Tuesday, May 1, 2012

UWIAN Na!

Oo, kaya halika na, sama na sa amin!  Ito na kasi ang uwi naming NOT JUST FOR GOOD, BUT FOR THE BETTER!


* * * * *

Sana hindi naman kayo napa-HUWWWAT ng bongga tulad ng iba naming kakilala.  At sana wag nyo rin kaming tanungin kung BAKKKIT; dahil sasagutin naman namin kayo ng...  BAKKKIT HINDI?

Wala naman sigurong magiging eksena sa pag-uwi namin na andon kami sa ulan, basang-basa, nakaluhod, may mga putik sa kamay, umiiyak, at sisigaw ng, "Ayokong maging DUKHAAAA!" 

OA di ba?   

Kung maka-WHAAAT kasi at BAKKKIT ang ibang mga kakilala e parang maghihirap kami ng walang kasing-wagas dahil napagpasyahan lang naming umuwi for the better.  At parang ito ang pinakamaling desisyon na ginawa namin sa aming entire married life.

Hindi naman siguro Sir, Mam.  

Wala naman sigurong mali na makasama ang aming bagets for life.  At finally e magka-sama-sama na kami as one-happy-and-loving-family-that-prays-together-and-will-stay-together-and-will-live-happily-ever-after.

Yun lang po.

We choose US.   



Nung BAGETS pa kami.


At ngayo'y MAY Bagets na!



Sabi ng iba, suntok sa buwan daw ang pag-uwi namin dahil walang kasiguraduhan kung anong kapalaran ang naghihintay sa amin sa Pinas. 

But we say, KAPIT kay BRO

Alam naming pagyayamanin Niya pa lalo kung ano man ang aming nasinop sa panahon ng tag-init, dito sa disyerto; at paniguradong magagamit namin ito sa panahon ng tag-ulan sa aming buhay. 

Bibigyan Niya kami ng kapahingahan at katalinuhang matagpuan kung ano ba ang magandang plano Niya sa amin.  Na laging The BEST at hindi mediocre.       

At higit sa lahat, kaya Niya kaming i-BLESS ng MAS sa Pinas, at hindi lang dito sa UAE.

Kaya BRO, BRING IT ON!


* * * * *


Bukod sa HAPPY WELGA LABOR DAY sa lahat ng manggagawa, gusto kong batiin TODAY si MRS ng MALIGAYANG, HAPPY BIRTHDAY





Basta alam mo na yon ha, na MAHAL na MAHAL KITA, IKAW ang katuparan ng mga pangarap ko, ang TANGING taong nanaisin kong makasama habang buhay.

At handa akong harapin ang BUKAS dahil kasama KITA.  

Isang matamis na mwah mwah mwah tsup tsup tsup sa IYO, sa ating BIDA at sa bagong aktibong BINHI sa iyong sinapupunan!   

80 comments:

  1. habertdei sa iyong minamahal na misis.

    Welcome back sa pinas. :D

    ReplyDelete
  2. ayun o! positive! salamat! sarap magbasa ng mga ganitong post! =)

    MAGANDANG UMAGA!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat sir, positive outlook para sa magandang bukas!

      Delete
  3. God Bless you and your family meron palang new member congratz bro. hintayin ko mga kwento mo from the Philippines.

    ReplyDelete
  4. galing naman..nuon ko pa pinangarap na makauwi for good, at for better na rin, pero di ko pa magawa :(

    congrats sa inyo at kay misis :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. linaksan lang talaga namin ang loob namin sir pati ang trust ke Bro :)

      Delete
  5. awww.. napaka sweet. :D basta kung anong desisyon mo bro. supportahan ka namin. Godbless :)

    ReplyDelete
  6. IMHO, best decision. Iba pa din kapag kasama ang family.

    Ingat pagbalik sa Pinas. Congrats in advance sa bagong baby. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. talagang rini-search ko daw sir ang meaning ng IMHO haha, salamat po!

      Delete
  7. Pinaghahandaan ko na rin ang araw na yan, another 2 years pa sa akin. :)

    Good luck pre...

    ReplyDelete
  8. Naks, balik pinas na..ako 4 months na lang...sana magkitakita pa tyo uli sa Pinas pre.

    Happy Labor Day nga pala!

    ReplyDelete
  9. happy birthday kay misis. =D ang sweet ng message super nice.

    ReplyDelete
  10. McRich, suportahan ta ka kahit ano pa ang maging desisyon mo. Ikaw ang mas higit na nakakaalam kung ano ang landas na dapat mong tahakin. More power to you!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku salamat naman at napadaan ka at meron ka pang vote of confidence rence, see you again ha!

