Thursday, April 5, 2012

JOY Ride

Ganon pala talaga pag nagkaka-bagets no.  Kulang na lang, buong bahay mismo ang bitbitin sa kada gala.  Malayo o malapit man.

Favorite unan, kumot, sando, long-sleeved shirt, lampin/pamunas, diaper, sumbrero, sapatos, wilkins, gatas, dede, snacks, wet ones, organic oil (para sa mga lamok), car seat, stroller, battery-operated fan, etc.

Pang-short gala pa lang yan ha!  E pano na pag overnight?  At pano pag more than a night pa?

Madagdagan naman ng sterilizer, organic liquid soap para panghugas ng dede, bubble wash, twalya, kulambo, vitamins, toys, more & more damit, more & more snacks, at more & more diapers. 

Yan, ladies and gentlemen (and to my 3 avid readers **sana naman madagdagan** aww), ang tinatawag na JOY Ride!   





Dito kami napadpad nung naisipan naming maglagalag, one sunny, wonderful, kakatamad-sa-bahay, nangangati-ang-paa-namin at meron-pa-kaming-pangpa-krudo-kay-ganda day.






Pag may bagets ka na, ultimo kain, dapat madalian.  Hindi na pwede ang sweet-sweetan ng maglovey-dovey o magpa-susyal pa sa pagsubo.  Sa moment na matapos ang isa sa paglafang, sub agad sa ka-tug-team para yung isa naman. 

Mas importante na ngayon ang magkaroon ng enerhiya para sa mga umaatikabong aktibidades ahead.





Ang bagets naman namin sa ngayon e para lang kumakanta ng A Whole New World. 

Lahat sa kanya bago.  Lahat learning opportunity.  Lahat maganda.  Lahat makulay.  At lahat, kumukuti-kutitap.


Mommy with Caleb and GANSA




Turo dito, turo don.  Takbo dito, takbo don.  Ayaw pahawak.  Titigil sa lakad.  Ngingiti.  At tatawa ng walang kasing tunay at wagas. 

Oo nakakaadik talaga sya. 








Pero kahit pagod ka na, sa iyong mga dala-dala.  Kahit nagkakanda-kuba pa sa kaka-agapay sa kanya.  At kahit na natuka ka pa ng GANSA sa paa, haha, right mommy?

Bakit ganon?  Wala pa ring kasing-saya!


We are coming HOME :)

56 comments:

  1. korek!

    naku lalo ko nnmn namiss ang bida, konting konti nlng dadating na si Mommey at Daddey!

    from McAim :D

    ReplyDelete
  2. pwede ba magprisintang yaya sa susunod na lakad niyo? =))

    ReplyDelete
  3. nakakatuwa talaga ang mga kinikilos ng bata :) mabuti may mga naipon kang litrato na babalikan niya pag tanda niya

    ReplyDelete
    Replies
    1. opo sir, isa po talaga sa aking purpose kung bakit ako nagba-blog :)

      Delete
  4. Bagets na bagets.Magugulat ka na lang nanliligaw na yan si Caleb.

    ReplyDelete
  5. ang cute ng baby. :D

    may inaanak ako ganyan din sa baby mo tapos nung lumalaki, mas lalong kumukulits. haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. talaga ninong? sana di kumulits nang husto ang bagets namin!

      Delete
  6. Ang cute naman ni Caleb! Pag ganyan ang kakulitan, tanggal talaga pagod nyo. :)

    PS: Isa ko sa avid readers ha, na-late lang ng dating dito...hehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. actually 1 out of 3 ka nga, ikaw, si mrs saka ako = 3, salamat tpw!

      Delete
  7. Ako idol, di pa ako binibiyayaang magkabagets hehe pero kung makabitbit 3-4 na bag kala mo one year titira kung san. Pagbalik pa pauwi doble ang bitbit, inuwi halos pati ang buhangin sa beach :D Btw, your kid looks happy and well-raised. I think you and your wife are both good parents and are good examples. Way to go!

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat gracie, we owe it to my in-laws, pero malapit na kaming magsama for for the better :)

      so am sure you'd be ready pag dumating na ang time monng magbitbit ng sangkaterba when you have your own bagets na!

      Delete
  8. Walang kasing saya talaga at kitang kita naman ang ebidensya sa mga photos! Love the butterfly pic!

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat anney, di ko makuhanan ng ayos yung butterfly kaya hindi masyadong ma-recognize hihi :)

      Delete
  9. naman!!! ako nga miss ko na din anak ko,yung bonding namin na syang tunay!!! ay namiss ko din yung tickle torture nila sa aking magtatay! hehehe

    uy kelan ka uuwi na?!

