Sunday, April 15, 2012

Si GLENTOT

ang pinakapaborito kong Humor blogger sa kalakhang blogosperyo.  In fact, sa sobrang kapaborituhan ko sa kanya e kinarir ko ang pagbabasa ng mga posts nya sa Wickedmouth, (simula sa kauna-unahang post hanggang sa kasalukuyan).  Peksman kahit magka-quiz bee pa hehe.

Sobrang laugh trip naman kasi. 

Yung tipong mapapahagalpak ka ng tawa tapos mapapatingin sa paligid kasi baka akalaing baliw ka.  Ikaw ba naman kasi ang humalakhak mag-isa.

Minsan naman may kasama pang luha.  Tears of joy.  Gumaganong level. 

Ang galing nya lang kasing i-turn ultimo ang mga di kagandahang pangyayari sa buhay nya into something funny.  Without even trying. 

Nakakatawa na, magaling pa ang pagkaka-kwento, at madali pang intindihin ang bawat post, kaya PALAKPAKAN!


* * * * *


Para kumpletuhin na rin ang the-Wickedmouth-experience, pasyalan na rin natin ang hometown ni Glentot...  ang BOLINAO.

Sa palagay ko, sobrang underdog ng Bolinao, kasi pag sinabi mong Pangasinan, lagi na lang Hundred Islands ang agad na tumatatak.  Don't get me wrong, maganda din ang Hundred Islands pero Bolinao has a lot more to offer na hindi nakakaumay.  Ibang level ng adventure kumbaga.  

Tulad nitong PATAR Beach.  Kung titingnan mo, parang napaka-mahinahon.  Mapayapa.  Parang chill lang.   







Pero try mong lumapit, sige lapit lang.

Kulang na lang pati kaluluwa mo e iwasiwas at ihiwalay sa katawang-lupa mo.  Parang may poot.  Ayaw magpa-swimming? 





Ibang adventure naman ang hatid ng UP Bolinao

Nalaman kong marami pa rin palang may busilak na puso at ginintuang kalooban, na nag-aalaga sa ating mga likas na yaman, para sa susunod na henerasyon. 


Giant Clams

Seaweeds

Sea Urchin


Kung nagsawa ka naman sa kahit anong may kaugnayan sa beach, aba e di mag-Caving ka naman! 

Pasok na sa Enchanted Cave.






At lusot na sa kailaliman ng lupa para ma-experience ang malinaw, malamig at malinis na tubig ng kweba.







Sabi ng tour guide namin na European, biruin mo European talaga (binili nila yung beachfront property kung saan kami nagstay, hanyaman, at korek, in English ang tour, buti na lang Best in English si Leng nung elementary kaya may interpreter kami), meron daw movie-ng ginawa dito sa Bolinao Lighthouse.  Nalimot ko lang yung title.   





Dito pwede ang eksenang mga ganito. 


Kodak-kodak with Ma, overlooking the Bolinao shoreline



Sa Villa Carolina kami nag-stay kasi nakakuha kami ng magandang discount.  (Di ko na matandaan kung pano ko nalaman na ang kapatid ng may-ari, na asawa nung European, e Mapuan.)

Dito, tunay na mahinahon ang dagat.  Excellent for beach-bumming at langoy-langoy-aso.









Kitam.  Sobrang adventure-packed ng Bolinao and it is not-your-usual island hopping getaway.  Unique ang mga tourist spots.  Mura lang ang bilihin.  Mababait pa ang mga tao.

At ito siguro ang dahilan kung bakit andaming kwento ni Glentot.  


BOLINAO, the TU-TUT of Pangasinan. 
(Alamin nyo na lang sa Wickedmouth kung ano yung TU-TUT!)



56 comments:

  1. hahaha! idol ko din yan si glen galing-galing nya kasi eh, di pa nga sya nagsasalita nakakatawa na! hehehe peace glen!! lab yah!

    ReplyDelete
  2. Maganda pala home town ni glentot. Kaya pala.......

