Ganon pala talaga pag nagkaka-bagets no. Kulang na lang, buong bahay mismo ang bitbitin sa kada gala. Malayo o malapit man.
Favorite unan, kumot, sando, long-sleeved shirt, lampin/pamunas, diaper, sumbrero, sapatos, wilkins, gatas, dede, snacks, wet ones, organic oil (para sa mga lamok), car seat, stroller, battery-operated fan, etc.
Pang-short gala pa lang yan ha! E pano na pag overnight? At pano pag more than a night pa?
Madagdagan naman ng sterilizer, organic liquid soap para panghugas ng dede, bubble wash, twalya, kulambo, vitamins, toys, more & more damit, more & more snacks, at more & more diapers.
Yan, ladies and gentlemen (and to my 3 avid readers **sana naman madagdagan** aww), ang tinatawag na JOY Ride!
Dito kami napadpad nung naisipan naming maglagalag, one sunny, wonderful, kakatamad-sa-bahay, nangangati-ang-paa-namin at meron-pa-kaming-pangpa-krudo-kay-ganda day.
Pag may bagets ka na, ultimo kain, dapat madalian. Hindi na pwede ang sweet-sweetan ng maglovey-dovey o magpa-susyal pa sa pagsubo. Sa moment na matapos ang isa sa paglafang, sub agad sa ka-tug-team para yung isa naman.
Mas importante na ngayon ang magkaroon ng enerhiya para sa mga umaatikabong aktibidades ahead.
Mas importante na ngayon ang magkaroon ng enerhiya para sa mga umaatikabong aktibidades ahead.
Ang bagets naman namin sa ngayon e para lang kumakanta ng A Whole New World.
Lahat sa kanya bago. Lahat learning opportunity. Lahat maganda. Lahat makulay. At lahat, kumukuti-kutitap.
![]() |
Mommy with Caleb and GANSA |
Oo nakakaadik talaga sya.
Pero kahit pagod ka na, sa iyong mga dala-dala. Kahit nagkakanda-kuba pa sa kaka-agapay sa kanya. At kahit na natuka ka pa ng GANSA sa paa, haha, right mommy?
Bakit ganon? Wala pa ring kasing-saya!
We are coming HOME :)