Showing posts with label Makati. Show all posts
Showing posts with label Makati. Show all posts

Wednesday, October 3, 2012

Ako si McRICH, Laking MAKATI.



Ang sarap gumising sa agahang inihanda ni Inay: sinangag, pritong itlog at mainit-init na gatas.  O maaari ring pancit o lugaw o tsamporadong may evaporada. 
Ang sarap maligo tuwing bukang-liwayway: ang malamig na tubig mula sa dutsa, pipiliting ibuhos mula ulo hanggang paa.  Mangingisay ng bahagya ngunit ‘pag naka-naka’y ayos na.
Ang sarap humingi ng baon kay Inay:  tatlong bentsingkong duling.  Pambili ng tira-tira, sundot-kulangot o bazooka.
Kapag naman narinig ko na ang sipol mula sa mga kapitbahay at mga kalaro ko, kakaripas na ko ng takbo.  Hudyat ito na umpisa na naman ng kwentuhang walang kapararakan, palatak ng mga tawang walang kasing dalisay at paglulupagi sa daan na parang wala ng bukas.
Parang eksena sa nayon, ano?  Kung saan ang mga baka ay umiinom ng sariwang tubig at gumagala sa luntiang damuhan.  Parang buhay sa bukid.  Kung saan ang pamumuhay ay payak, at ang oras ay tumatakbong animo’y kasing bilis lamang ng pag-ikot ng  gulong sa karwaheng hinihila ng kalabaw.
Parang hindi Makati.
 * * * * *

Noong bata pa ako, malimit akong mapingot sa tainga ni Inay dahil hindi niya raw ako makutaptapan.  Bakit daw hindi ako mapundo sa bahay gayong napakaraming imisin?  Bakit daw sa araw-araw na ginawa ng Poong Maykapal ay napakarusing ko?  Kung sa amoy naman, aba naku, tinalo ko pa raw ang batang sinawsaw sa poso-negro at ibinabad sa ihi ng pusang mapanghi.
Anong magagawa ko?  E sadyang gala ako.  Batang-Makati.  Batang makati ang paa kahit walang alipunga. 
At saka, nasa Makati ako.  Sino ba naman, kahit sa mura kong edad, ang hindi magnanais galugarin ang isa sa pinakamaunlad na siyudad sa kalakhang Maynila, at sa buong Pilipinas?  Ang lugar ng mga nagtatayugang gusali at mga nakakasilaw na ilaw; mga humaharurot at naglalakihang bus, mga makukulay na jeepney at mga de-calibreng sasakyan; at mga naka-posturang lalaki’t babaeng handa nang pumasok sa kani-kanilang tanggapan.
 Ang lugar ng mga malls. 
* * * * *

Sabi nila, ang pag-unlad daw ay ang sama-samang pagpupunyagi para sa ikabubuti ng nakararami at, sa maraming pagkakataon, ang kasagutan sa napakatinding pangangailangan.  Tulad na lang ng pangangailangan sa walang habas na pamimili o paninindahan o ‘yung tinatawag na shopping.  Napakalaki ng pangangailangang ito na kung pagsasama-samahin ang lahat ng mga malls sa Makati ay maaari na itong hirangin bilang ika-34 na baranggay (at ang natatanging baranggay sa balat ng Pilipinas na de-aircon).  Ilan sa kanila ang mga sumusunod:  
Nariyan ang Glorietta 1-5 at Greenbelt 1-5 na sumusunod sa yapak ng Mano Po at Shake, Rattle & Roll.  Bakit kamo? Kasi naman, baka sa lalong madaling panahon, magkaroon pa ng Glorietta/Greenbelt 6 hanggang 13.   
At muli, dahil sa pangangailangan sa matinding paninindahan o shopping, ang dating planta naman ng kuryente ay ginawa ring mall, tinawag itong Power Plant Mall; ang paradahan ng mga oto na ginawang mall, tinawag na Park Square Mall; at ang mga sinehang ginawang mall, tinawag na Makati Cinema Square.
Sa palagay ko nga rin, at walang-takot-kong-prediksyon, na sa pagnananais sulitin ang paggamit sa mga silid-palikuran sa hinaharap, gagawin na rin itong mall. 
Ito ay tatawaging Comfort Room Mall.        
* * * * *

