Showing posts with label Sagada. Show all posts
Showing posts with label Sagada. Show all posts

Thursday, November 3, 2011

Not-So-SAGADA

Nag dalawang limang-isip ako kung magba-blog ba ako tungkol sa Sagada o hindi.  Eto kasi yung panahong, isa akong botchog

Gusto nyo ng proof? 

Masferre Inn Breakfast with Beth (in red) & Lai (in brown).
 
Dati akong naging mataba, mabigat, mala-kamatis ang ilong, usli ang tyan, mala-monay ang pisngi at commercial model ng Pigrolac

Ikaw ba naman ang magtrabaho sa pagawaan ng tsokolate sa Saudi for more than 2 years (opo, isa akong former saudiyuki), ewan ko na lang kung hindi ka rin um-obese like me.  Tapos broken-hearted pa. 

Aminado akong napabayaan ko talaga ang sarili ko.

Kaya nga nung nagtext si Lai kung gusto ko raw sumama sa Sagada.  Nagtext-back agad ako sabay sabing:  "K pakd alredi lesgo!" 

Kasama ko sa trip na ito si Paul (saudiyuki rin), si Beth (japayuki) at si Lai (isang engkantada --- ikaw ba naman ang may kapangyarihang kumuha ng lakas from nature.  Yon kasi ang goal nya.)  

At tumuloy kami kahit sa kasagsagan ng bagyo. 

Di rin nagpatinag kahit sa landslide.  

While waiting for the "debris cleaners." 
Kita nyo ba yung bus sa other side ng landslide? 

Ganon kami kapursigido dahil gusto lang naming makalabas ng Metro Manila for a change.

At na-enjoy naman talaga namin ang Sagada: 


Hanging Coffin

nalula sa bangin na pakiramdam ko e pag naubo lang ang driver e alaala na lang kami at pwede nang offeran ng a-minute-of-silence, lakad-lakad sa Sagada habang umuulan papuntang bukana ng kweba-simbahan-Sagada weaving-hanging coffin-souvenir shops, kinakausap lahat ng makasalubong kasi puro foreigners at mga inglesero ang mga tao don, laugh trip, jerbak trip dahil sa food trip (andaming pwedeng kainan sa Sagada as in, kahit parang dulo na ng mundo ang layo nito), halos manigas sa nginig dahil sa lamig ng tubig kada maliligo, pahinga lang at basa lang ng Harry Potter.

Ewan ko ba kung bakit hindi namin napuntahan ang Big Falls, hindi na-experience ang cave connection, hindi man lang nakapagkandirit sa mga rice terraces at hindi rin nag-overlooking views

Pakiramdam ko tuloy ginamit lang kami ni engkantadang Lai para makuha ang bertud na inaasam nya hehe.

Sabagay, mas okay na rin.  At least, meron pa kaming ilu-look forward sa paglaki ni McCALE, sa panahong pwede na syang magcaving. 

At malamang si McAIM na ang aming tourist guide dahil kinarir nya na before ang cave connection pati na ang Big Falls!



Saturday, April 18, 2009

Day 15 - A LOVE Letter




AIMEE,

Nakita ko iyong mga litrato mo, ang saya-saya mo.  Ngayon lang kita nakitang ganyan kasaya!  Parang mas masaya ka pa nga dyan kaysa noong kasama mo ko dito, hehe :D 

Kunsabagay, iba naman kasi talaga kapag kasama ang pamilya.  Walang pagsidlan ang kaligayahan.  Nag-iiwan ito ng pitak sa ating alaala at habambuhay nang nakatimo sa ating puso at isipan.  (Parang ang korni ano, pagbigyan mo na lang ha at lulubusin ko pa.)  Ito rin ang nakakapagpaalala kung gaano tayo kamahal ng Diyos --- dahil biniyayaan Niya tayo ng pamilyang mapag-aruga at pamilyang laging nakasuporta sa ano mang desisyon natin sa buhay.  Hindi ba't sobra-sobrang biyaya na ito?

Ang ganda ng mga kuha nyo sa Sagada.  Kitang kita ko na talagang nag-enjoy kayo.  Na kahit pagod na sa kakalakad ay walang kapaguran pa rin sa pag-Jumpshot.  Kaka-adik tumalon ano?  Kasi kapag tumalon kayo, parang iyon na 'yong kabuuan ng iyong nadarama.  Maligaya, masaya, pagod, 'di mapakali.  Basta, hindi maipaliwanag.  Kaya nga't daanin na lang sa pagtalon.

Binabati ko nga pala kayo sa pagtapos nyo ng Cave Connection.  Alam ko namang kaya nyo 'yon.  Walang pagdududa.  Kaso nga lang, bakit parang wala kayong masyadong litrato sa loob.  Sayang naman kung ganoon, kasi maganda ang mga rock formations sa loob.  Maganda sanang alaala.  Na minsan, kinalimutan nyo ang lahat ng inhibisyon at kaartehan sa buhay, para lamang makalabas sa kabilang bunganga ng kuweba!

Nakita ko rin 'yung litrato mo sa bahay kubo natin sa Batangas.  Ang saya ninyo doon.  Parang bayanihan ang dating.  At ang sipag mo ha.  Kunsabagay, paborito mo talaga ang maglinis.  Sana ganoon rin tayo kapag tayong dalawa naman ang magtatayo ng sarili nating bahay.  Kaso paano iyon?  Hindi ba't condo ang gusto natin?  A, ako lang pala ang may gusto.  Basta, pag-usapan na lang natin ulit pagbalik mo. 

