Showing posts with label Palawan. Show all posts
Showing posts with label Palawan. Show all posts

Friday, January 20, 2012

BOURNE L-nido-cy

Excited ako nung nalaman kong ang 4th installment ng Bourne Series ay isu-shoot sa Pinas. 

Iba ang pride dahil lumi-level na tayo sa US, Italy, France, Spain, India, Germany, Russia, Netherlands at Morocco; which were all previous locations of the trilogy.  Ngayon, pagkakataon naman natin para magkaroon ng exposure ang ating Lupang Hinirang sa international scene, yeba!

Medyo bagsak balikat lang.  Parang Slumdog Millionaire ata ang magiging dating ng bansa natin.  Kasi ang mga locations e sa San Andres Market, Navotas Fish Port, Marikina Market, Pasay Rotonda at Jones Bridge.  Medyo may scene rin daw sa MRT Ayala. 

Yung sa Ayala, okay yun.  Atlis makikita nilang we are not-so-provincial-and-barriotic after all.  Yun kasi perception nila sa Pinas.  Kala nila sobrang hirap natin.  Kala nila sobrang left behind.  Di nila alam sobrang ahead nga natin.  Been there.  Done that.  Kaya lang, nag-stagnate.

Tapos nung nalaman kong mag-e-EL NIDO rin sila, napa-yeba ulit ako!  Anganda kaya sa EL NIDO!  Tapos makikita sa BUONG mundo?  PANALO!       


El Nido


Sa palagay ko ang El Nido ang PINAKA sa lahat ng mga beach destinations sa Pinas.  Under rated lang.  Saka mahirap lang marating dahil 5-6 hours ang land travel from Puerto Princesa.  At medyo baku-bako ang daan.  Pero wag ka.  Once andon ka na, sulit naman talaga.     

Babala:  CAM WHORE Ahead.




Topmost LEFT photo (clockwise):  MeTikoy, Louie, Jen & Nonie.  Chinese dude is Joe. 


Ang ganda di ba?

Kaya sa mga bagets na hindi alam kung ano ba ang dapat nilang gawin sa youthness nila, I suggest e libutin na lang ang Pinas.  Medyo magastos lang pero much better kesa mag-umimow o magpakalulong sa kaka-gimik.

And actually ginamit ko lang talaga ang Bourne Legacy para ma-post ang mga old Multiply photos ko hehe.  Pasensya naman. 

At kung nag-skip-read ka, gusto ko rin sanang magpromote ng PAKULO ko.  Click nyo lang at sali na!

Saturday, November 12, 2011

DOS Palmas

Ito ang most anticipated part ng aming trip. 

Syempre gusto lang ma-enjoy ang mamahaling resort na to na usually e mga mayayaman at mga artista at mga gustong ma-Abu Sayyaf lamang ang nakaka-experience.





Hindi naman kami nadismaya dahil maganda naman pala talaga ang Dos Palmas.  In fact, kung meron din lang kayong extra money at gusto nyo talagang magrelax, pwedeng-pwede nang hideaway ang island resort na ito.

Maganda ang facilities:


Stilt room for Php 24,000 per night.

Eto naman, Php 8,000 per night, pwede.


Inside.

Cabana for relaxation.  Pwede rin pa-massage dito!

Swimming pool for Php 500 per day.

Banana boat.

Si Rachel na adik sa kayak.


Pamatay din ang kanilang snorkeling area.  Alagang-alaga dahil buhay na buhay ang mga corals at maraming makukulay na sea creatures.  Sakay lang ng lantsa at andon ka na.





Giant clam.

 


Pero eto talaga ang hindi namin makakalimutan.  Sobrang sarap ng food!  Andaming choices, sariwa ang mga seafoods, talo pa ang mga mainland restaturants sa sarap ng luto!

Sobrang sulit ng binayad namin kahit sa pagkain pa lang and actually jumerbs pa ko para masulit talaga ang kain.  Pagkajerbs ay kain ulit haha.





Kaya kung sakaling magagawi kayo ng Puerto Princesa (Palawan), wag kalimutang magDos Palmas!

Tuesday, November 8, 2011

EKSENA sa IMMIGRATION

Papunta ako ng Abu Dhabi nang maranasan kong mainterogate ng bonggang-bongga.  Pakiramdam ko, ultimo kaliit-liitang himaymay ng cells sa katawan ko e nabutingting. 