Maganda ang suportang ibinibigay ng pamahalaang lokal ng Makati sa kanyang mamamayan, lalong lalo na sa kabataan.  Mantakin mo, libre ang pag-aaral mula kindergarten hanggang kolehiyo!  Sa pribilehiyong ito, wala na akong makitang rason upang hindi makapagtapos ang isang Batang-Makati sa pag-aaral.  Kasi sa sipag at tiyaga, tiwala kay Bathala, at baon sa eskwelang nilaga, ay paniguradong abot-kamay na ang tugatog ng tagumpay!
Naalala ko tuloy noong panahon ko.  Produkto rin kasi ako ng pampublikong paaralan mula kindergarten hanggang high school.  Kung hindi pa nga ako nabigyan ng scholarship sa kolehiyo, marahil ay sa pampublikong kolehiyo pa rin ako nagtapos.  Na wala namang masama.  Wala naman sa eskwelahang pinag-aralan nasusukat ang tagumpay ng tao.  Nasa pinagdaanan ‘yan.  Sa mga natutunan sa mga pinagdaanan.  At kung paano gagamitin ang mga natutunan sa iyong pinagdadaanan.
Pero ano nga ba ang pinagkaiba ng mga estudyanteng nag-aaral sa pampubliko at pribadong paaralan? 
Sa karanasan ko, parang wala naman masyado.  Sa maraming pagkakataon kasing nakasalamuha ko ang ilan sa kanila, halos pareho lang naman. 
‘Yun nga lang, may mga kaklase silang sikat na artista.  Hatid-sundo ng mga magagarang oto.  Mga likas na inglesera at inglesero.  Kutis-mayaman. 
Ngunit bukod doon, wala man kaming artistang kamag-aral, wala man kaming oto, hindi man kami inglesera’t inglesero, may kutis man kaming hindi masyadong pangmayaman, pagdating naman sa mga timpalak tulad ng Makati Boys’ and Girls’ Week, sa Makati Brain Olympics o sa Ten Outstanding Students of Makati (TOSM), panigurado namang, hindi kami pahuhuli!
* * * * *

Mayroon pa pala akong nais idagdag sa itaas na isa rin sa mga obserbasyon ko.  Medyo pihikan pala ang mga susyal nating kaibigan sa pagkain.  Na wala namang masama.  E sa ganoong sirkumstansiya sila lumaki. 
Nakakapanghinayang lang, sa palagay ko, na hindi nila mararanasan sa tanang-buhay nila ang humigop, kumain at magpakabusog sa napakasarap na lugaw sa Lugawan  sa PRC. 
Samahan mo pa ng malutong na piniritong tokwa, espesyal na sawsawan, malamig na malamig na softdrink, ihip ng hangin na may kasamang alikabok, usok mula sa tambutso ng nagdaraang sasakyan, at hagikhik ng mga kabarkadang lumalantak din sa mainit-init na lugaw.   Solb.
Kung may ekstrang pera naman, pwedeng samahan ang tokwa ng piniritong baboy para maging tokwa’t baboy.  O kaya’y samahan ng okoy.  O kaya’y malutong na piniritong lumpiang toge.  Yum.
Mura na, mayaman pa sa protina at karbohidrato, siksik pa sa ligayang dala ng lugaw bilang isang comfort food.  Patunay ito na ang kaligayahan at pagkakontento sa buhay ay hindi nakasalalay sa dami ng salapi sa iyong bulsa. 
Kaya gawin nating simple ang buhay.  Tulad ng simpleng lugaw.
* * * * *