    ReplyDelete
    Replies
    1. sa May na iya, at umaasa akong magkaka-eb pa tayo bago man lang ako umuwi sige na!

      Delete
  10. Nagbalik dito para i greet you and your family Advance Happy Easter! Thanks for the visit and comment!

    ReplyDelete
  11. Replies
    1. happy easter din at nang-grab pala ko sa isa sa mga obra mo ha, tapos ni-link ko naman dito, bless you more!

      Delete
  12. haha nahaggard na sa kahahabol kay cutie, pero enjoy pa din! sweet :)dapat may trailer van na ata para bitbit na lahat tuwing may gala :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha magandang idea yon, magkano nga kaya ang trailer van :)

      Delete
  13. Buti na lang yon lang dinadala mo. My kid #2 is super hikain at may environmental allergies kaya wherever we go, I bring an extra bag for his meds, enhaler, nebulizer atbp.

    By the way, cute kid you have there. Love the last photo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. talaga? but am sure he/she will get better when he/she grows up. salamat po!

      Delete
  14. natuwa naman ako sa post na to.

    ang kyut ni bagets.

    :)

    inspiring parents kayo ^^

    ReplyDelete
  15. naka ng! nakakainggit ka, ser. ganiyan din kaya ang pakiramdam ko pag naanakan ko na rin si dude? teka, parang ang sagwa ata ng pagkakasabi ko. lol!

    andito ka na ba sa pinas? kung andito ka na, enjoy. it's more fun in the philippines daw. kung wala pa, have a safe trip.

    pakikumusta sa bagets mong si caleb. XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. l, wag nyo na patagalin ni dude, magtaling puso na kyo, believe me, mas magiging madali ang lahat pag magka-tulong na kayo, salamat sa dalaw lio :)

      Delete
  16. nice! namiss ko ang aking bagets :)

    ReplyDelete
  17. A very loving post. ramdam na ramdam ko ang love mo for your son. oo nga no? para kang alalay ng artista pag may baby na. wala pa akong baget pero may mga pamangkin and pag mag out of town trip kami or kahit short trip lang isang malaking bag talaga para sa kanila lang.

    tama na enjoyin lang ang moment with bagets, dadating ang time makikiusap ka na sumama sya sa inyo. hehe.. pag nagka sariling mundo na sila mamimiss nyo din ang pag-hyper nya..

    Ang cute ni Caleb and super like ko ang name nya. Name ng favorite (gwapong) character sa pinapanood kong TV Series (pretty Little Liars) hehe..

    ReplyDelete
    Replies
    1. kaya kami nagdesisyong bumalik kasi sobrang bilis ng panahon at marami kaming nami-miss sa paglaki nya :) salamat at nagustuhan mo ang pangalan nya mayen!

      Delete
  18. ang kaligayahan ni bagets ay isa lang sa pagpapatunaya kung gaano kasaya ang pagsasama niyong mag-asawa...

    salamat po sa pagbisita sa aking blog...

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku sana nga ay masaya ang bagets namin :) salamat f!

      Delete
  19. Ang cute naman ng bagets nyo :) di bale sa kakahabol sa kanya mapapanatili ang pagiging fit niyo. Para na rin kayong nag-exercise at marathon. hehehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. parang ganon na nga sey, yung mahirap lang yung medyo nakayuko ba, habang humahabol!

      Delete
  20. ganyan nga raw talaga pag nagkakaanak na pero at least di ba walang kapantay na happiness. hayaan mo kuya at least ngayon may youtube na sa mga how to-how to dati yung mgha daddies kailangan pang magtanong kina tatay at nanay o kina biyenan. hehehe

    more power and mabuhay!

    ReplyDelete
    Replies
    1. true hoshi, madami nang means ngayon for parenting ng mga daddies like me :)

      Delete
  21. ang cute cute ni bagets sa last pic. he's so adrable. hintayin ko paglaki nya!=D

    ReplyDelete
  22. sali ka sa timpalak sa http://tulangtagalogsamindanao.blogspot.com kaibigan....

    ReplyDelete
  23. when i saw the photo that he's smiling (i dont know his gender so by default it's he, forgive me. ) I smiled, the photo shows how you really pamper him, at natwa ako, panu nga naman pag sobrang magsstay na talaga kayo for a week in a vaction? hahahha, naku buong brgy siguro ang dala mu.

    Sakripisyo magalaga pero i think payed-off naman kapag nagsmile na ang anghel. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. totoo o, okay ang lahat ng sakripisyo pag dama naming okay ang bida ng aming buhay :)

      Delete
  24. ok lang yan tsong.. cute naman siya. hahaha

    ReplyDelete

Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?