Nag-2 si Caleb last August 12.
Mas pinili naming i-celebrate ang kanyang birthday with only a simple pasabog. Pakiramdam kasi namin, mai-stress lang si bagets kung magpa-party kami. Di pa naman talaga nila mai-enjoy yung mga Jollibee or McDO or any kind of theme party sa edad nyang 2.
Naku maniwala kayo. Tutulugan lang yan ng celebrant. O mas matindi pa, cry-me-a-river ang emote ng inyong bagets sa buong party-party.
It's either matakot sya sa mascot, or matakot sya sa guest! (Malamang sa alamang e mas magiging rason yung pangalawang nabanggit hihi.)
Sa experience kasi namin, di naman talaga yon ang gusto ng bagets. Yung mga magulang lang nila ang may gustong magpa-happy-fiesta. E sino ba talaga ang may birthday? Yung bagets ba o yung parents?
Kaya para maiwasan ang mga ganitong eksena, buy na lang kami ng cake, sindi the 2 candles, magpakitang-gilas sa pag-blow ng 2 candles (na aming prinactice way before), picture-picture ng slight (para may remembrance ang BIDA), gawin ang mandatory yearly height measurement at onteng salo-salo na lang sa bahay.
Sina Lola Monica at Lolo Renato |
Mandatory YEARLY Height Measurement |
From MANGO to CHILI yey! |
Tapos dinala namin sya sa Manila Ocean Park dahil mahilig nga sya sa tubig pati na sa mga lamang-tubig.
Anong nangyari? E di, HAPPINESS!
Obvious naman sa pagtakbo nya, pagtalon, pag-split at pagtambling nung nakita na nya ang sari-saring kamag-anak ni Aryana.
Share ko na rin na mahirap palang maging driver, tour guide, photographer, yayo ng bagets at caregiver ng buntis, all at the same time.
Ito pa yung iba kong kuha na pumu-photographer ang peg. Yung iba, kuha ni MRS Buntis when I needed to be a Yayo naman.
Dog Fish |
Shark sacs |
Stone Fish |
Sharks |
Ray & Shark |
Ang pagbalik ko dito also brought back happy memories nung linibre namin ni Ate sina Ma & Leng nung newly-opened pa lang ang Manila Ocean Park. Alam mo naman kami, aktibo.
RIP na rin yata ang sosyal na de-aircong Japanese Crab (na malamang ay linahok na sa sinangag) at ang lone Tiger Shark (na malamang ay ginawa nang siomai). Di ko na kasi sila nakita ulit.
MA, Ate & Leng |
Japanese Crab |
Tiger Shark |
Nostalgic talaga just looking at these photos of THEN... And how wonderful to have experienced it again, NOW.
Oh YUPPY Day |
Oh DADDY Day |
* * * * *
Nga pala, in the coming days, malungkot man isipin, e magre-reformat na raw ang MULTIPLY. E dito kaya namukadkad ang aking blogging career. Sayang naman kung idi-delete ang aking mga obra :) Kaya ngayon pa lang e pipilitin kong ilipat ang sandamukmok kong photos at mga blogs ko.
Please bear with me at wag kayong magulat kung luma ang mabasa nyong mga posts ha. I-import ko nga kasi ang mga old blogs ko from Multiply.
At good luck saken kung kakayanin pa ba ng aking hectic schedule!
A very happy birthday to Bida :-)
ReplyDeleteThanks!
DeleteHapibertdey sa iyong bagets...
ReplyDeletedapat hinuli nyo yung Jap-crap at naihanda sa kanyang Bday,
Tapos na ang ramadan, kaya back to normal working hrs. and abnormal traffic congestion dito sa DXB ):
cheers!
Hihi patay na sir, kuha ko yon nung huli ko pang punta don :)
DeleteHappy birthday kay Caleb! Mwah!
ReplyDeleteAnsaya nga jan sa Manila Ocean Park! Dahil napa-split at tumbling si bagets, sure na nag-enjoy nga siya, haha.. Ganda nun pic nila sa oceanarium..
P.S. Nun ngang malaman kong mag-close ang multiply, nag-panic reading ako sa blog mo, hihi, nahalungkat ko pa yun entry mo sa peba at nokia chuva ek ek, haha
Salamat po, lungkot nga me, nawawala na ang multiply ko :(
Deletebelated habertdei sa iyong baby.
