Showing posts with label San Juan. Show all posts
Showing posts with label San Juan. Show all posts

Wednesday, August 8, 2012

Mga DAPAT Gawin sa Tag-ULAN

1.  MAGPAGAWA NG BAGONG CRIB - dahil mas mura ang mga materyales kapag tag-ulan! 

Di na talaga matawaran ang pag-iibigan nina Ma at Pa na kahit dinidelubyo na, ng bagyong Gener at andyan din ang umaatikabong si hanging Habagat, e tuloy pa rin ang crib-building sa aming hacienda sa Batangas.  Humahacienda?  Nyaha. 








2.  MAG-OUTING SA BEACH - para paniguradong KAYO-KAYO lang ang mga guests sa resort!

Napadpad kami sa Balai San Juan after bisitahin sina Ma at Pa sa Batangas.  Dito kami napunta dahil tinatamad na kong magmaneho at hindi naman masamang mag-try ng ibang resort for a change.  Kaya kahit mahal na mahal namin ang La Luz, pikit-mata na lang kaming naglunoy sa tubig ng Balai.  Arte.  Pikit-mata talaga.

Ang verdict, BABALIK kami dito, malimit!!!













3. Makipag-REUNION with old Friends - dahil hindi kayo sure kung kelan na ulit kayo magkikita-kita!

Sobrang na-miss pala namin ang isa't isa.  Sa Abu Dhabi kasi, isang tambling lang, kitakits na kami agad.  E dito, sa traffic pa lang, tatamarin ka na. 

Pero dahil ito ay para kina Kumpadreng Kuya Je at Kumadreng Ate Grace, kahit harangan pa kami ng nagliliyab na sibat o kumain ng dinikdik na bubog, hindi namin talaga palalagpasin ang pagkakataong makita sila muli. 

Ganon namin sila ka-love!   

Kumpadreng Kuya Je at Kumadreng Ate Grace, lagi kayong mag-iingat ha.  Alagaan nyo ang sarili nyo lalo ngayong andyan na kayo sa tugatog ng tagumpay.  'Wag kayong magpapapawis.  Especially na sobrang lamig don.  At siguraduhin nyong kumain ng go-grow-&-glow- foods.  Kasi.  Wala kami don.  Tandaan nyo yan ha.  You will be missed.



Waiting.  Thanks Kaye & Ian for the photos! 

Kumadreng Ate Grace - Beauty-in-Violet

Kumpadreng Kuya Je - Handsome-in-Red



Syanga pala, kaya ako sinipag magpost e para hikayatin na rin ang tatlo (3) kong mambabasa, na mag-usal ng munting panalangin at tumulong, in their own little way, sa mga biktima ng baha.

Wag tayong mawalan ng pag-asa dahil There's a RAINBOW, always , AFTER the RAIN! 

Wednesday, December 7, 2011

Shake, Rattle & BARGE

La Luz Beach Resort ang aming Happy Beach.  Dito kasi nabuo ang lahat: ang muling pagtibok ng aming mga puso, ang unang day-trip lamyerda with Caleb at ang unang overnight excursion, muli, with Caleb.    


Ang Muling Pagtibok ng Aming mga Puso

"Dinaan nya ko sa dahas.  Nagpaubaya naman ako. 
Anong magagawa ko?  Gusto ko rin naman." 


Yinaya nya kong lumangoy patungo sa barge.  Gusto nya raw tumalon.  Samahan ko daw sya.  E sobrang lalim don.  As in kasya ata ang Burj Khalifa sa lalim.  Tiim-bagang na lang akong sumunod.  Nagpa-ubaya.

Pagdating ng barge, don na nya isinakatuparan ang maitim nyang balak:  nagtatalon nang naka-intertwine ang aming mga daliri; at sa tuwing pag-ahon nama'y hahanapin syang muli para ipanhik sa barge. 

Paulit-ulit naming ginawa yon.  Inabuso nya ako!




Ang BARGE.




Sa eksenang yon, bumalik ang malisya, alaala ng kahapon at nung kami'y college pa.  Biruin mo yon, may pag-ibig pa pala!  Kaya after 2 years, itinuloy na namin ang saya. 



Ang Unang Day-Trip with Caleb

"Muntik nang tumawag sa Bantay Bata 163 ang mga nakarinig; dahil sa
sobrang lakas na palahaw mula sa dalampasigan."   


Literal na dinala namin ang buong bahay sa unang Day-Trip namin with Caleb.  Sinigurado naming lahat ng pangangailangan nya ay abot-kamay.  Lalo na, na ang resort ay lubhang malayo sa syudad.  Walang lugar sa pagkakamali.  Lahat dapat planado.




Sa resort, matapos ma-ayos ang lahat.  Tumungo na kami sa dalampasigan.  Naglaro-laro na kami sa tubig.  Nung una ay walang kasing saya ngunit maya-maya'y, ayun na.  Umiiyak na sya.  Hindi lang basta iyak ha, nagwawala na ang Bida.

Anong nagawa naming mali?

Ayun, isang eureka moment, hindi pala dapat binibigla ang bagets.  Dapat hayaan munang mag-adapt.  Eto ang natuklasan namin pagkagaling nya ng tulog.  Dahil nung sumubok muli kami, eto na ang naging eksena:






Ang Unang Overnight Excursion with Caleb

"Parang andaming nagbago.  Sa loob lang ng isang kisap-mata." 


Muli kaming bumalik nung Hulyo sa lugar na yon.  Ganung-ganon pa rin.  Parang, nung huli kaming andoon.  Pero si Caleb, eto na sya:




Sabi nila, tayo raw ang gumagawa ng sarili nating kapalaran.  Kung ganon, pano kaya kung hindi kami naakit ng mapanghalinang BARGE?

Siguro, hindi kami ngayon ganito kasaya!  



Ang BARGE at aming PAMILYA.