Saturday, November 19, 2011

Si DONG

ang isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan sa whole-wide-world.  

Magaling syang kumanta:  Miyembro ng church choir.  Magaling magvideoke.  Minsan na ring na-invite sa isang wedding para bumirit ng mga pa-sweet songs.  Kung meron ngang kantahan sa lamay, sa palagay ko, papatok din sya don.

Magaling syang sumayaw at umarte:  Mga prerequisites sa aming Drama Club (kung saan sya ang main actor).  Alam ko nga, hanggang ngayon, bida-bida sya sa mga MTVs na ginagawa nila, as their special presentation, sa work nya.  Syempre idea nya rin yon.

Magaling sa arts:  sa pagpipinta, pagdo-drowing, pagle-lettering, letter-cutouts at ultimo electrical wire e hindi pinalagpas para isabuhay ang malikot nyang pag-iisip. 

Kaya DONG, Oo IKAW Na, IKAW NA ang ARTIST!

* * * * *

Nung high school, sa isa sa aming mga goodtimes, napagtripan lang naming magbugbugan.  E biglang dumating yung Values teacher namin.  Ang ginawa ni Mr. Values, binalandra sya sa blackboard.  Pagkaplakda nya sa blackboard, nakita ko na lang syang bumagsak ng padausdos.  Parang Pinoy Action Movie lang hehe.

Ending, naghumagulhol kaming dalawa sa Principal's office haha.   

Fickle-minded si Dong.  Ganon raw talaga ang mga maarte artists.  Paiba-iba ang isip.  Pag gusto nya ang isang bagay, todo-bigay sya.  Pero pag nawalan na ng interes, wala na, ba-bye na.  Pero kahit na hindi mo mawari ang takbo ng pag-iisip ni Dong, isa syang SUCCESS Story:

Pabalik-balik sa Tate, palibot-libot sa Europe, may bahay at lupa na sa Pinas, may Dollar-Peso-Euro accounts, at mabait na anak-kapatid-kaibigan.  Pinatunayan nyang ang success ay bunga ng sipag-tyaga-talento at hindi kung ano pa man ang natapos mong kurso.

Kaya Dong, kung san ka man andon ngayon, hope, lagi kang masaya. 

Kasi, miss ko na ang sangkaterbang tawanan natin.  Miss ko na ang bilyar-bowling-bar natin.  Miss ko na ang pagtambay natin sa bahay nyo, sa bahay nina Jason, sa bahay nina Lai, o kaya sa bahay namin.  Miss ko na ang pagkain natin ng lugaw at tokwa sa PRC.

Hay miss na kita!

* * * * *

Ito ang huling gala ko with Dong nung single pa ako.  Kasama rin namin ang mga kapatid ko at ilang kaibigan.  Nagcamping kami sa Taytay Falls sa Quezon Province.



Patayan lang sa pagtalon-talon/lakad sa mga bato.


Andaming nagka-camping nung panahong yon dahil holiday yata.  Di ko na matandaan kasi nung 2008 pa to.  At sa kakahanap namin ng pe-pwestuhan, napunta kme malayo sa falls.  Mas okay pa rin namin dahil solong solo namin yung lugar at okay na rin namang liguan.



Best Camping Food:  Lumpiang Shanghai, KAW Na Ate!



Pwede na rin namang wag na pumunta sa falls pero syempre yun nga ang pinunta namin don.  Kaya talon-lakad kami ulit na parang tipaklong.







Kung pamatay ang pagpunta, mas pamatay ang pauwi.  Ligpit-ayos-dala ng mga basura.  Walang dapat iwan kundi mga bakas ng paa at dalhin pauwi ang mga magagandang alaala.

Balik ulit sa tipaklong mode.







Kaya pagdating sa tuktok, di namin napigilang mag-Pancit Habhab!


This is How to Eat Pancit Habhab.

Si DONG.


Dong sabi pala ni Caleb, Merry Chritmas daw Ninong, haha!  Hanggang sa muli nating pagkikita, ingat ha!