Yinurakan ang pagkatao, tinapak-tapakan ang self-esteem, inalipusta, nalait, nasigawan, hay sobrang sakit talaga:

Immigration Officer:  San ka pupunta?
McRICH:  Sa Abu Dhabi po.
Immigration Officer:  Anong gagawin mo don?
McRICH:  Magta-travel po.
Immigration Officer:  Bakit marami ka bang pera?
McRICH:  Tama lang po.
Immigration Officer:  Bakit saan-saan ka na ba nakapunta?

Inisa-isa ko sa Immigration Officer ang lahat ng mga napuntahan kong lugar sa buong buhay ko at kinarir pa further ang question and answer portion. 

Later, naisip ko na baka naman suspek ako sa isang krimen kaya nya ako gina-ganito.

Immigration Officer:  Gaano kahaba ang Palawan Subterranean Underground River?

Huwaaat? 

Kahit naman siguro isang libo at isang tuwa akong pumunta sa Palawan Subterranean Underground River, at nasa matino akong pag-iisip, e hindi ko pag-aaksayahang alamin ang kabuuang haba nito.

Buti kung nag-aaral pa ko at ito ang paksa sa Social Studies baka pa.

Besides, ito ba ang kasagutan sa kahirapan?  Bababa ba ang crime rate ng Pilipinas kung iri-recite, with feelings, ng bawat mamamayang Pilipino ang kabuuang haba ng Palawan Subterranean Underground River?  Masu-solusyonan na ba ang kumakalat na dengue sa bansa with this travel fact?    

Ewan ko sa yo Sir.

Basta pagtapos ng eksenang ito with the Immigration Officer, naging gatuldok ang tingin ko sa sarili ko. 

Pero pumasok ako sa boarding area ng may NGITI sa LABI, tagumpay hehe!


 * * * * *

This tour will consume, almost, your whole day. 

Sa dalawang beses ko kasing pumunta don, hindi pa rin ayos ang daan.  May mga areas na bako-bako at maputik (depende sa season syempre) kaya ihanda mo na ang katawang-lupa mo.


Stop-over bago mag-Sabang Port.
Kailangan mag-register dito.

Old Sabang port.


Ito ang lumang Sabang port.  Nung bumalik kasi ako nung 2009, maayos na ito.  Wala na yung mga bato-bato sa paligid.  Parang naging mala-breakwater sa CCP.





Ito ang pathway papunta sa bunganga ng kweba. Parang nature-trail na rin where you can find free-roaming animals like monkeys and monitor lizards.





Ang mga ka-batch naming mga inglesero't inglesera, kung saan literal na sumakit ang ulo ni Rose sa haba ng byahe at pakikipag-usap sa mga englishers hehe.



Nose bleed.


Boat ride to the cave.

Bukana ng kweba.

Manger Scene - Joseph & Mary?

Upos ng kandila?

View from inside.


Marami pang makikitang other rock formations, stalactites and stalagmites sa loob na animo'y onion, garlic, mais, pati na lahat ng gulay sa kantang Bahay Kubo. 

Madami ring paniki.  Lumalabas sila ng kweba sa gabi para manginain.


Hindi kami ang mga paniki ha.
Pero mahilig din kaming manginain hehe.


Tip lang sa pupunta ng kweba, pakiaagahan nyo po, kasi ang alon pag bandang hapon na e talagang pamatay at wari ba'y ayaw ka nang pabalikin sa sibilisasyon.





At tulad ng nasabi ko, bumalik ulit ako sa lugar na to nung pumunta akong El Nido.  Kasama kasi sa package ng Travel Factor.

Inaayos na ang port.  Sana hindi na lang inayos.
Parang mas okay kasi yung dati.  Mas natural ang dating.

Kasama ang ngasab package kahit nung una kong punta. 
Nalimot kong sabihin.

Take Two sa Underground River.

With  Louie, Joe, Tix, Jen, & Nonie.


Sya nga pala, hanggang 11.11.2011 na lang ang botohan sa New 7 Wonders of Nature, at kung hindi mo pa alam (san ka ba nanggaling ha?), nominated ang Puerto Princesa Underground River sa patimpalak na ito.

Boto na!  

Sunday, November 6, 2011

Si Kuyang DRIVER

Para saken, kung meron mang pinakamagandang lugar sa Pilipinas (kahit na ano pa man ang definition mo sa salitang GANDA) this would be Palawan!

I simply HEART Palawan. 

Having been in Puerto Princesa and El Nido, Palawan already established herself to me as the BESTest travel destination ever.  Not only because of its affluence in terms of natural wonders  but also because of its people. 

Ambabait nilang lahat. 

