Showing posts with label Pangasinan. Show all posts
Showing posts with label Pangasinan. Show all posts

Sunday, April 15, 2012

Si GLENTOT

ang pinakapaborito kong Humor blogger sa kalakhang blogosperyo.  In fact, sa sobrang kapaborituhan ko sa kanya e kinarir ko ang pagbabasa ng mga posts nya sa Wickedmouth, (simula sa kauna-unahang post hanggang sa kasalukuyan).  Peksman kahit magka-quiz bee pa hehe.

Sobrang laugh trip naman kasi. 

Yung tipong mapapahagalpak ka ng tawa tapos mapapatingin sa paligid kasi baka akalaing baliw ka.  Ikaw ba naman kasi ang humalakhak mag-isa.

Minsan naman may kasama pang luha.  Tears of joy.  Gumaganong level. 

Ang galing nya lang kasing i-turn ultimo ang mga di kagandahang pangyayari sa buhay nya into something funny.  Without even trying. 

Nakakatawa na, magaling pa ang pagkaka-kwento, at madali pang intindihin ang bawat post, kaya PALAKPAKAN!


* * * * *


Para kumpletuhin na rin ang the-Wickedmouth-experience, pasyalan na rin natin ang hometown ni Glentot...  ang BOLINAO.

Sa palagay ko, sobrang underdog ng Bolinao, kasi pag sinabi mong Pangasinan, lagi na lang Hundred Islands ang agad na tumatatak.  Don't get me wrong, maganda din ang Hundred Islands pero Bolinao has a lot more to offer na hindi nakakaumay.  Ibang level ng adventure kumbaga.  

Tulad nitong PATAR Beach.  Kung titingnan mo, parang napaka-mahinahon.  Mapayapa.  Parang chill lang.   







Pero try mong lumapit, sige lapit lang.

Kulang na lang pati kaluluwa mo e iwasiwas at ihiwalay sa katawang-lupa mo.  Parang may poot.  Ayaw magpa-swimming? 





Ibang adventure naman ang hatid ng UP Bolinao

Nalaman kong marami pa rin palang may busilak na puso at ginintuang kalooban, na nag-aalaga sa ating mga likas na yaman, para sa susunod na henerasyon. 


Giant Clams

Seaweeds

Sea Urchin


Kung nagsawa ka naman sa kahit anong may kaugnayan sa beach, aba e di mag-Caving ka naman! 

Pasok na sa Enchanted Cave.






At lusot na sa kailaliman ng lupa para ma-experience ang malinaw, malamig at malinis na tubig ng kweba.







Sabi ng tour guide namin na European, biruin mo European talaga (binili nila yung beachfront property kung saan kami nagstay, hanyaman, at korek, in English ang tour, buti na lang Best in English si Leng nung elementary kaya may interpreter kami), meron daw movie-ng ginawa dito sa Bolinao Lighthouse.  Nalimot ko lang yung title.   





Dito pwede ang eksenang mga ganito. 


Kodak-kodak with Ma, overlooking the Bolinao shoreline



Sa Villa Carolina kami nag-stay kasi nakakuha kami ng magandang discount.  (Di ko na matandaan kung pano ko nalaman na ang kapatid ng may-ari, na asawa nung European, e Mapuan.)

Dito, tunay na mahinahon ang dagat.  Excellent for beach-bumming at langoy-langoy-aso.









Kitam.  Sobrang adventure-packed ng Bolinao and it is not-your-usual island hopping getaway.  Unique ang mga tourist spots.  Mura lang ang bilihin.  Mababait pa ang mga tao.

At ito siguro ang dahilan kung bakit andaming kwento ni Glentot.  


BOLINAO, the TU-TUT of Pangasinan. 
(Alamin nyo na lang sa Wickedmouth kung ano yung TU-TUT!)



Monday, March 19, 2012

Si MA

...  sa palagay ko, ang pinaka-gala, kikay, stariray, konpidante, talentada at pinaka-dyaporms na mudrax sa balat ng lupa! 

Di ba nga, nung nakaraang awarding ng PEBA, pakaway-kaway pa sya sa entablado.  Suma-Shamcey?  Maraming fans?  E ang pagkakaalam ko, iilan na lang kaming natira sa Ma-You-Rock! Fans Club na nabuo nung kasagsagan ng Charantia commercial nya.  Sayang.  Ninais ko pa naman sanang maging talent manager.  Oh well.  

