Nag dalawang limang-isip ako kung magba-blog ba ako tungkol sa Sagada o hindi. Eto kasi yung panahong, isa akong botchog.
Gusto nyo ng proof?
Masferre Inn Breakfast with Beth (in red) & Lai (in brown). |
Dati akong naging mataba, mabigat, mala-kamatis ang ilong, usli ang tyan, mala-monay ang pisngi at commercial model ng Pigrolac.
Ikaw ba naman ang magtrabaho sa pagawaan ng tsokolate sa Saudi for more than 2 years (opo, isa akong former saudiyuki), ewan ko na lang kung hindi ka rin um-obese like me. Tapos broken-hearted pa.
Aminado akong napabayaan ko talaga ang sarili ko.
Kaya nga nung nagtext si Lai kung gusto ko raw sumama sa Sagada. Nagtext-back agad ako sabay sabing: "K pakd alredi lesgo!"
Kasama ko sa trip na ito si Paul (saudiyuki rin), si Beth (japayuki) at si Lai (isang engkantada --- ikaw ba naman ang may kapangyarihang kumuha ng lakas from nature. Yon kasi ang goal nya.)
At tumuloy kami kahit sa kasagsagan ng bagyo.
Di rin nagpatinag kahit sa landslide.
While waiting for the "debris cleaners." Kita nyo ba yung bus sa other side ng landslide? |
Ganon kami kapursigido dahil gusto lang naming makalabas ng Metro Manila for a change.
At na-enjoy naman talaga namin ang Sagada:
Hanging Coffin |
nalula sa bangin na pakiramdam ko e pag naubo lang ang driver e alaala na lang kami at pwede nang offeran ng a-minute-of-silence, lakad-lakad sa Sagada habang umuulan papuntang bukana ng kweba-simbahan-Sagada weaving-hanging coffin-souvenir shops, kinakausap lahat ng makasalubong kasi puro foreigners at mga inglesero ang mga tao don, laugh trip, jerbak trip dahil sa food trip (andaming pwedeng kainan sa Sagada as in, kahit parang dulo na ng mundo ang layo nito), halos manigas sa nginig dahil sa lamig ng tubig kada maliligo, pahinga lang at basa lang ng Harry Potter.
Ewan ko ba kung bakit hindi namin napuntahan ang Big Falls, hindi na-experience ang cave connection, hindi man lang nakapagkandirit sa mga rice terraces at hindi rin nag-overlooking views?
Pakiramdam ko tuloy ginamit lang kami ni engkantadang Lai para makuha ang bertud na inaasam nya hehe.
Pakiramdam ko tuloy ginamit lang kami ni engkantadang Lai para makuha ang bertud na inaasam nya hehe.
Sabagay, mas okay na rin. At least, meron pa kaming ilu-look forward sa paglaki ni McCALE, sa panahong pwede na syang magcaving.
No comments:
Post a Comment
Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?