Isa na yata sa pinakasimpleng taong nakadaup-palad ko sa buong buhay ko ay ang dating Alkalde ng  Makati na si Jejomar “Jojo” Binay. 
Ang totoo, hindi ko siya nakausap ng pribado.  Ngunit sa pakikiharap niya at pagbibigay-oras na pakinggan ang nais naming sabihin ay sapat na upang maipakita niya sa amin kung anong uri ng pagkatao mayroon siya.  Kung naging istratehiya man niya ito, dahil alam niyang magiging botante rin kami pagdating ng araw, ay hindi na importante.  Ang mahalaga ay dahil sa kanyang kababaang-loob, hindi kagulat-gulat na siya ngayon ang pangalawa sa pinakamakapangyarihang pinuno ng ating bansa. 
Bilang bise-presidente, malayo na nga ang narating ng aming di-kataasan at di-kaputiang alkalde.  Hindi ko tuloy mapigil usisain kung naglalakad-lakad pa rin kaya siya sa bawat baranggay tuwing umaga?  Dumadalaw pa rin kaya siya sa mga pamilyang may namayapa upang makiramay? 
Kung oo, paano kaya niya ginagawa iyon sa mahigit 7,000 nating isla?  Sa mahigit na 95 milyong Pilipino? 
Ano’t ano pa man, kung naisin man niyang ambisyuning maupo bilang pangulo sa nalalapit na hinaharap, alam kong ang Pilipinas ay mapupunta sa isang taong may mabuting kamay. 
Kung sakali mang pagkatiwalaan siya ng buong sambayanan, alam kong gagawin niyang mala-Makati ang Pilipinas sa lalong madaling panahon. 
Hindi kayo naniniwala?  Walang imposible.
* * * * *

Ako si McRICH.  Laking Makati.  Batang-Makati.  Batang makati ang paa sa paglalakwatsa.  Batang makati ang kukoteng matuto.  Batang makati ang kamalayang mangarap, tumuklas at magpunyagi.   
Ang MAKATI.  Marikit.  Maunlad.  Pinagpala.
Kung ninais ko mang isalarawan ang Makati ayon sa aking narinig, nakita, naamoy, nalasahan at naramdaman, iyon ay sa pagnanais KOng marinig, makita, maamoy, malasahan at maramdaman rin NINYO ang MAKATIng humubog at nagpalaki sa akin. 
Nais ko ring maglakbay ang inyong kaisipan sa MAKATIng hindi na muling babalik at isa nang kabanata ng kahapon.  Malayo sa isang sakay ng jeep, ng taxi o ng MRT.  Malayo sa konting tipa at konting pindot ng teknolohiya. 
Malayo sa kung ano ang MAKATI sa ngayon.  Malayo sa kung ano AKO ngayon. 
Mas marikit.  Mas maunlad.  Mas pinagpala.


* * *  Ito ang aking LAHOK sa Kategoryang Blog - Sanaysay (Freestyle) ng 4th SARANGGOLA BLOG AWARDS  * * *







Friday, July 20, 2012

Di MASAMA ang Magbenta ng LAMAN

Tandang-tanda ko pa Ate Charo.  Masakit man sa akin.  Mabigat man sa puso ko.  Kahit may bumabagabag sa isipan ko.  Nagpakatatag pa rin ako.  Kailangan kong gawin ito.  Para sa pamilya ko.  At para sa akin.

Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang ko?  Ng mga kaibigan?  Kabalitaan?  At kakampi?

Ano na lang ang sasabihin ng SM at ni Don Tomas Mapua?  Isa pa naman ako sa mga uliran nilang iskolar noon (hehe mai-plug lang).     

Bakit kinailangan kong humantong sa ganito?

Pikit-mata.  Tiim-bibig.  At kinodakan ko na lang muna sina MRS at ang BIDA, bago ako umalis.  Babaunin ko. 

Di ko man kayang iwan sila, pero kinaya ko.





Pagdating ko sa aking destinasyon, nagulantang na lang ako kay Ate.  Walang habas na nagla-like sya sa FB.  Kesehodang andon ako't abot-tanaw sya, ayaw talagang papigil.  

At para kumpleto ang ligaya, ayun at nagpalaman pa sa tinapay ng derikrim habang nagko-comment pa rin sa FB.  At di man lang nang-alok ha.  Makodakan nga.




Pasalamat sya.  Medyo malayo ako.  Kung hindi, gagawin ko talaga itong viral photo e.  Hanggang sa makarating kay PNoy para maturuan sya ng leksyon. 


* * * * *

Hihi.  OA yung reaksyon ko.  Kala mo kung sinong malinis na hindi nag-i-FB sa trabaho.  E sa totoo lang, nagba-blog pa nga ako sa work dati.  Hihi.  Arte ko lang yon.  Artista kasi ako dati.  Haha.  Asa.