Nung nasa Hong Kong naman.  Mali ata ang rinig kay Kuya Kim.  Naka-winter clothes!  MA, may niyebe?  Talagang may fur ang hood?


  

Sa mga swimming namin, kung ilang araw kami mag-i-stay don, ganon din karami ang dala nyang swimsuit.  Iba kada araw. 

Pangit daw kasi tingnan sa album kung isang swimsuit lang ang makikitang gamit nya sa iba't-ibang lugar na pinuntahan nya.  Parang ang dugyot daw.  Sabagay,  may point si MA.      

At partida, 4-times pa syang na-cesarean nyan.  





         
Sya si MA.  Ang aking cool Mama.  Mukha lang syang komplikado saka high-maintenance.  Pero sa totoo lang, napaka-simple lang ng kaligayahan nya.

Mag-malling (kahit walang bibilhin).  Kasama kami.  Manood ng TV o kaya ng sine (o kaya ng pirated CDs).  Kasama kami.  Kumain sa Jollibee (o sa kahit anong resto depende kung sino ang taya).  Kasama kami.  Magpa-foot-spa sa Reyes Haircutters (at umulit-ulit kahit na namerder na ng paulit-ulit).  Kasama ulit kami. 

Ayun kasi talaga ang KALIGAYAHAN ni MA.  Ang MAKASAMA kami.

Napakasimple di ba?

Kaya kung si MA man ang pinaka-gala, kikay, stariray, konpidante, talentada at pinaka-dyaporms na mudrax sa balat ng lupa, BY ALL MEANS, she deserve it... 

For all the sleepless nights when we were still kids.  For every waking mornings to prepare us for each day.  And for letting us find ourselves in this big, big world... 

  


SALAMAT MA!
HAPPY MOTHER's DAY!


***  HMD kasi dito sa UAE ngayong Marso at na-miss lang bigla si MA  ***

Friday, November 4, 2011

100 Islands

Nagpunta kami ng Pangasinan para sa blessing ng hacienda (bahay) ng Pamilya Zaragoza.  Ito ang aming monicker sa pamilyang Ferran dahil isa silang success story.

Sina tito Jay and tita Perl ay may maliit na tailoring shop sa Mendoza Street sa Makati.  At mula sa kanilang sipag at tyaga ay nagawa nilang papagtapusin ang kanilang 3 bagets sa kursong Engineering: sina Ate Nette, Jason and Joel.

Magpahanggang ngayon ay hindi ko nga mapagtagni-tagni kung pano nagawa ng mag-asawang Ferran na papagtapusin ang kanilang mga anak lalo pa na lahat sila ay nag-aral sa Mapua.  Tuition pa lang pamatay na, e pano pa ang pang-araw-araw na pangbaon saka mga extra gastos sa school gimik/gala projects?   

Sabagay, bibong-bibo rin naman kasi ang tatlong magkakapatid.  Lahat sila naging scholar, at naging masigasig naman talaga sila sa pagbubulakbol pag-aaral.

Siguro, sa pagtutulong-tulong na rin nilang lahat.  At siguro, dahil likas naman talaga silang mababait. 

Kaya naman, super blessed sila ngayon!

Naaalala ko tuloy na parang naging 2nd home ko na ang bahay nila.  Pagkagaling sa bilyaran school, usually ay derecho na kami kina Jason.  Maghahalungkat ng kung anong pwedeng ngasabin sa ref o kaya ay magluluto na lang ng pamatay na Lucky Me pancit canton at maglalaga ng itlog.

Biruin mo, kung sa isang linggo ay ganito ang routine namin, at pagpalagay na lang na 3 times a week e andon ako, di ba ang laking pabigat na para silang carinderiang bukas para sa lahat ng gustong kumain?  Tapos may kaibigan din syempe sina Te Nette pati si Joel.  Tapos may iba pa ring kaibigan si Jason bukod sa akin.  Just imagine that. 