24 comments:

  1. Yung supt na shirt ni Dong, may ganun akong shirt, na hindi ko nagamit ni minsan dahil pagkabili ko, pinalaundry ko tapos nawala sa laundry... sorry naman dito pa ako naglabas ng sama ng loob hahaha

    ReplyDelete
  2. glentottt! naks ganito pala ang feeling, napatambling ako ng very very nice haha, salamat sir :) yaan mo na yung shirt mo, inggit lang syo yung laundromat kasi sikat ka!

    ReplyDelete
  3. hi!!! salamat sa pagdaan sa bahay blog ko! :) about sa tanong mo nisagot ko na sa blog ko! hehehe! sorry nitatamad akong magcopy paste! hahahah

    ReplyDelete
  4. iya salamat, at wala pala hehe aktibo pala ko masyado. pero sana magkaron no para united bloggers of UAE tayo, naks!

    ReplyDelete
  5. salamat sa pagdaan pala sa blog ko :)

    ReplyDelete
  6. dong ikaw na , sarap naman ng camping na yan kakainggit

    ReplyDelete
  7. alam mo bang natutuwa ako sa mga larawan, nakaka miss ang Pilipinas, at bumisita din ako sa Multiply blog mo para sa PEBA

    ReplyDelete
  8. oo miss ko na rin to, magcamping kaya kme sa buhangin why not!

    ReplyDelete
  9. @kiko - wow salamat, sana may plane ticket na libre para sating mga nominees no hehe :) congrats sa yo ha and hope to meet u soon!

    @morion - o wag na malungkot, maghanap na lang ng ibang bestfriend!

    ReplyDelete
  10. wish ko na mamasyal at mag camping !!! aakyat ng bundok, maliligo sa ilog at waterfalls!!! :)

    ReplyDelete
  11. Wow! Ang ganda ng pics anong camera ba ginagamit niyo?

    Try niyo next time surfing sa La Union or Baler. Masaya din yun!

    ReplyDelete
  12. @myrnz - naku isakatuparan na yan dali!

    @jonathan - P&S lang sir, oo ganda magsurf sa la union but i havent tried baler. try mo rin zambales, mas malapit!

    ReplyDelete
  13. Nalungkot naman ako. Sasabihin ko sana, parang ako naman to si Dong. Kasu nang-iwan pala to si Dong. Hehehe. Pero kung andito pa si Dong, matutuwa sya sa ginawa mo. Kung pwede lang ito ilike, ilalike ko to. Salamat sa pagshare. :)

    ReplyDelete
  14. hello ! yup taga muntinlupa ako, bayanan at alabang :D sige kitakits pag uwi mo. :D Bino

    ReplyDelete
  15. nice pics, bro, ganda talaga ng Pinas... and regards nlng kay dong... hehehe... Yahweh bless.

    ReplyDelete
  16. @sining - oo pareho kayong artists, pero wag na malumbay dahil masaya naman sya sa tate!

    @bino - lapit kami don, game!

    @ralph - kaya byahe na sir!

    @mots - salamat din sir!

    ReplyDelete
  17. May bestfriend din akong parang si Dong . Kaso girl siya . Namiss ko tuloy siya huh !!
    By the way sana makapagouting din kame ng bongga together. asar nga lang alang budget.

    ReplyDelete
  18. how to eat Pancit Habhab! hahaha!
    saya naman, parang lahat go lang kahit pagod.
    nice adventure!

    ReplyDelete
  19. @little miss - o ipon na, gala na, sayang ang panahon, dali!

    @simurgh - haha pagod talaga as in, kaya hinabhab agad ang pancit habhab :)

    ReplyDelete
  20. Dong!

    Kitakits tayo at ng makapag camping! :D

    ReplyDelete
  21. tagal na pala nung huling kita nyo, nung overnight swimming pa pala natin sa bulacan yung last! and that was when we were still in 3rd yr college :)

    ReplyDelete

Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?