Wednesday, November 2, 2011

8210

Habang tuloy pa rin ako sa pag-aayos ng aking site at pagtuklas kung pano ba magpalit ng design template at magpost ng blog from this site to Multiply (tulong anyone?), naisipan kong mag-ala-TRAVEL-PHOTOBLOG muna para happy-mood pa rin. 

At dahil ka-o-All Saint's Day lang kahapon, at technically e talagang today ang Araw ng Patay, gusto ko pa rin sanang magblog tungkol sa temang patay, temang natigok, temang lumisan o sa temang alaala na lang.  

Eto na po.


Poorman's Boracay ang tawag sa Puerto Galera.  Sa kadahilanang obvious naman. 

Biruin mo, napakadaling puntahan: sakay ka lang ng bus byaheng Batangas pier; pagdating sa pier, sakay naman ng Supercat papuntang Sabang port o derechong White Beach; alin man sa dalawa ang napili mo, don't you fret dahil parehong parte ng Puerto Galera yon.

Mura rin lang ang bilihin especially ang food.  Sa Sabang kami nagstay.  Hindi problema ang pagkain dahil pwede ka mamalengke sa talipapa nearby.  Kahit sa mismong White Beach, mura rin lang ang mga meal-paluto tapos sariwa pa. 

Maganda ang tubig pati na ang buhangin, mala-Boracay.  Yun lang, nung andon kami, merong nangangagat sa tubig.  Di ko lang sure kung zooplankton ba yon o dikya o krill o pating (na microscopic hihi).  Pero siguro tsambahan lang.     

Ngayon alam mo na, na ang Puerto Galera experience ay pwede mong ma-achieve sa pamamagitan lang ng ilang tambling, onteng ipon, tig-isang sachet ng toothpaste, shampoo at conditioner, at isang tableta ng Bonamine kung isa kang biyahilo!

So asan na ang kwentong may temang patay, temang natigok, temang lumisan o temang alaala na lang? 

Patience pwede? 

At dahil atat ka, eto na.

Pagtapos namin mag-island hopping at dumaong muli sa Sabang beach, dali-daling lumukso si Jason from the bangka to the tubig. 

Naatat syang kunin ang starfish.  First time nya siguro.

Huli na nung maalala nyang ang pamatay nyang 8210 cell phone (na Made in Finland --- naka-line at hindi pre-paid --- may backlight --- original ang casing --- hindi bili sa Greenhills --- rurok ng kasosyalan nung panahong yon) e nasa bulsa nya.

Kasabay ng pagtilamsik ng tubig, likha ng kanyang pagtalon, narinig na lang namin ang palahaw na: 

!&*_^$x=%^#^*%^-#^&@*
 
+
+
+

RIP.

4 comments:

  1. Sinubukan isalba ang buhay nya subalit lubhang malayo pa ang pampang kung saan pwede syang patuyuin kaya tuluyan ng nilamon ng tubig na may asin ang buo nyang katawan. Mabuti na lang at naisalba pa ang SIM card na by the way, yun pa rin ang SIM card ko hanggang ngayon. - Jason

    ReplyDelete
  2. hahaha iba talaga ang smart! kaso walang signal sa ilalim ng landmark hehe :)

    ReplyDelete
  3. Kaloka naman, kala ko kung sino nategi, yun cp pala..

    Ang sad, kasi hindi pa ko nakapunta ng puerto galera, tapos sabi sa news (balita mula kay ZaiZai mula sa ABS-CBN news), madumi na daw dun ngayon.. :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo madumi na don ngayon, actually don sa Sabang ang madumi talaga, pero i think don sa whitebeach okay pa, kaya pumunta ka na agad kasi baka habang pinapatagal mo, lalong masira na ang puerto galera!

      Delete

Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?