At arte ko rin lang ang pasakalye ko sa itaas.  Maiba lang ba.  Ang totoo nyan.  Nagtraining ako sa Technology & Resource Center nito lang July 2 & 3 sa Basic Meat Processing.   






Interestingly (makapag-ingles lang), puro ex-OFWs ang mga kasama ko sa training.  At pareho ko, gusto nilang maging worthwhile ang kanilang pang-araw-araw sa loob ng bahay.  

At pareho ko, pare-pareho kaming walang trabaho hahahahaha. 

   



Ayus naman ang training.  Madali lang gawin at paniguradong may kita kung susundin mo lang si Mam (na rumaraket pa sa edad na 70+ at ayaw sabihin kung sino ang supplier ng mga ingredients yun pala e bebentahan nya kami hay) sa binigay nyang formulation at kung may target market ka na.

Eto nga't nagawa ko na sa bahay, on my own, at nakagawa na ko, at nakapagbenta, ng total 20kg ng tocino at longanisa.   

Yey mayaman na kami!!! 



Canton Longanisa

Lukban Longanisa

Tocino


Finished Product


Sa ngayon kasi, sobrang labo na talagang mangamuhan kami.  At least, kahit nasa bahay lang ako, at nag-aalaga kina MRS at sa aming BIDA, e may added income kami pansamantala.  Pagkapanganak na lang ni MRS kami magdadagdag ng iba pang raket.  

At malayong-malayo man sa kinikita namin dati, sobrang hindi naman matatawaran lalo na't maaalala ko ang mga scenes na ito:







Sulit naman di ba?

Kaya sa iyo na nagbabasa ng blog na ito, gusto kong ulitin ito:  DI MASAMA ANG MAGBENTA NG LAMAN.  Lalo na kung mga LAMAN ko ang bibilhin nyo hihi :)

Bili na po Sir/Mam!

Thursday, December 1, 2011

YOSI Break

Eksena sa bahay nung ika-18th birthday ko.

ME:  Ma may sasabihin ako sa yo.  (Lub-dub, Lub-dub.)
MA:  Ano yon?
ME:  Alam mo Ma si Alfred nagyoyosi na.  Si Jason nagyoyosi na rin.  (Sila yung mga close friends ko na kilala sa bahay.)
MA:  E ikaw?
ME:  Nagyoyosi na rin! (Medyo alert mode baka mabigwasan.)
MA:  Well, choice mo yan.  Just be responsible.
ME:  (Buntong-hininga with matching malaking YES!)  I will Ma!


Kaya yon, ligal akong magyosi sa bahay simula pa nung 18 yrs old ako.  Mas minabuti kong magpaalam ng maayos kasi ayoko ng patago-tago.  Dyahe kasi yung nagyoyosi ka na nga tapos magsisinungaling ka pa.  Doble kasalanan hehe.

Ngayon, habang ginagawa ko tong blog ko, kinom-pute ko kung gano na ba karaming yosi ang nahithit ko sa buong buhay ko:

Age: 19  25  33 years old
Total No. of Yosi Years Since Legalization:  33-18 = 15 years
Total No. of Days in a Year:  365.25 days   
Average No. of Yosi per Day:  4 sticks
Total No. of Yosi Consumption Since Birth:  21, 915 sticks, wapak!

Imagine, 21915 piraso ng yosi na pala ang nahithit-buga ko sa bunganga ko.  E estimate lang yan.  Syempre may mga times na mas adik ka sa yosi lalo na pag malamig o kaya pagkatapos ng masarap na kain o kaya dyumijerbaks o kaya umiinom o kaya e bored ka lang. 

Kaya sobrang happy ko lang na nasa ika-7 na araw na kong YOSI-FREE, woot!

At dahil usapang pang-HEALTH na rin naman ang topic, at puro old gala photos pa lang ang napo-post ko dito, share ko lang ang mga photos sa gala/trabaho ko kahapon (fresh na fresh yey).   


Health & Safety Seminar sponsored by TOTAL.


Breakfast.

The other Pinoy in the seminar, Eduard.

Lunch.


Sweets!

With Indonesian Operations Mngr., Nokke.

 
Sobrang natutuwa lang ako na tuloy-tuloy pa rin ang YOSI-FREE Project ko.  Feeling ko lang, sobrang bango ko lang lately, hihi, at nadagdagan ng million years ang pwede ko pang i-stay sa mundo. 