Pero ni isang beses ay hindi ko nabalitaang naghikahos o nangutang o nagbenta ng laman dumaing man lang ang mag-asawang Jay & Perl.  In fact, e ang sasarap nga lagi ng ulam nila (kaya kami laging andon hehe). 

Eto pa: nangungupahan lang sila sa bahay nila sa Makati!

Hindi kaya front lang nina tito Jay and tita Perl ang tailoring shop nila?  At sa ilalim ng shop nila e meron pala silang drug lab?  At ang rason kung bakit nakapagpatayo sila ng bahay sa Aguilar, Pangasinan ay dahil mga drug lord sila?

Hehe joke lang.  Iba lang talaga ang mag-asawang ito.  Dahil sila ay maabilidad, masinop, masipag, mapag-aruga at higit sa lahat, a couple with a BIG heart!

Idol ko nga sila e.  And when I grow up, I want to be like them.

Pero hindi naman pwedeng andon lang kami sa hacienda nila di ba?  Ang lagay ganon na lang yon?  Sayang naman ang pamasahe. 

Hindi nila alam, may maitim talaga kaming balak at ginamit lang namin ang bahay nila para manginain at magkaroon ng ibabaon sa aming tunay na destination: 

ang 100 ISLANDS!

Nagbayad kami ng extra para dalhin kami sa island na hindi malimit puntahan ng mga bakasyonista at hindi part ng usual island hopping package. 

Sabi nung bangkero, dito raw shinooting yung telepantasya ni Claudine na Marina.






Eto naman ang mga pasaway at palakanton na mga kaibigan nina te Nette at Jason.  Actually, payat kami lahat dati.  Sa kakatambay sa kanila, nagsitabaan na kami lahat.


Meng, Lai, Jason, Mike, Che & McRICH 
Natakot ako dito kasi sobrang lalim.
Kita naman sa mukha ko hehe.
High tide na kasi sa jump-off point ng snorkeling area.


Kelan kaya ang reunion trip namin?  Na-emo lang ako bigla.


Friday, March 13, 2009

MISS




Miss ko na yung luto ni Ma sa umaga.  Yung tipong paggising ko, handa na lahat at kulang na lang e subuan ako para lang kumain.  E dahil sa layo ng trabaho ko mula Pque at kailangang makaalis na ako agad dahil sa traffic, ang ending e baon na lang at sa office na lang mgbfast.

Miss ko na ang itlog at tocino.  Ang mainit na pandesal with meyoneys.  Ang sinangag.  Ang Enervon HP ko!

Miss ko na ang traffic.  Ang daang Fort going C5.  N-rerelax ako pag doon ako dumadaan.  Lalo na yung circle sa American Cemetery.  Parang napaka-peaceful, haha :D 

Miss ko na yung nagmamadali lalo na pag coding.  Tapos magtatago ako sa mga big cars para hindi ako mahuli ng MMDA.  Alala ko tuloy nung birthday ko last year na natapat sa coding day ko.  Bago pa man, naghanda na ako ng litanya kung sakali mang matyambahan ni Manong MMDA.  Sabihin ko na bday ko at kailangan lang talagang pumasok.  Ayun, nagkatotoo ang hinala ko at hindi ako pinalampas ni Manong.  Alang bday-bday!  So inisip ko na lang, treat ko na lang yung nakotong nya sa akin hahahaha :D

Miss ko na ang mga pamatay na kainan sa UP.  Ang isawan.  Ang beach house.  Choco Kiss.  Pati na rin si Mamang Sorbetero.

Miss ko na ang Pirated at Videocity DVD Marathon.  Tapos yung mga junk foods na binibili ko.  Taquitos, Mr. Chips, Nova, V-Cut, Chippy.  Tapos meyoneys ulit.  Tapos magkulong na ko sa kwarto hanggang sa sumakit ang ulo ko kakanood.  At alam na ang kasunod na bawal akong istorbohin.

Miss ko na ang kulitan naming magkakapatid at pamilya.  Si Pa na puro ngiti lang sabay labas ng bahay.  Si Ma at Ate na korni ang mga jokes.  Si Leng na kabatuhan ko naman.  Tapos tawanang walang humpay!

