Nagpunta kami ng Pangasinan para sa blessing ng hacienda (bahay) ng Pamilya Zaragoza. Ito ang aming monicker sa pamilyang Ferran dahil isa silang success story.
Sina tito Jay and tita Perl ay may maliit na tailoring shop sa Mendoza Street sa Makati. At mula sa kanilang sipag at tyaga ay nagawa nilang papagtapusin ang kanilang 3 bagets sa kursong Engineering: sina Ate Nette, Jason and Joel.
Magpahanggang ngayon ay hindi ko nga mapagtagni-tagni kung pano nagawa ng mag-asawang Ferran na papagtapusin ang kanilang mga anak lalo pa na lahat sila ay nag-aral sa Mapua. Tuition pa lang pamatay na, e pano pa ang pang-araw-araw na pangbaon saka mga extra gastos sa school gimik/gala projects?
Sabagay, bibong-bibo rin naman kasi ang tatlong magkakapatid. Lahat sila naging scholar, at naging masigasig naman talaga sila sa pagbubulakbol pag-aaral.
Siguro, sa pagtutulong-tulong na rin nilang lahat. At siguro, dahil likas naman talaga silang mababait.
Kaya naman, super blessed sila ngayon!
Naaalala ko tuloy na parang naging 2nd home ko na ang bahay nila. Pagkagaling sa bilyaran school, usually ay derecho na kami kina Jason. Maghahalungkat ng kung anong pwedeng ngasabin sa ref o kaya ay magluluto na lang ng pamatay na Lucky Me pancit canton at maglalaga ng itlog.
Biruin mo, kung sa isang linggo ay ganito ang routine namin, at pagpalagay na lang na 3 times a week e andon ako, di ba ang laking pabigat na para silang carinderiang bukas para sa lahat ng gustong kumain? Tapos may kaibigan din syempe sina Te Nette pati si Joel. Tapos may iba pa ring kaibigan si Jason bukod sa akin. Just imagine that.
Pero ni isang beses ay hindi ko nabalitaang naghikahos o nangutang o nagbenta ng laman dumaing man lang ang mag-asawang Jay & Perl. In fact, e ang sasarap nga lagi ng ulam nila (kaya kami laging andon hehe).
Eto pa: nangungupahan lang sila sa bahay nila sa Makati!
Hindi kaya front lang nina tito Jay and tita Perl ang tailoring shop nila? At sa ilalim ng shop nila e meron pala silang drug lab? At ang rason kung bakit nakapagpatayo sila ng bahay sa Aguilar, Pangasinan ay dahil mga drug lord sila?
Hehe joke lang. Iba lang talaga ang mag-asawang ito. Dahil sila ay maabilidad, masinop, masipag, mapag-aruga at higit sa lahat, a couple with a BIG heart!
Idol ko nga sila e. And when I grow up, I want to be like them.
Pero hindi naman pwedeng andon lang kami sa hacienda nila di ba? Ang lagay ganon na lang yon? Sayang naman ang pamasahe.
Hindi nila alam, may maitim talaga kaming balak at ginamit lang namin ang bahay nila para manginain at magkaroon ng ibabaon sa aming tunay na destination:
ang 100 ISLANDS!
Nagbayad kami ng extra para dalhin kami sa island na hindi malimit puntahan ng mga bakasyonista at hindi part ng usual island hopping package.
Sabi nung bangkero, dito raw shinooting yung telepantasya ni Claudine na Marina.
Sabi nung bangkero, dito raw shinooting yung telepantasya ni Claudine na Marina.
Eto naman ang mga pasaway at palakanton na mga kaibigan nina te Nette at Jason. Actually, payat kami lahat dati. Sa kakatambay sa kanila, nagsitabaan na kami lahat.
Meng, Lai, Jason, Mike, Che & McRICH |
Natakot ako dito kasi sobrang lalim. Kita naman sa mukha ko hehe. High tide na kasi sa jump-off point ng snorkeling area. |
Kelan kaya ang reunion trip namin? Na-emo lang ako bigla.
Like ko to... Kelan nga kaya mauulit? Pag balik mo kaya? Yung kabang yaman mo nmn ang bawasan natin... Hehehe. -Yaj
ReplyDeleteyaj uwi kmeng feb, sa pinas ka pa kaya?
ReplyDeletenakita ko na naman ang 100 island. Una kay chyng.Amaze lang ako makakita ng ganong kadaming island sa isang lugar.
ReplyDeletehey diamond, excited nko sa eb natin hehe :)
ReplyDeleteo wag na patagalin at baka lumubog na ang ibang isla, sayang kung di mo makikita!