    ReplyDelete
    Replies
    1. punta kayo don ni heaven mo sa bakasyon, sulit na sulit!

      Delete
  3. will try to visit Bolinao, if given a chance this year... mukhang mganda ang lugar

    ReplyDelete
  4. gusto ko ding pumunta ng bolinao!

    oo mahusay na blogger talaga yang si Glentot!

    ReplyDelete
  5. wow ang ganda ng place. gusto ko yang mga cave cave na yan. Thanks for sharing. Gusto namin yang mga malalapit na destination. Akalain mo meron palang ganyan sa Pangasinan lang. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. masarap don sa cave at tyempong walang tao nung pumunta kami, i just wonder pag summer kung gano kapuno yon.

      Delete
  6. may duda akong nakainom yan ng maraming tubig alat sa dagat yang si glentot kaya ganyan mag-isip...balahura!! nyahaha

    dagdag ko na 'to sa travel list ko..weeee!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha malamang don sa patar beach, ang beach na may poot!

      Delete
    2. This comment has been removed by the author.

      Delete
  7. hi there!

    makapunta nga rin dyan sa bolinao ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo pwede kayong magchill lang dito saka mura pa :)

      Delete
  8. Yan ang kauna-unahang blog na binabasa ko. once in blue moon lang kong mag post. pero wala akong pinapalampas bast post niya. pag nabasa ko ang salita na Glentot
    siya lang ang maiisip mo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo kakaadik naman kasi magbasa ng posts nya di ba?

      Delete
  9. bongga naman pala ang Bolinao. Thank you at shinare mo to, kasi kung may nagsabi sa akin dati na 'punta tayo sa Bolinao!' malamang sasagot ko ay 'ano meron dun?' ngayon alam ko ng maganda pala dun! sana makapunta ako! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. sama mo na sya sa mga empty slots mo for 2012 before the end of days!

      Delete
  10. mahusay talagang blooger si sir Glentot. Isa sa aking mga hinahangaan na blogger..

    unang dalaw ko pala dito..

    magandang araw po sa inyo :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. pupunta si iya-khin sa friday may swimming ata pero di ko sure kung makakapunta kami, balitaan ka namin, no ba mobile # mo?

      Delete
    2. hala mali ako ng reply, para ke ayie dapat hehe, anyway salamat po sa pagtambay at sana malagi ka sa bahay ko!

      Delete
  11. Koyaaaa! Kelan ang uwi nyo, di ba pwedeng EB muna? Set up na yan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. teh andon yung comment ko kay istambay :) ano nga mobile mo?

      Delete
  12. Kapit-bayan ng aking bayang sinilangan ang bolinao pero di pa ako nakakarating dito, sana mapuntahan ko 'to balang araw. :)

    Na-curious ako kay Glentot, makadalaw nga din sa lungga nya. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo dalaw ka sa kanya esp kung gusto mong matanggal ang yong lumbay at nais tumawa :)

      Delete
  13. Na-curious tuloy ako kung ano ang Tu-Tut, hahaha. Ako din pag Pangasinan ang nasa utak ko lang Hundred Islands. Meron pa lang magandang lugar dun na super fresh pa. Ang ganda pati ng tubig, green and blue pa. Sa ibang beach kasi kulay brown na ang tubig.

    ReplyDelete
  14. NAKS! A post dedicated to Pareng Glentot and his hometown.

    ReplyDelete
  15. wow wow wow .. wala akong masabi.

    its more fun in glentots hometown :)

    ReplyDelete
  16. naku mabasa ang blog nya at talagang gusto ko ring tumawa.

    thanks din sa pagsi-share about sa Bolinao at least ngayon mayroon ng alam na mabibisita sa Pangasinan. Tama ka Hundred Island lang ata ang alam ko roon. hehehe

    mabuhay!

