Showing posts with label Bolinao. Show all posts
Showing posts with label Bolinao. Show all posts

Friday, December 14, 2012

KAPAMILYA Ako

Isang beses pa lang ako nakapunta sa opisina ng ABS-CBN (Star Cinema) sa tanang buhay ko.  Ito'y noong nagwagi ako sa pakontes para sa promo ng Tanging Ina, The Movie. 


Our TANGING INA Winning Photo


Simple lang ang mekaniks nito: Picture ni Inay + eksplenansyon kung bakit si Inay ay isang Tanging Ina = 2 Premiere Night Tickets + Poster.  Ang simple lang ng premyo no, pero napasaya nito si Inay ng sobra dahil nakita na niya si Ai Ai delas Alas ng personal at isa siya sa mga unang humagalpak ng tawa sa tuwang dulot ng Tanging Ina.  

Pero teka, hindi lang pala si Inay ang naging masaya sa pangyayaring ito sa buhay namin.  Pati pala ako.

Tandang-tanda ko pa noong pumasok ako sa gate ng ABS-CBN.  Otomatiko talaga ang ngiti sa mga labi ko.  Magaan ang pakiramdam.  Parang pakiramdam na at home ka.  Bawat hakbang ko parang sigurado.  Parang matagal na kong nakapunta don.  Para akong taga-roon.  Nagpalinga-linga ako.  Umasang makakita ng iniidolo.  Pero wala.  Gayunpaman, noong nakarating ako sa opisina ng Star Cinema, lalo akong sumaya.  Nakahirit kasi ako ng isang ekstra tiket para sa kapatid ko.  Dito ko lalong napagtantong iba talaga ang Kapamilya.  Hindi madamot.  Tunay na mapagbigay.  Galante.

Bakit ako masaya bilang Kapamilya?  Kasi 'pag Kapamilya Star, siguradong Star.  Star sa kantahan.  Sa sayawan.  Sa artehan.  Sa hosting.  Dito ang mga Star ay versatile.  Hindi importante ang panlabas na kaanyuan.  Kasi kahit hindi ka nakasalo ng kaiga-igayang face value, basta ba't may Star quality ka, pak na pak ka na.  Parang ganito lang:  kailangan marunong kang magGangnam Style habang tumutulay ka sa alambreng nanggigitata sa kalawang at nag-aantay sa 'yo ang jumbohalang si Lolong na mataimtim na nanalanging magkamali ka sana sa dance step o mapigtal na sana ang kalawanging alambre para may pang-minindal na sya sa araw na iyon.  Madali lang 'di ba?  Kaya nga taon-taon, laksa-laksa ang mga nagbabakasakaling mapabilang sa hanay ng mga maririkit na Bituin ng ABS-CBN.  

Gusto ko rin bang maging Bituin ng ABS-CBN?  Bakit naman hindi ahahaha.  Pero sa totoo lang, mas gusto kong magtour-tour with tour guide sa studio nila.  Makapanood lang ba ng taping ng ASAP o ng Showtime tapos makapagpa-picture sa mga makikinang na Stars.  Alam mo 'yon, yung bisitang expected ka na parating, hindi naggate-crash o namilit makapasok, at bibigyan ka ng pinakamatinding pang-iistima bilang importanteng panauhin nila.  Imposibleng mangyari pero nangangarap lang naman.  Malay mo.

Sa totoo rin, gusto ko lang talagang sumuporta at ibigay ang aking boto sa ABS-CBN bilang Most Favorite TV Station of 2012.  Parang pasasalamat na rin sa patuloy nilang pagsasahimpapawid ng mga palabas na de-kalibre, napapanahon at walang kupas --- In the Service of the Filipino, Worldwide.



  



Ang proyektong ito ay sa kagandahang-loob ng

Sunday, April 15, 2012

Si GLENTOT

ang pinakapaborito kong Humor blogger sa kalakhang blogosperyo.  In fact, sa sobrang kapaborituhan ko sa kanya e kinarir ko ang pagbabasa ng mga posts nya sa Wickedmouth, (simula sa kauna-unahang post hanggang sa kasalukuyan).  Peksman kahit magka-quiz bee pa hehe.

Sobrang laugh trip naman kasi. 

Yung tipong mapapahagalpak ka ng tawa tapos mapapatingin sa paligid kasi baka akalaing baliw ka.  Ikaw ba naman kasi ang humalakhak mag-isa.

Minsan naman may kasama pang luha.  Tears of joy.  Gumaganong level. 

Ang galing nya lang kasing i-turn ultimo ang mga di kagandahang pangyayari sa buhay nya into something funny.  Without even trying. 

Nakakatawa na, magaling pa ang pagkaka-kwento, at madali pang intindihin ang bawat post, kaya PALAKPAKAN!


* * * * *


Para kumpletuhin na rin ang the-Wickedmouth-experience, pasyalan na rin natin ang hometown ni Glentot...  ang BOLINAO.

