Tuesday, November 8, 2011

EKSENA sa IMMIGRATION

Papunta ako ng Abu Dhabi nang maranasan kong mainterogate ng bonggang-bongga.  Pakiramdam ko, ultimo kaliit-liitang himaymay ng cells sa katawan ko e nabutingting. 

Yinurakan ang pagkatao, tinapak-tapakan ang self-esteem, inalipusta, nalait, nasigawan, hay sobrang sakit talaga:

Immigration Officer:  San ka pupunta?
McRICH:  Sa Abu Dhabi po.
Immigration Officer:  Anong gagawin mo don?
McRICH:  Magta-travel po.
Immigration Officer:  Bakit marami ka bang pera?
McRICH:  Tama lang po.
Immigration Officer:  Bakit saan-saan ka na ba nakapunta?

Inisa-isa ko sa Immigration Officer ang lahat ng mga napuntahan kong lugar sa buong buhay ko at kinarir pa further ang question and answer portion. 

Later, naisip ko na baka naman suspek ako sa isang krimen kaya nya ako gina-ganito.

Immigration Officer:  Gaano kahaba ang Palawan Subterranean Underground River?

Huwaaat? 

Kahit naman siguro isang libo at isang tuwa akong pumunta sa Palawan Subterranean Underground River, at nasa matino akong pag-iisip, e hindi ko pag-aaksayahang alamin ang kabuuang haba nito.

Buti kung nag-aaral pa ko at ito ang paksa sa Social Studies baka pa.

Besides, ito ba ang kasagutan sa kahirapan?  Bababa ba ang crime rate ng Pilipinas kung iri-recite, with feelings, ng bawat mamamayang Pilipino ang kabuuang haba ng Palawan Subterranean Underground River?  Masu-solusyonan na ba ang kumakalat na dengue sa bansa with this travel fact?    

Ewan ko sa yo Sir.

Basta pagtapos ng eksenang ito with the Immigration Officer, naging gatuldok ang tingin ko sa sarili ko. 

Pero pumasok ako sa boarding area ng may NGITI sa LABI, tagumpay hehe!


 * * * * *

This tour will consume, almost, your whole day. 

Sa dalawang beses ko kasing pumunta don, hindi pa rin ayos ang daan.  May mga areas na bako-bako at maputik (depende sa season syempre) kaya ihanda mo na ang katawang-lupa mo.


Stop-over bago mag-Sabang Port.
Kailangan mag-register dito.

Old Sabang port.


Ito ang lumang Sabang port.  Nung bumalik kasi ako nung 2009, maayos na ito.  Wala na yung mga bato-bato sa paligid.  Parang naging mala-breakwater sa CCP.





Ito ang pathway papunta sa bunganga ng kweba. Parang nature-trail na rin where you can find free-roaming animals like monkeys and monitor lizards.





Ang mga ka-batch naming mga inglesero't inglesera, kung saan literal na sumakit ang ulo ni Rose sa haba ng byahe at pakikipag-usap sa mga englishers hehe.



Nose bleed.


Boat ride to the cave.

Bukana ng kweba.

Manger Scene - Joseph & Mary?

Upos ng kandila?

View from inside.


Marami pang makikitang other rock formations, stalactites and stalagmites sa loob na animo'y onion, garlic, mais, pati na lahat ng gulay sa kantang Bahay Kubo. 

Madami ring paniki.  Lumalabas sila ng kweba sa gabi para manginain.


Hindi kami ang mga paniki ha.
Pero mahilig din kaming manginain hehe.


Tip lang sa pupunta ng kweba, pakiaagahan nyo po, kasi ang alon pag bandang hapon na e talagang pamatay at wari ba'y ayaw ka nang pabalikin sa sibilisasyon.





At tulad ng nasabi ko, bumalik ulit ako sa lugar na to nung pumunta akong El Nido.  Kasama kasi sa package ng Travel Factor.

Inaayos na ang port.  Sana hindi na lang inayos.
Parang mas okay kasi yung dati.  Mas natural ang dating.

Kasama ang ngasab package kahit nung una kong punta. 
Nalimot kong sabihin.

Take Two sa Underground River.

With  Louie, Joe, Tix, Jen, & Nonie.


Sya nga pala, hanggang 11.11.2011 na lang ang botohan sa New 7 Wonders of Nature, at kung hindi mo pa alam (san ka ba nanggaling ha?), nominated ang Puerto Princesa Underground River sa patimpalak na ito.

Boto na!  

2 comments:

  1. Ang taray naman ng mga Palawan trips mo! Isa sa mga pangarap kong puntahan sa Palawan yun Coron! :)

    Mukhang maganda yan yun undergroud river kaso takot ako sa mga kweba! hehe...

    ReplyDelete
    Replies
    1. try mo yung underground river kahit once in your life, at least na-experience mo ang 1 of the new 7 wonders of nature!

      salamat din sa pagback-read, wala pa kong readers dati hahaha :)

      Delete

Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?