Showing posts with label Cavite. Show all posts
Showing posts with label Cavite. Show all posts

Thursday, May 10, 2012

MAMI

MAMI-miss ko...

ang mga buwis-buhay training tulad nito, na kailangan mong mag-chill at kalma lang sa loob ng lumulubog na helicopter-replica at lumangoy afterwards na parang walang nangyari.  




ANSAYA nito pwamis, lalo na nung UMIKOT at NAKATIWARIK ka sa loob!
 
PINATALON din kami sa platform na nasa likod ko, KITA nyo? 




ang magtrabaho sa United Colors of Benetton habang kumakanta ng We are the World, We are the Children and It's a Small World Afterall.  


Kasama ang mga YARD People.


Kasama ang mga PLANT People.

Ito talaga ang UCB:  Algerian, Indonesian, Irish, Nigerian, French, English, Lebanese, FILIPINO at Canadian!

Dunong-dunungan Moment.




ang kumain ng masasarap na sweets na galing sa puwits.






ang mababait na CGmates, mula nung SINGLE to DOUBLE, na walang kahilig-hilig kumain at magtawanan ng walang humpay (habang kumakain pa rin).



Ispeysyal Number with Singles CG.  Si Rogel parang may POOT sa mga mata LOL :)

Kain kina Kumpadreng Kuya Danny (miss na namin kayo), si Marts hindi nag-pray haha :D

Kain sa Beach (nung Surprise Birthday Party ni Mrs)!


Our LAST Big Group (nung Surprise Birthday Dinner ko naman)!




ang i-enjoy ang init ng disyerto lalo pa't kasama mo ang nagse-sexy-han at baba-boom girls, a.k.a. The HEBIGATS.


We LOVE you Hebigats, IPON lang at hakutin ang YAMAN ng UAE!



Pero MAS, SOBRA, LALO, HIGIT, SUPER, OA naming MISS ang aming BIDA, kaya ALAM na.  
  
Di na TAYO maghihiwalay ANAK, PANGAKO yan!


Ang aming BIDA!

Thursday, April 5, 2012

JOY Ride

Ganon pala talaga pag nagkaka-bagets no.  Kulang na lang, buong bahay mismo ang bitbitin sa kada gala.  Malayo o malapit man.

Favorite unan, kumot, sando, long-sleeved shirt, lampin/pamunas, diaper, sumbrero, sapatos, wilkins, gatas, dede, snacks, wet ones, organic oil (para sa mga lamok), car seat, stroller, battery-operated fan, etc.

Pang-short gala pa lang yan ha!  E pano na pag overnight?  At pano pag more than a night pa?

Madagdagan naman ng sterilizer, organic liquid soap para panghugas ng dede, bubble wash, twalya, kulambo, vitamins, toys, more & more damit, more & more snacks, at more & more diapers. 

Yan, ladies and gentlemen (and to my 3 avid readers **sana naman madagdagan** aww), ang tinatawag na JOY Ride!   





Dito kami napadpad nung naisipan naming maglagalag, one sunny, wonderful, kakatamad-sa-bahay, nangangati-ang-paa-namin at meron-pa-kaming-pangpa-krudo-kay-ganda day.






Pag may bagets ka na, ultimo kain, dapat madalian.  Hindi na pwede ang sweet-sweetan ng maglovey-dovey o magpa-susyal pa sa pagsubo.  Sa moment na matapos ang isa sa paglafang, sub agad sa ka-tug-team para yung isa naman. 

Mas importante na ngayon ang magkaroon ng enerhiya para sa mga umaatikabong aktibidades ahead.





Ang bagets naman namin sa ngayon e para lang kumakanta ng A Whole New World. 

Lahat sa kanya bago.  Lahat learning opportunity.  Lahat maganda.  Lahat makulay.  At lahat, kumukuti-kutitap.


Mommy with Caleb and GANSA




Turo dito, turo don.  Takbo dito, takbo don.  Ayaw pahawak.  Titigil sa lakad.  Ngingiti.  At tatawa ng walang kasing tunay at wagas. 

Oo nakakaadik talaga sya. 








Pero kahit pagod ka na, sa iyong mga dala-dala.  Kahit nagkakanda-kuba pa sa kaka-agapay sa kanya.  At kahit na natuka ka pa ng GANSA sa paa, haha, right mommy?

Bakit ganon?  Wala pa ring kasing-saya!


We are coming HOME :)