Wednesday, August 8, 2012

Mga DAPAT Gawin sa Tag-ULAN

1.  MAGPAGAWA NG BAGONG CRIB - dahil mas mura ang mga materyales kapag tag-ulan! 

Di na talaga matawaran ang pag-iibigan nina Ma at Pa na kahit dinidelubyo na, ng bagyong Gener at andyan din ang umaatikabong si hanging Habagat, e tuloy pa rin ang crib-building sa aming hacienda sa Batangas.  Humahacienda?  Nyaha. 








2.  MAG-OUTING SA BEACH - para paniguradong KAYO-KAYO lang ang mga guests sa resort!

Napadpad kami sa Balai San Juan after bisitahin sina Ma at Pa sa Batangas.  Dito kami napunta dahil tinatamad na kong magmaneho at hindi naman masamang mag-try ng ibang resort for a change.  Kaya kahit mahal na mahal namin ang La Luz, pikit-mata na lang kaming naglunoy sa tubig ng Balai.  Arte.  Pikit-mata talaga.

Ang verdict, BABALIK kami dito, malimit!!!













3. Makipag-REUNION with old Friends - dahil hindi kayo sure kung kelan na ulit kayo magkikita-kita!

Sobrang na-miss pala namin ang isa't isa.  Sa Abu Dhabi kasi, isang tambling lang, kitakits na kami agad.  E dito, sa traffic pa lang, tatamarin ka na. 

Pero dahil ito ay para kina Kumpadreng Kuya Je at Kumadreng Ate Grace, kahit harangan pa kami ng nagliliyab na sibat o kumain ng dinikdik na bubog, hindi namin talaga palalagpasin ang pagkakataong makita sila muli. 

Ganon namin sila ka-love!   

Kumpadreng Kuya Je at Kumadreng Ate Grace, lagi kayong mag-iingat ha.  Alagaan nyo ang sarili nyo lalo ngayong andyan na kayo sa tugatog ng tagumpay.  'Wag kayong magpapapawis.  Especially na sobrang lamig don.  At siguraduhin nyong kumain ng go-grow-&-glow- foods.  Kasi.  Wala kami don.  Tandaan nyo yan ha.  You will be missed.



Waiting.  Thanks Kaye & Ian for the photos! 

Kumadreng Ate Grace - Beauty-in-Violet

Kumpadreng Kuya Je - Handsome-in-Red



Syanga pala, kaya ako sinipag magpost e para hikayatin na rin ang tatlo (3) kong mambabasa, na mag-usal ng munting panalangin at tumulong, in their own little way, sa mga biktima ng baha.

Wag tayong mawalan ng pag-asa dahil There's a RAINBOW, always , AFTER the RAIN! 

50 comments:

  1. ako nagfifacebook at nagbablog hop nlng since di mkapasok

    ReplyDelete
  2. pabisita naman sa bahay mo hehehe

    ReplyDelete
  3. Wow, nagpapagawa ng mansion sa Batangas, ang yomon! ;)

    Masarap nga mag-visit sa mga resort ngayon tag-ulan, unti tao at siguro naman eh ala ka na makikita na lumulutang-lutang...hehe!

    Grabe ang ulan, eto at bumubuhos na naman ng grabe dito sa QC, hays...sana ay huminto na sya. Sana po Lord, bukas eh umaraw na.

    ReplyDelete
  4. haha unusual suggestion ha haha peo it makes sense nmn

    ReplyDelete
  5. ikaw na! ikaw na ang nagpagawa ng bahay at nag beach at nag mini reunion habang may eksena ang hagabat :)

    ganda ng bagong crib! palagyan din ng pool tapos balai mcrich ang tawag :) hope you're all safe and dry :)

    ReplyDelete
  6. ang yomon...tama pabisita kami dyan ahaha



    -jayrulez

    ReplyDelete
  7. Danda ng crib ni ma, sosyalin.. gusto ko din magpunta sa balai, saka bumalik sa la luz din..

    sana po safe kayo ni wifey at ng bida.. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pinaka favorite namin ang la Luz kaso nalalayuan na talaga kami, pero pag may nanlibre, babalik kami don for sure!

      Delete
  8. Bet ko yung mag outing sa Beach hahaha true ka dyan, kayo lang talaga magiging guest ng resort. luckily, yun din talaga ang time ng mga kids ko dahil iba ang summer nila at araw ng pasukan sa school. heheh

    ReplyDelete
  9. ganda nman ng house, pwede bang ienvade? hehe

    ReplyDelete
  10. habang kasalukuyan kaming lumalangoy sa dagat dagatang baha eto kayo at nakuha pang lumamyerda. Kainamang gala. HAHA!

    San ga kayo sa Batangas?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kina Ma yun sir, nakabili sila sa rosario, pero lipa talaga sila :)

      Delete
  11. Kaya pala maraming nagpapagawa ng bahay sa amin pag tag-ulan. Natry na rin namin mgouting ng tag-ulan tama ka solong solo mo ang place.

    Pray and help tayo sa mga nasalanta ng baha. =)

    ReplyDelete
  12. tiyak dami invited pag mag blessing ng house,hehe...

    ReplyDelete
  13. kakaibang "must do" at "how to" naman eto sa tag-ulan ha ha. naaliw ako.

    salamat po sa dalaw at pagbati sa aking "takbuhan". taraletz takbo tayo :)

    ReplyDelete
  14. Huwaw! malapit na matapos ang hacienda! Sa balai anilao kami napunta. Hope to visit balai san juan too!

    ReplyDelete
  15. hangganda ng bahay sa batangas. ang taray!ikaw na!at ang resort pool. ang ganda. sarap magbakasyon.

    ReplyDelete
  16. naku e parang ako rin gustong pumunta sa resort na yan a. gandah!

    at oo talagang sakto ang payo mo kun gusto talaga ng tao na walang makasabay sa pool. yoyoyoyo!

    Yes, let's pray and kung kaya ay do something para sa mga nasalanta ng parang bagyong Habagat.

    ReplyDelete
  17. wais ang mga mga ginawa sa tagulan.

    Ayos ang hacienda ah .hehe

    ReplyDelete
  18. Random blog walk po :)

    Natawa ako sa ikalawa, mag-swimming sa beach sa Tag-ulan lols!

    ReplyDelete
  19. Batangas ba? Sana maging magkapitbahay tayo sa future LOL

    ReplyDelete
  20. Oo nga naman, haha napa-oo nga naman talaga e noh! Magandang suggestions idol Mc pero kakambal nitong lahat ay monar, kwarta o salapi.. masarap sana kung may libre e :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hay totoo yon money money money san ba may bukal nito?

      Delete
  21. Success are the result of positive outlook.

    Positive people easily makes Happy faces.

    Congratulations and more blessings to come.

    Traffic = $$$

    ReplyDelete
  22. ayos.sariling sarili mo nga naman ang beach kapag tag-ulan.lalo na kapag may bagyo. ganda ng babong crib.

    ReplyDelete
  23. haha. sobrang late ko na nakita 'to. sarap buhay.

    ReplyDelete

Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?