Monday, March 19, 2012

Si MA

...  sa palagay ko, ang pinaka-gala, kikay, stariray, konpidante, talentada at pinaka-dyaporms na mudrax sa balat ng lupa! 

Di ba nga, nung nakaraang awarding ng PEBA, pakaway-kaway pa sya sa entablado.  Suma-Shamcey?  Maraming fans?  E ang pagkakaalam ko, iilan na lang kaming natira sa Ma-You-Rock! Fans Club na nabuo nung kasagsagan ng Charantia commercial nya.  Sayang.  Ninais ko pa naman sanang maging talent manager.  Oh well.  

Nung nasa Hong Kong naman.  Mali ata ang rinig kay Kuya Kim.  Naka-winter clothes!  MA, may niyebe?  Talagang may fur ang hood?


  

Sa mga swimming namin, kung ilang araw kami mag-i-stay don, ganon din karami ang dala nyang swimsuit.  Iba kada araw. 

Pangit daw kasi tingnan sa album kung isang swimsuit lang ang makikitang gamit nya sa iba't-ibang lugar na pinuntahan nya.  Parang ang dugyot daw.  Sabagay,  may point si MA.      

At partida, 4-times pa syang na-cesarean nyan.  





         
Sya si MA.  Ang aking cool Mama.  Mukha lang syang komplikado saka high-maintenance.  Pero sa totoo lang, napaka-simple lang ng kaligayahan nya.

Mag-malling (kahit walang bibilhin).  Kasama kami.  Manood ng TV o kaya ng sine (o kaya ng pirated CDs).  Kasama kami.  Kumain sa Jollibee (o sa kahit anong resto depende kung sino ang taya).  Kasama kami.  Magpa-foot-spa sa Reyes Haircutters (at umulit-ulit kahit na namerder na ng paulit-ulit).  Kasama ulit kami. 

Ayun kasi talaga ang KALIGAYAHAN ni MA.  Ang MAKASAMA kami.

Napakasimple di ba?

Kaya kung si MA man ang pinaka-gala, kikay, stariray, konpidante, talentada at pinaka-dyaporms na mudrax sa balat ng lupa, BY ALL MEANS, she deserve it... 

For all the sleepless nights when we were still kids.  For every waking mornings to prepare us for each day.  And for letting us find ourselves in this big, big world... 

  


SALAMAT MA!
HAPPY MOTHER's DAY!


***  HMD kasi dito sa UAE ngayong Marso at na-miss lang bigla si MA  ***

43 comments:

  1. kala ko birthday ng iyong mama.

    HMD sa yong nanay!!! :)

    ReplyDelete
  2. You're mom is awesome and beautiful inside and out! Happy mother's day to her and your wife too idol!

    ReplyDelete
  3. Wow, ang cool naman ni mudrax mo, katuwa. Mukhang mas kj pa ako...hehe. Happy mother's day sa mama mo at kay wifey, mother's day pala dyan sa UAE. Akala ko dati worldwide celebration ng mother's day eh sa May, hindi pala. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi McRich, you're tagged! Please check my recent post for the details, enjoy! :)

      Delete
    2. hi tpw, pwede ba munang pumass ako? andami kasing ginagawa hehe palusot, kakagaling lang sa bakasyon tapos nagbitiw na nga kami haha, so see you very soon na lang muna ha! saka na ko babawi :)

      Delete
  4. Aw talaga naman panalo ang mudrax mo! Happy Mother's day sa kanya!

    Siyanga pala, napakembot lang naman dito para pasalamatan ka sa wagas mong pagbisita sa designs site ko. Meron din akong Tagalog blog. Minsan dalaw ka din ah? Siguradong mapapangiti mo si Ningning. Ako pa din yan. Apalayaw ng lola mo. Haha..

    Masaya ang huntahan dun. Aabangan ko ang pagbisita mo.

    At kung may mga katanungan ka tungkol sa kung ano ano pagdating sa mga riketetos ng blog, wag mahiyang magtanong! I'm always glad to help!

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat rona, oo pwamis bibisita ko sa blog mo :)

      Delete
  5. Ay ngayon pala ang Mother`s Day dyan? Akala ko sabay-sabay lang yan sa May. Hehe. Now I know.

    Pero in fairness kuya, cool nga si Mommy. At kering-keri pa rin anf swimsuit. :) Sana mapasuot ko din ngt ganyan si Mama ko. Lols.

    Happy Mother`s Day sa kanya!

    ReplyDelete
  6. mother's day pala ? wala kasi ako'ng mama eh. hehehe

    ReplyDelete
  7. Ang taray ni mudra, siya ng naka-two piece! At ang sweet ng post mo! At feeling close ako, haha..

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha oks lang kahit maging close pa tayo for real :) salamat!

      Delete
  8. ang cute ng post, you have such a beautiful, funny and lovely ma. happy mothers day sa kanya! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat zai, happy mother's day din sa iyong ermat :) at sobrang advance pala kasi May pa ang sa pinas!

      Delete
  9. ang cool nga ng mom mo base sa kwento mo kuya mcrich. happy mother's day!

    ReplyDelete
  10. Awww what a cool and sweet post for your mom! Happy mother's day to your super hip mom.=)

    ReplyDelete
    Replies
    1. sa iyo rin kris, alam ko sabay ang sa london pati ang sa uae :)

      Delete
  11. nainggit naman ako sayo....na miss ko tuloy si mama....

    -iyah

    ReplyDelete
  12. Pareng mcrich! salamat sa koment sa blog. Happy mother's day sa cool na coll mong mama! apir!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hey pare salamat, dalaw ulit ako next time!

      Delete
  13. I love how supercool your mom is! OO nga namn dapat maraming swimsuit! hihi! Kinabog ang Ms Universe sa pag 2 piece!

    ReplyDelete
  14. Happy mother's day. Nakausap ko na siya sa phone nung bago tayo mag-eb. I didn't realize na artistahin pala ang kausap ko. =)

    ReplyDelete
  15. Nirisearch ko kung mother's day na kasi baka nakalimot ako. Hehehe, iba-iba pala ang date ng mother's day. At grabe tinalbugan ni Mama mo ang mga kadalagahan. Dun ako sa last photo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo yun din gusto ko, sabi nga nila save the best for last!

      Delete
  16. Replies
    1. spoiled din namin kami sa kanya glenn so patas lang :)

      Delete
  17. Nainggit naman akong masyado dito! My mo is okay but not as cool as urs.

    ReplyDelete
    Replies
    1. am sure she's as cool as ours pero ibang level lang siguro :)

      Delete
  18. Replies
    1. hi jay, oo, minsan mas extreme pa nga sya sa mga hebigat sisters ko :)

      Delete

Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?