Yung tipong hindi ka nila kukulitin para bumili ka sa kanila ng kung ano man ang linalako nila dahil they value your privacy.  Na alam nilang andon ka para magtanggal ng stress at hindi para magshopping. 

Yung tipong hindi ka tatagain sa mga fees dahil honest sila.  Na kahit nakaiwan ka ng singsing na may 12 dyamante e mababalik yon sa yo (hehe di ako masyadong sure dito but that is how I trust them).

Lalo na si Kuyang Driver namin. 

Given na syempre na nung sinundo nya kme sa airport e very welcoming sya.  Pero ang hindi ko kinaya ay yung hindi na kinailangang ibuka ang bibig namin at humingi ng favor na kodakan nya kme sa isa sa mga scenic spots nila kasi sya mismo ang nag-offer. 

"Sir, kunan ko na po kayong tatlo." 

First time ko yon. 

Sa iba kasi, sisimangutan ka o kaya kailangan mong bigyan ng tip.  Yung tipong konting kibot mo lang e nakalahad na agad ang palad at nag-aantay ng kaperahang galing syo at pinapamukha sa yong nothing is for free in this world anymore! 

Wala namang masama don.  Alam ko hanapbuhay nila yon pero sana hindi garapalan.
At syempre, mas maluwag magtip, kung you know that they gave you a very good service.

Kaya balik tayo kay Kuyang Driver. 

Nagkataon kasing Valentine's Day nung andon kme sa Palawan.  Kaya tinanong ko sya:

"Kuya san date nyo?" 

"Wala po Sir, sa bahay lang." 

E dahil sa mabait nga si Kuyang Driver, naisip naming bilhan sya ng Selecta Ice Cream para pasalubong sa Mrs nya, pang-Valentine :)



* CROCODILE FARM & NATURE PARK *







* BUTTERFLY FARM *





* MITRA RANCH *

Sabi nila meron na raw Zipline dito ngayon!  The Baker's Hill is just a walk away from here where you could buy baked delicacies and much more.  Just don't know why we have not taken photos of Baker's Hill.





* IWAHIG PENAL FARM *

Natakot kami sa Mamang nagbukas ng van namin kaya napabili kme ng souvenirs from him ng wala sa oras.  Syempre inmate rin sya don.






* MANONG DRIVER *

Sobrang labong mabasa mo itong post ko.  Pero saludo ako sa kabaitan mo at dedikasyon sa trabaho.  Sana dumami pa ang mga tulad mo sa mundo!

  

 

Saturday, November 5, 2011

SIBLINGS on the LOOSE

Dumating ba sa punto ng buhay mo na wala ka nang makasama sa paggala? 

Yung panahong kumikita ka na ng sarili mong pera pero hindi mo naman magastos dahil wala kang kadyaming? 

Kasi yung mga katropa mo e maaaring busy sa kani-kanilang career para kumita pa ng mas maraming pera o kaya e kinakarir ang kanilang lovelife para lumagay na sa tahimik o kaya ay nagta-trabaho sila sa kolsener kaya hindi magkatagpo ang inyong off?

Nangyari saken to.

Kaya nag-isip ako ng matindi.  Nagmunimuni.  Tumingala sa langit upang makahanap ng kasagutan.  Kinunsulta ang horoscope.  Nagpahula sa Quiapo.  

But all my efforts remained futile. 

Bakit kaya wala akong lovelife?  Bakit kaya parang naglaho lahat ng aking mga ka-bagang?  Magkolsener kaya ako?    

At dahil sa araw-araw kong pamamalagi sa bahay pagtapos ng work e may naisip akong ediya.

Why not MY siblings?  Pwede!

Tutal malalaki na rin naman sila.  Si Rachel, meron na ring work.  Si Rose nag-aaral pa pero pwede na ring isama sa mga lakaran.  All we need to do e maghanap ng sponsor (sa katauhan ni Itay hehe) para hindi masyadong malaki ang paghahatian namin ni Rachel sa gastos.

To cut to the chase, napunta kami ng Palawan yey!



Nagstay kami sa Kawayanan Resort.








We chose to stay on this resort kasi may pool.  At least pwede pa rin kaming mag-unwind pagtapos ng mga tours. 

Tapos may free 1 hour videoke session everyday.  Kasama na rin sa package ang bilyar.  Yun lang, out of order ang bilyaran nung andon kami.










Parang eto ang first and last pool party namin. 

Kasi ang mga sumunod na araw namin sa Palawan ay talaga namang PAGURAN!