Tuesday, November 1, 2011

ALAALA at SIMULA

Sobrang excited ko today.  Ang sarap lang gumamit ng bagong platform sa pagba-blog.  Alam mo yon, parang lumipat ako ng panibagong bahay o lugar o bansa tapos pinipilit kong gamayin ang bago kong mundo. 

Nagta-trial and error, basa-basa, nag-aayos ng design, nagse-save ng mga settings; lahat bago.  Buti na lang user-friendly naman ang bago kong portal at sa palagay ko naman ay matututo pa ko pag tagal-tagal. 

So sa ngayon e magpapaka-adik lang muna ko sa mga positive vibes at ii-enjoy lang ang moment na ito na hindi na ulit maaaring bumalik kahit kelan!   

* * * * *

Ang sarap din lang i-launch ang aking bagong blogsite sa isang very memorable day sa buong kalakhang Pilipinas: All Saint's Day.  

Why not. 

Pero ang totoo, nagkataon lang talaga.  In good mood lang talaga ko.  Nagkataon din lang na onte ang ginagawa ko sa trabaho.  Tapos pwede na kong magblog ulit anytime from Sun to Thurs dahil hindi blocked ang Blogger sa system namin, yey! 

Tapos naiisip ko rin lang ang scenario sa Pinas ngayon: FESTIVE!  Parang ang sarap lang sariwain nung nugget pa ko, tapos naging bagets, tapos naging not-so-bagets.

* * * * *

Nung nugget/bagets pa ko --- ikot-ikot sa sementeryo, nangunguha ng kandila, makikipagdeal sa mga puntod-owners na wala kaming masamang balak sa mga kandila nila, na ang upos lang talaga ang pakay namin (pero wag ka, haharbatin na rin pag wala ng tao hehe) tapos ibebenta.

Nung not-so-bagets na ko --- kain lang ng mga delicacies from Tiaong and Lipa, bonding-bonding lang sa mga kamag-anak, kwentuhan at pag nainip e punta na lang kaming Glorietta para manood ng sine.  Iwan muna namin si Inay.

At sa ngayon na am-not-so-bagets-anymore, eto bumablog habang nagta-trabaho.  May pasok kasi kami.  Dahil hindi naman kasi uso ang Araw ng Patay sa bansang napuntahan ko. 

Pero kahit andito ako (tumitipa-tipa ng keyboard, naka-upo, nagpapanggap na bisi-busy-han),  ang gaan pa rin ng pakiramdam ko. 

Masaya na malungkot, na naho-home-sick, na wishing-i-am-there-you-are-here, na wondering kung sino ang mga present sa reunion, na curious kung ano ang mga handa today, na lumilipad ang isip, at napapangiti na parang baliw lang. 

Tapos naisip ko lang, parang gusto kong MAGTIRIK NG KANDILA:

Para sa nangibang-kumpanyang Lab Manager namin.  (I know wala syang kinalaman sa blog ko pero gusto ko lang kasing magpost ng picture hehe.  Anyway, parang ganon din naman ang tema --- patay, natigok, lumisan, lumipat ng company, alaala na lang, gets?)

Hulaan kung sino si McRICH at kung sino ang ALAALA na lang  +

Alam na!

Para sa BAGO kong BLOGSITE, woot --- sana sipagin akong magpost, sana maraming magbasa, sana maraming dumaan, sana maraming magcomment, sana marami ang ma-inspire, sana marami ang maka-relate at sana magkaroon ng World Peace.

At para sa LAHAT ng mga YUMAO --- wherever YOU are,  just STAY there, PLEASE lang!

6 comments:

  1. level up ulit! mukhang may mag-aadik nnmn sa pagba-blog nito! tsktsk :)

    ReplyDelete
  2. thanks be :) actually, ita-try ko magpost ng 1 blog per day ng mga gala natin!

    ReplyDelete
  3. Welcome sa Blogger Flatform RICH :) sana makatulong sa iyo itong link Ask Filipino Bloggers

    ReplyDelete
  4. @kiko - maraming salamat po, sige aralin ko yung link!

    ReplyDelete
  5. Nice, eto pala ang beginning.. nacurious lang ako, ano yun multiply website mo dati? nag-eexist pa ba siya ngayon?

    Kahit naman not-so-bagets na e mukhang bagets pa din! Naks!

    ReplyDelete
    Replies
    1. a existing pa rin madam kaso wala nang updates, multiply yung gamit ko dati nung sumali ako sa PEBA, kaya andon pa sya :)

      sobrang salamat po sa pagback-read, at pag sabing bagets-looking pa rin ako haha :D

      Delete

Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?