Para to sa mga mahal ko: McAIM & McCALE (& McNAO).

At para din sa yo to McRICH!

Friday, November 4, 2011

100 Islands

Nagpunta kami ng Pangasinan para sa blessing ng hacienda (bahay) ng Pamilya Zaragoza.  Ito ang aming monicker sa pamilyang Ferran dahil isa silang success story.

Sina tito Jay and tita Perl ay may maliit na tailoring shop sa Mendoza Street sa Makati.  At mula sa kanilang sipag at tyaga ay nagawa nilang papagtapusin ang kanilang 3 bagets sa kursong Engineering: sina Ate Nette, Jason and Joel.

Magpahanggang ngayon ay hindi ko nga mapagtagni-tagni kung pano nagawa ng mag-asawang Ferran na papagtapusin ang kanilang mga anak lalo pa na lahat sila ay nag-aral sa Mapua.  Tuition pa lang pamatay na, e pano pa ang pang-araw-araw na pangbaon saka mga extra gastos sa school gimik/gala projects?   

Sabagay, bibong-bibo rin naman kasi ang tatlong magkakapatid.  Lahat sila naging scholar, at naging masigasig naman talaga sila sa pagbubulakbol pag-aaral.

Siguro, sa pagtutulong-tulong na rin nilang lahat.  At siguro, dahil likas naman talaga silang mababait. 

Kaya naman, super blessed sila ngayon!

Naaalala ko tuloy na parang naging 2nd home ko na ang bahay nila.  Pagkagaling sa bilyaran school, usually ay derecho na kami kina Jason.  Maghahalungkat ng kung anong pwedeng ngasabin sa ref o kaya ay magluluto na lang ng pamatay na Lucky Me pancit canton at maglalaga ng itlog.

Biruin mo, kung sa isang linggo ay ganito ang routine namin, at pagpalagay na lang na 3 times a week e andon ako, di ba ang laking pabigat na para silang carinderiang bukas para sa lahat ng gustong kumain?  Tapos may kaibigan din syempe sina Te Nette pati si Joel.  Tapos may iba pa ring kaibigan si Jason bukod sa akin.  Just imagine that. 

Pero ni isang beses ay hindi ko nabalitaang naghikahos o nangutang o nagbenta ng laman dumaing man lang ang mag-asawang Jay & Perl.  In fact, e ang sasarap nga lagi ng ulam nila (kaya kami laging andon hehe). 

Eto pa: nangungupahan lang sila sa bahay nila sa Makati!

Hindi kaya front lang nina tito Jay and tita Perl ang tailoring shop nila?  At sa ilalim ng shop nila e meron pala silang drug lab?  At ang rason kung bakit nakapagpatayo sila ng bahay sa Aguilar, Pangasinan ay dahil mga drug lord sila?

Hehe joke lang.  Iba lang talaga ang mag-asawang ito.  Dahil sila ay maabilidad, masinop, masipag, mapag-aruga at higit sa lahat, a couple with a BIG heart!

Idol ko nga sila e.  And when I grow up, I want to be like them.

Pero hindi naman pwedeng andon lang kami sa hacienda nila di ba?  Ang lagay ganon na lang yon?  Sayang naman ang pamasahe. 

Hindi nila alam, may maitim talaga kaming balak at ginamit lang namin ang bahay nila para manginain at magkaroon ng ibabaon sa aming tunay na destination: 

ang 100 ISLANDS!

Nagbayad kami ng extra para dalhin kami sa island na hindi malimit puntahan ng mga bakasyonista at hindi part ng usual island hopping package. 

Sabi nung bangkero, dito raw shinooting yung telepantasya ni Claudine na Marina.






Eto naman ang mga pasaway at palakanton na mga kaibigan nina te Nette at Jason.  Actually, payat kami lahat dati.  Sa kakatambay sa kanila, nagsitabaan na kami lahat.


Meng, Lai, Jason, Mike, Che & McRICH 
Natakot ako dito kasi sobrang lalim.
Kita naman sa mukha ko hehe.
High tide na kasi sa jump-off point ng snorkeling area.


Kelan kaya ang reunion trip namin?  Na-emo lang ako bigla.