Sa palagay ko, sobrang underdog ng Bolinao, kasi pag sinabi mong Pangasinan, lagi na lang Hundred Islands ang agad na tumatatak.  Don't get me wrong, maganda din ang Hundred Islands pero Bolinao has a lot more to offer na hindi nakakaumay.  Ibang level ng adventure kumbaga.  

Tulad nitong PATAR Beach.  Kung titingnan mo, parang napaka-mahinahon.  Mapayapa.  Parang chill lang.   







Pero try mong lumapit, sige lapit lang.

Kulang na lang pati kaluluwa mo e iwasiwas at ihiwalay sa katawang-lupa mo.  Parang may poot.  Ayaw magpa-swimming? 





Ibang adventure naman ang hatid ng UP Bolinao

Nalaman kong marami pa rin palang may busilak na puso at ginintuang kalooban, na nag-aalaga sa ating mga likas na yaman, para sa susunod na henerasyon. 


Giant Clams

Seaweeds

Sea Urchin


Kung nagsawa ka naman sa kahit anong may kaugnayan sa beach, aba e di mag-Caving ka naman! 

Pasok na sa Enchanted Cave.






At lusot na sa kailaliman ng lupa para ma-experience ang malinaw, malamig at malinis na tubig ng kweba.







Sabi ng tour guide namin na European, biruin mo European talaga (binili nila yung beachfront property kung saan kami nagstay, hanyaman, at korek, in English ang tour, buti na lang Best in English si Leng nung elementary kaya may interpreter kami), meron daw movie-ng ginawa dito sa Bolinao Lighthouse.  Nalimot ko lang yung title.   





Dito pwede ang eksenang mga ganito. 


Kodak-kodak with Ma, overlooking the Bolinao shoreline



Sa Villa Carolina kami nag-stay kasi nakakuha kami ng magandang discount.  (Di ko na matandaan kung pano ko nalaman na ang kapatid ng may-ari, na asawa nung European, e Mapuan.)

Dito, tunay na mahinahon ang dagat.  Excellent for beach-bumming at langoy-langoy-aso.









Kitam.  Sobrang adventure-packed ng Bolinao and it is not-your-usual island hopping getaway.  Unique ang mga tourist spots.  Mura lang ang bilihin.  Mababait pa ang mga tao.

At ito siguro ang dahilan kung bakit andaming kwento ni Glentot.  


BOLINAO, the TU-TUT of Pangasinan. 
(Alamin nyo na lang sa Wickedmouth kung ano yung TU-TUT!)



Monday, March 19, 2012

Si MA

...  sa palagay ko, ang pinaka-gala, kikay, stariray, konpidante, talentada at pinaka-dyaporms na mudrax sa balat ng lupa! 

Di ba nga, nung nakaraang awarding ng PEBA, pakaway-kaway pa sya sa entablado.  Suma-Shamcey?  Maraming fans?  E ang pagkakaalam ko, iilan na lang kaming natira sa Ma-You-Rock! Fans Club na nabuo nung kasagsagan ng Charantia commercial nya.  Sayang.  Ninais ko pa naman sanang maging talent manager.  Oh well.  

Nung nasa Hong Kong naman.  Mali ata ang rinig kay Kuya Kim.  Naka-winter clothes!  MA, may niyebe?  Talagang may fur ang hood?


  

Sa mga swimming namin, kung ilang araw kami mag-i-stay don, ganon din karami ang dala nyang swimsuit.  Iba kada araw. 

Pangit daw kasi tingnan sa album kung isang swimsuit lang ang makikitang gamit nya sa iba't-ibang lugar na pinuntahan nya.  Parang ang dugyot daw.  Sabagay,  may point si MA.      

At partida, 4-times pa syang na-cesarean nyan.  





         
Sya si MA.  Ang aking cool Mama.  Mukha lang syang komplikado saka high-maintenance.  Pero sa totoo lang, napaka-simple lang ng kaligayahan nya.

Mag-malling (kahit walang bibilhin).  Kasama kami.  Manood ng TV o kaya ng sine (o kaya ng pirated CDs).  Kasama kami.  Kumain sa Jollibee (o sa kahit anong resto depende kung sino ang taya).  Kasama kami.  Magpa-foot-spa sa Reyes Haircutters (at umulit-ulit kahit na namerder na ng paulit-ulit).  Kasama ulit kami. 

Ayun kasi talaga ang KALIGAYAHAN ni MA.  Ang MAKASAMA kami.

Napakasimple di ba?

Kaya kung si MA man ang pinaka-gala, kikay, stariray, konpidante, talentada at pinaka-dyaporms na mudrax sa balat ng lupa, BY ALL MEANS, she deserve it... 

For all the sleepless nights when we were still kids.  For every waking mornings to prepare us for each day.  And for letting us find ourselves in this big, big world... 

  


SALAMAT MA!
HAPPY MOTHER's DAY!


***  HMD kasi dito sa UAE ngayong Marso at na-miss lang bigla si MA  ***