      Delete
  11. wow.. Gusto ko yung bagets bagets thingy.. hehe. Happy birthday po sa inyong wifey, at stay happy and happy! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. kapanahunan kasi namin ang bagets, na-adopt ko lang, salamat :)

      Delete
  12. CONGRATULATIONS! sa halip na "huwwat" :)
    "one-happy-and-loving-family-that-prays-together-and-will-stay-together-and-will-live-happily-ever-after."
    thumbs up talaga. GOOD LUCK para sa 'yong "for the better" at HAPPY BIRTHDAY kay kumander :P

    ngapala "Balut" pangalan ko ha hindi Ma'am :P

    ReplyDelete
  13. yun! uuwi na ang ka-muntinlupa! masaya ako sa desisyon mo. ako nag-abroad pero umuwi pa rin. hehehe

    ReplyDelete
  14. Kahit nasaan naman tayo siguradong gaganda ang ating buhay basta magsisikap. Siguro hindi kasing laki ng sahod sa ibang bansa ang sahod dito pero nasa diskarte at pagsisikap yan saka mas masaya pag sama-sama ang pamilya. Saka anjan naman si BRO to guide you. Happy Birthday sa Misis mo. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. agree ako sa sinabi mo sey, kaya more on trust na kami kay Bro, salamat, makakarating!

      Delete
  15. I say God will provide. (ahem may sapi na naman ako)

    henyways, welcome back po at happy beerday sa iyong wifey!!!:D

    ReplyDelete
  16. HUWATTT!!! hehe, nangungulit lang. ang anumang desisyon na para sa pamilya ay isang magandang desisyon, at sigurado yun, gagabayan kayo ni Bro saan man kayo maglagi. At saka isa pang sigurado, kahit naman dito sa Pinas ay magiging maganda pa rin ang work mo, vale nga di ba? hehe...

    maligayang pagbalik sa Pinas McRich, sana ay maging ligtas at maayos ang byahe nyo ni wifey. happy birthday nga pala sa kanya (wifey)! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha di nga ko vale, salu lang hahahaha :D
      salamat tal/tpw!

      Delete
  17. pak na pak ang mensahe kay misis! pogi points! hehehe

    makakasama niyo na si caleb habang siya ay lumalaki, im happy for tou kuya richard! hooooray!!!!

    ReplyDelete
  18. ang sweet mo naman rich!!! May God bless you and your family sa lahat ng plans nyo! sana sa pag uwi ko magkita tayong muli! ingat kayo!

    ReplyDelete
  19. OHHH MYYYY....
    Nasa Pinas ka na pala... ANyways, goodluck and I know... Magiging okey ang decisions ninyo. Basta kasama ang family... laging happy... At sino namang ayaw umuwi ng Pinas? Ako nga e... 1 month pa lang, gusto nang umuwi e... Hehe!

    ReplyDelete
  20. boss god bless...
    hapi bdey kay misis mo.

    ReplyDelete
  21. Life must go on. Hindi ako napa-HUWAT! at napa-VUKET? Nainggit lang, buti pa kayo uuwi na.. Ingat po kayo dun at sana gabayan kayo lagi ni Lord, maligayang kaarawan sa pinakamamahal nyo idol. More inspiring stories in the days to come :) God bless.

    ReplyDelete
  22. wooowww...how sweet this post is!!! cute nung pictures na before and after, i like it. goodluck to all of us living here in the Philippines. God will provide and will never let us fail. cheers!

    ReplyDelete
  23. mapapavaket sana ako. kaso wag nat bka mabatokan pako with matching eh bakit hindi! haha :D Yay to a happy family! And happy birthday ky misis!!

    ReplyDelete
  24. MAHAL na MAHAL KITA, IKAW ang katuparan ng mga pangarap ko, ang TANGING taong nanaisin kong makasama habang buhay.

    awww ansarap naman pakinggan... God bless sa buong family mo! ^_^

    ReplyDelete
  25. lagi talaga akong napapa-wow sa post mo. again wow. Para sa akin tama ang desisyon nyo na manatili dito kasama ang pamilya. Maaring hindi kasing rangya ng dati pero may hihigit pa ba sa saya dulot ng sama-samang pamilya. Tsaka ang mga kids minsan lang sila bata kaya maganda na din na ma enjoy nyo yun ni misis. di matutumbasan yun ng dirhams or kahit anong currency.

    Oi kinilig ako sa message mo kay misis. Nakakatuwa ang mga husband na super proud at expressive sa pagmamahal sa wife nila. idol talaga kita! at new baby on the way. ikaw na ang blessed. I'll pray para sa family mo. You deserve you happy ever after. :)

    ReplyDelete
  26. answeet mo pre.

    Si bro na bahala sa iyo ..

    tiwala lang :)

    ReplyDelete
  27. Ang laki ng nagbago sa mga itsura n'yo noong bagets pa kayo at ngayong may bagets na. Goodluck, sir! Sa buhay dito sa Pinas! Yakang-yaka 'yan!

