Friday, July 20, 2012

Di MASAMA ang Magbenta ng LAMAN

Tandang-tanda ko pa Ate Charo.  Masakit man sa akin.  Mabigat man sa puso ko.  Kahit may bumabagabag sa isipan ko.  Nagpakatatag pa rin ako.  Kailangan kong gawin ito.  Para sa pamilya ko.  At para sa akin.

Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang ko?  Ng mga kaibigan?  Kabalitaan?  At kakampi?

Ano na lang ang sasabihin ng SM at ni Don Tomas Mapua?  Isa pa naman ako sa mga uliran nilang iskolar noon (hehe mai-plug lang).     

Bakit kinailangan kong humantong sa ganito?

Pikit-mata.  Tiim-bibig.  At kinodakan ko na lang muna sina MRS at ang BIDA, bago ako umalis.  Babaunin ko. 

Di ko man kayang iwan sila, pero kinaya ko.





Pagdating ko sa aking destinasyon, nagulantang na lang ako kay Ate.  Walang habas na nagla-like sya sa FB.  Kesehodang andon ako't abot-tanaw sya, ayaw talagang papigil.  

At para kumpleto ang ligaya, ayun at nagpalaman pa sa tinapay ng derikrim habang nagko-comment pa rin sa FB.  At di man lang nang-alok ha.  Makodakan nga.




Pasalamat sya.  Medyo malayo ako.  Kung hindi, gagawin ko talaga itong viral photo e.  Hanggang sa makarating kay PNoy para maturuan sya ng leksyon. 


* * * * *

Hihi.  OA yung reaksyon ko.  Kala mo kung sinong malinis na hindi nag-i-FB sa trabaho.  E sa totoo lang, nagba-blog pa nga ako sa work dati.  Hihi.  Arte ko lang yon.  Artista kasi ako dati.  Haha.  Asa.

At arte ko rin lang ang pasakalye ko sa itaas.  Maiba lang ba.  Ang totoo nyan.  Nagtraining ako sa Technology & Resource Center nito lang July 2 & 3 sa Basic Meat Processing.   






Interestingly (makapag-ingles lang), puro ex-OFWs ang mga kasama ko sa training.  At pareho ko, gusto nilang maging worthwhile ang kanilang pang-araw-araw sa loob ng bahay.  

At pareho ko, pare-pareho kaming walang trabaho hahahahaha. 

   



Ayus naman ang training.  Madali lang gawin at paniguradong may kita kung susundin mo lang si Mam (na rumaraket pa sa edad na 70+ at ayaw sabihin kung sino ang supplier ng mga ingredients yun pala e bebentahan nya kami hay) sa binigay nyang formulation at kung may target market ka na.

Eto nga't nagawa ko na sa bahay, on my own, at nakagawa na ko, at nakapagbenta, ng total 20kg ng tocino at longanisa.   

Yey mayaman na kami!!! 



Canton Longanisa

Lukban Longanisa

Tocino


Finished Product


Sa ngayon kasi, sobrang labo na talagang mangamuhan kami.  At least, kahit nasa bahay lang ako, at nag-aalaga kina MRS at sa aming BIDA, e may added income kami pansamantala.  Pagkapanganak na lang ni MRS kami magdadagdag ng iba pang raket.  

At malayong-malayo man sa kinikita namin dati, sobrang hindi naman matatawaran lalo na't maaalala ko ang mga scenes na ito:







Sulit naman di ba?

Kaya sa iyo na nagbabasa ng blog na ito, gusto kong ulitin ito:  DI MASAMA ANG MAGBENTA NG LAMAN.  Lalo na kung mga LAMAN ko ang bibilhin nyo hihi :)

Bili na po Sir/Mam!

65 comments:

  1. rumaraket na sir kahit na di pa masyadong nagagalaw ang yaman galing sa UAE? hehe

    ReplyDelete
  2. Pagbilan po ng laman nyo! hahaha! Sarap nyan! Kumikita na, may instant ulam pa!

    ReplyDelete
  3. mukang magandang sideline ang pagbenta ng laman :D

    ReplyDelete
  4. kamukhang kamukha mo ang anak mo. pinagbiyak na bunga hehehe

    ReplyDelete
  5. Haha, laman pala ha! Helpful yang pagbebentang yan. meron din kami sa church... Mraming natutulungan

    ReplyDelete
  6. Naks naman! Mukhang masarap yung mga gawa nyo po. :) So, OFW pala kayo. Actually yung Daddy ko din kaso 3 years na siyang walang work. Magandang pagkakitaan talaga yan. :) Good luck po sa kabuhayang swak na swak ninyo! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. a dati pong ofw but we're back in the Phils na po :)

      Delete
  7. Interestingly (makapag-ingles lang),
    nabitin ako sa title...
    .
    .
    .
    akala ko'y isang matinding istoryang pang tabloid..
    goodluck sir, sa pagtitinda ng laman,

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha parang alam ko rin yung tabloid na yon haha :)

      Delete
  8. nagulat naman ako sa title ng post mo. Akala ko kung ano na ngayon pala tocino at longganisa ang binebenta mo. Pabili nga., hehehe!

    ReplyDelete
  9. nagulat naman ako sa title ng post mo. Akala ko kung ano na ngayon pala tocino at longganisa ang binebenta mo. Pabili nga., hehehe!