Nakipaglaro ka rin pala kay Chloei.  Mabait siya ano?  Kaso isa lang talaga ang alam niyang laro --- ngatngatan :D  Pero may mga bago syang tricks na alam hindi ba?  Hay, ang laki na niya.  Sana kilala niya pa rin ako pagbalik ko.

Sina Nanay at Tatay, kumusta pala?  Siguradong tuwang-tuwa sila na bumalik muli ang kanilang pinakamamahal na anak.  Sigurado ring babawi ka sa mga luto ni Tatay.  Kahit ako rin naaalala ko rin mga luto ni Tatay.  Masarap kasi talaga, na parang may ibang linamanam.  Sigurado ring andaming kwento ni Nanay sa iyo.  Atlis ngayon, pwede nya nang antayin ang sagot mo :D

Si Ataleng?  Ang galing! Tapos na kayong lahat.  Ang sarap nga pakiramdam ano.  Ganyan din ang nadama ko noong nakatapos si Giliw.  Ika nga, "Proud na Proud."  O, sabihin mo sa kanya na hinay-hinay lang ha.  Huwag magmadali.  Dahil mayroon talaga Siyang magandang plano para sa kanya.

Naku malapit ka na ulit bumalik dito.  Eksaktong isang linggo na lang.  Dapat ay baunin mo lahat ng magagandang alala ng iyong bakasyon dyan.  Halos isang taon ka muling lilisan para tuparin ang mga pangarap mo sa buhay.  Maghanda ka na ha.  Kasi pagbalik mo dito ay sasabak ka na naman sa walang humpay na trabaho.  Stress.  Mga ka-Pana-an.  Bawal magsick-leave.  Kailangan magstay-back.  Laba.  Luto.  Grocery.  Paulit-ulit.  Parang sirang plaka.

Pero huwag ka mag-alala, nandito naman ako.  Katulong mo ako sa kahit anong bagay na bumabagabag sa iyo.  Sabihin mo lang sa akin.  Basta't kaya ko ay gagawin ko.  Kung hindi ko naman kaya ay kakayanin pa rin.  Para sa iyo.  Para sa atin.

Salamat po.  Pakiramdam ko, mas lalo akong naging mabuting tao dahil sa iyo.  Wala nang iwanan ha.  At kahit pa sa susunod na bakasyon, kailangan, magkasama na tayo!

Lubos na nanabik sa iyo at hanap-hanap ka, McRICH

P.S. (Pahabol Sinta) ... pagkakataon ko nang bumawi, haha, huwag kalimutan ang aking mga padala pagbalik mo dito.  I-email ko na sina Ma para sa mga kailangan ko, hehe :D
  

Friday, April 10, 2009

Day 7 - The MERGER



My loving MA & caring PA with my pretty Aimee :D




My ever ENERGETIC Nanay with Chloei & Pipoy :D



Jumpshot of Leng, Aimee and Arlene in Sagada



Chloei and Pipoy playing :D


Thank you Lord for our FAMILIES!

Sunday, April 5, 2009

Day 2 - Corned Beef Sarap


Wala namang masyadong ginawa sa office.  Tinapos ko lang mga pending reports.  Nag-email-email.  Nag-follow-up ng mga pending concerns sa different departments.  Umikot sa planta.  Nakipagkwentuhan sa ibang mga pinoy (na minsan ay wala na talagang mapag-kwentuhan).  Nagpakitang-gilas sa pagpu-push up (Trivia:  Kahit pala malalaking tao ang mga Pakistani e hindi nila kayang magpush up!) dahil kala nila e di ako marunong magpush up tulad ng mga Pakistani.  Ayaw paawat ng isang Nepali at nagpakita pa ng ibang kahindik-hindik na moves.  Sabi ko nga sa kanya e baka nagtrabaho sya dati sa Circus.  Tawa naman sya.

Ikot ulit sa planta.  Biglang may isang Supervisor na nagsumbong na may isang sub-contractor na hindi sumusunod sa mga patakaran sa Health and Safety.  Syempre punta agad ako para mag-imbestiga.  Pinilit kong pigilan ang operasyon ngunit na-overrule naman ng Manager ko.  So pinabayaan ko na lang sya.  Dahil mukhang okay lang naman sa kanya ang mga pangyayari.  Anyway e malapit ng mag-uwian at andon naman sya kaya umalis na lang ako para magprepare sa pag-uwi.

Pagdating sa accommodation e pahinga lang sandali.  True to my calling ng pagiging Kuracho, e naligo ulit ako pagkatapos magpahinga para sa Prayer gathering namin by 8pm.  Kumain na lang ulit ako ng biscuit para pantawid gutom.

Bandang 9:30 e nakauwi na ulit.  Nagmadaling magluto ng aking pamatay na corned beef :D dahil hindi pa nga ako nagdi-dinner.  Linagyan ko lang ng patatas, aside from the usual panggisa ingredients, at ayos na!  Mabuti na itong dinner at pambaon the next day.

Time Check ngayon e 11:26pm.  Handa na akong matulog.  Ano na kayang ginagawa nina Aimee, Ataleng at Leng papuntang Sagada?  Malamang natutulog.  Mahaba kasi talaga ang biyahe papunta don bukod sa nakakapagod talaga.  Pero ang alam ko, kakayanin naman nila ang Cave Connection Adventure!

Hmmmm, antok na ko. Zzzzzzzzz....