Wala namang masyadong ginawa sa office. Tinapos ko lang mga pending reports. Nag-email-email. Nag-follow-up ng mga pending concerns sa different departments. Umikot sa planta. Nakipagkwentuhan sa ibang mga pinoy (na minsan ay wala na talagang mapag-kwentuhan). Nagpakitang-gilas sa pagpu-push up (Trivia: Kahit pala malalaking tao ang mga Pakistani e hindi nila kayang magpush up!) dahil kala nila e di ako marunong magpush up tulad ng mga Pakistani. Ayaw paawat ng isang Nepali at nagpakita pa ng ibang kahindik-hindik na moves. Sabi ko nga sa kanya e baka nagtrabaho sya dati sa Circus. Tawa naman sya.
Ikot ulit sa planta. Biglang may isang Supervisor na nagsumbong na may isang sub-contractor na hindi sumusunod sa mga patakaran sa Health and Safety. Syempre punta agad ako para mag-imbestiga. Pinilit kong pigilan ang operasyon ngunit na-overrule naman ng Manager ko. So pinabayaan ko na lang sya. Dahil mukhang okay lang naman sa kanya ang mga pangyayari. Anyway e malapit ng mag-uwian at andon naman sya kaya umalis na lang ako para magprepare sa pag-uwi.
Pagdating sa accommodation e pahinga lang sandali. True to my calling ng pagiging Kuracho, e naligo ulit ako pagkatapos magpahinga para sa Prayer gathering namin by 8pm. Kumain na lang ulit ako ng biscuit para pantawid gutom.
Bandang 9:30 e nakauwi na ulit. Nagmadaling magluto ng aking pamatay na corned beef :D dahil hindi pa nga ako nagdi-dinner. Linagyan ko lang ng patatas, aside from the usual panggisa ingredients, at ayos na! Mabuti na itong dinner at pambaon the next day.
Time Check ngayon e 11:26pm. Handa na akong matulog. Ano na kayang ginagawa nina Aimee, Ataleng at Leng papuntang Sagada? Malamang natutulog. Mahaba kasi talaga ang biyahe papunta don bukod sa nakakapagod talaga. Pero ang alam ko, kakayanin naman nila ang Cave Connection Adventure!
Hmmmm, antok na ko. Zzzzzzzzz....
No comments:
Post a Comment
Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?