    ReplyDelete
  10. haha gudlak sa pagtitinda ng laman :) nawa'y marami ang tumangkilik :)

    ReplyDelete
  11. i remember nung gumawa kame ng longganisa nuon...minaigraine ako pagkatapos hahaha

    ReplyDelete
  12. Wow malaman! Pwede bang ipost ang ingredients at procedure idol Mc libreng tutorial mo na para mo ng awa hahaha joke lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. gusto mo magfranchise, dali benta ka din dyan :)

      Delete
  13. natakam ako sa longanisa!!!! tocino hindi gaano, kasi kakakain ko lang ng tocino na nakadikit sa....... hahaha..

    musta naman buhay natin tol?

    ReplyDelete
  14. Wow, fav ko ang tocino at longganisa! At ang galing ng gawa mo, pang-professional, taray! May free taste po ba sa binebentang laman?charot!!

    Hong cute ni bida baby!!!!!

    ReplyDelete
  15. ha ha ha you got me! magkano laman mo? lol

    ReplyDelete
  16. hehe, kala ko naman aalis/umalis ka ulit papuntang ibayong dagat, nagbibenta ka na lang pala ng laman. ;-) good luck sa bagong kabuhayan nyo, sana eh dumami ang suki at mag-ala pampanga's best (sensya naman at eto kilala kong brand...hehe) sa kasikatan ang longganisa at tocino nyo. good luck! :)

    ReplyDelete
  17. wahahaha! oo nga di masamang magbenta ng laman!! wow tagal ko na di nakain ng tocino at longanisa!!! sarap yan nagutom ako bigla! ramadan pa naman na dito! waaaaah! musta mc rich?!!! ok lang yan kahit na nag uumpisa kayo ulit basta masaya ang pamilya. God bless

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayus na rin to teh ang importante e sama-sama kami :)

      Delete
  18. sarap naman ng ginawa mo sir. paturo ako. haha

    ReplyDelete
  19. Kahuhayang swak na swak! Wala ba munang free taste dyan?

    ReplyDelete
  20. magandang raket yan. makapagbenta nga rin ng laman. XD

    ReplyDelete
  21. natakam tuloy ako sa laman..na niluto mo..wahaha

    ayush yan! naalala ko tuloy yung mga teacher ko nun na sumasideline ng tocino..plus points pag bumili ka!! strategy..wehehe

    ReplyDelete
  22. hahaha nakakatuwa! tagal ko rin hindi nadalaw dito at nakakatuwa ang iyong mga pinagkakaabalahan kuya. oo naman naisip ko na rin magbenta ng laman pero hindi tulad ng pagkakagawa ng laman mo. hhohoho!

    more power sa iyo kuya at sa iyong business. sana ay dumami pa ng dumami ang inyong raket!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat sa dalaw hoshi ano pa kayang pwedeng iraket?

      Delete
  23. galing naman! nung isang araw lang naalala kong gusto kong matutong gumawa ng longanisa. tapos pagbalik ko dito sa bahay mo ito talaga ang madadatnan ko. ikaw na! ikaw naman ang magtayo ng training center at bentahan mo rin ang mga magiging estudyante mo. :-)))

    good luck sa business na ito. malay mo dahil dito at sa ibang raket pa, e di ka na mangailangang umalis. kasama mo na palagi sina MRS, ang unang BIDA at ang ikalawang BIDA :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha why not sana tuloy tuloy na pero for now di na kami talaga aalis muli :) salamat mam sa dalaw!

      Delete
  24. akala ko kung anong LAMAN. :D
    ansarap naman po nyan, paturo...
    --blogwalking

    ReplyDelete
  25. 5 kilong longanisa saka 5 kilong tocino please? Pakideliver dito! LOL

    ReplyDelete
  26. nakakatakam naman yan. naalala ko tuloy nung gumawa kami ng christmas ham, german sausage at longanisa. ok na kumukitang kabuhayan yan.

    ang gwapo ni BIDA. pwede bang hintayin yan?hehehe

    ReplyDelete
  27. kung malapit ka lang sa iyo na ako bibili ng laman, este ng tocino at longganisa! pero good luck dyan, alam ko bobongga yan :)

    ang cute cute ni BIDA! nangigil na lang ako sa ka cute-an nya :))

    PS. pwede ba pumunta sa meat processing seminar para kumain lang? nagutom ako sa pics ng mga meat e haha :)

    ReplyDelete
  28. hmmm mukhang nakapag-comment na ako rito... kuya pa-check na lang sa spam folder mo baka napasama.

    pero buod noon ay more power sa iyo at sa iyong pamilya!

    ReplyDelete
  29. Nakakatuwa ang blog mo, hehe! I will be back soon!

    ReplyDelete
  30. hahaha adik ka talaga... kala ko kung anung laman yun... tas may picture ni baby.. hehehe... anyways sana lumago nga yan.. sarap pa naman...

    ReplyDelete
  31. Hahaha. Ayos, natakam ako sa laman mo, bossing. Lalo na ng makita kong naprito na. Ang sarap nyan for breakfast.

    Ako'y nagpupugay sa iyo dahil mabuti kang ama. Palakpakan. Nawa'y maging matagumpay ang papasukin mong mga negosyo. Walang substitute ang kaligayahan kapag kapiling ang pamilya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku di naman po masyado hihi :) naghahanap lang talaga ng raket for now, salamat sir!

      Delete

Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?