Miss ko na ang ever energetic kong Ate na pagdating sa bahay e matutulog na agad.  Ang linya nyang We Got it All for You kapag inaasar namin sya tuwing may pasok siya kahit na buong bansa ay idineklara nang wala ng pasok.  Ang libre nya sa amin dahil truly blessed ang kapatid kong ito.  Ang sama-sama naming gala para magpa-foot spa, gupit, kain o shopping lang.  Tapos yung kwento nyang super-huli at aasarin namin syang ulit na luma na yung binabanat nya.  Tapos tawanan na nman kami lahat.

Miss ko na kaagaw si Leng sa lappy.  O kaya yung midnight snacks namin.  Yung favorite naming White Cheese ng Brooklyn o kaya Manhattan Meatlovers ng Yellow Cab.  O kaya yung magluto si Leng ng tortang itlog tapos ipalaman namin sa tinapay.  Isa sa akin, 2 sa kanya :D

Miss ko na dumaan sa canteen nina Nanay.  Tapos papakainin nya ko ng sangkatutak.  Syempre ako naman as a future son in law e uubusin ang lahat ng inihain sa akin.  Ending, bundat.  Tapos magkwentuhan kami ng kung anu-ano.  Si Tay magkwento rin sya sa akin.  Sabi nila tahimik lang daw si Tay.  Pero ewan ko ba't di ko maramdaman.  Magandang senyales ba ito? hehe (",) 

Miss ko na manood ng sine mag-isa o kaya maghanap ng sale items sa SM Bicutan.  Mga favorite shops kong Solo at Artwork.  Di talaga ako bumibili kung hindi 50% off o kaya e sobrang gusto ko talaga.  Tapos pag napagod e kain naman sa Mcdo, French Baker, Kiosks sa Hypermart, Ted's La Paz Batchoy.  Yung Pearl cooler na Chinese --- limot ko ang name.  Basta favorite ko yung Super Taro nila!  

Miss ko na yung buwanang foot spa sa Reyes Haircutters  (ang mura, P200 lang), magpa-massage sa Humanessence sa West Triangle, magpa-Let's Face It at pagupit o pakulay sa Fix.  Tapos gala-gala minsan para magpalipas ng traffic sa EDSA.

Miss ko na ang comfort food ng Better Living.  Tal's, Eton's, Sinangag Express, Bastille's, Jollibee, Brooklyn, Bibingkinitan, Segie's, Coupe, Chowking, Pan de Manila.

Miss ko na ang murang gym malapit sa amin.  P40 lang + 5 para sa tubig.  Yung manual na paglalagay ng mga bakal.  Pero the best talaga tong gym na to dahil malapit lang talaga sa amin at okay naman ang mga nagbubuhat dahil halos kilala ko naman lahat.  Yung manonood kami ng Animal Planet habang nagpapahinga after every routine.  Yung mga casual talks para makapagpahinga pa rin.  At yung halos di ka na makagalaw pag marami ang nagbubuhat.

Miss ko na yung church namin at mga preachings nina Pastor at Pastora.  Pati yung mga kanta ng P&W.  Galing pala talaga nila at talented.  Yung cellgroup ko with Docs Bong and Celli, Memer at Greg.  Yung kwentuhan namin, sharing at prayers.  Pati na yung minsanan naming labas.

Miss ko na ang mga automatic friends, cream of the crop friends, college friends, Culdesac friends, VK friends, TMMC friends, MIT friends, RFM friends, PG friends.  Dami ko palang kaibigan.

Miss ko na ang TF.  Ang galing kasi.  Yung pagtalon-talon, yung kainan, yung languyan, piktyuran, serfingan, trekingan, walang artehan, PAITIMAN. Eto ang tunay na sagot sa kahirapan!

Miss ko na si Chloei.  Yung paggising nya sa akin pag iihi or pupupu especially sa umaga.  Kakagatin nya yung paa ko tapos papalabasin ko sa kwarto.  Si Ma naman papapasukin ulit dahil umiiyak daw.  ang sarap kasi makipaglaro kay Chloei.  Kahit na puro kagatan lang ang gusto nyang laro.  Yung bi-weekly check up kay Doc kahit madugo ang bayaran pagtapos.  Okay lang Chloei basta healthy ka.

Miss ko na ang Pilipinas. 

Pero sana MISS nya rin ako.