1. yes madam, this is it :) taga-pque rin kami originally madam!

      Delete
  16. bigla ko daw naalala yung pa-contest mo dati kung dito yon. medyo may panghihinayang daw akong naramdaman. kasi parang ang sarap dyan at sulit sa presyo.

    hohoho someday, mabibisita ko rin yan.

    ReplyDelete
  17. Hi very nice blog!! please add me on your blogroll ..Thanks!

    ReplyDelete
  18. I love Amber's pichi pichi. Sobrang sarap :)

    ReplyDelete
  19. PRE, goodluck sa bagong buhay sa loob ng munti. \m/

    ingat palagi dyan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat pre, sarap ng mga byahe mo a, sige lang ng sige, bago magka-family!

      Delete
  20. I suddenly miss the "dirty south". ;p I'm proud to be from San Beda College Alabang and Victory Alabang, haha!!!

    Nice blog, bro... Pero sana matuto ka din mag follow back! ;p

    ReplyDelete
    Replies
    1. demanding teh haha sorry naman, di ko alam na may blog ka na, and congrats pala, makabuluhan ang blog mo, ako parang pangsayang-oras lang, alang wenta haha :) regards kay marts & aubrielle!

      Delete
  21. wow. bilib ako sa mga plastic free na lugar. ang hirap kasing isipin na walang plastic pero nagagawa nila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo kala ko rin dati hindi kaya, sa umpisa lang talaga siguro, maganda rin siguro yung naging enforcement ng local munti govt :)

      Delete
    2. oo tama.minsan nasa mga namumuno lang yan. kapag talagang ipatupad nila kakayanin. minsan napunta ako sa quezon province at kumain kami sa isang karinderya...may nagtake out ng ulam aba may dala syang lalagyan. kaya pala ang linis ng kalye nila kase bawal ang plastic.

      Delete
    3. talaga? kitam, disiplina lang talaga at will-power! minsan it is really so amazing kung ano ang magiging result ng mga ganitong acts of concern, di lang sa environment but for future generation. sana, buong Pinas ang sumunod :)

      Delete
  22. nakarelate ako nang sobra sa lahat pano kasi dito ako sa munti nagwowork! ahahaha! baka nga nagkabanggaan na tayo di pa natin alam. hehe.

    totoo, mapapahirit ka ng isa pa nga sa tuding's. ganyan din ako e. at masarap ang amber's at paborito ko rin ang luk yuen...oo na, mahilig ako kumain, di pa ba obvious? hahaha!

    san dito sa munti kayo nakatira na? dito lang ako sa may filinvest area sa insular life. tanaw naman ang building namin kaya pag nagawi ka sa area e kumaway kaway ka at magkikita tayo sigurado. hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. hello mam, dito kami sa katarungan! ahaha sarap lang naman kasing magfood trip di ba, oks lang yon, wala namang masama sa pagkain ng wagas :) a sa filinvest kami nagtsi-church so pag nagawi kami dyan sisigaw ako ng kayeeee!

      Delete
    2. yung katarungan, dun sa may BJMP community na pwdeng ang daan e thru daanghari? maganda nga yung area. galing ako sa adopted school namin, yung itaas elementary school which is situated in the Bilibid prison complex dahil may turnover kami ng mga school supplies, storybooks, school shoes at uniforms sa mga scholars namin. mashado nang late dahil yung mga magulang, hulyo na bago maienroll ang mga bata :(

      anyway, i hope to see you literally, one of these days. :)

      good luck kay MRS panganganak sa Osmun. my sister-in-law used to be an emergency doctor/consultant there. kung andyan pa sya paabangan ko sana kayo. hehehe. :)

      Delete
    3. ai opo sa phase 2 po kami mam! mukhang nadaanan nyo kami kung galing kayo sa daang hari going to itaas elem sch :) pwede na po bang mag-apply ng scholarship ang aming Bida hihi :) sana nga po magkita tayo one of these days!

      Delete

Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?