ReplyDeletetama ka. minsan ang parents lang naman ang nakakapag-enjoy ng party ng bata lalo na kapag wala pang gaanong muwang ang kiddos.
At buti kayo, nakapag ocean park. hahahah. Yung voucher na nabili ko di ko nagamit kasi sumakto ang habagats. lols/
Ai sayang naman ang voucher!
Deleteang cute-cute naman ng bida, hapi bertdey Caleb! :)
ReplyDeleteThanks tpw!
Deletewow nag-celebrate si caleb ng 2nd birthday :) *tounge twister?*
ReplyDeletenakakatuwa naman ang iyong anak, parang little ikaw lang
mas ok din sa akin yung ginawa ninyong celebration, simple pero da best :)
i agree nakaka-stress lang talaga ang party, mas damang dama pa rin kung kayo kayo lang :)
ang cool naman nung mandatory na pagkuha ng height :) bakit di naisipan ng parents ko yun? :)
God bless sa inyong hapi family :)
Gawin mo na lang sa future kid mo!
Deletekamukhang-kamukha mo na siya! :D
ReplyDeleteNaku hala hihi :)
DeleteHappy birthday!! mukang nag-enjoy nga talaga si bagets... hihi..
ReplyDeletepag mcdo or jollibbe partey parang hindi rin kasi sulit :P
Sinabi mo pa, yun nga lang at least bawas trabaho sa preparation :)
DeleteBelated Happy birthday sa munting bida nyo na pag ka cute cute naman talaga! Happiness talaga pag sa Ocean Park!
ReplyDeleteSalamat anney!
Deletesa tagal na ng manila ocean park hindi pa rin ako nakakapunta nasa bucketlist ko na nga to eh haha..
ReplyDeleteang saya naman at nagenjoy ang bida.. happy birthday to him :)
Hala punta ka na madam :)
DeleteBelated bertdi-bertdi kay bida bagets mo ser! ^.^
ReplyDeleteparang bigla ko tuloy gusto mag spicy crab ah..alam na! hehehe
Nagutom din ako bigla hihi :)
DeleteHappy 2nd birthday kay bibong bida! Thumbs up kay mommy at daddy for being smart at practical celebrating his birthday.. keep it up idol!
ReplyDeleteSensya sa abala, nominate po kita here http://www.graciesnetwork.com/2012/08/capture-colour_27.html, pls join!
DeleteActually nagtitipid din haha :)
DeleteHappy Birthday sa cute na cute na baby!!!:)
ReplyDeleteSalamat po!
Deletebelated bday to caleb(love his name)haha he grew taller huh i used to do that to my younger sibling
ReplyDeleteWow pareho tayo Apir!
Deletewow ang saya naman hehe....sana makapunta naq Ocean Park hehe
ReplyDeletePunta na sir!
Deletehappy birthday kay Bida! ang tangkad nya na!
ReplyDeleteenjoy naman ang trip nyo! di ka naman mukhang nahaggard bilang yayo/driver/photographer1 ang fresh mo pa sa pic e hehe :)
Sobrang pagod zai pero sobrang happy rin naman :):)
Delete4years ago nung makapunta ako ng manila ocean park mukhang ang dami ng pinagbago. sana makabalik ako doon. hehe happy birthday sa panganay mo =D
ReplyDeletePero parang nagworsen madam, sa palagay ko lang naman ha :)
DeleteHappy 2nd Birthday sa bida! Korek at perfect naman ang celebration kesa party. Kung san masaya at trip ng bida at yun ang sundin.
ReplyDeleteGoodluck sa importation from Multiply, dami ko ding plan of importation. Wala nga akong nagawa nung namaalam si Friendster wala akong na-save sa blogs & photos ko waaah...
Madam magsimula ka na ngayon pa lang sayang naman di ba?
DeleteBelated Happy birthday Caleb a.k.a Bida! I wish all the best in life!
ReplyDeleteTumpak ka rin McRich tungkol sa naniniwala na ganyan ang paniwala ng mga bata. in fact, kapag may handaan halos nagagalit na yung mga magulang sa mga anak kasi hindi nakikipag-cooperate kapag ipinapakilala sa bida. yan din sinasabi ko sa iba. pero karamihan ayaw maniwala, siguro nga sadyang mahilig tayo sa handaan. pabor naman sa mga mahilig tsumibog like me. hehehe
Hihi mahilig din ako sa tsibog lalo na't libre, nag iiba lang talaga siguro ang pananaw sa buhay pag may kiddos na :)
Delete