    ReplyDelete
    Replies
    1. punta na sa bolinao hoshi, dapat ata maging tourism ambasador na ko hehe :)

      Delete
  17. miss ko na uwi jan sa pinas... ermmm... btw nice place.. sana 1 day pag naka uwi me jan maka punta ako dyan... =)

    ReplyDelete
    Replies
    1. talaga kelan pa huling uwi mo? naku for sure miss mo na ang pinas madam! salamat sa pagbisita :)

      Delete
  18. hahaha talaga itong si glentot may pinagtataguan palang magandang bayan.. hehhee

    ReplyDelete
    Replies
    1. kaso sir anlayo mo, maganda sanang bisitahin mo habang bagets ka pa :)

      Delete
  19. ang ganda!! type ko tlga ang beach and caving! :) Ganda ng view sa villa carolina.

    ReplyDelete
    Replies
    1. pinakagusto ko dito yung sa cave, very unique, salamat po madam sa pagbisita ha!

      Delete
  20. Hahahaha! Grabe salamat sa pag-introduce mo kay Glentot. Ang totoo nyan, intro pa lang ng post nya, humalakhak na ko. Wagas kasi. Hahaha! AT totoo ka jan, walang effort! Tatapusin ko basahin yung post nya maya maya.

    Kumento muna ko syempre sayo dito. So, ang ganda ganda naman jan sa pinuntahan mo. Maliban sa maganda ang tanawin, gayundin ang mga tao. true yan, ang ganda ng mga ngiti.

    Sya dumito ko kasi napadalaw ka din sa blog ko. At isang kasiyahan ang mapatawa kita, (sana) sa kwento ni lelang at ni nani.

    Hanggang sa muli!

    Ningning ng www.athomeakodito.blogspot.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. hi rona, sure dadalaw-dalaw ako sa bahay mo for sure at salamat din sa dalaw ha!

      Delete
  21. waaah!bolinao. gawd!namiss ko tuloy ang pangasinan. lagi lang akong napapadaan sa bolinao pero never pa akong namasyal dyan malayo kasi sa amin yan..marami pang magandang pasyalan sa pangasinan..ang alam ko may white beach sa bolinao eh.

    ReplyDelete
    Replies
    1. talaga teh naku, magandang puntahan yan kung ganon!

      Delete
  22. ang ganda, yan gusto ko rin itry ang mga caving!

    ReplyDelete
    Replies
    1. maganda talaga kasi nagshooting din don yung kina marian/dingdong na teleserye pati yung marina ni claudine, may mga pics sa may bungad as proof :)

      Delete
  23. Ah yes. si Glentot. Isa sya sa mga iniidolo kong humor bloggers. :D Galing sumulat at ganda tumayming ng punchlines. hehe..

    Nakapunta na rin ako ng Bolinao.. Of course, Patar Beach, Enchanted Cave tsaka yung lighthouse. February of last year. hehe.. Ganda dun. Medyo malayo ang byahe pero sulit naman. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow na-miss kita leah, ngayon lang kita ulit nakita sa lungga ko! good for you, madami pa kasi ang hindi nakakaalam ng bolinao, kya shinare ko to :)

      Delete
  24. I spent my last weekend in Pangasinan (Malimpuec). We were planning to hit Lingayen beach pero sobrang init. We decided to stay sa hotel na lang.

    Been to Alaminos before, I enjoyed it. Went to see the sunrise in Lingayen gulf years ago, it was awesome.

    Bolinao - wow! Ang ganda ng beach at madami palang mapupuntahan. Thanks for sharing. Makapunta nga dito soon.

    ReplyDelete
  25. hala hiyang hiya ako. parang lahat nabasa na ito ako na lang ang hindi. maraming maraming salamat sa pag"feature" sa akin lol kebs na sa bolinao ahaha. salamat salamat at sorry ngayon ko lang ito nabasa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa wakas after 7 mos ahaha thanks din Glenn sa mga pamatay mong posts! Sana di ka magsawang magblog alang alang sa milyon milyon mong fans naks :)

      Delete

Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?