    ReplyDelete
  28. ikaw na, ser; da best ka eh! hangsweet sweet naman sa waswit o. magpapaka-alipin sa gilagid ba ule kayo rito? since may ipon naman kayo, mas maige siguro kung magtayo na lang kayo ng business. bigasan showcase o di kaya mini-grocery. pag ako talaga nagkaron ng puhunan, tatalikuran ko na ang buhay o-pissed-sina. o_O

    welkam back, ser! 'yung totoo? natutuwa ako sa desisyon niyong wag nang mawalay sa anak niyo. dabest na decision 'yan. \m/

    ReplyDelete
    Replies
    1. yun ang idea lio pero we are still taking it slow, ini-enjoy muna ang moments with the bida!

      Delete
  29. Wow, congrats on the new addition to your happy family...
    Belated hapiberdey kay misis...

    At higit sa lahat, I wish you well on your decision to come HOME...
    Maybe many got surprised because it is a "counter-culture" act... But then, none is sweeter than a life lived where your heart truly belonged...

    http://travelandsnaps.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. agree ng 100% po, where your heart is, there your treasure is also :)

      Delete
  30. anong meron?late ako sa mga balita.hahahaha paki update naman si tonto hahaha..

    ReplyDelete
    Replies
    1. nagbitiw na kme tonto at mangungutang kme syopag wala na kmeng datung, tutal ka-viva mapua ka namin!!

      Delete
  31. ang sweet naman ng message kay misis..pramis, na teary eye ako. welcome back sa pinas! I'm sure sagot kayo ni Bro, di nya kayo pababayaan! :))

    ReplyDelete
  32. God bless you. Gagawin mo ang pinakamagandang bagay na magagawa ng isang pamilyadong tao at wala ng iba pang hihigit diyan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. basta pag may sobra kayong dirhams dyan ha, padala nyo dito sa munti!

      Delete
  33. weee.. ang cute,.. samahang tunay :)

    ReplyDelete
  34. weee ang cute ng before at after...... noong bagets ngaun may bagets na kami...
    happie bday kay wifey mo...

    ReplyDelete
  35. welcome back kuya!!!! hinding-hindi ako makakasama sa magtatanong sa iyo. kasi yan din talaga ang hangarin ko sa mga OFWs particularly sa mga kapatid ko.

    mabuhay and more power sa inyong pamilya. cute-cute ninyong mag-asawa nakakatuwa ng walang maliw na bongga.

    ReplyDelete
    Replies
    1. am sure malapit na rin sila hoshi, tuloy lang sa dasal!

      Delete
  36. Happy birthday to wifey!

    Well done kapatid. There is nothing wrong with your decision to go home, I actually applaud you. I know it takes a lot of courage and faith but you are doing it for all the right reasons. I wish you all the luck, but I know that Bro will be with you every step of the way as you embark on life's new phase.

    Kami rin eventually yan din ang plano namin. Kahit kasama na namin si Poj yun pa rin ang gusto naming gawin. Ang magipon at umuwi na for good. Marami rin ang hindi pabor o iniisip na di namin itutuloy pero sa isip at puso namin yun ang gusto naming gawin.

    We're all looking forward to know how you are all getting on! =) tc

    ReplyDelete
    Replies
    1. everybody has their perfect time, siguro nauna lang kme talaga, wala naman talagang sasarap pa na makabalik sa sariling bayan sa lalong madaling panahon para makasama ang pamilya. am sure matutupad nyo rin ang plano nyo in His perfect time :)

      Delete
  37. at magiging masaya kayo dito for sure...happy bday kay misis...hope to see u soon sir :)

    ReplyDelete
  38. welcome back! cute ng bagets niu

    theoscasanova.blogspot.com

    :))

    ReplyDelete
  39. Happy birthday sa iyong pinakamamahal! At syempre congrats na rin at may kasunod na pala ang bagets nyo. Masaya pag samasama diba? Lagi namang nakagabay satin si Bro no matter what! Maligayang pagbabalik!

    ReplyDelete
  40. meron na, sana this time babae na :) agree ako anney salamat!

    ReplyDelete
  41. Sarap basahin ang blog mo...nakakatanggal pagod pagkatapos ng maghapong pagkukulay ko. Sure...I'll keep coming back here. tulad mo isa rin akong OFW. Galing Riyadh, Dammam, Bahrain,Jordan and lastly sa India, kung saan natutuo akong magphotoshop. Now I'm still working as a homebased. Kumikita rin minsan mahigit pa noong nasa abroad ako. I'm enjoying painting. Pangarap ko rin mag Dubai pero seguro sa mga anak ko na lang medyo may edad na ika nga. ..Napahaba na yata ang comment. Thanks nga pala sa mga blog mo...I really enjoyed reading them. Nakakainspired.

    ReplyDelete

Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?